Chapter Four

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Seungwan's POV

Habang ka-text ko si Irene, atentibo pa rin ako sa kilos ni dad, mahirap na kasi baka bigla siyang lumapit tapos busy ako sa cellphone ko.

"Okay, I'll talk to him, sorry about that." umupo siya bago ilapag sa lamesa yung cellphone niya. "Ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo Seungwan, iwasan mo na si Irene."

"Bakit naman dad?"

"Celebrity siya, laging nakasunod sa kaniya yung mga camera. Paano kung ma-issue kayong dalawa, nakakahiya sa mapapangasawa mo." napabuntong hininga ako.

"Dad, hinayaan ko na ngang kayo ang mamili sa gusto niyong mapangasawa ko. Pero pati ba naman yung pagbibigay ko ng oras sa mga kaibigan ko, kayo pa rin ang masusunod?"

"Iniisip ko lang yung para sa kapakanan niyong dalawa, paano kung anong isipin nang mga tao sa paligid niyo? Ikakasal ka na Seungwan, limitahan mo naman na yung paglabas kasama si Irene." napahawak siya sa noo niya. "At alam kong hindi kaibigan ang tingin mo sa kaniya." tumingin siya sa'kin. "Isipin mo na lang, sinasanay mo siya sa presensya mo at sa mga acts of service mo, tapos ikakasal ka sa iba."

"Anong acts of service, dad?"

"Yung mga ginagawa mo para sa kaniya, napakarami para isa isahin ko. Tsaka oo, mabait na bata si Irene, tinuring ko na rin siyang parang anak ko. Pero nakakalimutan mo na ba yung ginawa niya sayo? Nakalimutan mo na ba kung paano kang manlumo kaya nakapag-desisyon ka na umalis at mag-aral sa ibang bansa?"

"Iba naman yung sitwasyon dati, dad."

"Kahit anu man yung sitwasyon dati o ngayon, nasaktan ka pa rin niya. At dahil sa ginawa mong pag-alis, tingin mo ba hindi mo nasaktan yung mga kapatid mo?" kanina ko pa pinipilit na labanan si dad sa eye contact namin, pero nang banggitin niya yung mga kapatid ko napayuko na lang ako. "Even your mom, araw-araw siyang nag-aalala sayo, araw-araw niyang iniisip kung nasa mabuti ka bang kalagayan. Pero hindi siya nagtatanong sayo, dahil iniisip niya na kailangan mo rin mapalayo para makalimutan mo yung sakit na nadulot ni Irene sayo."

"Matutulog na po ako." pinunasan ko yung luha ko.

"Just remember, know your limitations towards Irene." hindi ko na siya tinignan pa ulit at umalis na ng opisina niya.

Halos mapaatras naman ako nang makasalubong ko si Yeri na naghihintay sa labas ng opisina ni dad.

"Tama si dad, soon you'll get married at masasaktan mo lang si Irene." bumuntong hininga siya bago tumakbo.

"I just can't, I can't let her go." napayuko na lang ako tsaka pumunta sa kwarto ko.

"Daddy, sa Friday nga pala may family fun day kami." napangiti ako at tumabi kay You I.

"Sure baby, I'll be there."

"Didn't expect that from you, pero dahil sinabi mo, hihintayin kita." tumango ako at yumakap sa kaniya.

"Promise baby, I'll be there." pumikit na ako.

'Sorry Joohyun at Wendy, sinusubukan ko naman maging ama kay You I, ang hirap nga lang pag-sabayin ng trabaho ko at extra activity sa school niya.'

"Kaso baka limited lang yung malaro natin dad, since wala tayong mommy." nakapikit akong tumango.

"It's alright baby, basta nandun si daddy." napabuntong hininga ako. "Sleep na tayo." sambit ko bago magsimulang mag-hum ng kanta.

Habang pinapatulog ko si You I, may kung anu sa utak ko na inalala yung nakaraan at bakit nga ba ako umalis.

[FLASHBACK]

Kakarating lang namin ni Chaeyoung sa Medical school na pagmamay-ari ng pamilya nila Irene, ngayon kasi lalabas yung mga nakapasa sa entrance exam.

"Dun ka sa kabilang dulo magsimula, tawagan mo na lang ako kapag nakita mo na yung pangalan ko." saad ko sa kapatid ko.

Malapit na ako sa gitnang bahagi ng bulletin board, pero hindi ko pa rin nakikita yung pangalan ko.

"Kuya! Dito!" hinanap ko yung sumigaw, kaboses kasi ni Chaeyoung.

"Dapat kay kuya na lang ako nagpasama, sa dami ng tao paano kami magkikita nitong si Chaeyoung."

"Dito kuya!" may nakita akong nagtaas nang kamay kaya nilapitan ko yun nagbabakasakaling si Chaeyoung na yun. "Ito kuya." turo niya sa bulletin board.

'Son Seungwan'

Basa ko sa pangalan na tinuturo ni Chaeyoung.

"Nakapasa ka kuya." niyakap ako ni Chaeyoung at nagsimula na siyang tumalon.

"Nakapasa ako." napatalon na lang din ako.

"Tara, balitaan na natin si ate Irene." nakangiti kaming tumakbo papunta sa motor niya.

Pagkasuot namin ng helmet, pinandar na niya yung motor niya. Papunta kami ngayon sa JYPU kung saan nag-aaral si Irene, may activity raw sila ngayon sa school kaya kahit wala pang pasok nandun siya.

"Sandali, kuya." napabalik ako at napatingin kay Chaeyoung na nakasakay pa rin sa motor niya. "Aamin ka na rin ba sa kaniya?"

"That's my sign, na kapag nakapasa ako sa SMU, aamin ako sa kaniya." hinihingal ako sa kaba.

"Good luck, sasabihan ko na rin sila kuya, para makapag-celebrate tayo mamaya." nakangiti akong napatango tsaka tumakbo para hanapin si Irene.

"Hi Mina." hinihingal na bati ko kay Mina nang makita ko siya.

"Si Irene ba?" tumango ako. "Kasama siya nila Sana kanina, may kukuhain daw sila sa faculty." tumango ako at tumakbo ulit.

"Seungwan?" tawag sa'kin ni Joy na kasama si Sana.

"Si Irene?" tanong ni Sana na nagpatango sa'kin. "Pumunta siya sa likod ng gym, may kikitain lang daw siya, hindi ba ikaw yun?"

"Hindi pa kami nagkakausap simula kanina." napatango na lang siya.

"Tignan mo na lang, baka andun pa siya." tumango lang ako at huminga muna nang malalim bago muling tumakbo.

Hindi na mawala wala yung ngiti ko, kailangang makita ko na siya agad.

'It's now or never!'

Pagkarating ko sa likod ng gym, lalapit na sana ako kay Irene nang makita ko siya, pero may kasama ata siya kaya napatago ako.

"Matagal ko nang tinatago 'to, Irene." kumunot yung noo ko nang makilala yung boses na yun. "Sa totoo lang hindi ko alam kung bastang pagkagusto lang 'tong nararamdaman ko, pero mahal na ata kita."

"Seul?" napapikit na lang ako at mabilis na naglakad paalis.

"Seungwan? Anu nakaamin ka na ba?" tinignan ko lang si kuya at diretso na sa paglalakad. "Natawagan ko na sila Jeongyeon, game raw sila sa inuman." tumango lang ako. "Uy, ayos ka lang ba? Anu bang nangyari?"

"Saan ba yung inuman?" walang ganang saad ko.

"Sa bahay na lang." tumango lang ako. "Kuhain ko lang yung motor ko, hintayin niyo na ako ni Chaeyoung." tinanguan ko lang siya ulit at diretso sa paglalakad.

"Kuya? Kumusta?"

"Sa bahay raw tayo, tara na." sinuot ko na yung helmet ko at umangkas sa motor ni Chaeyoung. "Si kuya nga pala, hintayin mo na." nakatulalang saad ko.

"Tara na?" nagtitigan pa silang dalawa, mukhang nag uusap na naging dahilan para mapa-kibit balikat si kuya.

"Sa bahay ko na lang sasabihin, tara na." saad ko dahil mukhang wala silang balak na umalis kung hindi ko sasabihin kung anong nangyari.

Pagkarating namin sa bahay, nandun na sila Jeongyeon at Limario. May dala pa silang apat na set ng chicken wings.

"Si Seulgi pala, hindi ko pa nasasabihan." saad ni Jeongyeon.

"Ayos lang, huwag niyo na siyang sabihan, tara na." pumasok na kaming lima sa loob ng bahay papunta sa kwarto ko.

Si kuya na lang yung kumuha ng mga alak na iinumin namin, habang naghihintay kaming apat sa kwarto ko.

"Anu ba talagang nangyari, para kang pinagsakluban ng langit at lupa kanina." sambit ni kuya bago umupo sa sahig kasama namin.

"Kampante ako na magkaibigan lang sila, lalo na kay Seulgi, kasi alam niya na gusto ko si Irene, gustong gusto." napayuko ako  at pinigalan yung mga luha ko. "Pero narinig ko siya kanina na umamin kay Irene."

"Ha?" si Limario, kaya napatingin kami sa kaniya. "Sigurado ka ba diyan?" tumango ako. "Pero diba, si Yeri yung gusto niya?"

"Yun din ang alam ko, kasi kita naman nating lahat kung paano siya kay Yeri. Pero kasi kanina, sobrang seryoso niya nung sabihin niya yun kay Irene." nagsimula na akong uminom ng alak sa lata na hawak ko.

"Pero anong balak mo ngayon? Ipapaalam mo ba kay Irene yung nararamdaman mo?" si kuya.

"Hindi na siguro, kikimkimin ko na lang, baka she's treating me as her younger brother lang talaga since siya ang bunso sa kanilang magkakapatid." uminom lang ako nang uminom, pero parang mas malakas pa rin yung tama ko kay Irene kesa sa alak na iniinom namin.

Nagkukwento sila nang kung anu ano, pero nakikinig lang ako.

"I'm leaving." sambit ko sa gitna ng pagtatawanan nila.

"Ayos lang yan, kailangan mo rin ng sariwang hangin para makapag-isip isip." nakangiting saad ni Jeongyeon.

"Oo, polluted daw kasi masyado yung hangin na binubuga mo." saad ni Limario habang nakaturo pa kay Jeongyeon.

"Tapos in the end sasama rin tayo, noh?" si kuya.

"No, I'm leaving for good, tutuloy ako sa Canada." napahinto silang apat sa pagtatawanan.

"Tatanggapin mo yung alok sayo?" si Chaeyoung, marahan akong tumango.

"Babalik ka rin ba agad, pagkatapos mo?" tanong ni kuya.

"Depende, depende sa sitwasyon."

"Well, wala namang kaso sa'min yan, paano kela tito at tita?" si Limario, nagkibit balikat ako.

"Paano pa kay Yeri." si Jeongyeon.

Parepareho kaming napatulala sa kawalan.

"Let's enjoy na lang ngayong gabi." tumayo si kuya. "Let's get wasted." lumabas siya ng kwarto ko.

Pagbalik niya, may matataas na alcohol content na yung bitbit niyang alak.

"Enjoy nga talaga."

Nang magsimula na kaming magkantahan habang naggi-gitara ako, halata na sa'min yung tama ng alak.

[END OF FLASHBACK]

Kinabukasan din nun, kahit may mga hang-over pa kaming lima, hinatid nila akong apat sa airport.

"Dama ko pa rin hanggang ngayon yung sakit ng ulo ko nun." napatingin ako kay You I na mahimbing nang natutulog.

Bumangon na muna ako at pumwesto sa harap ng study table ko, dahil nagkaroon ng pagbabago sa magiging operasyon namin, kailangan kong pag-aralan ulit pati yung kahalintulad sa case ng pasyente namin.

"Huwag lang sanang magkamali si Jisoo." napabuntong hininga ako.

"Naisip ko na baka kailanganin mo ng kape." napalingon ako kay mom at ngumiti.

"Thank you po." nilapag niya yung tasa ng kape sa study table ko. "Hindi pa po ba kayo matutulog?" tanong ko nang ilang minuto na siyang nakatayo sa tabi ko.

"Anak, masaya ka ba?" napahinto ako sa pagbabasa. "Kung hindi ka masaya sa desisyon ng daddy mo, pwede namang yung kuya mo na lang ang papalit sayo."

"Naiintindihan ko naman si dad, na ginawa niya yun para sa'min ni You I, hindi ko lang maintindihan na bakit pati sa pakikipag-kaibigan ko manghihimasok siya." marahan niyang pinisil yung kanang balikat ko.

"Alam naman nating lahat na hindi lang basta kaibigan ang tingin mo kay Irene, at hanggang ngayon kitang kita ko pa rin yun sa mga mata mo tuwing nakikita mo siya." napabuntong hininga si mom. "Hangga't may paraan, may pagkakataon Seungwan. Pero kung hindi ka pa rin handang sumugal para kay Irene, mabuti pa nga kung iwasan mo na muna siya." marahan niyang tinapik yung balikat ko bago siya maglakad palabas ng kwarto ko.

Mahal ko si Irene, pero ayoko namang isakripisyo si kuya. Sa dami na niyang nagawa para sa'kin, ayoko siyang pahirapan pa.

"Ang gulo." halos mapasabunot na ako sa buhok ko.

-------

[KINABUKASAN]

Napahawak na lang ako sa batok ko, sa swivel chair na pala ako nakatulog. Napalingon ako sa kama ko, tulog pa rin si You I.

"Good morning." bati ko sa sarili ko bago tumayo at naghanda ng mga damit na susuotin ko.

Paglabas ko ng banyo, wala na si You I sa kwarto ko. Nagbihis na muna ako bago bumaba para makapag-agahan.

"Morning." bati ko sa mga kapatid at magulang ko bago sumama sa kanila sa hapagkainan. "Si You I?"

"Nasa banyo lang." si Chaeyoung.

Hinintay ko na muna si You I bago ako magsimulang kumain.

"Daddy, di mo naman nakalimutan yung sinabi ko kagabi, diba?" sambit ni You I bago magsimulang kumain.

"Friday, family fun day." nakangiting saad ko.

"Sigurado ka bang makakapunta ka?" si dad.

"Nandito naman kami ni Yeri dad, kung hindi pwede si kuya." si Chaeyoung.

"Don't worry, I'll be there." nakangiting saad ko.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam lang ako sa kanila at umalis na.

"Yun, dumating na." salubong sa'kin ni Limario. "Daya ni Yoo, lumipat ng shift, magkakasama na dapat tayo."

"Sinong kasama natin ngayon?" tinignan ko yung mga papel na nasa lamesa ko.

"Si Kim." napa-inom siya sa tasa na hawak niya nang pumasok si Jisoo.

"Pinapatawag kayo ni Doctor Kim." nagkatinginan kami ni Limario bago tumango, nag-suot na ako ng lab coat tsaka naglakad.

"Reason?" si Limario.

"Baka tungkol sa pambababae mo." natatawang saad ko.

"Bakit damay ka?"

"Di man lang dineny, moral support ako." natawa lang din siya.

"Yes Doctor Kim?" sambit ni Limario pagpasok namin sa opisina nito.

"May operasyon akong gagawin ngayon, make sure na hindi niyo maiiwan yung emergency room. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng operating room, behave yourselves." napayuko lang kaming tatlo. "Sagot."

"Yes, Doctor Kim." sabay sabay na sagot naming tatlo.

"Back to work." lumabas na kami nang opisina ni Doctor Kim.

"Anu na naman ba kasing ginawa mo, mukhang wala sa mood si Jennie?" tanong sa'kin ni Limario.

"Sabog ka ba? Ikaw 'tong dikit nang dikit sa kaniya, tapos ako sisisihin mo."

"I heard na hindi talaga dapat ooperahan yung pasyente ngayon, pero gusto ng mga magulang nito." napatingin kami ni Limario kay Jisoo. "DNR, yun ang pinaka-ayaw ni Jennie." nauna na siyang maglakad.

"Kinausap niya tayo?" di makapaniwalang saad ni Limario. "Tapos tinawag niya si Jennie na Jennie?"

"Ang OA mo, tara na nga." binilisan ko yung paglalakad ko.

"Doctor Son." tawag sa'kin ng isang nurse kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"Gunshot victim, Shin Jeyeon, 19 years old."

"Naglalaro sila ng mga kaibigan niya sa labas ng basketball nang bigla na lang akong tawagin at ipinaalam yung nangyari sa kaniya, please gamutin niyo po siya." tinignan ko yung isang nurse para asikasuhin yung guardian ng pasyente.

Chineck ko muna yung paghinga nito at tinignan yung vital signs niya.

"Ilang bala ang tumama sa pasyente?"

"Isa sa kaliwang tagiliran at isa rin sa kaliwang hita." nag-alcohol ako ng kamay tsaka nag-suot ng surgical gloves. "Walang nataman na internal organs, he can undergo minimally invasive surgery."

"Assist me." saad ko at naghanda na.

Una kong tinanggal yung bala na nasa tagiliran ng pasyente, hindi naman yun ganun kalalim pero nakakabahala pa rin yung pagdudugo nun.

Nang matahi ko na yung unang sugat niya, lumipat na ako sa hita niya.

"Blood pressure?"

"Stable naman Doctor Son."

Tinuloy ko na yung pagkuha sa bala na bumaon sa hita ng pasyente.

"Total of nine stitches, lima sa tagiliran at apat sa hita." sinimulan na ng nurse na linisan at takpan ng gauze yung sugat ng pasyente. "Observe his vital signs, especially his temperature and blood pressure."

"Thank you Doctor Son." hinubad ko na yung surgical gloves ko at tinapon yun tsaka lumapit sa iba pang pasyente na nasa emergency room.

Tatlong oras na kami dito, pero parang hindi nauubusan ng pasyente yung pumapasok sa emergency room.

"Suicide attempt, Do Minyul, 14 years old. He took 50 sleeping pills and cut himself." halos mawalan ako ng hininga sa narinig ko.

Pagkatapos kong banggitin yung mga kailangan nilang gawin sa pasyente, halos mabingi ako sa tunog ng monitor para sa vitals ng pasyente. Ilang ulit akong napahinga nang malalim bago simulan na i-revive yung pasyente.

"Doctor Son, defibrillator." tuloy lang ako sa pag-CPR sa pasyente hanggang sa ma-ready na ng nurse na naga-assist sa'kin yung defibrillator.

"Clear!" saad ko bago idikit yung defibrillator paddle sa dibdib at ibabang bahagi ng dibdib ng pasyente.

Muli kung tinuloy yung pag-CPR sa pasyente. Paulit-ulit ulit hangga't hindi ako napapagod, ayokong mapagod.

"Doctor Son." mahinang tawag ng nurse na naga-assist sa'kin.

Napatingin ako sa relo ko, twenty minutes ko na siyang nire-revive, pero wala na talagang pag-asa.

'He's only fourteen.'

"Doctor Son, you have to declare his death." napatingala ako.

"Do Minyul, 14 years old, time of death at 11:12am." sambit ko, hinawakan ko yung kamay ng pasyente.

Sakto namang dumating na si Seulgi, lalapit na sana ako sa ibang pasyente nang pigilan niya ako.

"Your emotions Doctor Son, lumabas ka na muna." napabuntong hininga na lang ako at sinunod yung sinabi niya.

Pagpunta ko sa labas ng hospital, nakita ko si Jennie, umupo ako malapit sa kaniya pero nandun pa rin yung distansya.

"What happened?" tanong ko, dahil bihira siyang pumunta dito.

'She is Jennie Kim, ika nga'

"Table death." uminom siya ng kape sa paper cup na hawak niya. "May consent ng mga magulang, pero hindi ko lang matanggap yung DNR." sarkastiko siyang napatawa. "She's only 10 years old." bahagya akong napatango.

"Suicide, he's only 14." sambit ko.

"Tao lang din tayo, pero ang hirap kapag nawalan tayo ng pasyente. It's either death chose them or the oath let the death chose them." bumuntong hininga siya. "Babalik na ako sa opisina ko, huwag ka nang magtagal diyan." tumayo na siya at inubos yung kape niya bago itapon yung basong hawak niya.

"I hate it, so much." napahawak ako sa dibdib ko. "Emotions Seungwan, emotions." 

Pagkalipas ng ilang minuto bumalik na rin ako sa loob ng hospital, pagdating ko sa emergency room, tahimik na at parang hindi nagkakagulo yung mga tao dun kanina.

"Still traumatized?" napatingin ako kay Seulgi.

"Who wouldn't, both of my brothers have done that before." marahan siyang tumango.

"By the way, Irene got home safe and sound, don't worry about her."

"Buti naman, hindi na kasi siya nag-text sa'kin kagabi." tumingin ako sa relo ko. "Magra-rounds lang ako." nagpaalam na ako sa kaniya at pumunta sa mga pasyente kong under observation pa.

-------

[10PM]

Palabas na sana ako ng hospital para umuwi nang may tumawag sa pangalan ko.

"Yes, Doctor Kim?" tanong ko kay Jennie.

"Emergency meeting, it's about Chairman Bae." halata sa mukha niya yung pagkabalisa.

"Tara na?" napahawak siya sa braso ko. "Hmm, bakit?"

"Kinakabahan lang kasi ako, baka magalit siya kapag hindi ikaw yung mago-opera sa kaniya." tinapik ko siya sa balikat.

"Don't be, tara na." nauna na akong naglakad papunta sa meeting room ng hospital.

"As I was saying, we chose Doctor Kim Jisoo as your surgeon and Doctor Son Seungwan as his assistant for your operation." saad ni Director Kim, dad ni Jennie.

"Well, ayos lang naman sa'kin, as long as Doctor Son is with me in the operating room." tumingin siya kay Jisoo. "Siguraduhin mo lang na bubuhayin mo'ko."

"I will assure you Chairman Bae, mabubuhay ka po pagkatapos ng operasyon." tugon ni Jisoo.

"Pasensya na kung pinatawag ko pa kayo para sa emergency meeting, alam kong na-reschedule yung operasyon ko next week, pero pwede niyo bang gawin na ngayong linggo na 'to?"

"Pwede naman po Chairman Bae, pero bukas na bukas kailangan niyo na pong magpa-confine dito sa hospital para ma-monitor ko po yung kalagayan niyo bago ang operasyon." paliwanag ni Jisoo.

"Yun lang ba?" tumingin si Chairman Bae sa'min na kasama niya sa meeting room. "If that's what my surgeon's order, then I'll gladly follow it."

"Salamat po Chairman Bae." nag-bow pa si Jisoo.

"Pwede na ba muna akong umuwi?" saad ni Chairman Bae bago tumayo, nag-bow naman kaming lahat sa kaniya. "Doctor Son, can I have a walk with you?" napatingin ako sa kaniya at agad na tumango.

Habang naglalakad kami sa hallway ng hospital, hindi ako mapakali kakaisip kung bakit kailangan kong sabayan si Chairman Bae, hindi naman sa ayaw ko pero, nakakakaba lang.

"You chose Kim's hospital, instead of Bae's?" napatingin ako kay Chairman Bae. "Because of Irene."

"Hindi naman po dahil kay Irene, siguro dahil sa mga kaibigan ko rin po." marahan siyang tumango.

"I know Irene destroyed your heart once, hindi na ba mapagbibigyan ng isa pang pagkakataon?"

"Yun din po sana ang plano ko, pero si dad na po yung nagdesisyon tungkol dun." bahagya akong napayuko.

"Mahirap nga namang suwayin ang mga magulang." hinawakan niya ako sa balikat. "I wish the best for you, ipagpatuloy mo yung pagiging doktor sa puso at hindi lang sa pangalan."

"Makakaasa po kayo Chairman Bae." pinagbuksan ko siya ng pintuan sa sasakyan niya.

"Salamat." nag-bow pa ako bago paandarin ng driver niya yung sasakyan.

"Another day of, panghihinayang sa amin ni Irene." tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko.

Habang nasa biyahe, ramdam ko na yung antok, kaya naghanap na muna ako ng gas station na pwede kong paghintuan para makatulog kahit saglit.

Halos mapabalikwas ako nang tumunog yung cellphone ko, huminga muna ako ng malalim para mabawi yung normal kong paghinga, nagulat lang.

"Hello?"
: Hey, it's Irene.
"Oww, hi? Napatawag ka?"
: I'm here at Dahyun's bar, nasa hospital ka pa ba?
"Uhm, wala na bakit?"
: Okay, I think di talaga makakapunta si Jennie.
: Sorry sa istorbo, bye.
"Wait, Irene?"
: Hmm?
"Wait for me there."
: No ayos lang, I'll take a cab na lang pauwi.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim