CHANCES
CHANCES
Matapos ang mga nangyari ay mas nagtiyaga si Gerald na ligawan si Kim, parati na niya itong dinadalaw
sa set ng taping ni Kim at parating may dalang pagkain at bulaklak. "good evening my princess!.... alam
ko busy ka pero wag mong kalimutang kumain" text ni Simon kay Kim alas syete na ng gabi "salamat po....
ikaw din" text ni Kim kay Simon "san ka pala ngayon nag taping?" tanong ni Simon, balak niya kasing puntahan
nalang ito kung medyo malapit, at sinabi nga ni Kim ang location nila "malapit lang sa amin yan...."
sabi ni Simon, hindi naman nag-reply agad si Kim "pwede bang pumunta jan?" tanong pa ni Simon "ikaw...?"
\
sagot ni Kim.. "Kim?" biglang may tumawag sa pangalan niya at kilala niya kung kanino ang ang boses na yun
\
"Ge!?" nakita niya si Gerald na may dalang pagkain "eto o... kain kana.. alam ko hindi kapa kumakain"
sabi ni Gerald habang binubuksan ang mga pagkain "Ge... bakit?... ahm... hindi mo naman kailangang gawin
to eh" hindi malamang sasabihin ni Kim, nasasaktan si Gerald kapag natatandaan niya na hindi na siya ang
boyfriend ni Kim at lalo na kung mismong manggaling ito kay Kim "Kim.... hayaan mo na ako.... alam mo nama
n
kung....." naputol ang sabi ni Gerald "Ge.... napag-usapan na natin to." napaiwas ng tingin si Kim
nang sabihin niya yun "alam ko...... pero umaasa parin ako na... "... "sige na kain nalang tayo... wow! ang
sarap naman nito" pag-iwas ni Kim sabay text si Kim "Sai... ahm wag nalang muna... sa susunod promise...
babawi ako take na kasi eh... wala nang tigil to" paliwanag ni Kim kay Simon, habang nagtetext si Kim ay
hindi maiwasang tumingin ni Gerald at parang bising busy ito sa pagti-text, nakita nito na si Simon ang
katext ni Kim. Tahimik ang dalawa habang kumakain "madalas kayong nagti-text ni Simon.?" basag ni Gerald
sa katahimikan, natigilan si Kim at nalunok ang kinakain nito "ahm.... oo" tipid na sagot ni Kim
"nagkita na kayo!? dating?" apuradong tanong ni Gerald kay Kim habang sumusubo ng pagkain at hindi diretsong
matingnan si Kim "...isang beses lang naman kaming nagkita..... pero.." nangingiting sagot ni Kim habang
nakatingin si Gerald, hindi mapigilan ni Gerald na masaktan sa nakikita nito, masaya siya oo dahil
nakikita niyang masaya si Kim pero iba ang nagpapaligaya rito, agad namang nahinto si Kim nang mapansin nito
ang mga pinagsasabi "ano ba 'tong pinagsasabi ko" sabi niya sa sarili "Ge!?.... ahm pasensya kana.."
paumanhin ni Kim "huh? bakit?" sagot ni Gerald, rinig sa boses ni Gerald na hindi siya natutuwa at
gets naman ni Kim na nasaktan niya si Gerald "tapusin na nga lang natin 'to" sabi ni Kim at kumain sila
ng kumain. Nang matapos silang kumain ay "salamat Ge ah" pagpapasalamat ni Kim kay Gerald "ayos lang...
pwede bang dalawin kita ulit?" pahabol na tanong ni Gerald "ahm... wag na. may pupuntahan pa kasi ako
bukas." sabi ni Kim "sunduin nalang kita" pamimilit ni Gerald "hindi! wag na... talaga" todong iwas ni
Kim. "Sige mauna na ako tinatawag na ako eh" paalam ni Kim kay Gerald sabay punta sa set, pansin na pansin
ni Gerald ang pag-iwas ni Kim sa mga sinasabi nito. Mag aalas sais na ng umaga ng matapos si Kim sa
taping at 8 nanaman ang susunod niyang call time, "pack-up na!... good morning..." text ni Kim kay Simon
at sa mga kaibigan niya. Ilang sandali pa mga 6:30 ay nagising si simon para mag-jogging at nabasa niya
ang text ni Kim "kawawa naman ang princess ko... inumaga nanaman" sabi nito sa sarili, hindi na niya ito
tinext at baka tulog pa si Kim at maisturbo pa niya ito. Nakaidlip si Kim buti nalang nakaset lahat ng
schedule niya sa reminder ng cellphone niya kaya nang 7 na ay nag-alarm ang cell phone niya at nagising
na siya. "gising ng maaga para humaba ang araw.... good morning ulit" text ulit ni Kim kay Simon at sa mga
kaibigan niya, kakatapos pa lang ni Simon na mag-jogging ng mataggap niya ang text ni Kim, nagulat siya
na si Kim ang nag text "hmm? gising na ba siya.?" tanong ni Simon sa sarili" at nabasa na nga niya ang
text ni Kim "bilis namang nagising ng princess ko...... good morning din" reply ni Simon napangiti si
Kim nang makita niya na si Simon ang nag text "oo nga eh... 8 kasi call time ko... ikaw? ba't ang aga mo?
may pasok ka?" tanong ni Kim dahil nag-aaral pa si Simon at graduating na sa kursong AB psychology
"hindi.. wala naman... nagja-jogging talaga ako sa ganitong oras.... kain ka muna ha.. bago bumalik
sa trabaho...." paalala ni Simon kay Kim "opo... eto na kumakain ng cerials" reply ni Kim habang
pinapapak ang cerials na may gatas. Pumunta si Kim sa trabaho at the day turned as usual days goes by.
"Kim!... sabi ni Direk... maaga daw tayong magpa-pack up..." sabi ni Ate Porschia "po.? anong oras daw.?"
tanong ni Kim "2 daw ng hapon" bulalas pa ni Ate Porschia. "ano? aga naman... akala ko 10 ng gabi..."
gulat na reaksyon ni Kim eh kasi ang maaga na pack para sa kanya is 11-12 ng hating gabi "oo daw......
may pupuntahan ata eh" paliwanag pa ni Ate Porschia. Nang mga 1:30 na ng hapon ay nagtext si Kim
kay Simon "Sai.... may gagawin kaba mamayang alas dos?" tanong ni Kim "wala naman... nasa labas ako eh
nagpa hardbound lang ng thesis namin... bakit?" agad na sagot ni Simon "ahm... bakante kasi ako ngayon"
sabi ni Kim "talaga!?........ ahm... sige.. sunduin nalang kita.?" tanong ni Simon kay Kim "o sige....
para makabawi naman ako" eksaktong alas dos ay dumating si Simon sa set pero kunti nalang ang tatapusin ni
Kim kaya pinag-antay nalang niya ito sa loob ng tent niya. Ilang sandali pa ay dumating rin si Gerald pero
bago siya makarating sa tent ni Kim ay nakita niya si Ate Porschia "Ate Porschia....? si Kim ho?" tanong
nito kay Ate Porschia "ah Ge!... nakasalang pa eh..... pero kunti nalang to" sagot ni Ate Porschia
"o sige po... antayin ko nalang siya sa tent niya" sagot ni Gerald kay Ate Porschia sabay lakad papuntang
sa tent ni Kim, nang papasok na siya sa tent ay hinawi ng hangin ang takip nito at nasilip si Simon sa loob
at nakaupo. Nagulat ito sa nakita, "bakit andito yan?" tanong sa sarili ni Gerald, tumalikod si Gerald at
umuwi nalang ito nang magkasalubong sila ni Kim "oh! Ge!?... ba't andito ka?.... halika muna sa loob..."
pang-iimbeta kay Gerald sa loob ng tent niya at nakita niya si Simon na nakaupo din doon "o my god!....
sira talaga ako...." sabi sa sarili ni Kim, pero wala na siyang magagawa dahil andito na 'to eh.
"ahmm... Ge... si Simon...... and Sai si Gerald.. guess you know him.?" pagpapakilala ni Kim sa dalawa,
nagulat si Simon sa mga pangyayari, hindi niya inaasahan na magkikita sila ni Gerald ang ex-boyfriend ni
Kim "hi..."sabi ni Simon sabay abot ng kanang kamay para makipag-kamay. "nice to meet you" sabi rin ni
Gerald, umupo si Kim sa harap ng salamin at inayos ang mga gamit "Ge... bakit nga pala nandito.?" tanong
ni Kim kay Gerald "aaah..? wala... kasi.... may... napadaan ako sa area tapos dumaan narin ako" pagsisinungaling
ni Gerald "pero.... aalis narin ako... may appointment kasi ako eh... late na nga ako eh.. sige mauna na ako".
Nakahinga ng maluwag si Kim ng lumabas at tuluyan nang umuwi si Gerald, samantala tinatanong ni Gerald
sa sarili kung bakit siya lang ang tinanong ni Kim kung bakit siya nandun samantalang nandun rin naman
Simon "so..... ano yun.? talagang magkikita sila?" tanong pa ni Gerald sa sarili, gusto niyang bumalik
roon at pigilan si Kim na sumama kay Simon at tanungin si Simon kung ano ang ginagawa niya roon. Aminado
si Gerald na halos mamatay na siya sa selos at gustong gusto niya nang sapakin si Simon pero alam niyang
wala na siyang karapatan pa. "Cap sandali lang ah.... magpapalit lang ako" paalam ni Kim kay Simon,
agad siyang nagpalit, nagsuot siya ng plad top na white, shorts tsaka wedges, at dinala na ang
favorite bag niya for the moment ang orange hermes bag niya at nilagay ang sling cord nito tsaka hindi
narin niya ginalaw ang buhok niya dahil mas matatagalan pa siya hinayaan niya itong nakabuhaghag at wavy
mula kanina. "tara na!" sabi ni Kim kay Simon, at hindi nabigo si Simon na mabighani nanaman kay Kim,
kung tutuusin napakasimple lang ng suot ni Kim at yung bag lang ang mamahalin ay napakaganda na nito
sa paningin ni Simon. "ok let's go" sabay kinuha ni Simon ang hermes bag ni Kim na nakapatong sa dresser,
siya na ang nagbitbit nito, habang palabas ang dalawa ng tent ay napacute ng dalawa, nauunang maglakad
si Simon bilang naka rubber shoes lang ito tapos si Kim nakahawak lang sa swelas ng manggas ni Simon.
Pinagbuksan muna ni Simon si Kim ng pintuan bago pumasok sa driver's seat at tuluyan nang umalis, nang
hindi alam na nandun padin si Gerald sa loob ng kotse niya, naluha si Gerald sa mga nakita, nasaktan ng
husto ang binata at hindi niya inaasahan na aabot sa ganito na hindi na niya kayang bawiin ulit si Kim.
Comments