Chapter Nine

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

[KINABUKASAN]

Nagising ako na masakit ang ulo, dama ko na rin yung init na tumatama sa mukha ko mula sa sinag ng araw. Ilang ulit akong pumikit at dumilat bago bumangon, inunat ko pa yung mga braso ko.

"Si Irene?" napatingin ako sa katawan ko. "Si Irene!" tumayo ako at tinignan yung bed sheets. "May dugo? MAY DUGO?!!" nagsuot ako ng boxer shorts at lumabas ng kwarto ko. "Irene?" pati kwarto ni You I sinilip ko, pero wala si Irene. "Na saan na yun?" bumalik ako sa kwarto ko para maligo na muna.

Pagpasok ko sa banyo, basa pa yung sahig tanda na may naligo doon.

"Anong oras na ba?" naligo na ako para mabawasan yung sakit ng ulo ko at magising yung sistema.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng pang-bahay dahil wala naman ako pupuntahan ngayong araw bukod sa dinner mamaya. Pumunata ako sa kusina para uminom ng tubig, napukaw naman yung atensyon ko ng sticky note na nakadit sa pinto ng ref.

'Seungwannie,
     Sorry I have to leave early, there's a sudden meeting with the board members about sa issues ng band. Nakapag-luto pa naman ako bago umalis, eat breakfast when you wake up, update mo rin ako.

Rene<3'

Napangiti na lang ako bago maglakad papunta sa hapagkainan at nakita yung mga pagkain na nakatakip, may nakadikit din na sticky note sa takip ng mga pagkain.

'Seungwannie,
      I tried, promise I tried. Pero nakalimutan ko lagyan ng asin yung scrambled egg, ang mahalaga walang nasunog sa mga niluto ko. Nanghihina pa yung mga hita at binti ko, kaya huwag kang magrereklamo sa mga niluto, kainin mo yan lahat, I love you :3

Rene<3'

Napatakip ako sa bibig ko.

"Sulat pa lang, busog na ako, kung pwede ko lang kainin 'tong papel." bumalik ako sa kwarto ko para itabi yung mga sticky note at kuhain yung cellphone ko.

Nagtataka ako dahil napakaraming notification sa Sistargram ko, wala naman akong bagong post, at bihira lang akong magpost sa Sistargram, pero hindi naman ako nakakatanggap ng ganito, maliban na lang sa post ko na kasama si Irene.

"Nag-mukha pa akong clout chaser, kapag kasama si Irene sa post ko." natatawang bulong ko bago umupo sa harap ng hapagkainan.

[Sistargram: @renebae mentioned you in her post.] 

Agad kong pinindot yung notification na yun. Picture yun ng kamay ni Irene habang nakasuot sa palasingsingan niya yung can tab na sinuot ko sa kaniya kagabi.

renebae He married me ten years ago, and I thanked him for doing that, I love you my wannie @seungsonwan ❤️💙 

comments
deulgi: ayoko nang maging single, bahala kayo diyan

limarioman: yown oh, kinasal na pala nag-drama ka pa sa canada @sengsonwan

ostrichyeon: wala 'to, parang hindi invited sa kasal ko, hindi nag-invite

rubyj: halaaaaa parang iba naman yung nangyari ten years ago at hindi kasal yun :D

kimdubs: sana all nakapag-canada after ng kasal XD

kimyerim: not gonna lie, ganiyan talaga yung singsing na naisip kong ibibigay ni kuya sayo @renebae

chae.o.: very typical son seungwan, kung anu lang makitang improviser 

seungsonwan: expect the unexpected ;)

renebae: buti naman gising na, ikaw na sumagot sa mga tanong nila HAHAHAHAHA

seungsonwan: anu po ba ang tanong?

mimasaurmina: kasalan na ba this? T^T

seungsonwan: sakalan na HAHAHAHAHA mag-ready na kayo ha

ohmysehun: ready na ako, sino bang sasakalin?

hunterjeong: wala na, da demon waz sumon

deulgi: sakalan na, basta si @ohmysehun yung uunahin, palag?

ohmysehun: wala 'to @deulgi, hindi dapat sinasagot yan kapag ganiyan HAHAHAHAHA

deulgi: huwag, baka ma-manidest T^T @ohmysehun

kimyerim: yes na po agad @deulgi, like ate @renebae

seungsonwan: tinapos na, @deulgi congrats sikat ka na HAHAHAHAHA

Tinawagan ko na si Irene dahil nagagalit na siya sa text messages, video call yung ginawa ko para makita namin yung isa't isa.

"Hello?" kumaway pa ako sa kaniya.

"Ang tagal magreply ha, na-enjoy masyado makipagsagutan?" natawa ako sa sinabi niya. "Kumain ka na ba?"

"Kakain pa lang, natatawa kasi ako sa ibang comments ng fans mo tsaka ng mga kaibigan natin."

"Inuna pa yung cellphone."

"Sorry na, ito na nga oh, kakain na." pinakita ko pa sa kaniya na kumain ako.

"Anong oras ka pala aalis mamaya?"

"Siguro 5pm, sa mansion kasi ni Chairman Son, kaya medyo malayo, dalawang oras din yung magiging biyahe." tumango siya.

"Tinatawagan ko si Chaewon, hindi niya sinasagot yung tawag ko."

"Gusto mong tawagan ko siya? Baka natatakot sayo kaya hindi niya masagot yung tawag mo." natatawang saad ko.

"No it's fine, magkikita rin naman kami mamaya, sana sumipot siya. Nung sinabi ko kasing pupunta si Kazuha, bigla siyang naging yes or no sa replies niya."

"Akala ko ba gusto niyang makausap si Kazuha?" kita ko yung pagkibit balikat ni Irene.

"Pero sana talaga sumipot siya mamaya, para makapag-usap din silang dalawa."

"Susubukan ko na lang din siyang tawagan, baka napuyat din yun kagabi, natutulog pa siguro." tumango siya.

"Sorry love, I have to go, itutuloy na namin yung meeting. See yahhhh." tinapos na niya yung tawag.

Habang kumakain ako, sinusubukan kong tawagan si Chaewon, pero hindi niya sinasagot yung tawag ko.

"Mamaya na lang siguro." kumain na lang muna ako at ninamnam yung pagkain na niluto ni Irene.

Pagkatapos kong kumain, tumambay na muna ako sa sala at nanuod ng palabas. Nang mag-alas dose na, kinuha ko yung damit na pinaggawa ni mom para sa'kin.

"Normal dinner lang naman, bakit kailangan pa ng bago at galanteng damit." bulong na reklamo ko paglabas ng boutique clothing.

Pagbalik ko sa condo ko, naligo na muna ako ulit at mabilis na nag-ayos ng sarili ko.

"Good afternoon, si Irene nandiyan?" tanong ko sa babaeng nasa front desk ng kompanya ni Irene. "It's a surprise visit sana, so can you not inform her?" sambit ko nang hawakan niya yung telepeno na nasa harap niya.

"Yes po, nasa opisina niya po siya ngayon."

"Pwede na ba akong umakyat?" tumango lang siya at lnilahad pa yung mga kamay niya sa daan papuntang elevator.

"Kuya?"

"Oh? Minjeong, bakit nagmamadali ka?" sambit ko dahil humahangos pa siya nang habulin yung pagsara ng elevator.

"Si Chaewon kasi kuya, wala sa condo niya, hindi rin namin matawagan. Pero sabi ni ate Irene, hayaan na muna at baka gusto niyang mapag-isa." tumango ako.

"Bakit ka nga nagmamadali?"

"Natatae na kasi ako kuya." sambit niya bago pindutin yung 3rd floor na susunod nang floor. "Sige kuya, goods kasi bidet dito maligamgam lang yung tubig." tumakbo na siya palabas habang nakahawak sa pwet niya.

"Good afternoon, si Irene?" tanong ko sa sekretarya ni Irene.

"Nasa loob po, may kausap pa." 

"May I? Mabilis lang naman ako." tumango lang naman siya kaya tumuloy na ako sa opisina ni Irene.

"Uhm, Seungwan?"

"Oh, I want to surprise you, sana." sambit ko.

"Well, I'm surprised." pinalapit niya ako sa kaniya.

"I bought flowers for you." hinalikan ko siya sa labi bago i-abot yung bouquet na dala ko. "Hello, Kazuha." kumaway ako sa kaniya at bahagyang nag-bow, nag-bow lang naman siya.

"Didiretso ka na?" tumango ako.

"I just want to visit you, and tell you I love you, in person." natawa siya.

"Shut up, ang cheesy."

"Aalis na siguro ako, sorry sa interruption." tumango si Irene.

"Ingat ka sa biyahe, dumaan ka pa talaga dito."

"Syempre I miss you, see you tomorrow, baka bukas na ako maka-uwi." tumango siya bago yumakap sa'kin.

"I love you." bulong niya bago humalik sa pisngi ko.

"Sige na mauuna na muna ako." nagpaalam ako sa kanilang dalawa bago umalis.

Habang nasa biyahe ako, panay na ang tawag sa'kin ni dad, paniguradong iniisip na niyang hindi ako tutuloy. Hinayaan ko lang na tumunog yung cellphone ko hanggang sa makarating na ako sa mansion ni Chairman Son.

Napabuntong hininga na lang ako habang bumabiyahe sa malawak na kalsada at napapaligiran ng mga puno at halaman, nang makarating ako sa tapat ng mismong mansion ni Chairman Son, kinuha ko muna yung mga gamit ko bago bumaba ng sasakyan.

"More sermons to come." umakyat na ako ng hagdanan palapit sa mismong pintuan ng mansion at pinindot yung doorbell.

Ilang segudo lang yung lumipas, dahan dahan nang bumukas yung pintuan at bumungad sa'kin yung dalawang kasambay ni Chairman Son na silang nagbukas ng pintuan.

"Thank you po." nag-bow pa ako sa kanila bago tuluyang pumasok ng mansion.

"Glad you made it." yumakap sa'kin si mom. "Your dad was furious, bakit kasi hindi mo sinasagot yung tawag niya."

"Because, I'm driving?" natatawang saad ko, hinampas ako ni mom sa balikat. "Biro lang ma."

"Anyway, male-late sila nang konti, so samahan mo na muna yung mga kapatid mo sa sala." tumango ako. "Kakausapin ko lang yung dad mo."

"Talk well, with your husband." napa-iling na lang siya sa biro ko.

Medyo malayo sa pintuan yung sala kaya ilang segundo pa bago ako nakarating dun, bumungad agad sa'kin yung malaking portrait ni Chairman Son with my great grandma, at sa paligid nun yung picture ng mga anak nila tapos anak ng mga anak nila.

"Magkakaroon na ng kasama si You I, dahil ikakasal ka na." pang-aasar sa'kin ni kuya Sehun habang nakaturo sa picture ni You I na nakasunod sa picture ko.

"Kasal pa lang yung pag-uusapan, nasa anak ka na?" bahagya ko siyang tinulak. "Tsaka walang kasal na magaganap, ipapaliwanag ko na lang mamaya sa dinner."

"Okay, umupo ka na rin, tapos na yung laro namin kanina." bumalik na siya sa pwesto niya kanina, sumunod naman ako at tumabi kay Chaeyoung.

"Here, ikaw na unang mag-roll ng dice." sambit ni Yeri bago i-abot sa'kin yung dice at sumunod na silang tatlo.

Yeri got the highest, then kuya Sehun, me, and Chaeyoung got the lowest. We're playing snake and ladders with a twist, you have to be in 100 without remaining steps, just to make the game longer and fun.

"I really hate the twist, kanina pa sana ako tapos, but I have to go back because of the remaining steps." inis na saad ni Yeri.

"Ikalma mo lang, nagmamadali ka kasi masyado." si kuya Sehun.

"Kahit naman hindi magmadali kuya, ganun pa rin dahil dalawa yung dice natin." si Chaeyoung.

"Malamang, paano mo matatawag na dice kung isa lang gamit natin." bahagya pang hinampas ni kuya si Chaeyoung sa braso.

"Just six, please." bulong ko bago pagulungin yung dice. "Hays, buti na lang, una akong natapos." masayang saad ko.

"Kung sinuswerte nga naman, kuya palit muna tayo ng kamay." saad ni Chaeyoung.

"Bilisan mo na kuya, para ako na." saad ni Yeri habang nakatingin kay Chaeyoung.

"Ito naman, oo na." tumayo pa si Chaeyoung bago ihipan yung nakasara niyang kamao at pagulungin yung dice. "Yun naman talaga oh, nakatapos din." masayang saad ni Chaeyoung.

"Paano ba yan kuya, mukhang ikaw ang mapipitik sa noo." nakangiting saad ni Yeri kay kuya Sehun tsaka pinagulong yung dice. "Arghhh, nakakainis naman."

"Excited ka kasi masyado eh." kinuha na ni kuya Sehun yung dice at tumayo, ginaya niya pa yung ginawa ni Chaeyoung kanina bago pagulungin yung dice. "Okay, ready mo na yung noo mo." natatawang saad ni kuya Sehun nang makatapos na rin siya.

"Nakakainis naman eh." nakangusong saad ni Yeri.

Nauna akong pumitik sa noo niya, sa'kin pa lang namula na agad yung noo niya. Si Chaeyoung naman, halos hindi na ata tumama yung daliri niya nang pitikin niya sa noo si Yeri. Nung si kuya Sehun na yung pipitik kay Yeri, ang dami niya pang sinasabi na, laro lang yun at huwag seseryosohin ni Yeri.

"Aray!!" sigaw ni Yeri dahil sa lakas nang pagkakkapitik ni kuya Sehun sa noo niya.

Nagmadali naman kaming tatlo tumakbo nung kumuha na ng unan si Yeri, nangunguna pa si kuya Sehun dahil sa lakas ba naman ng pagkakapitik niya, siguradong malakas din yung pag-bawi na gagawin ni Yeri sa kaniya.

"I miss those days." napahinto kami sa pagtakbo at napatingala kay Chairman Son na nasa pangalawang palapag pa at nakatingin sa'min. "I still remember how small the four of you were running around, running while laughing and teasing each other."

Nagkatinginan na lang kaming tatlo bago tignan si Yeri na malapit na sa'min, natalisod pa siya sa long dress na suot niya kaya sabay sabay kaming kumilos para masalo siya.

"Aray." sambit ko nang matumba kaming apat sa sahig.

"Anu ba kayo, ang tatanda niyo na, magsi-tayo nga kayo diyan." saway sa'min ni dad.

Naunang tumayo si kuya Sehun at tinulungan si Yeri bago i-abot sa'kin yung kamay niya, nilahad ko naman yung kamay ko kay Chaeyoung nang makatayo ako.

"Hayaan mo sila, minsan ko na lang silang makita na ganiyan." sambit ni Chairman Son bago maglakad pababa ng hagdan.

Agad naman kaming naglakad para salubungin siya, nang makahakbang na siya sa pinaka huling baitang ng hagdanan sabay sabay kaming nag-bow sa kaniya.

"Halika na at pumunta na tayo sa hapagkainan, malapit na raw sila." sambit ni Chairman Son kaya umayos na kami nang pagkakatayo.

"Seungwan, can we talk for awhile?" tumingin ako kay dad bago lumapit sa kaniya, hinintay niya munang makalayo sila Chairman Son sa'min. "Alam kong marami tayong hindi pagkakaintindihan, pero sana. Dito sa bagay na 'to, sundin mo ako?"

"Pero dad, nasabi ko nam-"

"Please Seungwan, you really have to do this, for You I." tinapik pa ako ni dad sa balikat bago siya sumunod kela Chairman Son.

Ilang minuto ang lumipas nakita ko si You I na pababa sa hagdanan kasama si mom.

'Is this really for You I?'

Nginitian ko siya at inilahad yung kamay ko.

Nung mga oras na pinag-uusapan namin ni dad yung tungkol sa kasal, si You I talaga yung nasa isip ko. Iniisip ko na, kapag tinuloy ko yung kasal magkakaroon na ng buong pamilya si You I. Hindi ko man kilala o hindi ko man mahal yung taong papakasalan ko, handa akong matutunan yun para kay You I.

'Para kay You I.'

"You look gorgeous." nakangiting sambit ko.

"Thank you daddy, mommy lola and tita Yeri bought this dress for me." bahagya kong niluhod yung kaliwang tuhod ko para pantayan siya.

"For you, baby." sambit ko bago siya halikan sa noo. "Let's go?" tumayo na ako nang maayos at tumingin kay mom.

"Like what I said, kung handa ka naman nang ipaglaban si Irene, gawin mo kung anu man yung sa tingin mo ay tama." inayos ni mom yung suit na suot ko bago iangkla yung braso niya sa braso ko.

Sabay kaming tatlo na naglakad, sa kanan ko si You I, si mom naman sa kaliwa. Napabuntong hininga na lang ako, pinilit kong ngumiti pero parang mali ata na ginawa ko yun.

'Para kay You I o yung bagay na alam kong tama?'

Nang makaupo na kami kaharap yung hapagkainan, kinalabit ako ni You I at pinapalapit sa kaniya.

"Choose what you think is right, daddy. I know that whatever is right for you, is also right for me." bulong niya sa mismong tenga ko.

'And Irene is right for us.'

"I want to call this wedding off." napahinto sila sa pag-uusap at napatingin sa'kin. "Dad, I know that I agreed with this wedding. But right now dad, I can't, I just can't marry someone I don't know." napatingin ako kay Chairman Son. "Lolo, please?"

"Seungwan? Kakasabi ko lang sayo, you have to do this."

"If that's what you want." sambit ni Chairman Son.

"Pero lolo?"

"Seungyeon, malalaki na yung mga anak mo, at hinding hindi mo sila pwedeng pigilan na piliin yung gusto at magpapasaya sa kanila." tumingin sa'kin si Chairman Son. "You can call this wedding off, pero sa ngayon let's have dinner with them. At least let's give some respect to them, and consider their time that is consumed to get here."

"Salamat po, Chairman Son."

"Seungwan, mag-usap tayo mamaya." napatingin lang ako kay dad, dahil hindi ko na alam yung gagawin ko para makumbinse siya.

"Seungyeon, I already decided about it. Pag-usapan na lang natin yan mamaya, after dinner."

"Nagugulat ako sayo, bigla bigla ka na lang nagsasalita diyan, magsabi ka nga muna." bulong ni kuya Sehun sa'kin.

"Sorry kuya, I just felt the urge to say it." natatawa siyang napatango bago ako tapikin sa likod.

"Kalma ka lang kasi, nandito naman kami, may back up ka."

"Nandito na po sila, Chairman Son." napatingin kaming lahat sa kasambahay na nagsalita. "Tuloy na po kayo."

Napatakip ako sa bibig ko para magpigil ng tawa nang makita yung mga bisita namin.

"Don't be rude to our guest." sambit ni Chairman Son bago kami senyasan na tumayo.

"Good evening." sambit naming magkakapatid bago mag-bow.

"Maupo na kayo nang makapag-simula na tayo." sambit ni Chairman Son. "Pakilabas na ng mga pagkain." pumalakpak pa si Chairman Son ng dalawang beses.

"Umupo na kayo." utos sa'min ni mom.

Nagpipigil pa rin kami nila kuya at Chaeyoung ng tawa namin. Paano ba naman kasi, naka-masquerade mask yung mga bisita namin.

"Hindi ba parang na-over do naman nila yung outfit nila? I mean, okay at maganda naman, pero it's just dinner." bulong ko kay kuya Sehun.

"Sayo pa talaga nanggaling yan?" natatawang saad ni kuya na nagpakunot ng noo ko.

"Can I give him an idea, why do we look like this?" napatingin ako sa babaeng kaharap ko.

'Bakit kaboses ni Irene yun?!'

"Sure, no problem." sambit ni Yeri na mapag-asar na tumingin sa'kin, sinilip niya pa talaga ako dahil nasa pagitan naming dalawa sina You I at Chaeyoung.

"Here." sambit nung babae.

"Ouch." napahawak pa ako sa dibdib ko kung saan tumama yung binato niya. "Notebook?" kunot na kunot na yung noo ko dahil sa pagtataka.

'Seungwan's mini lifeline'

"Lifeline?" takang basa ko dun sa nakasulat sa cover ng notebook.

"Bilisan mo na at basahin mo yung nasa pinakalikod." tinignan ko yung babaeng kaboses ni Irene.

'5 things to do before getting married with Rene, my Bae Irene:
1st ask her to marry me of course.
2nd make sure that i already have a stable job.
3rd have dinner with her family in a masquerade mask.
4th give her a beautiful engagement ring.
5th take her somewhere she feels at peace.'

"Ehem." pag-ubo ko. "Uhm, so yeah?" tinignan ko sila isa isa.

"Yes, that's Irene." bulong sa'kin ni kuya Sehun.

"You know?" tanong ko sa kaniya.

"Everyone does, even You I knows about it." natatawang saad ni kuya Sehun.

"Really, Seungwan? Masquerade mask?" napakamot ako sa ulo ko bago tignan si Irene.

"It's... I... I can't even remember when I wrote this." pilit pa akong ngumiti.

"You two may leave now, we prepared a fine dine outside for the both of you." sambit ni Chairman Son.

"Tumayo ka na, baka hindi pa matuloy yung kasal dahil sa inis sayo niyan." saad ni kuya Sehun.

Tumayo na ako at lumapit kay Irene. May dalawang kasambahay naman ang sumama sa'min palabas ng mansion.

"I can't really imagine, you do something like a list before marrying me." sambit ni Irene habang nakahawak sa braso ko.

"Ako rin naman, hindi ko talaga maalala na may ganun akong sinulat." natatawang saad ko.

"Naka-flats lang pala ako ngayon, buti at natatago sa long dress."

"No worries, you look beautiful and stunning pa rin naman." hinampas niya ako sa braso.

"Bolero talaga."

Nakarating na kami sa harap ng fountain at sa hindi kalayuan may lamesa na para sa aming dalawa. Inalalayan ko siya sa pag-upo bago ako umupo sa pwesto ko.

"Ihahatid na lang po namin yung mga pagkain niyo." nagpasalamat kami ni Irene sa kasambahay na sumama sa'min bago sila maglakad palayo.

"Masakit pa rin?"

"Akala ko hindi mo na itatanong eh, kaya nga binanggit ko sayo na naka-flats ako." tumango ako.

"Mawawala rin yan, i-massage ko mamaya."

"Huwag na, baka saan na naman mapunta." natatawang saad niya. "Oo nga pala, You I texted me earlier, tinatanong niya kung lilipat na raw ako sa condo mo."

"Siguro for now, visits each other's condo muna? I mean—yes we love each other and we're getting married soon." napatakip ako sa bibig ko. "Anu ba yan kinikilig talaga ako, pero we still have to consider that we both have names to protect. Wala akong pake sa sasabihin ng mga tao, pero kasi ang dami mo pang problema sa ngayon."

"Right, but we can sleep naman together whenever we want, diba?"

"Grabe naman, ang clingy mo masyado sa'kin. Oo na, I'm all yours." inirapan niya ako.

"Parang ikaw hindi ha." tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa likuran niya. "Why?"

"I just want to see your beautiful face." tinanggal ko sa paglalabuhol yung tali ng masquerade mask niya. "I miss you so much." pinatong ko yung baba ko sa balikat niya tsaka siya hinalikan sa pisngi.

"Maupo ka na, you can hug me naman mamaya, let's talk muna." sinunod ko lang siya at naghintay sa sasabihin niya. "It's about Kazuha and Chaewon."

"We can talk about that naman mamaya."

"Naba-bother kasi talaga ako, pagkatapos sabihin sa'kin lahat ni Kazuha, tingin ko kailangan natin silang tulungan." tinitigan kong mabuti kung gaano kaseryoso yung itsura ni Irene. "Siguro nga ayaw na ni Kazuha na makilala pa si Chaewon ng anak nila bilang parte ng pamilya nila, pero si Chaewon lang yung makakatulong sa kanila."

"Makakatulong, saan?"

"Na makaalis sila Kazuha sa bahay ng mga magulang niya. Ang sabi ni Kazuha, hindi niya naranasan na maging parte ng pamilya nila dahil nga para lang siyang utusan na laging nakasunod sa mga sasabihin nila. Pero kay Chaewon nakahanap siya ng pamilya, pinaranas sa kaniya ni Chaewon lahat nang gusto niyang maramdaman." bumuntong hininga si Irene.

"Pero nakagawa ng pagkakamali si Chaewon?" tumango si Irene.

"Halos gawin na talagang trabahador ng pamilya niya si Kazuha nung malaman nilang buntis siya, pero wala siyang matakbuhan, kasi kahit si Chaewon ayaw tanggapin yung anak nila. Nagtiis si Kazuha hanggang sa manganak siya, nanuluyan na muna siya at nagtago sa bahay ng kaibigan niya. Pero nung mag-isang taon na yung anak niya, nahanap siya ng mga magulang niya at sapilitan siyang pinabalik sa bahay nila."

"Eh paanong si Chaewon lang ang makakatulong kay Kazuha?"

"Kay Chaewon lang naman siya willing na magpakasal, kahit na anong nangyari sa kanilang dalawa, kay Chaewon pa rin niya gustong ikasal." napabuntong hininga kaming pareho.

Sakto namang dumating na yung mga pagkain namin, kaya pinalitan na rin namin yung paksa ng usapan namin.

'Masaya dapat kami, masaya.'

"May plano ka na ba bukas?" tumingin ako kay Irene.

"Wala naman, tinanong ko rin kasi si Seulgi kung pwede niya munang saluhin yung shift ko bukas."

"Let's go somewhere?"

"Hmm, beach?" ngumiti siya. "Of course I know you, bukas."

"Sama natin si You I."

"Sure ka?" tumango siya. "Akala ko kami lang, yikes."

"May binubulong ka?" agad naman akong umiling.

Pagkatapos naming kumain, inaya ko siya na humiga sa damuhan. Inilatag ko yung suit ko para yun yung higaan naming dalawa.

"I was about to call the wedding off." tumingin siya sa'kin. "Desidido na talaga ako sayo eh, kaya sabi ko kanina na hindi ko talaga itutuloy yung kasal."

"Eh ngayon? Hindi mo pa rin ba itutuloy?"

"Itutuloy ko syempre, sabi nga ni You I sa'kin, I know what's the right for me, is right for her." tumagilid ako para harapin siya. "I'm excited to have a family with you."

"We already have one." hinawakan niya ako sa mukha. "You I will have her own and whole family." hahalikan ko na sana si Irene sa labi nang marinig ko yung boses ni You I.

"Daddy?!!" bumangon ako at tinaas yung kamay ko.

"Here baby." luminga pa siya nang ilang segundo bago ako makita.

"Daddy, you forgot this." may inabot siyang maliit na kahon sa'kin. "Ako pumili niyan."

"Oh, thank you."

"Babalik na po ako sa loob, good luck daddy." kumaway pa siya sa'kin bago tumakbo paalis.

"What's that?" tinignan ko si Irene na naka-upo na rin.

"Let's do this." tumayo ako at inilahad yung kamay ko kay Irene, halata naman yung pagtataka sa mukha niya pero humawak lang siya sa kamay ko para makatayo.

"Kailangan na ba nating pumasok sa loob?" umiling ako.

"Irene, alam kong hindi natin inaasahan yung pagkakataon na 'to, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako handa para sayo." iniluhod ko yung kaliwang tuhod ko. "Ate Rene, my Bae Irene. Will you marry me?" binuksan ko yung maliit na kahong hawak ko.

"Yes, I will marry you, Seungwan." inilahad niya yung kaliwang kamay niya, hinawakan ko yun at hinalikan bago isuot yung singsing sa palasingsingan niya.

"I love you." sambit ko bago tumayo at yumakap sa kaniya.

"I love you."

"May I have a dance with you?" tanong ko bago kuhain yung cellphone ko.

"Yes you may." pinlay ko yung Like Water sa cellphone ko bago siya marahan na isayaw.

"Yung pinapangarap ko nang ilang taon, mangyayari na." bulong ko sa kaniya. "Ang pakasalan ka." hinalikan ko siya sa noo.

"We both dream about it." yumakap siya sa'kin tsaka pinatong yung ulo niya sa balikat ko.

Nang makabalik na kami sa mansion ni Chairman Son, nasa hapagkainan pa rin sila at nagkukwentuhan.

"Anu Seungwan? Papalitan na ba kita sa kasal?" natatawang tanong ni kuya Sehun sa'kin.

"No need, kaya ko na 'to."

"They're planning to go somewhere tomorrow, why don't you two tag along?" si Chairman Son.

"Saan po ba?"

"Sa beach na malapit lang dito, that papa lolo owns." sambit ni Yeri.

"Balak din sana naming umalis bukas, pero pwede naman sama sama na lang tayo." napatingin ako kay Irene nang sabihin niya yun. "What?" umiling ako.

"Wala na, di na talaga makakapag-solo." nakangusong bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala, wala." nakangiting saad ko.

"Well, it's all settled, kung may isasama pa kayong mga kaibigan niyo, just tell me nang mapasundo natin silang lahat bukas." sambit ni Chairman Son.

"You already have your moment with her, let us be." sambit ni ate Tiffany nang makalapit siya sa'min kasama sila Yeri at ate Suzy.

"Umoo?" tanong sa'kin ni ate Suzy, tumango naman ako. "Sayang, ako sana yung kasunod sa pila." natawa na lang ako sa sinabi niya bago sila maglakad paalis.

"Gutom pa ako, itutuloy ko lang." bumalik ako sa pwesto ko kanina tsaka kumain.

"Oo nga pala, how are the Hunters? Lalo na si Chaewon?" napatingin ako kay tito nang tanungin niya yun.

"Si Minjeong, mukhang masaya naman at nae-enjoy yung pagiging magulang kay Winter. Si Chaewon, ayun nahihirapan pa rin paano ang gagawin sa mag-ina niya. Lalo na ngayon, hindi siya makalapit sa kanila." paliwanag ko.

"Balita ko hindi matukoy kung sino yung naglabas ng article tungkol sa pagkakaroon nila ng anak, that's really unbelievable, dahil wala namang nali-leak sa kanilang ganong news before." si dad.

"Well, imposible namang sa'ming magkakaibigan galing yun. Tsaka, we're trying our best to help her and Irene to resolve this issue." saad ko. "Don't worry, we can go through this."

"Chairman Son, nasa labas po si Chaewon." nagkatinginan kaming magkakapatid at mabilis na kumilos.

Paglabas namin ng mansion saktong lumabas ng sasakyan si Dahyun at si Mina, nakabukas lang yung pinto ng backseat kaya lumapit na kami dun nila kuya Sehun at Chaeyoung.

Nakaupo si Kazuha habang nakahawak sa mukha ni Chaewon, nakaunan sa mga hita niya yung ulo ni Chaewon.

"Help her, please." nanginginig na yung mga kamay ni Kazuha, napalunok pa ako bago tulungan si kuya Sehun na ibaba ng sasakyan si Chaewon. "Eunchae, let's go." dinig kong sambit ni Kazuha kaya napalingon ako sa kaniya.

'She does really looks like Chaewon.'

"Argh." nabalik kay Chaewon yung atensyon ko. "Aray." nakahawak siya sa tagiliran niya.

Pagpasok namin ng m

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim