Chapter Seven

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Irene's POV

6am pa lang naghanda na ako sa pagbiyahe papunta sa bahay ng mga magulang nila Seungwan. Kagabi pa ako nakatanggap ng tawag at text mula kay Chaeyoung. Naghanda rin ako ng makakain namin kung sakali man na abutan kami ng gutom.

Pagdating ko sa tapat ng gate nila Seungwan, tinawagan ko na si Chaeyoung.

"Pasensya na talaga ate Irene, mukhang busy pa si kuya sa hospital." naka office attire na si Chaeyoung nang salubungin niya ako.

"Wala namang problema, sigurado rin namang pupunta si Seungwan." tinignan ko si You I, pilit siyang ngumiti sa'kin bago sumakay sa sasakyan ko.

"May allergies ba siya? O kaya bawal sa mga fast-food?"

"Ang pagkakaalam ko, sa seafoods lang naman siya may allergy." nakangiti akong tumango.

"Susubukan ko na lang din na tawagan si Jennie, baka nakatulog yung kuya mo sa hospital."

"Hmm, sige ate ingat kayo." tumakbo na siya papasok sa sasakyan niya.

"Drive thru?" nakangiting tanong ko kay You I bago paandarin yung makina ng sasakyan ko.

"Anything is alright, tita." tumango ako at nagsimula nang magmaneho.

Binilhan ko siya ng ice cream, fries, and chicken nuggets.

"I'm sure, Seungwan is coming." sambit ko.

"That's what I thought last night, tita." halata sa boses niya yung lungkot.

'Seungwan, sana makahabol ka.'

Pagdating namin sa eskwelahan nila You I, dumiretso na muna kami sa classroom nila. Sinabihan naman kami ng teacher nila You I na magkakaroon muna ng entertainment program bago yung mismong performance nila You I.

"Let me help you wear your clothes." nginitian ko si You I bago kuhain sa bag niya yung uniform.

"So totoo nga, she's dating the doctor."
"Oo nga, balita ko pa, ikakasal na yun."
"Sila ba yung ikakasal? Alam ko kasi ibang tao yung ikakasal sa doktor."
"Kawawa naman siya kung magkataon."

"What kind of hairstyle do you want?" nakangiting saad ko.

"Anything po." tumango ako at inayos na yung pagkakabotones ng costume niya, bees yung costume ng mga babae tapos yung mga lalaki naman flowers.

'Baligtad ata?'

Marunong naman akong magtali ng buhok sa bata, kaya nagawan ko ng paraan na bumagay kay You I yung buhok niya.

'Kamukha siya ni Wendy sa side view, I'm seeing myself sa side profile niya.'

"Yung tubig ko po?" inabot ko kay You I yung tumbler niya.

"Do you want to eat ba? May pagkain pa naman sa sasakyan." umiling siya.

"Busog na po ako." nakangiting saad niya, kinuha niya yung cellphone niya sa bag na hawak ko.

'What the heck?!'

Picture namin ni Seungwan na kumalat sa internet yung wallpaper ng cellphone niya.

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan ni Seungwan, pero hindi niya sinasagot.

"Baby, I'm just going to make a call with your auntie Jennie, wait me here ha." tumango lang siya.

Nang makalabas na ako sa hallway ng school nila You I, tinawagan ko agad si Jennie.

"Hello?"
: Napatawag ka?
"Si Seungwan ba, nasa hospital pa?"
: Uhm, I think he's still here.
"Tinatawagan ko kasi siya, You I is expecting him to be here for their family fun day."
: Okay, I'm going to give him a call.
"Okay thank you, Jen."

Tinapos ko na yung tawag at bumalik sa loob ng classroom nila You I.

Nagse-send ako ng messages kay Seungwan kahit hindi ako sigurado kung makikita niya pa yun o hindi.

"Mommies and daddies, 9:30 pa po yung call time ng mga bata, by 9am pwede na po kayong pumunta sa gym para maka-upo." napatingin ako sa relo ko.

'7:05 pa lang naman, sana makahabol si Seungwan.'

Habang naghihintay kami sa classroom ni You I, hindi ko tinitigilan na send-an ng message si Seungwan.

'He promised, sana dumating siya.'

Iniiwasan ko na lang na tignan si You I, dahil naawa ako sa mga mata niya. Tahimik lang siya, pero the way na tignan niya yung paligid namin, alam kong malungkot siya. Kahit itinutuon niya sa cellphones yung atensyon niya, kita ko pa rin yung lungkot niya.

Hanggang sa dumating na yung oras ng pagpunta namin sa gym, wala pa rin si Seungwan, wala rin siyang reply sa mga text ko.

"I will record the performance na lang baby, para kung sakaling humabol si daddy, mapapanuod niya pa rin yung performance mo." marahang tumango si You I. "Baby look at me." sinunod naman niya ako. "Daddy never broke his promise, he's coming."

"But he does, he always did."

"Not this time baby, I'm here, okay. Tingin ka lang sa'kin habang nagpeperform, for daddy." tumango na lang siya.

'I'm trying, I know I'm trying, naiiyak na ako Son Seungwan! Nasaan ka na ba?!'

Pumasok na ako sa gym ng school nila You I, habang sila You I naman dumiretso sa backstage.

"Wala pa rin siyang sagot." napabuntong hininga na lang ako at pinanuod yung mga sumasayaw sa stage.

Nang tawagin na sila You I, hinanda ko na yung cellphone ko, tanaw naman ako ni You I mula sa pwesto niya. Ganun pa rin yung mata niya, lalo pa atang lumungkot yun.

Nagsimula na yung tugtog ng kakantahin nila ng mga kaklase niya, napangiti na lang ako nang makita si You I na kumakanta pa rin kahit na malungkot siya. Sinunod naman niya yung ginawa ko, nakatingin lang siya sa pwesto ko.

Gusto kong pumalakpak nang makita kong ngumiti si You I, alam kong hindi yun pilit.

'She got Joohyun's smile and Wendy's eye smile.'

Nagulat naman ako nang may humawak sa bewang ko, kaya nilingon ko kung sino yun.

"Ako na, baka mangalay ka." kinuha ni Seungwan yung cellphone sa kamay ko at nakangiting tumingin kay You I, bahagya pa siyang kumaway sa anak niya.

'He made it, dumating siya.'

Napayakap na lang ako sa bewang ni Seungwan at hinalikan siya sa pisngi, natawa naman siya bago ako halikan sa sintido.

Sila You I na yung huling magpe-perform bago yung palaro, kaya pagkatapos ng performance nila pumunta na kami ni Seungwan sa backstage para sunduin siya.

"Daddy." yumakap si You I kay Seungwan.

"I told you, he's coming." nakangiti kong hinaplos yung buhok ni You I.

"You did great, baby." hinalikan ni Seungwan sa noo si You I.

"Akala ko daddy hindi ka na dadating."

"Syempre pupunta ako, nag-promised ako, diba?" naglakad na kaming tatlo palabas ng gym.

"Sa kotse muna tayo, nandun kasi yung iba pang gamit."

"Nakapagdala ka ba ng damit ko?" tumango ako sa tanong ni Seungwan.

"Dinala ko yung mga gamit mo na sinuot ko nung mga nakaraan."

"Puro sweater yun, diba?" tumango ako. "Wala bang t-shirts?"

"Meron akong dala, kasya naman siguro yun sayo."

"Daddy nagugutom na ako." napatingin kami kay You I na naglalakad sa kabilang side ni Seungwan.

"May mga nailuto ako kanina bago umalis ng bahay, saan ba tayo pwedeng kumain?"

"May mga pwesto naman dun sa field na pwede nating makainan, mas okay na dun at least alam ng teacher ni You I na present tayo parehas." bumuntong hininga siya.

"Pagod ka?" ngumiti siya bago marahang tumango.

"Pero kaya pa naman, kailangan ko lang makakain."

"Sure ka, ha?" tumango lang naman siya bago umakbay sa'kin.

"Gwapong gwapo na naman ba ako? Ang dami nilang nakatingin sa'kin." natatawa ako napahawak sa bewang niya.

"As always, right You I?" napatingala naman sa'min si You I.

"Yes daddy, you're always handsome."

"Anu ba yan girls, kinikilig ako." halata ko naman sa pagmunukha ni Seungwan yung kilig na sinasabi niya, dahil ang pula na ng mga pisngi niya.

"What if, tinago nung doktor yung anak nila kay Irene?"
"Pero paanong kung pinatago ni Irene sa doktok yung anak nila."
"Sa bagay, artista si Irene, mukhang okay naman sila ngayon at walang taguan ng anak ang nangyari."
"Ayun din ang iniisip ko, tsaka kung titignan kamukha nilang pareho yung bata."
"Seven years nilang tinago yung anak nila, grabe naman yun."

"Bakit mo kasi tinago yung anak natin." natatawang bulong ko kay Seungwan.

"Naiinggit siguro ako kay Karina." nahampas ko na lang siya sa braso nang sabihin niya yun.

"Kainis ka." 

Nang makarating na kami sa sasakyan ko, inabot ko na muna kay Seungwan yung bag ng mga pagkain.

"May prutas diyan, yun na lang muna ang ibigay mo kay You I." binuksan ko yung trunk ng sasakyan ko. "Wannie, lapit ka saglit." natatawa naman ako sa kanilang mag-ama, kung gutom si You I mas gustom si Seungwan.

"Bakit?" sambit ni Seungwan, gusto ko nang kuritin yung pisngi niya nang magsalita siya.

"Titignan ko lang kung kasya sayo yung t-shirts na dala ko." may tatlong t-shirt akong hawak, puro kulay blue dahil ayun ang color code nila You I.

"Kasya naman yung tatlo, noh?" tumango ako.

'Buti na lang at mahilig ako sa oversized shirts.'

"Dito na lang ako magbibihis, para kayo na lang yung hihintayin kong mag-cr." inabot ko sa kaniya yung tatlong t-shirt para makapag-bihis siya bago ko kuhain yung mga bag ng pagkain na hawak niya.

"I love this one po, my favorite." sambit ni You I habang nakaturo sa strawberry.

"Does it taste sour?" umiling naman siya.

"Matamis naman po." ngumiti siya bago kumain ulit.

"Tara na?" hinarap ko ulit si Seungwan ng magsalita siya. "May mga dadalhin pa bang gamit?"

"Kukuhain ko lang sa loob yung pamalit ko." kinuha ko na rin yung bag ni You I na dala ko kanina dahil andun yung mga gamit niya.

"May damit naman siya sa loob ng costume, noh?" tumango ako. "Tanggalin na lang muna natin yung costume niya, para di ganun karami yung dala natin." kinuha naman niya sa'kin yung damit ko tsaka yung bag ni You I.

Habang tinatanggal ko yung costume ni You I, may lumapit na babae sa'min nagtatanong kung pwedeng makapagpa-picture sa'kin.

"Rene?"

"Saglit lang po." sambit ko para mahubad na muna ni You I yung costume niya. "Tara na po?" inayos ko lang saglit yung buhok ko at tumabi na dun sa babae.

"Salamat po." nginitian ko lang siya at nag-bow.

"Ang ganda talaga." nakatingin sa'kin si Seungwan.

"Daddy, akala ko ba, your crushie thing ended ten years ago?" natatawang saad ni You I.

"Ow, so you ended it na pala?" tinitigan ko si Seungwan.

"That's what I thought lang naman." natawa ako nang umiling si You I.

"Wala daddy, yun yung sinabi mo sa'kin eh."

"You I?" halos sumuko na si Seungwan.

"Tara na? Akin na yung bag ni You tsaka yung damit ko."

"You wont believe it naman, diba?" natawa ako sa itsura ni Seungwan, di ko alam kung natatakot ba siya o anu.

"Sinasakyan ko lang yung pang-aasar sayo." hinawakan ko sa balikat si You I. "Tara na?" nauna kaming naglakad, habang si Seungwan nasa likod namin.

Sa malapit na restroom na lang kami pumunta, dahil pagdating namin sa field baka di na kami makaalis ulit.

"Wait me here, magpapalit muna ako." tumango lang si You I.

Habang naghihintay siya sa labas, narinig kong kumakanta siya.

'Maganda yung boses niya, pero hindi ko alam kung kanino kay Wendy at Joohyun niya nakuha yun.'

"Baka kay Joohyun, since producer siya?" bulong ko.

Paglabas ko naman ng cubicle, huminto na siya sa pagkanta.

"Why did you stop?" tanong ko.

Inilabas ko na yung mga susuotin ni You I.

"I'm shy po." natawa ako sa sinabi niya.

"Why, ang ganda kaya ng boses mo."

"Daddy told me I got it from mama and papa." ngumiti siya. "Hindi ko lang po alam kung totoo, baka kasi sinasabi lang yun ni daddy para hindi ko na isipin."

"But what if, you really get it from them?"

"I'll be thankful, at least I have something from them." ngumiti pa siya bago hawakan yung kwintas niya.

"Is that their ashes?" tumango si You I. "They're proud of you for sure."

"Bakit naman po."

"Kasi you understand everything, despite your young age." inayos ko yung pagkaka-tuck in ng t-shirt niya. "Hindi lahat kayang maintindihan yung sitwasyon niyo ni daddy mo, at hindi lahat gustong intindihin yung sitwasyon niyo. But you did, with all of your heart, you did."

"Can I ask you something po?" tumango ako. "May I call you mommy? Even just for today?"

"If that's what you want." nginitian ko siya bago ko ilagay sa bag niya yung pinagbihisan naming dalawa.

Todo ngiti naman si Seungwan nung makita niya kaming lumabas ni You I ng restroom.

"Ang cute naman ng baby ko." hinawakan pa ni Seungwan sa pisngi si You I.

"How about mommy po, cute din po ba siya?" tumingala pa sa'kin si You I.

"Uhm." halatang nagulat siya nang may paghingi nang permiso ang tingin, tinanguan ko lang si Seungwan. "She's cute din, and beautiful at the same time."

"Kiss mo nga." pang-aasar ni You I kay Seungwan.

"Paano ba yan, kiss daw." pumikit lang ako at nakaramdam ng mga labi sa noo ko, pumalakpak naman si You I na tuwang tuwa pa sa ginawa ni Seungwan.

"Baka may makakita sa'tin, anu ka ba." bahagya ko siyang hinampas sa braso.

"Tara na, baka hinahanap na tayo ng teacher ni You I." hinawakan ni Seungwan sa kanang kamay si You I tapos humawak naman si You I sa kamay ko.

Habang naglalakad kami, bahagya pang tumatalon si You I nang hindi bumibitaw sa kamay namin ni Seungwan.

"Daddy, how's Chairman Bae po?" napatingin ako kay Seungwan at hinihintay na tumugon siya sa tanong ni You I.

"Successful yung operasyon niya, but still we can say he's already alright until he wakes up." ngumiti si Seungwan at tumingin sa'kin. "Pero sigurado akong magiging maayos ang lagay niya, kaya dapat we pray for his fast recovery."

"Thank you." pagsasalabi ko habang nakatingin kay Seungwan.

'Seungwan is everything for me, but great lolo and the rest of my family are above everything.'

"Let's enjoy this day, then we're going to visit Chairman Bae when he wakes up." nakangiti namang tumango si You I.

Pagdating namin sa field pinagsasama na yung magkakakulay ang damit o yung magiging team ng bawat pamilya. Naghanap na muna si Seungwan nang pwede niyang mapaglapagan ng mga gamit namin bago niya kami samahan sa pwesto ng mga kagrupo natin.

"Sa unang palaro natin, yung mga bata muna ang magpa-participate." pinapwesto na yung mga estudyante sa magiging starting line nila.

"Sure ka ba?" tinignan ko si Seungwan nang bumulong siya sa'kin.

"Saan?"

"Na tawagin ka niyang mommy, baka masanay siya niya." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hayaan mo siyang masanay, dapat lang siyang masanay." napangiti si Seungwan sa sinabi ko. "Bakit? Kung magri-risk ako sayo, kailangan ko ring mag-risk para kay You I." nagulat siya sa sinabi ko, pero agad din 'yong napalitan ng ngiti.

"Alam mo ba, lagi kong naiisip yung magiging reaksyon mo kung sakali man na makita mo na kami ni You I." napatingin siya sa kung saan. "Kung sa paningin mo ako pa rin ba yung Seungwan na kilala mo dati, kahit may You I na." napabuntong hininga siya.

"You've changed a lot, dun sa pagbabago mo siguradong may part na dahil yun kay You I. Pero ikaw pa rin naman yung Seungwan na nakilala ko dati, ang landi sa'kin tapos di naman pananagutan, ganun ka nung mga nakaraan. Tsaka nung makita ko si You I, ang unang pumasok sa isip ko, anong nangyari sa unang asawa mo o yung mommy ni You I." hinawakan ko siya sa kamay. "Don't worry, you're still my Seungwan, whatever happens you are my Son Seungwan." napatakip naman siya sa bibig niya.

'Grabe, bakit ganito siya kiligin, pati ako kinikilig sa itsura niya.'

"Anu ba, Irene naman." napatalikod siya sa'kin pero hindi siya bumibitaw sa kamay ko. "Nakakainis, anu ba yan." huminga siya nang malalim. "Tara na nga doon, baka maglalaro na sila You I." marahan niya akong hinila papunta sa pwesto ng mga magulang na ready nang mag-cheer sa mga anak nila.

Siyam sila You I sa grupo nila, mukhang lahat naman nang kasama ni You I kakilala niya at lahat din sila nakikinig sa strategy na sinasabi niya.

Ang kailangan nilang gawin tatakbo tapos iikot sa upuan tsaka nila uupuan yung lobo na dala nila.

Todo naman yung pag-cheer namin ni Seungwan nang si You I na yung tatakbo. Isa na lang yung bata na kasunod ni You I, kaya malaking lamang na yun kompara sa mga kalaban nila.

"Bilisan mo." pag-cheer ni Seungwan dun sa batang kasunod ni You I. "Yes! Panalo sila." nagtatatalon pa si Seungwan habang nakahawak sa balikat ko.

Nagtakbuhan naman yung mga ka-grupo ni You I palapit sa mga magulang nila.

"Here, baby." kumaway pa ako kay You I, agad naman siyang lumapit sa'min ni Seungwan.

"Daddy, we won." binuhat siya ni Seungwan. "Nakita mo yun daddy, we won."

"Ang galing niyo nga, baby." nakipag-apir pa si Seungwan kay You I.

"Blue team will be having five points, red will be given three points, and one point for yellow team. Green team, habol tayo." sambit ng teacher nila You I. "Ang next game naman natin, mommies and kids ang magiging player natin. Ang kailang niyong gawin ay, makagawa ng limang sandwich habang naka blind fold ang mommies."

"Kaya mo na yan, lagi ka namang tama, diba?" kinurot ko si Seungwan sa tagiliran.

"Mommies and kids, ready na." pumwesto na kami ni You I sa lamesa na para sa'min, lima lang sa grupo namin yung nakasali dahil lima lang yung present ang mommy nila.

"Just tell me where is the bread and so on, okay?" nakangiti namang tumango si You I.

"Wear your blindfold na mommies." ginawa ko naman yung sinabi ng teacher nila You I.

'Sana effective yung technique namin ni You I.'

"Sa left pa konti mommy." dinig kong saad ni You I nang hanapin ko yung gulay na ilalagay sa sandwich. "Taas ng konti mommy, yung may kutsara." tuloy lang ako sa pagkapa habang pinapakinggan si You I.

'Mas mahirap pa ata 'to, kesa ipagluto ko si Seulgi ng tatlong meal sa isang araw.'

"Okay na mommy, next na tinapay na." 

Sobrang hirap, pakiramdam ko wala ako sa sarili habang nangangapa sa dilim.

Nang matapos naman na ako, tinanggal ko na yung blindfold ko. May dalawa pa sa grupo namin ang hindi pa tapos, yung nasa red team naman tapos na silang lahat.

"You did great, mommy." tinignan ko naman yung mga sandwich na nagawa namin, maayos pa naman siya kahit papaano, makakain pa.

"Thank you baby."

Naka-second place lang kami sa game na yun, kaya three points lang yung nakuha ng team namin.

"Edible pa naman yung sandwich noh?" salubong ni Seungwan habang nakatingin sa sandwich na ginawa ko. "Biro lang, ang mommy naman natin ay galit agad." kumuha siya ng isa at agad na kinain yun.

"Ready na ba kayo daddies, ang kailangan natin ngayong ihanda yung mga mukha natin." napatingin sa'kin si Seungwan nang marinig niya yun. "Lahat ng grupo ay makakatanggap ng five points sa game na 'to, ang mahalaga ay paano niyo maa-appriciate yung gawa ng kids." nakita ko namang nag-bulungan sina You I at Seungwan bago tumawa.

Bale ang kailangan nilang gawin, magp'paint yung mga bata sa mukha ng daddy nila kung anong hayop yung nakikita nila sa tuwing kaharap nila yung daddy nila. Natawa na lang ako dahil halata sa mukha ni Seungwan na ayaw niya yung ideya na madumihan yung mukha niya, kaya panay yung tingin niya sa'kin na parang humihingi siya ng tulong.

"Ready kids?!" bumilang na yung teacher nila ng tatlo bago nagsimula yung mga bata.

Napapakamot na lang si Seungwan sa ulo niya sa tuwing lumalapat sa mukha niya yung paint brush na gamit ni You I, habang si You I naman tuwang tuwa dahil sa itsura ng daddy niya.

'I don't know, but Seungwan and You I have the same laugh, o baka ganun lang din talaga tumawa si Joohyun at Wendy. Pero sa pagkakataong 'to si Seungwan yung nakikita ko habang nakatingin kay You I.'

Nang matapos na si You I sa ginagawa niya sa mukha ni Seungwan, pinakita niya sa'kin yung itsura ng daddy niya. Hamster yun, ang mas nakakatawa pa masyadong detailed yung pisngi kapag puno yung bibig ng hamster.

"Cute." natatawang saad ko habang kinukunan ng litrato si Seungwan, tumabi naman sa kaniya si You I at nag-peace sign.

Tawang tawa na lang ako dahil hindi na ma-ipinta yung mukha ni Seungwan nang i-explain ni You I kung bakit hamster yung nakikita niya kay Seungwan.

"Do I really looks like a hamster when I ate?" napatango na lang ako at inabutan siya nang sandwich, para siyang nakafilter habang kumakain. "Stop laughing." napa-iling na lang ako.

"Ang cute mo lang talaga." gusto kong pisilin yung pisngi ni Seungwan pero di ko magawa dahil baka matanggal yung paint sa mukha niya.

Binuhat niya si You I tapos tinaas yung cellphone niya, lumapit naman ako sakanila at dinikit yung hintuturo ko sa pisngi ni You I kung na saan yung dimple niya. Naka-ilang take kaming tatlo ng picture bago muling ipatawag ng teacher nila You I yung bawat pamilya.

"Syempre, hindi mawawala ang ultimate na palaro natin." may pinakitang news paper yung teacher nila You I. "Sa part nang game na 'to, hindi na per team ang mananalo, kundi maglalaro kayo as a family." tumingin ako kay Seungwan, mukha ayos naman na siya sa laro.

Ang twist sa paper dance na lalaruin namin, dapat isa ang buhat o nakapasan sa mommy o daddy ng bawat pamilya. Ako na muna yung bumuhat kay You I, para kapag isa na lang yung kakasya sa newspaper, hindi pa pagod yung braso ni Seungwan.

Nang isang paa na lang yung kasya sa newspaper, pinasan na ako ni Seungwan habang karga niya si You I. Nagawa naman namin, pero tatlong pamilya pa yung naglalaro, kaya tiniklop pa ulit sa kalahati yung newspaper.

"Kapag di mo naman na kaya, okay lang." saad ko dahil alam kong di kaya ni Seungwan magbalanse kapag nakatingkayad siya.

"At least we'll try, don't worry." at nang huminto na nga yung tugtog, gaya kanina pumasan ako kay Seungwan at kinarga niya si You I.

Nakatagal naman si Seungwan ng three seconds, pero ang kailangan kasi, makatagal siya ng five seconds. Hindi kami nanalo sa huling palaro, pero ang mahalaga kay You I nakalaro siya sa lahat ng game dahil may mommy at daddy siyang kasama. Pagkatapos naman ng laro, binigyan muna yung bawat pamilya nang pagkakataon na mag-ikot ikot sa booth na ginawa ng mga nasa high school.

Kumain na lang muna kaming tatlo, para makapag-pahinga rin si Seungwan. Ilang operasyon pa naman yung ginawa niya, paniguradong pagod siya. Nakapwesto kami sa ilalim ng puno para sa lilim, dahil umiinit na rin yung sikat ng araw.

"Mag-dinner na lang tayo sa labas mamaya, umuwi na lang muna tayo." sambit ni Seungwan.

"Sa unit ko na lang kaya tayo, ako mag-luluto." tumingin sa'kin si You I.

"Pagod ka na masyado, hindi ba parang mas hassle kapag nagluto ka pa mamaya?" uminom ng tubig si Seungwan.

"Ayos lang naman, kesa bumiyahe pa tayo tapos pareho tayong pagod." tumango si Seungwan.

"Basta sa'kin, kahit anu ayos lang po. Basta kasama kayong dalawa." nagkatinginan kami ni Seungwan bago tumingin kay You I. "Tsaka daddy, mommy is right, you're tired pa naman kaya huwag na muna tayong kumain sa labas."

"Sabihin mo, miss mo na yung luto ng mommy mo." kinurot pa ni Seungwan yung ilong ni You I. "You kept asking me, kailan mo siya makikita ulit."

"Ganun?" nakangiting saad ko. "Why didn't you tell me? Ask your daddy for my number, tapos whenever you miss me, tawagan mo ako."

"Baka naman maka-istorbo siya kapag may trabaho ka." napa-iling ako at nilahad yung kamay ko.

"Give me your phone, I'll save my number." kinuha naman ni You I yung cellphone niya sa bag niya. "Tatawagan din kita when I want to." tinawagan ko yung number ko sa cellphone ni You I bago yun i-save dun.

"After ng awarding, ayos lang ba kung umuwi na tayo?" sambit ni Seungwan.

"Okay lang naman daddy, I'm so tired na rin." tugon ni You I.

"Pipikit na muna ako, gisingin niyo na lang ako kapag kailangan na tayo." tumango lang ako bago abutan ng towel si Seungwan. "Thank you."  tinupi niya yung towel na sasakto lang para matakpan yung mata niya.

Tinuloy lang namin ni You I yung pag-kain habang nakikig ako sa mga kwento niya tungkol sa nangyayari sa loob ng classroom nila tuwing may klase.

Mukhang naramdaman naman ni Seungwan yung pagtayo namin ni You I, sakto kasing tinanggal niya yung towel na nakatakip sa mga mata niya.

"Mommies, daddies, and kids. Lapit na muna kayo sa'kin, para sa awarding."  tumayo naman na si Seungwan at kinuha yung pinaglagyan ng mga pagkain namin.

Nanalo naman yung team namin sa mga palaro kaya nakakuha yung bawat pamilya ng certificate, tapos binigyan ng medal yung mga bata. May special awards pa, at hindi namin inaasahan ni Seungwan na makakakuha kami ng most photogenic family.

"I'm the original visual." pagkanta ni Seungwan sa isang kanta na ni-release ko dati.

"Shh." pagpapatahimik ko sa kaniya, nakakahiya kasi.

Pagkatapos nga ng awarding nagpaalam na kami sa teacher nila You I, bagsak na bagsak na rin kasi yung balikat ni Seungwan dahil sa pagod at antok.

Nagpalit na muna kaming tatlo ng panibagong damit, bago sumakay sa sasakyan ko.

"Paano ka nga pala nakarating dito?" tanong ko bago paandarin yung makina ng sasakyan ko.

"Hinatid na ako ni Jennie, dahil nga sobrang pagod ko, baka raw di ako makapag-maneho nang maayos." inayos na ni Seungwan yung upuan at ibinaba yun para makahiga siya, si You I naman nakatulog na agad sa backseat. "Sorry, I can't drive."

"Ayos lang, nakatulog naman ako nang maayos

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim