CHANCES

CHANCES

 

Habang busy si Kim at wala sa bansa ay pinipilit niya paring mag reach out kay Simon, siya na nga ang nagsabi na
 
libangin nito ang sarili at walang problema sa kanya na sumamang gumimik sa mga kaibigan nito. Naiintindahan
 
naman ni Simon si Kim, ngunit habang tumatagal ay napapalitan ito ng pagkabagot. Sumasama si Simon sa mga 
 
kaibigan nitong gumimik at syempre andun si Sam, at tulad ng dati ay lapit ng lapit si Sam kay Simon. Nung una
 
ay umiiwas si Simon pero kinalaunan ay hinayaan nalang din niya ito, kung minsan pa nga ay lumalabas pa ang dalawa
 
pero alam ni Simon na hindi niya gusto o walang kahit na anong pagmamahal ang nararamdaman niya kay Sam, ang
 
rason niya sa sarili ay bagot lang ito at gusto niyang malibang. "Kuya Edgar!? asan ka? oo andito na kami....
 
sige hintayin ka namin" tawag ni Kim sa Driver nito dahil nagpasundo ito sa kanya, kakarating lang kasi nito
 
galing ibang bansa matapos ang lahat ng taping nito doon, kasama niya ang kanyang handler na si Ate Porschia,
 
hapon na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan nila sa NAIA.
 
Hindi pa nagtagal ay dumating narin si Kuya Edgar at kinarga lahat ng bagahe ni Kim sa sasakyan "sige Ate Porschia,
 
Kuya Egdar pakihatid nalang muna si Ate Porschia sa bahay niya tapos ihatid mo narin yung mga bagahe ko sa 
 
bahay ko ha?... hindi na ako sasabay may pupuntahan pa ako" paalam ni Kim sa dalawa "sigurado ka? wala ka pang
 
pahinga ah? ni hindi na ko matandaan kung kailan ka nakatulog ng apat na oras man lang?" nag-aalalang tanong 
 
ni Ate Porschia "opo Ate... okay lang tsaka iniwan ko dito yung isang kotse... sige po" at nagpaalam na nga
 
sina Ate Porschia at Kuya Edgar kay Kim, pinuntahan niya naman ang kotse nito sa isang pay parking area, 
 
iniwan niya kasi ito roon bago umalis two weeks ago. Nag-drive papunta kina Simon si Kim, hindi na niya ito 
 
sinabihan dahil gusto niya itong surpresahin, nag door bell si Kim sa bahay ng mga Atkins at ang dinatnan 
 
niya doon ay ang Mama ni Simon "hello po Tita?" bati ni Kim sa Mommy ni Simon "o Hija!?" gulat na reaksyon
 
nito "Kumusta kana? ang tagal kitang hindi nakita ah?" dagdag pa nito "ah opo..... pasensya na po naging 
 
busy lang kasi masyado" paliwanag ni Kim "talaga? san ka ba galing, tingnan mo ang lalim na ng mata mo.?..."
 
pang-uusisa pa ng mommy ni Simon "naging busy lang po talaga masyado... kakarating ko lang din kasi galing
 
ibang bansa may project eh" ani ni Kim "nakuh? talaga? kawawa ka naman? halika pasok ka at nang maipaghanda
 
kita ng mirienda? kumain ka na ba?" ibeta nito kay Kim "nakuh wag na po!..." mabilis na tanggi ni Kim 
 
"ahmmm... si Simon nga po pala?" tanong ni Kim "ahh? si Simon? nakuh pasensya ka na.. wala siya dito eh....
 
pumunta dun sa kaibigan niya may birthday party daw" paliwanag ng Mommy ni Simon "ganun po ba?".........
 
"puntahan mo nalang hija? malapit lang naman... sigurado ako matutuwa yun pag nakita ka" alok nito kay Kim 
 
at sinabi kung nasaan ang bahay ng kaibigan ni Simon. Pinuntahan naman ito ni Kim at buti nalang at nahanap niya
 
ito agad, madami rin ang tao, nahihiyang pumasok si Kim at baka sabihing gate crasher siya pero kinuha nalang
 
niya ang isang baseball cap, yun yung piinasuot sa kanya ni Simon dati at binigay na sa kanya, sinuot niya ito
 
para hindi siya makilala ng mga tao dun. Papasok ka palang ng gate ay malakas na ang tugtog na maririnig mo,
 
lahat nagkakatuwaan, nag-iinuman at nagsasayawan. Buti nalang at hindi na napansin ng mga tao si Kim dahil 
 
abala sila sa sarili nilang ginagawa, hinanap ni Kim si Simon sa buong bahay at nakita niya ito sa pool side,
 
mag-isa itong nakatayo at lumilingon lingon mula sa bar sa loob ng bahay, lalapitan niya na ito nang biglang
 
may lumapit kay Simon, si Sam, may dala dalang inumin para sa kanilang dalawa sabay pulupot ang dalawa sa 
 
kanilang mga tagiliran at sumasayaw sa tugtog. Napatitig lang si Kim sa di kalayuang distansya, umaasa siya 
 
na makikita siya ni Simon pero tumalikod ang dalawa at nagsasasayaw-sayaw. Hindi maintindihan ni Kim ang 
 
nararamdaman sa mga sandaling iyon, gustong niyang lapitan si Simon at salubungin ng yakap dahil gusto nitong
 
bumawi at dahil nami-miss narin niya ito. Ilang sandali din ang itinayo ni Kim doon pero naging abala na si Simon
 
kaya nagpasya nalang itong umuwi. Habang papalabas si Simon ay may nakabangga pa siyang isang babae na halatang
 
sosyal at mayaman at natapon kay Kim ang dala nitong inumin "what the!??... my god! your so stupid!! tumingin
 
ka kasi sa dinadaanan mo!? tatanga tanga!" pang-mumura ng babae, sandaling nalingon ang atensyon ng lahat sa 
 
kanila, at agad namang binaba ni Kim ang sombrero nito para matakpan ang mukha "sorry... pasensya na.." 
 
at mabilis na kumaripas papalabas si Kim, nakiusisa din si Simon sa kung ano ang nangyayari pero nakalabas na 
 
si Kim "my god!? sino ba kasi yun!?  she's weirdo!!?" sigaw pa ng babae sa mga kaibigan nito.  Ilang 
 
araw pa ang lumipas simula nang dumating si Kim sa bansa pero hindi parin ito alam ni Simon at hindi narin 
 
nasabi ni Kim dahil nakalimutan niya na dahil naging busy na ito ulit. Sabado ng umaga, maagang pumunta si
 
Kim sa ABS CBN para mag-rehearse sa ASAP bukas.... "mah FRIEND!!!!!" sigaw ni Maja kay Kim habang tumatakbo 
 
papunta sa kanya "ma friend!!kailan ka pa dumating!! miss na miss kita!"..... "nung thursday pa!.... ako din
 
miss na miss kita!?" ani ni Kim "ano!? bakit hindi ko alam!?" tanong ni Maja "hindi ko narin nasabi eh kasi
 
aging busy ulit... nakalimutan ko na" dahilan ni Kim "nakuh! sobrang sikat naman kasi!...." tukso ni Maja
 
"hmm? ano ka ba Mah Friend!!?"....... matapos ang masayang batian na iyon ay nagrehearse na ng mga gagawin 
 
ang lahat, tanghali na ng matapos ang rehearsal ni Kim at Maja wala kasi silang masyadong prod ngayon kasi
 
sila ang magho-host at magsi-spiel kaya kunti lang ang prod nila. "mah friend kain tayo!?" yaya ni Maja kay
 
Kim at agad naman na pumayag si Kim. Habang kumakain ay nagkukwentuhan ang dalawa "nagkita na kyo ulit?"
 
tanong ni Maja kay Kim "nino?" naguguluhang tanong ni Kim "ni Simon..." bulalas ni Maja "hindi... hindi niya
 
rin alam na dumating na ako....." sabi ni Kim "ano!?" gulat na sagot ni Kim "oo... matagal na rin kaming 
 
hindi nagkita..... siguro mag-iisang buwan na?" paliwanag ni Kim "talaga!?.... ahhmmm ang alam ko may laban
 
sila ngayon.... punta tayo?" imbeta ni Maja, nagdadalawang isip si Kim, lalo't hindi narin niya alam kung ano
 
na ba talaga ang meron sila ni Simon, tsaka yung nakita niya nung issang araw.... pero inisip niya rin baka
 
naman friend parin sila ni Sam at wala lang yun... "sige tara!" payag ni Kim, matapos nilang kumain ay pumunta
 
sila sa Araneta coliseum para manood ng basketball game nina Simon at ng isa pang school, syempre dun sila umupo
 
sa inner box, malapit sa court. Naging mainit at mahigpit ang labanan sa dalawang team at sa dulo ng 4th quarter
 
ay nanalo padin sina Simon, hinila ni Maja si Kim para lumapit sila dun sa mga benches na inuupuan ng mga players,
 
sa courtside, nakabase ball cap ang dalawa at syempre gamit ni Kim ang bigay ni Simon. Nang makalapit na sila 
 
ay lumapit si Maja kina Simon para tawagin ang pansin nito pero bago pa niya matawag ang pansin ni Simon ay
 
nagtatatalong yumakap si Sam kay Simon at nakarga pa niya ito "oaaaah!!! ang galing mo talaga!!! player of the
 
game pa!!" sabi ni Sam habang nakayakap ito kay Simon at tumatawa ng malakas, nakita ni Maja lahat at inis
 
na inis ito sa dalawa gusto niya ngang batuhin para maghiwalay eh, matapos makita ni Kim kung ano ang nakita 
 
ni Maja ay napadungo nalang ito, ngayon alam na niya kung ano ang nararamdaman niya, nasasaktan siya sa nakikita 
 
niya kung kanina ay tuwang tuwa siya sa pagkapanalo nina Simon ngayon ay hindi na alam kung ano ang emosyong
 
mababasa mo sa mukha nito, nakangiti nga pero halos umiyak na. Napatingin naman agad si Maja kay Kim matapos
 
ang nakita "Mah Friend?"mouthing words ni Maja habang nakatingin si Kim, nginitian lang naman siya ni Kim at 
 
binaba pa ang cap para matakpan ang mukha niya sabay tango na parang sinasabing "tara na?". Tumalikod na si 
 
Kim para maglakad palabas, inis na inis naman si Maja sa mga nangyayari, basta ang alam niya naaawa siya sa
 
kaibigan nito at hindi niya hahayaan na walang gawin. Tinanggal ni Maja ang baseball cap na suot nito at inayos
 
ng mabuti ang buhok, at tulad ng balak niya nakatawag siya ng pansin ng mga taong naroon "oi si Maja!?" sigaw
 
ng karamihan,  sabay lapit ni Maja kay Kim "mah friend? bakit mo tinanggal?" tukoy ni Kim sa sombrero ni Maja,
 
at nakilala din ng iba na si Kim ang kasama ni Maja "Mah Friend... pasensya na... pero nakakabwesit lang eh....
 
akala mo kung sinong gwapo...... ipakita mo sa kanya kung ganu kaganda!?" paliwanag ni Maja na nakangiti padin
 
dahil kaliwa't kanan ang kumukuha ng litrato. Tinanggal din ni Kim ang baseball cap nito at nakumperma ng mga
 
tao na si Kim Chiu nga ang nandoon, agad na nag-umpukan ang mga tao sa kinaroroonan nina Kim, madami ang nagpa-
 
picture. "what's going on up there?" tanong ni Sam habang nakaakbay kay Simon "Pare ano daw nangyari don?"
 
pasimpleng tanong ni Simon sa isang lalaking napadaan "anjan daw sina Maja at Kim Chiu!" sabi pa nung isang lalaki.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
adul21 #1
hello po sa inyo...... eto na naman po ako.... pasensya na po pero hindi ko talaga matapos yung isang fanfic...... mahirap po kasi talaga..... binaha po kami dito sa city namin..... opo taga ILIGAN CITY po ako..... so medyo tumengga ang utak ko sa mga nangyayari samin dito..... please tulungan nyo po kaming magdasal...... sana po talaga maintindihan nyo..... pero eto na po nagsusulat na ako ulit para umusad naman ako.....
adul21 #2
HELLO PO!..... alam ko po masyado nang overdue yung hinihingi ko na extension..... pasensya na po talaga hehe kasi po nag shift ako ng course this sem. and it was a culture shock for me.... and it was exam week for me before the break, but I PROMISE.... I will post the new FANFIC BEFORE christmas... pamasko ko narin po sa inyo...... nasa CHAPTER 15 na ako dun hangga't sa matengga na nga... hehe... sana po abangan nyo parin....
adul21 #3
pasensya na po to keep you waiting.......... malayo-layo narin po ako dun sa isa..... but I just can't post it now..... kasi masyadong madami akong gustong ilagay..... it's giving me hard time para palusot lusutin ang sitwasyon sa istorya...... gusto ko tapos na siya bago ko i post para if ever na may maisip ako mas maganda masingit ko nalang..... thank you po ulit......
cflores28 #4
that's really a great news! i hope you can start posting now. :)
adul21 #5
slowly completing the draft of the next story.... abangan hehe....
cflores28 #6
I hope you can make more stories. It love reading it!
adul21 #7
maraming salamat po.. for being good to me on my first try..... had thought of another plot but it won't be this light.... pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko... hehehe anyways maraming salamat ulit
143kimon
#8
@Adul21 Oh, thanks naman kung ganun!!... hahahha... I love it talaga.. Ang sarap mag-asssume dba?!? lalo na kung iniisip mo na totoo iyong mga nasusulat mo.... Sarap lang sa feeling na nasi-share natin ung,, mga nai-imagine natin, sa ibang kimon.....
adul21 #9
@143kimon maraming salamat po!!! since napaka private kasi ng dalawa eh kung ano ano na tuloy iniisip ko... ahahaha kung minsan nagiging over assuming na ako sa mga tweets ni Simon dati.... ahaha kabaliwan ko lang, and yung sa star magic ball, sinulat ko yun nung mga ilang araw nalang bago ung totoong star magic ball hoping na sila ang magkasama ahahaha kabaliwan ulit... pero salamat po sa pagbabasa, sana din maka update kana, i'm reading yours too :D
143kimon
#10
Oh my god adul21!!!!..... Ang ganda.... Parehas talaga tau ng mga nasa isip,,, yung ibang ideas at scenes na nakasulat,,naisip ko na rin,,,.. Sarap lang sa feeling na hindi lang pla ako ang nakakaiisip ng mga scences na ganun...... Wahhhhhaaaaaaa!!!..... i love it...... <br />