CHANCES

CHANCES

 

Hindi man kumpirmado na naging sila ay alam naman ng dalawa kung ano ang nararamdaman nila para sa isa't isa.
 
Binuhos ni Kim ang lahat ng panahon sa kanyang trabaho, walang araw na binakante niya ang oras at pag-iisip niya
 
 
para makalimutan ang nangyari at si Simon, halos 24 hours na siyang nagtatrabaho at paidlip idlip nalang
 
kung minsan, ni pagkain ay hindi na niya binibigyang pansin. Ganun rin si Simon, pagkatapos ng mga practice
 
ay sumasama nalang sa mga kaibigan, pero pansin ng lahat ang paglamya ng laro ni Simon, hindi siya ma-focus
 
sa tuwing may laban sila, isang beses na silang natalo at ilang beses muntikang matalo dahil hindi matuon ang
 
pansin ni Simon sa laban. Mag-iisang buwang naging ganito ang gawi ng dalawa pero naging malaking 
 
dagok ito kay Kim dahil halos wala na siyang pahinga at nakakalimutan naring kumain. "Kuya Edgar umuwi na kayo
 
ni Ate Porschia....... balik nalang kayo mamayang pagkatapos ng rehearsals" bilin ni Kim kina Ate Porschia at Kuya 
 
Edgar para makauwi, 24 hours mang nagtatrabaho si Kim ay hindi naman niya kinukunsume sina Ate Porschia,
 
Ate Haydee at Kuya Edgar, ang kanyang handler, driver at make-up artists. "sigurado ka? ikaw? hindi ka pa
 
nakakatulog ah?" tanong ni Ate Porschia "ahmm opo.... ayos lang ako..." Sabado na kasi ng umaga nang makarating 
 
sila ng maynila mula sa isang out of town na trabaho at dumiretso na siya sa rehearsal ng ASAP, whole day silang
 
nag practice, madami kasi ang gagawin na prod ni Kim, isa pa yung para sa launching ng bago niyang soap, 
 
kung saan sasakay siya sa isang parang circle na ring tapos itaas ng harness, matagal at ginugulan ito ng
 
panahon, paulit ulit itong ini-pratice para masiguradong ligtas ito at so far naman walang naging aberya.
 
Nang mag-lunch na ay nagpa-practice padin si Kim kaya pinilit pilit pa siya ni Maja para sumamang kumain.
 
Si Maja ang nag-order ng pagkain, napakarami nitong inorder para marami raw makain si Kim dahil alam niya
 
na hindi pa nakakakain ng matino ang kaibigan nito. "kailan ka pa ba nakatulog? yung totoong tulog ah? hindi 
 
idlip o power nap?" nag-aalalang tanong ni Maja "Ma Friend... okay lang naman ako eh... kaya ko" pangungumbinsi
 
ni Kim "siguro nga okay ka ngayon pero panu kung bigla kanalang mag break down yang katawan mo? wala kanang
 
pahinga...." sermon pa ni Maja "ai nakuh! ayos lang ako promise...." at hindi na napilit si Kim. Kinagabihan
 
matapos ang rehearsal ay nagsiuiwan na ang lahat "Ma Friend? tara labas naman tayo?" yaya ni Kim kay Maja,
 
pumayag naman agad si Maja pero kumain muna sila at tulad kanina sinigurado ni Maja na malaki ang kakainin
 
ng kaibigan niya "mag shopping tayo?" yaya ulit ni Kim kay Maja "hai nakuh!...... ayoko... uuwi ka na...
 
uuwi na tayo! okay? para makatulog ka naman..... halika na!" naiinis nang hinila ni Maja si Kim papuntang sasakyan.
 
Nakauwi man ng ten ng gabi si Kim ay hindi parin siya nakatulog ng maaga, nanood, nag-ayos ng damit para bukas,
 
nagbasa pa ng scripts, at inorganize ulit ang schedule niya. Kaya inumaga nanaman siya bago nakatulog. Tulad
 
ng dati ay maagang nagpunta si Kim sa ASAP, at nag general rehearsals na ang lahat, habang nagri-rehearse
 
ay parang walang lakas ang tuhod ni Kim at parang nanginginig pa dahil sa kawalan ng tulog, kaya agad siyang
 
nagtimpla ng kape, pero hindi parin ito nawala, maya maya pa  ay nagpapawis na siya ng malamig, nahihilo at
 
kung minsan ay panandaliang dumidilim ang paningin pero hindi narin niya ito bingyang pansin dahil alam niya
 
na dahil lang sa tulog ito. Nang bandang eleven na ng tanghali ay may nagsidatingan na mga lalaki sa backstage 
 
at nakita ni Kim ang isang kasamahan ni Simon sa basketball "sino sila ?" tanong agad ni Kim kay Maja
 
"ah?... NCAA at UAAP players..... basket ball... sasayaw sila mamaya para sa dance U" paliwanag ni Maja,
 
kinabahan si Kim ng marinig na basketball players ng NCAA at UAAP ang mga yun pero nawala rin ito dahil wala
 
naman dun si Simon, kaya pumasok na siya sa dressing room at naligo para magising na ng todo ang katawan at 
 
utak niya. Nag-cue na ang direktor at nagsimula na nga ang show, habang nagsasayaw sa prod ay mapapansin na
 
hindi todo ang sayaw ni Kim, madalas itong nawawala sa steps at pinagpapawisan pa siya, nang matapos ang
 
opening prod at makabalik sa backstage ay hindi na napigilang mag-alala ni Maja "hoi! ok ka lang!" tanong 
 
ni Maja "ah... oo" tulirong sagot nito "sigurado ka? kanina ka pa pinagpapawisan ah?" pilit ni Maja 
 
"oo ayos lang ako.... mainit lang siguro..." palusot ni Kim "ano eh kakaligo mo lang ulit" pangungulit pa
 
ni Maja "wala... okay lang ako talaga... lika na" pag-iwas ni Kim sa mga tanong ni Maja nang hindi nila
 
alam na nasa di kalayuan si Simon, nakikinig at tinitingnan si Kim, kasama siya sa sasayaw sa dance U mamaya
 
na-late lang ng unti. Bago maglakad pabalik sa dressing room ay huminga ng malalim si Kim, napansin naman
 
ni Simon na may nangyayari kay  Kim. Matapos magpalit ni Kim ng skin tone na tights and leotards na bidazzled
 
ay umupo lang siya sa dresser niya, tinukod ang braso sabay hawak sa batok nito, pinagpapawisan parin siya
 
ng malamig at medyo nahihilo kaya andun lang siya at pumikit sa pagbabaka sakaling mawala iyon habang naghihintay
 
ng cue niya para sa prod. Ilang sandali pa tinawag na siya kaya agad siyang lumabas ng dressing room 
 
pero bago siya lumabas ng stage ay tinanong ulit siya ni Maja "Mah Friend!? okay ka lang ba talaga? huh.....
 
kanina ka pa ganyan...." nag-aalalang tono ni Maja "tsssss ayos lang ako... sige na... panoorin mo ako wish 
 
me luck" lumabas na nga siya at at sumakay doon sa lifter, habang tinataas ito ay hindi parin nawawala ang pagkahilo
 
ni Kim at minsan ay dumidilim na ang paningin, "lord! please... maitawid ko lang to" dasal ni Kim ng tahimik.
 
Habang nasa taas ay nakita niya si Simon na nanonood mula sa backstage "so kasama pala talaga siya" sabi niya 
 
sa sarili, at nang matapos siyang i-introduce ng voice over ay nagsimula na ang kanta "FLY by Rihanna" ang tugtog.
 
Binigay ni Kim ang lahat ng energy niya para lang matapos ang prod na yun, hilong hilo na talaga siya 
 
pero salamat padin at hindi siya bumabagsak ng tuluyan, nung sa last part ay kailangan niya ulit sumakay 
 
sa lifter at itaas ulit siya, habang hawak hawak ang kamay niya ng isang dancer at umuupo sa lifter au nakahawak
 
ito ng mahigpit sa kanya at mismo ang dancer ay napansin ang panginginig at panlalamig ni Kim, kung minsan
 
ay napapapikit ng ilang segundo si Kim sa hilo at samantalang hindi na mapalagay si Maja at Simon habang 
 
pinapanood siya "ano ba ang nangyayari sa kanya?", "o my god! sana matapos niya man lang ang prod na yan"
 
bulungan ng mga tao sa backstage "okay lang ba siya?" hindi napigilang tanong ni Simon kay Maja "ahmmm....
 
hindi eh.... sabi niya ayos lang siya pero halata namang hindi" naiinis man si Maja kay Simon ay hindi 
 
na niya ito matandaan dahil sa pag-aalala kay Kim "ano bang nangyari sa kanya?" tanong pa ni Simon "hindi 
 
ko rin alam" sabi ni Maja. Samantala habang nakataas si Kim at naghihintay nalang sa cue na tapos na ang 
 
prod ay mahigpit siyang nakahawak sa hawakan ng lifter, nang matapos ang kanta ay hindi makapaghintay na 
 
bumaba si Kim dahil hilong hilo na siya at nanginginig na ang tuhod at kamay niya, agad na 
 
nag-commercial break matapos ang kanta samantalang nasa taas pa si Kim "susunod na ang nag-iisang 
 
primetime princess Kim Chiu at ang My Binondo Girl" sabi sa voice over habang dahan dahan binababa ang
 
lifter, nang binababa na ito ay hindi na matiis ni Kim ang labis na hilong nararamdaman niya, nandilim na
 
ang paningin ni Kim at nawala sa sarili niya pero masyado pang mataas ito, dahan dahang bumubulusok ang 
 
paningin ni Kim pero buti nalang at nabuhayan ulit siya at napahawak sa hawakan, samantalang napasigaw na sa likod 
 
si Maja nang makitang muntikang mahulog si Kim. Nang makababa na si Kim ay gustong gusto siyang lapitan
 
at alalayan ni Simon pero nauna nang dumating si  Gerald, hindi malamang selos at sakit ang naramdaman ni 
 
Simon sa mga oras na iyon. "salamat" pagpapasalamat ni Kim kay Gerald habang naglalakad papuntang backstage,
 
"ano ba kasi nangyari sayo? huh?" tanong pa ni Gerald pero hindi na sumagot si Kim. Nang makapasok na sa
 
 backstage si Kim at Gerald ay nakita ni Kim si Maja at Simon na magkasamang nilalapitan siya "Kim!!! oh my god!! salamat diyos....
 
buti nalang at walang nangyari sayo!!" alalang alalang sabi ni Maja "ok na..." wala sa sariling sabi ni Kim at nilingon niya si Simon sabay
 
ngiti kahit nahihirapan siya. "lika na punta na tayo sa dressing room tapos magpahinga kana" hawak ni Maja
 
kay Kim sa tagiliran. "sige mauna na kami" paumanhin ng dalawa kay Simon at Gerald, ayaw sanang humiwalay ng dalawa pero
 
pero pinangunahan na sila ng hiya kay Kim lalo na si Simon. Pagkapasok na pagkapasok nina Maja at kay Kim sa pintuan ng dressing 
 
room ay hindi na napigilan ni Kim at nagdilim na ng tuluyan ang paningin nito at tuluyang bumagsak. 
 
"Kim!!!" sigaw ng lahat ng tao sa dressing room sabay labasan rin ng mga boys sa dressing room nila,
 
nagulat at nag-alala ang lahat ng tao roon, pero sa panahong iyon ay hindi na nag-atubiling puntahan at
 
buhatin ni Simon sa Kim, laking gulat naman ng lahat ng makita na si Simon ang nagbubuhat kay Kim, napaiwas
 
nalang ng tingin si Gerald nang makitang buhat buhat ni Simon si Kim.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
adul21 #1
hello po sa inyo...... eto na naman po ako.... pasensya na po pero hindi ko talaga matapos yung isang fanfic...... mahirap po kasi talaga..... binaha po kami dito sa city namin..... opo taga ILIGAN CITY po ako..... so medyo tumengga ang utak ko sa mga nangyayari samin dito..... please tulungan nyo po kaming magdasal...... sana po talaga maintindihan nyo..... pero eto na po nagsusulat na ako ulit para umusad naman ako.....
adul21 #2
HELLO PO!..... alam ko po masyado nang overdue yung hinihingi ko na extension..... pasensya na po talaga hehe kasi po nag shift ako ng course this sem. and it was a culture shock for me.... and it was exam week for me before the break, but I PROMISE.... I will post the new FANFIC BEFORE christmas... pamasko ko narin po sa inyo...... nasa CHAPTER 15 na ako dun hangga't sa matengga na nga... hehe... sana po abangan nyo parin....
adul21 #3
pasensya na po to keep you waiting.......... malayo-layo narin po ako dun sa isa..... but I just can't post it now..... kasi masyadong madami akong gustong ilagay..... it's giving me hard time para palusot lusutin ang sitwasyon sa istorya...... gusto ko tapos na siya bago ko i post para if ever na may maisip ako mas maganda masingit ko nalang..... thank you po ulit......
cflores28 #4
that's really a great news! i hope you can start posting now. :)
adul21 #5
slowly completing the draft of the next story.... abangan hehe....
cflores28 #6
I hope you can make more stories. It love reading it!
adul21 #7
maraming salamat po.. for being good to me on my first try..... had thought of another plot but it won't be this light.... pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko... hehehe anyways maraming salamat ulit
143kimon
#8
@Adul21 Oh, thanks naman kung ganun!!... hahahha... I love it talaga.. Ang sarap mag-asssume dba?!? lalo na kung iniisip mo na totoo iyong mga nasusulat mo.... Sarap lang sa feeling na nasi-share natin ung,, mga nai-imagine natin, sa ibang kimon.....
adul21 #9
@143kimon maraming salamat po!!! since napaka private kasi ng dalawa eh kung ano ano na tuloy iniisip ko... ahahaha kung minsan nagiging over assuming na ako sa mga tweets ni Simon dati.... ahaha kabaliwan ko lang, and yung sa star magic ball, sinulat ko yun nung mga ilang araw nalang bago ung totoong star magic ball hoping na sila ang magkasama ahahaha kabaliwan ulit... pero salamat po sa pagbabasa, sana din maka update kana, i'm reading yours too :D
143kimon
#10
Oh my god adul21!!!!..... Ang ganda.... Parehas talaga tau ng mga nasa isip,,, yung ibang ideas at scenes na nakasulat,,naisip ko na rin,,,.. Sarap lang sa feeling na hindi lang pla ako ang nakakaiisip ng mga scences na ganun...... Wahhhhhaaaaaaa!!!..... i love it...... <br />