Chapter Ten

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Irene's POV

Nagising ako sa ingay ng mga taong kasama ko sa kwarto.

"Anong meron?" tanong ko sa kanila.

"Wala naman, nag-aaway lang kaming dalawa." saad ni ate Tiffany habang nakaturo kay ate Taeyeon.

"Walang meaning sa'kin yung text na yun, tsaka tungkol naman sa trabaho yun Fanny." napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang bumangon at lumabas ng kwarto.

Dinig ko yung tawanan ng mga bata sa sala habang pababa ako ng hagdanan, mukhang yung magkakaibigan yung kasama nilang dalawa.

"Isa pa, ayos kasi sa pag-interpret Yujin." natatawang saad ni Minjeong.

"Ikaw kaya mag-interpret ng cheetah, rereklamo ka pa ang hirap hirap ng ginagawa ko." sambit ni Yujin.

Tumabi ako kay Seungwan, mukhang masakit pa yung ulo dahil nakainom siya kagabi.

"Good morning." hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good morning." niyakap niya ako bago humalik sa ulo ko.

"Masakit yung ulo mo?" tumango siya.

"Medyo lang naman, pero lalong sumasakit dahil sa laro nila." natatawang saad niya. "Pati ako napapaisip kung tama ba yung interpretation nila sa word na nabubunot nila." napakamot pa siya sa ulo niya.

Pinanuod ko si Chaewon, siya na yung magpapahula.

"Eh, bulate ba yan?" si Ryujin.

"Snake." sigaw ng mga bata, nagulat naman ako nang ituro ako ni Chaewon at ngumanga siya na parang sumisigaw.

"Dragon!" tumayo pa si Yujin habang nakaturo kay Chaewon.

"Yes, nakahula rin." masayang saad ni Chaewon.

"Sige, tumawa ka pa." hinampas ko si Seungwan sa braso.

"Hindi ako tumatawa." sambit niya.

"Pinipigilan mo lang, pero natatawa ka na talaga." inirapan ko siya bago paluin ulit sa braso.

Nang tawagin na kami nila Yeri para kumain, mabilis na nagtakbuhan yung mga bata papunta sa hapagkainan. Habang kumakain naman kami, pinag-usapan na rin namin kung paano ang magiging paghatid sa'min pauwi.

"Si Ryujin at Yujin, sa apartment naman sila uuwi. Sila Winter sa unit niya, ikaw Chaewon?" sambit ko. "Kasi kung sa unit mo kayo tutuloy, dun na lang kami bababa nila Seungwan."

"Kaz?" saad ni Chaewon, ang tagal pa nilang nagtitigan na parang nag-uusap sila nang masinsinan. "Hmm, sa unit kami tutuloy." sambit ni Chaewon nang tanguan siya ni Kazuha.

"So goods na kami na magkakasama sa iisang van, kayo ba?"

"Babalik kami sa mansion ni Chairman Son para kuhain yung mga sasakyan namin." saad ni Chaeyoung.

"Sige, basta kami yun na yung plano namin, kung magbago man yung inyo sabihan niyo lang kami para alam namin." tinuloy ko na yung pag-kain ko.

Tahimik lang naman si Seungwan, pero mas mabuti na yun, kasi lalo lang akong naniniwala sa sinasabi nila Limario na medyo mahina talaga si Seungwan pagdating sa pakikipag-usap sa tao. Hindi naman siya bobo, pero hindi siya marunong bumasa ng tao, kaya minsan kapag nagsasalita siya, parang hindi niya pinag-iisipan yung sinasabi niya.

'Sorry Seungwan, pero mahal na mahal naman kita.'

"Bakit?" tanong sa'kin ni Seungwan nang haplusin ko siya sa balikat.

"Kain ka lang." nakangiting saad ko, natatawa naman siyang tumango.

Pagkatapos naming makapag-agahan, nagpaalam na kami sa caretaker at mga kasambahay sa villa ni papa lolo. Pagsakay naman namin sa van, sila Ryujin at Yujin na yung umupo sa passenger seat para makatabi naman daw sa'kin si Seungwan.

Mukhang pagod pa sila Ryujin at Yujin dahil nakanganga pa silang dalawa habang natutulog sa pwesto nila. Sila Minjeong at Karina naman, nag-uusap tungkol ata kay Winter at sa pagpasok nito sa pre-school. Habang sila Chaewon tulog at nakahilig yung ulo sa balikat ni Kazuha, tapos si Eunchae nakakandong kay Chaewon habang natutulog.

"Hindi ka ba inaantok?" napatingin ako kay Seungwan.

"Hindi pa naman." sinilip ni Seungwan si You I na nasa gitna naming dalawa.

"Sabihan mo ako kapag matutulog ka, para makapagpalit kami ni You I at makasandal ka sa'kin." tumango lang ako.

'May problema ba siya? Nakakatakot na yung pagiging tahimik niya.'

Hindi pa lumilipas yung sampong minuto, nakatulog na rin si Seungwan. Inilabas ko yung cellphone ko, na ngayon ko lang hinawakan ulit mula nung dinner namin nila Seungwan. Pagtingin ko pa lang sa website kung saan lumalabas yung mga article tungkol sa mga sikat na personalidad, ang bumungad na agad sa'kin ay yung statement ni Chaewon tungkol sa issue na isa sa mga Hunter ang may anak na.

[Æthernity Band's vocalist Kim Chaewon Hunter, posting a statement about the issue that one of the Hunters is keeping a child from public. On Saturday Chaewon Hunter stated on her Sistargram account post saying "Breaking the silence have been a long conversation between me and my partner, but since now there's some rumors spreading about this issue, this will be a great opportunity for us to publicly announced of being parents to our daughter, but for now we decided to keep her identity privately." Chaewon Hunter ended her post with a message for their fans saying "I hope this won't affect the connection between us, please keep on supporting and loving the Æthernity Band, we will see you soon."]

'Napag-usapan nila? Eh ayaw nga siyang kausapin ni Kazuha.'

Hinanap ko yung statement ng kompanya ko tungkol sa isang issue ni Chaewon, physically abusing her partner. Actually hindi ko rin alam kung anong laman ng statement na yun, dahil ang sabi ko kay Kazuha ilagay niya kung anu yung gusto niyang sabihin, hindi kung anu yung gusto ko at ng mga fans nila Chaewon na makita sa statement na yun. Dahil unang una, siya ang nakakaalam kung paano nga ba si Chaewon makitungo sa kaniya, at pangalawa siya lang ang may karapatan na magbigay ng statement tungkol dun.

[Red La Rouge Entertainment Now: Kim Chaewon Hunter's ex-girlfriend Nakamura Kazuha. This is Nakamura Kazuha clearing up the issue involving me saying that I was physically abused while being in a relationship with Chaewon Hunter. As the person who's been with her before, I declare that the numerous rumors about Chaewon being an abusive partner are not true. To those who are involved with this unfounded assumption, hereby to sue with a rightful judgement.]

"Ang taray, balak niya talagang magsampa ng kaso?" napalingon ako kay Kazuha, gising na siya at tinitignan si Chaewon, napatingin na lang ako sa cellphone ko nang halikan niya sa ulo si Chaewon.

'Bakit may paghalik sa ulo.'

Binalik ko na lang yung atensyon ko sa website na binabasa ko. Tinignan ko yung post ni Chaewon sa Sistargram account niya, inaasahan ko na yung hate comments, ang hindi ko lang inaasahan ay yung nagmemention sila ng kung sinong artist.

"Even Wonyoung was mentioned." napatakip ako sa bibig ko.

Yung dalawang oras naming biyahe, ang dami kong chismis na nakalap, di ko alam kung totoo ba yung sinasabi nila na nakita nila si Chaewon na nakikipag-date.

"Bye po Miss Irene, kuya Seungwan, Hunters at sa mga bebe niyo. Salamat po sa paghatid, ingat po kayo." paalam ni Yujin habang nakasilip sa bintana ng van.

"Salamat po sa pagsama sa'min, ay si ate Taeyeon pala nagsama sa'min, ingat po kayo." kumakaway na saad ni Ryujin.

Nang makapasok na sila sa main door ng apartment building na tinutuluyan nila, bumiyahe na kami papunta sa condominium na tinutuluyan namin.

"Chaewon, may itatanong ako sayo." nilingon ko pa si Chaewon, humihikab siyang tumingin sa'kin.

"Anu yun ate?"

"Nag-date kayo ni Wonyoung?" nagulat siya sa tanong ko.

"Grabe ka ate, saan galing yung chismis na yan? Lumalabas kami, pero hindi naman yun romantic date." natatawang saad niya.

"Kaya pala, you're lurking to her Sistargram account ha." mapang-asar na sambit ni Seungwan sa'kin.

"I got curious kasi lalo na hindi naman namin napag-usapan yung tungkol sa pagpost niya ng statement about sa issue, grabe ang dami nilang minemention na recent partner mo."

"Naku ate, malandi yan si Chaewon, walang sineryoso yan sa mga nakasama niyang lumabas." saad ni Minjeong.

"Sabi nung nagsama ng babae sa victory party last comeback, dun ka nga sa far away." nakangusong sambit ni Chaewon.

"Wait, ang sabi niyo kayong lima lang yung nandun sa party, that's why I let you girls enjoy it without your manager." tinitigan ko si Chaewon bago ilipat kay Minjeong yung paningin ko.

"We didn't expect it din ate Irene, si Minjeong kasi." halata kay Chaewon yung kaba niya.

"Hay naku naman talaga kayo." napabuntong hininga na lang ako bago umupo nang maayos, nagsend ako ng email sa mga producer ng kompanya ko.

"Ikaw kasi, binanggit mo pa."

"At least totoo yung sinabi ko."

"Shh, okay na, tumahimik na muna kayo." saway ni Seungwan dun sa magkapatid.

"Sa 20th, we will start to let you hear the demos, then you'll be having a week to study the chords, lyrics, and the dynamics for the songs." sambit ko habang nakatingin sa calendar.

"Ate, papayagan mo na ba yung request namin? Promise po, it will help our comeback po." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Chaewon.

"Kahit pakinggan mo muna lahat ate Irene, tapos kung wala ka talagang mapili ayos lang naman sa'min, just give us a chance to showcase our talent in writing songs." sambit ni Minjeong, tumingin ako kay Seungwan.

"Bakit ako? Ikaw yung CEO nila." inirapan ko si Seungwan.

"Fine, I'll listen to it bukas."

"Ate, ayos lang kung sa susunod na araw na lang?" nilingon ko si Minjeong. "Birthday kasi ni Karina ngayon, baka bukas pa kami makalabas."

"Oww, yeah I forgot." tinignan ko yung calendar sa cellphone ko. "Okay, sa susunod na araw na lang, kausapin niyo na lang yung tatlo tungkol dito."

"Salamat ate Irene." masayang saad ni Chaewon.

"May gagawin ba kayo mamaya?" tanong ko.

"May pasok ako mamaya." sambit ni Seungwan.

"Let's have dinner mamaya sa unit ko, let's celebrate Karina's birthday."

"Sure ka diyan, ate Irene?" si Minjeong.

"Okay lang Miss Irene, lalabas naman kami ni Minjeong bukas." sambit ni Karina.

"It's alright, basta mamayang dinner pumunta kayo sa unit ko."

"Paano ako?" nakangiting saad ni Seungwan.

"Papasok ka, diba? Alangan namang pigilan kita."

"Sabi ko nga, nakakatampo ka naman masyado." pabiro ko siyang sinampal.

"Ang arte."

Nang makarating na kami sa condominium na tinutuluyan namin, nagpaalam si You I na makikipaglaro kela Winter at Eunchae.

"Sa unit na lang namin, since maglilinis si Chaewon sa kanila." sambit ni Minjeong.

"Basta mamayang dinner, You I behave ka lang dun." saad ko.

"Yes po."

Pagdating namin sa floor kung nasaan yung mga unit namin, naghiwa-hiwalay na kami.

"Mamimili ka pa ba?" binuksan ko yung pinto ko bago tignan si Seungwan.

"Para saan?"

"Akala ko ba dito sila magdi-dinner?" tumango ako.

"Mag-oder na lang siguro ako, maliligo lang ako saglit. Anong oras ba yung pasok mo?"

"6pm pa naman."

"Huwag ka na lang kayang pumasok?" natatawa siyang huminto sa pagpasok ng kwarto ko.

"Mananagot na ako kay Jennie." tumango lang ako at sumunod sa kaniya sa kwarto.

"Matulog ka na lang muna, 11am pa lang naman." pumasok na ako sa banyo para makaligo.

Paglabas ko ng banyo, tulog na si Seungwan.

"Ang himbing naman." tumabi ako sa kaniya sa kama. "Seungwan?" bahagya kong tinapik yung mukha niya.

"Hmm."

"Gising ka muna." dinilat niya yung kaliwang mata niya at tumingin sa'kin.

"Bakit?" nag-inat siya ng mga braso.

"Papasok ka mamaya?"

"Oo, sinabi ko na kanina." hinalikan ko siya sa labi.

"Huwag na, dito ka na lang."

"Pero kasi, ilang araw na akong di pumapasok." niyakap ko siya. "Rene?!"

"What?"

"You're ." tinawanan ko yung itsura niya.

"Malamang naligo ako."

"May pasok pa ako mamaya." hinila ko siya sa damit palapit sa'kin.

"Huwag ka na ngang pumasok." hinalikan ko siya sa labi, napangiti na lang ako nang tumugon siya sa halik ko.

"What's with you these days." bulong niya sa tenga ko habang hinuhubad yung sweatshirt niya.

"Hindi ko rin alam Seungwan." hinalikan ko siya ulit, pero sa pagkakataong ito kinagat ko yung labi niya.

"Naughty." ramdam ko na yung mga kamay niya sa bewang ko.

"Seungwan." napatingala na lang ako nang makarating na sa leeg ko yung mga halik niya.

-------

[Dinner]

"Chaewon, sumama ka muna sa'kin, nandiyan na yung pina-deliver ko." salubong ko kay Chaewon nang mag-doorbell siya.

"Pero ate?" hinila ko na siya at saktong papunta na rin si Minjeong sa unit ko.

"Sumama ka na rin sa'min, medyo marami kasi yung inorder ko." hinila ko siya papasok ng elevator.

"Kaya pala ang text, huwag na muna isama yung mga bata." nakangusong saad ni Minjeong.

"Bakit kasi hindi mo pa pinaakyat na lang, ate." si Chaewon.

"Wala raw kasing maghahatid paakyat, eh hindi naman pwede paakyatin ng guard lahat ng magde-deliver." paliwanag ko.

Pagdating namin sa ground floor, dumiretso na ako agad sa labas.

"Son Rene, po?" tanong ko sa nagde-deliver ng pagkain.

Nang makuha ko naman na lahat nang para sa'min, sinabihan ko silang mag-stay muna kami sa labas nang ilang minuto.

"Good evening po, Miss Irene." nginitian ko yung bumati sa'kin.

"I miss you girls." bumeso ako sa kanila isa isa. "Tara na, umakyat na tayo."

Pagsakay namin sa elevator, napatingin ako kay Chaewon at Minjeong.

"Sa susunod na elevator na lang kayo, di na kasya." nakangiting saad ko.

"Ate? Sana nauna na kami kanina." nakangusong reklamo ni Chaewon.

"Pasalamat ka ate, gutom ako." pilit ang ngiting sambit ni Minjeong.

"Hihintayin ko na lang kayo, sige na." pinapindot ko na kay Yuna yung elevator para sumara na yung pinto nun.

Nang makarating na kami sa tapat ng unit ko, pinahawak ko na muna kay Chaeryeong at Wonyoung yung mga dala ko para mapindot yung passcode ng unit ko.

"Sa sala na lang tayo, lapag niyo na lang sa lamesa na nasa sala yung mga pagkain."

Pumunta na muna ako sa unit ni Minjeong para tawagin sina Karina at yung tatlong bata, sakto naman yung pagbukas din ng unit ni Chaewon at bumungad sa'kin si Kazuha. Nasa kabilang dulo pa yung unit ko, kaya mahigit isa minuto rin yung lalakarin namin bago makarating sa unit ko.

"Sakto, hon patulong naman, namamanhid na yung mga daliri ko." napahawak ako sa dibdib ko nang lumabas si Minjeong galing sa elevator, tinulungan naman siya ni Karina.

Tumingin lang si Chaewon kay Kazuha bago dumiretso sa unit ko. Tumuloy na kami sa paglalakad, nang buksan ko yung pinto ng unit ko nagmamadaling pumasok si Chaewon.

"Chae, yung sapatos mo." tawag ni Kazuha kay Chaewon.

"Hayaan mo na." nakangiting saad ko bago siya papasukin kasunod yung mga bata.

As usual, inayos nung mga bata yung sapatos nila sa shoe rack bago tuluyang pumasok papunta sa sala.

"Oww, hon they're here nga pala." sambit ni Minjeong. "Ate ayos lang?" pagtutukoy ni Minjeong sa sapatos niya.

"Hmm, sige hubarin mo na, ako nang mag-aayos." saad ko, naka-tsinelas lang si Karina kaya kaya niya naman nang hubarin yun diretso sa shoe rack.

Pagpunta ko sa sala, inihahain na nila Yuna at Chaewon yung mga pagkain. Yung iba naman ay kinukumusta yung mga bata.

"Si Ningning nga pala? Bakit hindi siya sumama?" tanong ko sa kanila.

"Nasa hospital daw siya ngayon, kaya hindi siya makakapunta." si Chaeryeong.

"Walang uwian yun, Miss Irene." sambit ni Wonyoung.

"Buti hindi siya tinataboy ni Gigi." natatawang saad ni Minjeong.

"Hindi naman kasi ganun kasama yung ugali ni Gigi, hindi katulad mo." sambit ni Chaewon.

"Sayo talaga nanggaling yan ha." tumingin si Minjeong kay Kazuha. "Parang hindi pinauwi si Kazuha." dagdag ni Minjeong.

"Oh, hindi niyo na circle of friends ang nandito, baka magbangayan pa kayo nang malala." saway ko sa kanila bago maglakad papunta sa kwarto ko.

Lumapit ako sa kama at tinapik si Seungwan.

"Seungwan, kakain na." mabilis siyang umupo at tumingin sa'kin.

"Napagod ako."

"Di ko na kasalanan yun." hinila niya ako palapit sa kaniya.

"Sabi mo eh, edi hindi mo nga kasalanan." niyakap niya ako. "Maliligo na muna ako, pero papasok pa rin ako, kahit late." tumango lang ako bago siya halikan sa labi.

"Hmm, basta kumain ka muna bago ka umalis. Sige na, aasikasuhin ko pa sila sa sala."

"I love you."

"I love you." hinalikan niya ako sa labi bago pakawalan mula sa mga yakap niya.

Pagbalik ko sa sala, may panibago na namang pinagbabangayan yung magkapatid.

"Girls pwede namahimik kayo, let them enjoy." saway ko sa dalawa bago sila saluhan sa sala.

"So, the reason why Karina left, is because she's pregnant?" tanong ni Yuna.

"Napaliwanag na niya yan sa hospital, diba?" saad ni Minjeong.

"Pero, ang sabi niya kasi sa sulat na iniwan niya sa'min, she was threatened by her parents." saad ni Wonyoung.

"So it's kinda confusing." si Chaeryeong.

"Well, magkakaiba yung nilagay ko sa sulat, but all of it is true." maikling paliwanag ni Karina.

"Pero, walang kang ibinigay sa'kin." napatingin kami kay Minjeong.

"May ibinigay ako sayo, but Minjoo found it first. Alam ko kasi nung nagkita kami, she keeps on telling me na hindi mo nabasa yung sulat dahil tinapon niya, and there I found out she tried to pursue you." pilit na ngumiti si Karina.

"Tapos ako na naghintay sa labas ng tinutuluyan mo, kahit goodbye o sulat, wala akong natanggap?" pagrereklamo ni Chaewon.

"Hindi ko naman kasi kailangan na mag-explain sayo, duh." inirapan pa ni Karina si Chaewon.

'So, that's the reason why Kazuha got jealous of Karina. Dahil nung kailangan niya si Chaewon, si Karina yung pinupuntahan nito.'

Tumingin ako kay Kazuha.

'Kaya pala sabi ni Kazuha, it's not about abortion that makes her hate Chaewon. Kazuha knows Karina is pregnant, that's why she's mad at Chaewon. It looks like Chaewon wants abortion for their child, but wants to take responsibility for Karina.'

"I get it now!" napatakip ako sa bibig ko.

"Ang alin ate?" kunot noo na saad ni Minjeong. "Alin ang nakuha mo?" nilibot ko yung paningin ko sa kanilang lahat, at yung mga tingin nila punong puno ng pagtataka.

"Wala." natatawang saad ko. "Paabot nga ng plato tsaka chopsticks, salamat."

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan na tignan kung paano asikasuhin ni Minjeong si Karina, sila Chaewon at Kazuha naman titingin sa dalawa tapos sa isa't isa.

'Bakit ganiyan sila mag-usap, paano ko maiintindihan yung pinag-uusapan nila?!!'

'At bakit naman kasi kailangang intindihin pa yung pinag-uusapan nila?'

"Ang dami namang pagkain." umupo si Seungwan sa likuran ko.

"Na saan yung nakabukod, yung nasa tupperware." sambit ko.

"Bakit ate?" si Chaewon.

"Babaunin ni Seungwan yun." sambit ko.

"Ay, hala." natatawang saad ni Chaewon habang may kinukuha sa ilalim ng lamesa. "Take out ko sana, sorry." inabot niya yung paper bag.

"Ang bilis ng kamay ha." saad ko bago siya irapan.

"Eh, baka kasi maubusan, ate. Pang midnight snack ko sana, sensya na." napakamot pa siya sa ulo niya.

"Wala ka na ngang ambag, mag-uuwi ka pa." saad ni Seungwan.

"Grabe naman kuya, porket soon to be asawa mo yung bumili, ganiyan ka na." nakangusong saad ni Chaewon.

"Soon to be asawa? As in magiging wife?" sabay sabay na saad nung magkakaibigan na inimbitahan ko para sa celebration ng birthday ni Karina.

"Right, I haven't announced it publicly. Actually, wala rin akong balak, kumbaga ibabalita ko na lang sa iba sa mismong kasal."

"Congratulations na agad Miss Irene." masayang sambit nung magkakaibigan.

"Oo nga pala, Miss Irene, you invited us pero di mo kami pinapakilala." napatingin ako kay Yuna.

"Kanino?" tanong ko.

"Sa partner ba?, ni Chaewon." saad ni Wonyoung.

"Ahh, right, you haven't met her." sambit ko. "She's Nakamura Kazuha, Chaewon's?" hindi ko alam kung anong babanggitin ko, partner ba o ex-girlfriend.

"Ex-girlfriend, she's my ex-girlfriend." saad ni Chaewon.

"Na nag-luwal sa anak mong inilayo sayo at may posibilidad na balikan ka, kasi nga mahal ka naman tanga ka nga lang." saad ni Minjeong.

"Kompleto ha." natatawang saad ni Seungwan.

"Huwag ka nang mang-asar, ito oh, kumain ka na lang." inabot ko sa kaniya yung plato na nilagyan ko ng mga pagkain.

"Right, mommy loves mami if hindi lang siya tanga." saad ni Eunchae habang ngumunguya.

"What did I tell you? Don't speak if your mouth is full and don't interfere when elderly are talking." saad ni Kazuha habang pinupunasan yung bibig ni Eunchae.

"Oww, so siya pala yung nasa statement ng RLRE. Akala ko ba Chae, she left you, eh tanga ka naman pala?" si Chaeryeong.

"That's in the past na, napag-usapan na rin naman namin yun, so kumain na lang tayo." nakangiting saad ni Chaewon.

Hinayaan ko na muna sila at bahagyang umatras para pantayan si Seungwan.

"What time ka makaka-uwi?" tinignan niya ako at nginuya yung pagkain na nasa bibig niya bago yun lunukin.

"Depende, baka gabi na o sa susunod na araw pa, kawawa naman kasi si Seulgi."

"So bukas, ihahatid ko si You I, anong oras dismissal nila?" ilang minuto siyang nag-isip.

"Mga 3pm, passed three na kasi ako nakakatanggap ng text mula kay Yeri na nasundo na niya si You I." tumango ako.

"So, I'll drop her sa school at 8am, then I'm going to fetch her at 3pm. Wait, how about her uniform?"

"Right, dapat pala dumaan muna tayo sa condo kanina." napatulala siya nang ilang segundo. "I'll notify her teacher na lang, kaysa dumaan pa kayo bukas sa condo. Pag-uwi niyo na lang daanan dun, para hindi kayo magahol sa oras."

"Hindi naman siguro magagalit yung teacher niya?"

"Hindi naman siguro, basta ganun na lang gawin niyo bukas ako na yung tatawag sa teacher niya." tumango ako. "Ilalagay ko lang 'to sa lababo, wait." tinignan ko yung plato niya na wala nang laman.

"Papasok ka na?"

"Mamimiss mo ba ako agad?" natatawang saad niya.

"Ayaw nga kitang papasukin eh."

"But I have to, baka magalit na sa'kin yung kaibigan mo." tumayo na siya at naglakad papunta sa kusina.

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at pinatong sa lamesa yung plato ko. Habang hinihintay ko si Seungwan na makabalik, nakinig ako sa pinag-uusapan nilang magkakaibigan.

"Where did you meet her before? Kasi di naman pala kwento si Chaewon, tapos kilala pa siya na maraming ex." sambit ni Yuna na nagpatawa sa'min.

"Grabe sa maraming ex, si Ryujin kasi kung anu-anu yung kinakalat na chismis." natatawang saad ni Chaewon. "I met her nung senior high, pero magkaiba kami ng school, well alam niyo naman we used to play kapag may festival sa mga school."

"Yeah, I remember, kaya nung nakita kita sa company parang familiar ka sa'kin." si Chaeryeong. "Kasi alam ko ikaw dapat yung lalapitan namin nung nag-perform kayo sa school, pero si Ryujin ata o si Yujin ang lumapit sa'min."

"Si Yujin ata yun, kasi sabi niya kilala niya kayo. Mukha lang madaldal at walang hiya si Ryujin, pero shy type talaga yun." natatawang paliwanag ni Minjeong.

"Ay, oo nga pala, Miss Irene. Kanina may naghahanap sa inyo na lalake sa company, he's asking for Katarina Bluu? Hindi ko sigurado kung tama yung pagka-intindi ko sa pangalan, since I haven't heard that before." napatingin ako kay Wonyoung.

"Bakit niya ako hinahanap?"

"Ang sabi niya tungkol sa magazine, kukuhain niya sanang model, something like that." dagdag ni Wonyoung.

"Sana bumalik siya bukas." tinuloy ko yung pag-kain ko at iniisip kung sino yung lalake na yun.

"Aalis na ako." lumapit sa'kin si Seungwan at hinalikan ako sa labi. "Goodbye kiss na baby." tumayo si You I at humalik kay Seungwan.

"Bye, daddy."

"Ingat ka." sambit ko.

"Ingat po, Doctor Son." sambit ng mga artist ko habang kuya naman sa mga pinsan niya at sa partners ng mga ito, habang sina Winter at Eunchae ay kumaway lang.

Nang makaalis na si Seungwan, nakinig na lang ako sa usapan nilang magkakaibigan. Ang dami nilang tanong kay Karina, nung mga nakaraan kasing pagkikita nila, may ilangan pa rin. Hindi ko alam yung dahilan, pero ang mahalaga ngayon komportable na ulit si Karina sa paligid ng mga kaibigan niya. Ang kagandahan din sa kanila, isinasama nila si Kazuha sa usapan nila kahit ang ilan doon ay walang kaugnayan kay Kazuha.

'If Karina didn't leave, she'll be Nævis' leader.'

Tumagal hanggang alas diyes ng gabi yung bonding nilang magkakaibigan, kaya nang mapagdesisyunan nang umuwi nila Yuna, si Chaewon na yung naghatid sa kanila sa baba. Habang nag-aayos kami ni Minjeong ng mga kalat, tinignan ko si Karina, nakangiti siya ha

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim