Chapter Three

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Irene's POV

[SATURDAY]

At yun na yung huling pag-uusap namin, sabi niya tawagan ko siya o i-text, pero wala naman siyang reply at hindi niya rin sinasagot yung tawag ko. Hindi ko tuloy alam kung mag-aayos pa ba ako ngayon o hindi na.

"Akala ko ba may lakad ka?" tinignan ko lang si ate Tiffany bago muling yakapin yung unan ko. "Feeling teenager ka diyan?"

"Ate naman, lumabas ka na nga lang."

"Ayos lang yan baby Irene, makaka-move on ka rin kay Seungwan." naisara na lang niya yung pinto ng kwarto ko nang batuhin ko siya ng unan.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring yun, agad akong napabangon nang makita ko kung sino yung tumatawag.

Wannie is calling...

"Hello?"
: Hey, pauwi na ako ng condo, isang oras pa naman bago ako makarating diyan.
"Ha?"
: Anong ha? Susunduin kita, diba?
"Oo nga pala."
: Nakalimutan mo? Mukhang maghihintay ako nang matagal pagdating ko diyan ha.
"Natatawa ka pa, oo na magre-ready na."
: Sige sige, see yah~

Tinapos ko na yung tawag dahil sa kilig.

"See yah~" panggagaya ko sa kaniya. "Nakakainis ka talaga~" tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo.

Nang mamimili na ako ng susuotin ko, tinawag ko si ate Tiffany, bukod sa siya lang yung nandito ngayon sa bahay may fashion taste din naman siya kahit papaano.

"Dinner lang naman diba, okay na siguro yung simpleng dress." may kinuha siyang tatlong cocktail dress at isa isa 'yong tinapat sa harap ko. "Yung red too y, yung black naman too revealing, itong white simple lang pero elegante." inabot niya sa'kin yung white dress.

"Thank you, ate. Patawag na lang ako kapag nandiyan na si Seungwan."

"Haysss, sayang lang talaga na sa iba ikakasal si Seungwan. Ayos lang yan, ikaw naman yung nag-inarte dati na ayaw mong umamin sa kaniya kasi may girlfriend na siya, which is pinsan niya."

"Ate yung totoo? Oo na nga." inirapan ko pa siya pero tinawanan niya lang ako bago umalis. "Hindi ko naman talaga alam na pinsan niya si ate Taeyeon." sinuot ko na yung dress na inabot sa'kin ni ate Tiffany.

Tumagal ako ng kalahating oras sa pag-aayos, pero hindi pa rin umaakyat si ate Tiffany.

"Baka nasa kwarto niya lang, pero may kasambahay naman kami para tumawag sa'kin kung nandiyan na si Seungwan." bumaba na ako para dun maghintay sa pagdating ni Seungwan.

"Finally, hindi mauubos yung kwento ko, pero yung pasensya ko konting konti na lang." sambit ni ate Tiffany.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Seungwan.

"Kalahating oras na siyang nandito." tugon ni ate Tiffany.

"Sabi ko tawagin mo ako." pinanlakihan ko pa ng mata si ate.

"Gagawin ko naman talaga yung sinabi mo, pinigilan lang ako ni Wannie." tinaasan ko nang kilay si ate Tiffany. "What? Yun yung tawag mo sa kaniya, diba?"

"Ate please, stop talking na." inirapan ko siya.

"Lagi namang worth it yung paghihintay ko sayo, kaya ayos lang." nakangiting tumayo si Seungwan.

"Oo, yung paghihintay lang naman niya yung hindi worth it." natatawang saad ni ate Tiffany.

"Ate naman!" pabiro niya akong hinampas sa balikat.

"Totoo naman, sige na Seungwannie, isama mo na yung kapatid ko nang makabawas sa dinner namin mamaya." natawa lang si Seungwan bago i-alok yung braso niya.

"Thank you." saad ko bago i-angkla yung braso ko sa braso niya.

"Ingat kayo." kumaway pa si ate Tiffany. "Ganda mo." pagsasalabi niya, nginitian ko lang siya at nag-pasalamat.

As always, gentlewannie, pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan niya bago siya sumakay sa driver's seat. He's wearing white turtleneck sweater and a genuine smile.

"What?" natatawang tanong niya.

"Wala lang, you look different." kumunot yung noo niya. "Sanay lang siguro ako na makita ka na suot yung uniform mo dati, okay na?"

"Ahh, pero minsan naman lumalabas tayo noon, hindi naman ako naka-uniform."

"Ang gwapo mo, okay na?" natatawa siyang napatakip sa bibig niya.

"Anu ba nakakahiya, but I heard that all the time." hinampas ko siya sa braso.

"Bilis na, magmaneho ka na at anong oras na." sinunod niya naman ako bago siya magsimulang mang-inis ulit.

Nagmamaneho lang siya habang ako nakatitig sa mukha niya.

'I miss him so much, ilang araw ko rin siyang hindi nakita.'

"Isang taon na mula nung nakabalik ka, diba?" tumingin siya sa'kin pero agad ding binalik sa daan yung paningin niya.

"Yup, kalma ka lang baka magalit ka na naman ha. Isang taon na akong nakabalik, pero tatlong buwan pa lang ako dito sa Seoul."

"Okay." natawa siya.

"Ayan na naman siya, sorry na nga. Bumabawi na nga ako ngayon oh."

"Bumabawi, pero ilang araw hindi nagparamdam sa'kin." sakto namang pula yung ilaw ng traffic light kaya tumingin siya sa'kin.

"Tungkol dun, sobrang busy ko lang talaga. Nababasa ko yung text mo, pero oras kasi na mahawakan ko yung cellphone ko, nakakatulog na ako agad." tumingin na siya sa daan. "Naghahanda kasi kami para sa isang malaking operasyon, kilalang tao yung ooperahan at sobrang kritikal din ng sitwasyon niya."

"Kawawa magiging asawa mo, wala kang oras."

"Kawawa talaga siya, kung hindi ko siya magustuhan, di na ako uuwi ng bahay." natawa ako sa sinabi niya.

"Grabe ang sama."

'I was kidding, pero sige kung hindi naman ako yan.'

"Pero swerte na siya, oras lang kaagaw niya sa'kin, minsan tulog." natatawang saad niya.

"Yeah, kung sino man siya." bulong ko.

"May sinasabi ka?" napatingin ako sa kaniya.

"Wala."

"Wala namang changes sa premier night, diba?" nag-hum lang ako. "Sana hindi na mag-bago, mag-off kasi ako nun. I was planning to take You I with me, kaso the movie is r-13."

"You shouldn't have planned it in the first place." napa-irap ako sa kawalan.

"Bakit? Siguro may kissing scene?"

"Wala, hindi lang talaga dapat para sa kaniya, she's too young for a romantic movie." napatango siya.

"Okay." ngumiti siya bago tumingin sa'kin. "How about the bed scene?"

"The heck, Seungwan?!!"

"Just kidding." natatawang saad niya.

"Ang lakas talagang mang-asar, pinanganak ka lang ata talaga ni tita para asarin ako." tumango tango siya.

"Syempre naman, para lumigaya ka raw." di ko na napigilan yung sarili ko at paulit-ulit siyang hinampas sa balikat. "Aray, Irene nagmamaneho ako." inirapan ko siya bago inis na umupo nang maayos.

'Hindi naman ako galit, nakakainis lang kasi ang galing niya talagang magpakilig, kuhang kuha yung kilig ko.'

"Finally, tapos na yung kalbaryo ko." saad niya nang makapasok kami nang gate nila.

"Ay wow, samantalang ako yung pinag-tripan mo buong biyahe."

"Ikaw nga, pero ako naman yung halos paliguan mo nang hampas." kinurot ko siya sa tagiliran.

"Sinong may kagagawan?"

"Aray, grabe ang sadista talaga." bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pintuan. "Ngayon pa lang magso-sorry na ako sayo, baka tayo ang maging topic."

"Yeah, tito and dad are the same when it comes to bullying us."

Pagpasok pa lang namin sa bahay ng mga magulang ni Seungwan, sinalubong na kami agad ni You I.

"You I, let your tita Irene change with slippers first." saway sa kaniya ni Seungwan nang yumakap ito sa'kin.

"Tita, look tita Mina is here."

"Here." sambit ni Seungwan bago ilapag yung tsinelas sa harap ko. "Baby, mag-papalit muna si tita." humiwalay na sa'kin si You I at pinanuod akong magpalit ng tsinelas. "Ako nang magtatabi." saad ni Seungwan dahil nagmamadali na si You I na isama ako sa sala.

"Ate Irene." yumakap sa'kin si Mina at bumeso. "Kumusta ka na."

"Mabuti naman, buhay pa." 

"Irene." tumakbo si Yeri palapit sa'kin at yumakap.

"Irene lang talaga, noh?" natawa lang siya sa sinabi ko.

"Buti naman at nandito na kayo, isama niyo yung mga bisita niyo at kakain na tayo." sumunod na kami kay Mrs. Son.

"Bro, behave raw sabi ni Yeri." dinig kong sambit ni Chaeyoung. 

"Behave lang naman ako, basta walang sasabihin si Seul nang makakasira sa gabi ko." kumapit ako sa braso ni Seungwan.

'He'll never understand the situation, kaya naiinis si Yeri sa kaniya.'

"Mag-behave ka na lang." bulong ko.

Nang maka-upo na kaming lahat, hinintay lang namin si President Son para makapagsimulang kumain.

"Magandang gabi sa inyong lahat." sabay sabay kaming tumayo para mag-bow kay President Son bilang paggalang. "Maupo na tayo." hinintay namin siyang maka-upo bago kami sumunod.

"Welcome back po lolo." nakangiting saad ni You I.

"Thank you, it's good to be back and spend my time with you." masayang saad ni President Son. "Kumain ka ng marami."

Napatingin ako kay Seungwan para bantayan yung mga ikikilos niya.

"Don't look at me like I'm going to kill someone." natatawang bulong niya. "Kumain ka na."

"Oo nga pala, Seungwan, yung sinasabi ko sayo ha." napatingin ako kay President Son.

"Opo dad, wala pong magiging problema, kung anu man po yung napag-usapan natin, yun pa rin po ang masusunod."

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo, ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sayo." tumango lang si Seungwan. "For sure naman at magugustuhan siya ni You I, kaya huwag ka nang mag-alala pa."

"Alam ko naman po yun, kaya pumayag din po ako sa gusto niyo."

"Dad? Can we change the topic po? Nakakahiya naman sa bisita na kasama ni kuya." sambit ni Chaeyoung.

"I'm sorry Irene, kilala mo naman 'yang kaibigan mo, biglang nagbabago ang desisyon." napatango na lang ako at magalang na tumugon.

"Ayos lang po tito, dapat po talaga laging pinapaalala sa kaniya, para hindi niya nakakalimutan."

"So, as Chaeng's request, Seulgi sigurado ka na ba talaga sa unica hija ko?" tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pag-kain at pinakinggan yung pag-uusap nila.

"Syempre naman po tito, tatlong taon rin po akong naghintay na pumayag siyang magpaligaw, ngayon pa po ba ako magloloko kung kailan pumayag na siya." rinig ko yung pag-ismid ni Seungwan dahil sa sagot ni Seulgi.

'Wala namang masama sa sinabi ni Seul, di ko talaga alam kung anong pinag-awayan nilang dalawa at ganiyan si Seungwan sa kaniya.'

"Siguraduhin mo lang, tatlong kuya ang makakaaway mo." saad ni Mrs. Son.

"Don't worry, tita, hindi po mangyayari yun." nakangiting saad ni Seulgi, nahampas naman siya ni Yeri.

"Kaaway mo na nga yung isa." natatawang saad ni Yeri. "Biro lang po." nag-peace sign pa si Yeri.

"How about you Chaeng, how's your relationship with Mina?" tanong ni President Son.

"We're in good terms naman po dad, nagkakaroon ng di pagkakaintindihan minsan, pero napag-uusapan naman po." hinawakan pa ni Chaeyoung sa kamay si Mina.

'I don't even know, why I'm here.'

"Tita, can you get that for me?" tinuro ni You I yung fried drumsticks. "Dalawa po tita

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim