CHANCES
CHANCES
Bumalik na nga sa trabaho si Kim, during breaktime ay nagtetext ito, mga bandang alas sais na ng hapon
at break ng mga panahong yun, "Kim..... o my god!" tumatakbong sabi ni Ate Porschia, "dali dali....!
tingnan mo 'to" inaabot ni Ate Porschia kay Kim ang Ipad na bigay nito sa kanya nung christmas "bakit ba
ate?" tanong ni Kim at tiningnan niya kung ano ang tinutukoy ni Ate POrschia nakita nito ang isang
site nakabukas roon isang showbiz site "sino kaya ang aktres na ito na nakitang pinapasok sa ospital,
habang karga karga ng isang famous basketball player?" naka blur kasi ang picture at parang ginawang
blind item iyon, medyo nagulat si Kim pero nang ma process na sa utak niya ay "ano naman ang bago sa
ganito Ate" natahimik si Ate Porschia at napatingin kay Kim na parang kinikilig at sumasang-ayon sa
sinabi nito "oo nga ano nga ba ang bago sas ganito?......... pero aminin mo Kim ikaw yan diba!?" paninigurong
tanong ni Ate Porschia "oo.. ako yan pero hindi ko rin kasi matandaan na kinarga niya pa ako...."
kinilig si Kim ng maisip niya na kinarga nga pala siya ni simon "tingnan mo oh naka baseball cap kapa!..
ang cute naman!" sabi ni Ate POrschia sa sobrang kilig. Nanatiling blind item ang tungkol sa kanya at
kay Simon hangga't sa pinangalanan na nga sila, sugod naman agad ang mga reporter sa set or kahit na
saang makikita si Kim at Simon pero bilang hindi rin naman showbiz na tao si Simon ay hindi niya alam
kung ano ang isasagot niya, kung aaminin ba niya naa oo sila nga yun ni Kim or hindi nalang magsasalita,
habang si Kim naman ay nalulusutan ang mga repoter "Princess.... may mga repoter dito eh.....anong sasabihin
ko?" paghingi ng tulong at paalam kay Kim "ikaw...... ano ba ang dapat nilang malaman.? kung ano sa
tingin mo yung dapat sayo at dapat nilang malaman yun ang sabihin mo" sagot ni Kim bilang pagpapaubaya
niya sa sitwasyon, inisip ni simon kung aaminin niya na siya nga ang nagdala kay Kim sa Ospital ay
baka mas dumami pa ang reports sa kanila "Simon nag-uusap parin ba kayo ni Kim!?" tanong ng isang reporter
"oo... nagte-text kami..." maikling sagot ni Simon "are you courting her!?" tanong pa ulit ng isa
"siguro you know naman may intentions for her..... my feelings for her... pero i don't wanna rush things..
every decisions must come from her." malalim at buong respetong sagot ni Simon para kay Kim " nagkita
na ba kayo!?" dagdag pa ulit "ahhhmmm... basta masaya siya kasama... magaan.... i love her company."
sabay alis si Simon at bumalik na sa training. Sa lahat ng umiikot na balita about kina Simon at Kim
ay hindi maiwasan na tanungin si Gerald bilang ex ni Kim "Gerald anong masasabi mo sa panliligaw di umano
ni Simon Atkins kay Kim Chiu?" tanong ng isang repoter sa isang ambush interview "ahmm.... syempre magandang
babae talaga si Kim at mabait kya hindi na nakakagulat kung marami ang nanliligaw sa kanya...........
and about Simon i didn't know him personally kaya ..... hindi ko alam"... "constant padin ba ang communication
nyo ni Kim..? nakukwento niya ba sa iyo ang tungkol rito..?" tanong ulit bilang alam ng lahat na since
nagkahiwalay ang dalawa ay Gerald was really trying to win Kim back, kitang kita ito sa ilang programang
nagsasama ang dalawa pag back stage na parang nilalapitan ni Gerald si Kim at nagiging gentleman ito ulit
sa kanya "oo naman... magkaibigan kami ni Kim ..... but wala siyang nababanggit about this...." sagot ni
Gerald "so naniniwala ka bang nililigawan nga ni Simon Atkins si Kim Chiu?"..... " i really don't know...
siguro wala na akong masasabi tungkol jan... hindi ko talaga alam" pagtapos ni gerald sa mga katanungan.
Hindi man obvious ay nagseselos nga si Gerald about sa mga pangyayari at parang may humahadlang sa plano
nito para magkabalikan sila ulit ni Kim. Nang ASAP na ulit ay nagkita syempre si Kim at si Gerald, at
as usual ay nanonood si Simon sa bahay nila. Nang matapos ang opening prod ay bumalik na ang lahat sa
dressing room at bilang wala pa namang prod sina Kim at Gerald ay nanatili sila roon.
Habang nakatingin sa salamin si Kim at inaayos ang damit ay dumating si Gerald, una siyang nakita ni Maja
na papasok sa pinto kaya agad niyang sinitsitan si Kim "pssst!" mahinang tawag ni Maja, napatingin naman
agad si Kim kay Maja at tinuro nito si Gerald na papalapit "Kim!?" masayang bati ni Gerald kay Kim,
napatingin ulit si Kim kay Maja at si Maja naman ay napakagat labi at umiling lang "oi Ge!?".....
umupo si Ge sa mesa ng dresser ni Kim "kumusta?" tanong ni Gerald "hmmph? ano yun.? syempre ok lang ako noh!"
parang nanibago si Kim at yun lang ang pinunta ni Gerald sa dressing room "ahmm... totoo ba?...."
kinabahan si Kim sa itatanong ni Gerald, syempre alam naman nito how Gerald was trying to win her back, per
sinabi narin naman ni Kim na okay na sa kanya na magkaibigan nalang sila pero Gerald still insist, baka
kasi itanong ni Gerald kung totoong nanliligaw si Simon sa kanya at bilang may pinagsamahan naman sila
ay ayaw nitong masaktan niya si Gerald "ang alin?" tanong ni Kim at napatingin kay Maja sa salamin, ulit
kinagat lang ni Maja ang labi nito na parang sinasabi "patay! sibat na ako" at tumayo naman si Maja at
umalis "na ospital ka raw...?" tanong ni Gerald kay Kim "ah yun ba? oo pero wala lang yun... allergy...
last week pa yun nung last sunday!.... dito sa Asap... may nakain kasi ako...." pautal utal na paliwanag
ni Kim "talaga!?.. buti naman at ayos ka lang" .... "yes naman!.. still alive and kicking.." putol ni Kim
sa sinasabi ni Gerald na parang gustong ilihis ang topic "bakit hindi mo ako tinawagan o tinext man lang?
sino nagdala sayo sa ospital...." nag-aalalang tono no Gerald "eh nasa Bangkok ka kaya... alangan ba namang
itext at tawagin pa kita....?" natulala si Gerald at hindi man sinasadya ni Kim ay parang nasampal sa pagmumukha
nito na hindi na siya ng boyfriend nito, nasanay kasi ito dati na ultimo pag uwi kahit madaling araw na
eh sinsundo niya parin ito or kahit na anong emergency, malaki man o maliit ay siya ang unang tinatawagan ni
Kim, "ahm... wala na yun.. okay lang naman ako eh" hindi na sinagot ni Kim ang tanong ni Gerald kung sino
ang nagdala sa kanya sa ospital, nang mapansin ni Kim na natamhimik si Gerald ay nagtanong si Kim
"Ge!?... ayos ka lang..?" tinitingnan ni Kim si Gerald na nakatingin ng diretso sa baba "ah!.. oo sige
balik muna ako dun" sabi ni Gerald at bumalik sa dressing room nila. Ilang sandali pa matapos ang
isang prod ni Kim ay may dumating na siomai padala daw ni Gerald, "salamat Ge!" text ni Kim kay Gerald
na nasa dressing room nila.
Comments