Chapter Six

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Seungwan's POV

Nagra-rounds ako nang mag-paging sa'kin yung emergency room, kaya bumaba ako agad para pumunta dun.

"Kuya Seungwan?" napatingin ako kay Chaewon nang tawagin niya ako.

"Anong nangyari sa inyo?" tinignan ko yung iba pang kasama niya, pare-pareho silang nakahawak sa tsyan nila at yung iba ay sumusuka. "Minjeong, Minjeong." tinatapik ko si Minjeong sa mukha pero hindi siya nagre-respond, nawalan na ata ng malay.

"Anong meron?" napatingin ako kay Seulgi.

"Food poisoned." sambit ko dahil lahat ng nasa emergency room pare-pareho yung itsura nila.

"Kuya si Minjeong." napatingin ako kay Minjeong nang sabihin yun ni Chaewon.

Kumilos na ako at agad nilunasan yung nangyayari kay Minjeong. Habang inaayos ko sa posisyon si Minjeong, binanggit ko sa nurse yung mga kailangan kong gamot.

"Minjeong-ah!" sigaw ni Chaewon.

"Chaewon, diyan ka lang sa kama mo at makinig ka sa nurse na nag-aasikaso sayo." saway ko sa kaniya dahil nahihirapan na yung nurse na asikasuhin siya. "Alam kong nag-aalala ka kay Minjeong, pero kailangan mo ring gamutin." tinurukan ko na ng gamot si Minjeong.

Nang mag-stable na yung vitals ni Minjeong, inasikaso ko na yung iba pa naming pasyente. Pati si Jennie tumao na rin sa emergency room.

"Chaewon, isa." saway ko sa kaniya dahil galaw siya nang galaw. "Huwag ka nang makulit, sasakalin talaga kita." sumunod naman na siya sa'kin, pang-limang pasyente na siyang ginagamot ko, sa kaniya lang ako nahirapan.

Nang magamot naman na namin lahat, nang nasa emergency room, hinarap na namin yung mga pulis.

"Ayon sa kuha ng cctv, yung apo ng may-ari ang naglagay nang insecticide sa nilulutong pagkain ng matanda." napatingin kami sa matanda na nakikipag-usap din sa mga pulis, medyo malayo sila sa'min. "May disability yung apo ng matanda, unconsciously nagawa niya yun." napatingin kami sa mga tao na nasa emergency room.

"Almost eighty patients ang makakaharap nila kapag nagkataon." saad ni Jihyo.

"Gusto na lang i-areglo ng matanda yung nangyari, pero kailangan pa rin namin yung panig ng mga biktima. Kahit saang anggulo kasi natin tignan, pwedeng maging kaso ng attempted murder 'to. Swerte na lang, walang namatay sa kanila."

"Siguro, kuhain niyo na lang yung panig ng mga pasyente kapag nailipat na sila ng ward." suhwestyon ko.

"Seungwan?" napabuntong hininga na lang ako nang makita ko si Irene. "Where's my artist?"

"Shh, baka may makarinig sayo, dadalhin na lang kita sa kwarto nila." tumingin ako sa mga kasama ko. "Ihahatid ko lang." nauna na akong naglakad.

"I'll sue them, paano kung may mangyari isa man sa artist ko?"

"Irene, pwede kalma ka muna. Please, kasi kahit kami hindi namin alam paano susulosyunan yung nangyari." napakamot ako sa batok ko.

"Paano ako kakalma Seungwan? Halos mamatay na yung isa sa kanila, paano akong kakalma?" hinawakan ko siya sa braso.

"Makikinig ka sa'kin o hahalikan kita." madiin kong saad.

"Oo na." sumakay na kami sa elevator.

'Makikinig din pala, papasakitin pa yung ulo ko.'

Pagpasok ko sa ward kung saan inilipat sila Chaewon at iba pang miyembro ng banda nila, halos itulak naman ako ni Irene para lang makita yung lagay nila.

"Sandali, Ryujin sino munang iboboto mo?" si Giselle.

"Bakit ako lagi tinatanong niyo, tapos kapag mali, ako sisisihin niyo." nakangusong saad ni Ryujin.

"Ang arte mo naman, ang sarap mong sampalin." si Chaewon. "Si Ryujin na lang iboto natin, tutal mabantot naman siya." bumilang silang apat bago mag-thumbs down sa direksyon ni Ryujin.

"Inang basehan yan, pabantutan. Ayoko na nga." 

Bahagya kong hinampas sa braso si Chaewon.

"Aray ko naman kuya." reklamo niya.

"Mahiya kayo, may iba kayong kasama sa kwartong 'to." tinignan ko si Minjeong, hindi katulad ng mga kasama niya nakahiga pa rin siya at nakapikit.

"Anu bang nangyari sa inyo?" inis na saad ni Irene.

"Irene, hinaan nang konti." inirapan niya lang ako.

"Mommy." pag-iyak ng isang bata.

Nakasarado yung kurtina ng kama nung katapat ni Minjeong na kama.

"Ang iingay niyo kasi." marahan kong binuksan yung kurtina ng kama nung pasyente ko, siya na lang yung pupuntahan ko sana kanina bago ako tawagin sa emergency room.

"Gag*" sabay sabay na sambit nung apat.

"Bunganga, anu ba." saway ko sa kanila.

"Shh, mommy is here." pagpapatahan ng ina dun sa anak niya, pero wala atang epekto yun.

"Let me see." hinawakan ko yung kamay nung bata kung saan nakatusok yung cannula. "Ililipat ko na lang muna siguro sa kanang kamay niya." napatango lang yung ina nung bata at pilit pa ring pinapatahan yung anak niya.

Tumawag ako ng nurse gamit yung nurse call system.

"Good morning, patient Kim Winter?" ako na yung kumausap sa nurse para sa mga kailangang gawin sa pasyente, hindi pa rin siya tumatahan sa pag-iyak.

"Ang ingay naman." napatingin kaming lahat kay Minjeong. "Gag*" napatakip siya sa bibig niya.

"Manahimik ka, isa ka pa." tinignan ko yung pasyente ko nang matahimik siya. "It's alright, don't be scared." nakatingin lang siya kay Minjeong, habang yung ina nung bata nakayuko lang.

"Excuse me po." sambit nung nurse nang makabalik na siya dala yung gamit niya.

Pinanuod ko lang yung nurse kung paano niya iturok yung cannula sa kanang kamay nung bata.

"Let's check how are you?" pinaupo si Winter ng ina niya sa kama, hinanda ko na yung stethoscope ko at idikit yun sa likod ni Winter. "Inhale." nginitian ko siya. "Exhale." sinunod niya naman ako. "I'll check your eyes." kinuha ko yung penlight ko. "Follow the light." nagawa naman niya yung sinabi ko. "Kabila, follow the light." tumingin ako sa ina nung bata. "Sumuka ba siya within the night?"

"Around three to four midnight po." napatango ako.

"Let me check your mouth, say ahh." tinutukan ko ng penlight yung lalamunan niya. "Uubusin na lang naman niya yung gamot, hanggang sa Friday yun. Kung wala naman nang komplikasyon, pwede na rin kayong makalabas sa Friday."

"Thank you po." tinignan ko si Minjeong.

"Kamukha mo, diba?" nakatakip pa rin siya sa bibig niya, lumapit ako kay Yujin. "Tingin sa taas." tumingala naman siya. "Uto-uto."

"Kuya Seungwan naman, grabe ka."

"Girls, behave ha. May 3 year old baby kayong kasama sa ward, lalo na yung bunganga mo Chaewon."

"Luh, ako na naman yung nakita." tinawanan ko lang siya at tinignan si Irene na nakatulala.

"Ayos ka lang?" tumingin siya sa'kin.

"Ang unexpected lang." napatango ako.

"Nagulat din ako, duplicate ni Minjeong." nakangiting saad ko.

"No, I mean. Ang unexpected nang pagkikita nilang dalawa." mahinang sambit Irene.

"Gag*, tatay ka na." napa-iling si Giselle. "I mean, another mommy ka na."

"Murahan naman kayo nang murahan." napabuntong hininga ako. "Titigan lang kayo, kahit naman magkapalit kayo ng mukha, ganun pa rin."

"Medyo kamukha ko rin naman, kuya. Baka ako talaga yung kahati mo diyan, Katarina, umamin ka na." natawa ako sa sinabi ni Chaewon.

"Number one na kaagaw ka talaga ni Minjeong noh." si Yujin.

"Gagi, mas kamukha ko nga eh." si Ryujin.

"Ang panget naman ng joke mo, kamukha mo." si Giselle.

"Girls anu ba, alam kong balasubas kayo pare-pareho, pero ilugar niyo naman." saway ni Irene sa kanila.

"Oo nga pala, bakit ikaw yung nandito, na saan yung manager nila?" tanong ko.

"Ito na." saad ni Irene na para bang ipinapakita niya sa'kin yung sarili niya mula ulo hanggang paa.

"Ahh, okay." hinampas niya ako sa braso. "Aray ko naman."

"Yun lang talaga masasabi mo?"

"Edi congrats, nagdagdagan ka ng sakit sa ulo." saad ko habang nakahawak sa braso ko na hinampas ni Irene.

"Next time girls, sa restaurant na lang kayo kumain, please." umiling naman yung apat, yung apat lang ang tumutol kasi hanggang ngayon nakikipagtitigan pa rin si Minjeong kay Winter.

"We understand naman what happened, Miss Irene. It was an accident." si Chaewon.

"Oo nga Miss Irene, nangyari lang naman 'to because of unconsciousness." dagdag ni Giselle.

"Basta ako Miss Irene, buhay pa naman ako, goods na yun." sambit ni Yujin.

"Goods lang din naman ako, Miss Irene. Maita-tae ko rin naman yun mamaya, huwag ka nang mag-alala." tinignan ko si Ryujin.

"Mas nag-aalala ako sa bunganga mo, ambantot nang lumalabas." sambit ko bago nilapitan si Minjeong. "Ikaw, pinakaba mo pa 'ko. Bumula yung bibig mo, tapos yung kapatid mo di pa masabihan."

"Ang creepy kuya." kinunutan ko siya nang noo. "Di ko alam kung epekto lang ng gamot 'to, o nakikita ko talaga yung ex ko." napapikit na lang ako, gusto ko siyang batukan.

"Si Karina talaga yan, yung ex mo." sambit ko, lumapit ako kay Winter. "Like yesterday, I have a gift for you for being a good girl." kinuha ko yung hair clip na nasa bulsa ng lab coat ko.

"Tengyu." nginitian ko siya at hinaplos sa ulo.

"You must've been through a lot." nakangiting sambit ko habang nakatingin kay Karina. "Everything will be alright, that's what I promise." hinarap ko si Irene. "Sa baba na muna ako, at baka kumukulo na yung dugo ni Jennie sa'kin."

"Sasabay na ako sayo, pupuntahan ko si great lolo." tumingin siya kay Minjeong. "Basta kung wala ka namang sasabihing maganda, tumahimik ka na lang." tumango lang si Minjeong.

"Minjeong tiklop era, di makapalag." si Chaewon.

"Girls, please naman, behave muna. Mahiya naman mayo, kahit sa bata na lang." natawa ako sa sinabi ni Irene.

"Tara na at hina-high blood ka na rin."

Pagdating namin sa ground floor, naghiwalay na kami ng daan, ako papunta sa emergency room, siya naman sa kwarto ni great lolo.

"Nakausap mo na sila Chaewon?" tinanguan ko si Seulgi. "Halos lahat kasi ng pasyente gustong magdemanda dun sa matanda, banda na lang nila yung pag-asa para pomabor sa matanda yung mga pulis. Pero sa itsura ni Irene kanina, nakakaawa rin kasi yung matanda."

"Sure naman ako na hindi magde-demanda yung lima, mukhang okay na rin naman si Irene."

"Pinapatawag ka nga pala ni Chairman Bae, pero ang inaalala ko talaga." tumingin siya sa paligid niya. "Paano kung pumunta si ate Taeyeon?"

"Ako nang bahala kay ate Taeyeon, tsaka panigurado naman maiintindihan niya yung sitwasyon." tumango siya. "Mauna na ako sa kwarto ni Chairman Bae."

"Tawagan kita kapag nakita ko si ate Taeyeon." naglakad na kami palayo sa isa't isa.

"Good morning po, Chairman Bae." nakangiting bati ko pagpasok ko sa kwarto niya.

"Sabi ko naman sayo, pauwiin mo si Irene kapag napadpad dito." natatawa akong napatingin kay Irene. "Iiyak lang nang iiyak yan dito."

"Pinatawag niyo raw po ako?"

"Ahh oo, nanunuod kasi ako ng balita kanina, kumusta naman yung mga pinsan mo at yung mga kaibigan nila?" tumango ako.

"Okay naman na po sila, nakakapagbiruan na nung umalis po ako sa ward nila."

"Sabi ko nga kay Irene, maglabas na lang ng statement at huwag nang humarap sa kamera. Tsaka kunin niya muna yung opinyon ng mga bata, minsan kasi sila talaga ang nakakaalam ng nangyari." muli kong tinignan si Irene.

"Great lolo, kahit naman gusto kong kuhain yung opinyon nila, kailangan ko pa ring gumawa ng aksyon."

"Showbiz." tumingin sa'kin si Chairman Bae. "Bukas na yung operasyon ko, diba?" tumango ako. "Can you promise me something?"

"Sige po." pinalapit niya ako sa kaniya at bumulong sa mismong tenga ko.

"Risk for her this time, promised me."

"I promised po." ngumiti si Chairman Bae sa'kin at nakipagkamay.

"Siguraduhin mong may sapat kang tulog para bukas, ayoko nang paantok antok sa operasyon." natatawa akong tumango.

"Makakaasa po kayo." tumingin ako kay Irene. "Mauuna na muna ako, sabi ko kasi kay Seulgi sasaglit lang ako." humarap ako kay Chairman Bae at nag-bow. "Mauuna na po ako."

"Salamat, Doctor Son." nginitian ko lang siya at tumango.

Paglabas ko ng kwarto ni Chairman Bae, napahawak na lang ako sa dibdib ko.

"Huwag ko sanang masira yung pangako ko." naglakad na ako papunta sa emergency room.

Sumalubong sa'kin yung tumpukan ng mga reporter sa tapat ng information desk ng emergency room.

"Prosecutor Kim, anu pong masasabi niyo sa pagkakasangkot ng mga kapatid niyo sa nangyari?"

"Excuse me." bumuntong hininga na muna ako bago hawiin yung mga reporter pero di sila nagpatinag sa'kin. "Give me a way."

"Prosecutor Kim, may opinyon ka ba tungkol sa nangyari?"

"Just let me go, I need to see my sisters." napakamot na lang ako sa ulo ko, dahil di ko alam kung paano ba siya matutulungan na makaalis dun.

Buti at naisipan nung mga pulis na kumilos dahil di ko talaga alam paano hihilain yung babaeng pinagkakaguluhan nila.

"My gosh, talagang tumayo ka lang diyan?" napakamot ako sa ulo ko.

"Sinubukan ko naman, masyado lang talagang matitibay yung pagkakakumpulan nila." nagsimula na kaming maglakad.

"I won't let this one slide." napabuntong hininga ako.

"Bakit ba kayo ganiyan." tinignan niya ako na parang nagtatanong. "Wala." sumakay na kami sa elevator.

Kanina pa ako nagmumukhang clerk kakasama kay Irene tsaka dito kay ate Taeyeon. Nagpumilit lang talaga akong pumasok ngayon, kaya kahit nandito ako sa hospital, parang hindi naman ako totally na kailangan sa hospital ngayon.

"Kalmahan mo lang sa mga kapatid mo, baka naman pagkakita mo i-interrogate agad."

"Alam mo naman kung gaano kahina resistensya nung dalawa, lalo na si Minjeong." tumango ako.

"Pero kami naman ni Limario yung doctor na tumingin sa kanila kanina, kaya huwag ka nang mag-alala." inirapan niya ako.

"Dapat nga lalo akong mag-alala kasi si Manoban yun." napakamot ako sa ulo.

Kumatok na muna ako sa pintuan bago naunang pumasok, naabutan namin yung apat na naglalaro, habang si Minjeong pinapanuod lang sila. Si Minjeong lang kasi yung naka-dextrose, kaya yung apat malayang magpalakad lakad o nakakapaglaro sa loob ng ward.

"Sandali, aray naman, parang timang." reklamo ni Giselle. "Isa isa lang kasi yung sakay." pumasan sa kaniya si Ryujin, sumunod si Chaewon. "Bilisan mo na Yujin, pabagal bagal mo pang pumasan."

"Teka lang kasi, ito na nga oh." pumasan na rin si Yujin.

"Tangna, Minjeong bilang na."

"5.... 4....... 3......... 2............ 1."

"Talagang binagalan." reklamo ni Giselle.

"Diba, kaya kumalma ka na kasi goods naman sila." bulong ko kay ate Taeyeon.

"Game na, isa pa." si Chaewon.

"Sandali, gag*." napahawak si Ryujin sa pwet niya bago tumakbo sa cr na nasa ward nila.

"Inang pwet talaga yan, tae nang tae." saad ni Minjeong.

"Tita!!" napatingin ako kay Winter, halata namang nawala yung ngiti ni Karina nang makita niya si ate Taeyeon.

"Omo, my Winter." tumakbo si ate Taeyeon palapit kay Winter. "I miss you, baby."

"Ay wow, paano naman kami na kapatid?" sambit ni Chaewon, umupo ako sa tabi ni Minjeong.

"Selfish pa rin ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ha?"

"Tinawagan ko kasi si Irene kagabi, nakwento niya lahat nang napag-usapan niyo kahapon." napabuntong hininga ako. "Kaya kinausap ko rin si Jeongyeon kaninang umaga bago siya umuwi, nakwento nga niya na. Marami naman nang nakakaalam sa circle of friends namin yung tungkol kay Winter, pero they keep it to themselves kasi yun ang sa hinling ni Karina."

"Paano ako makakasigurado na akin nga?" napakamot ako sa ulo ko.

"Ikaw nga mismo nagulat nung kamukhang kamukha mo yung bata." napatingin ako kay Karina. "She keeps it, hindi para ipagdamot sayo yung bata. Pero ayaw niya lang na masira kung anu man yung meron ka, you've been through a lot bago kayo maghiwalay. Kaya nung nalaman niyang buntis siya, umalis siya at nagpakalayo layo muna."

"How'd you know?"

"Kay Jeongyeon nga, ikaw sasakalin na kita." napabuntong hininga siya.

"Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit siya nakipaghiwalay sa'kin, tungkol ba sa pagbubuntis niya?"

"Yun lang yung hindi niya sinabi, kung bakit siya nakipag-hiwalay sayo."

"Tita, mumukha kami nun." natawa ako nang ituro ni Winter si Minjeong.

"Huwag mong pansinin yan, hindi natin yan bati." sambit ni ate Taeyeon. "Say bleh." tinuruan pa ni ate Taeyeon dumila si Winter. "Don't play with them, bad sila—lalo na yun." tinuro ni ate Taeyeon si Ryujin na kakalabas lang ng cr.

"Anu na naman ginawa ko, grabe naman yung pamilya niyo ako lagi yung nakikita." reklamo ni Ryujin bago mag-alcohol ng kamay.

"Mukha ka kasing demonyo." saad ni Yujin.

"May gusto ba kayong kainin?" tanong ni ate Taeyeon. "May bawal ba sa kanila?"

"Wala naman, depende na lang kung may allergies sila." tugon ko.

"Ako, allergic sa mukha ni Minjeong." nakataas ang kamay na saad ni Chaewon.

"Gag* mas nakaka-allergic yung mukha mo." depensa ni Minjeong.

"Kung allergic kayo sa mukha ng isa't isa, paano pa sa mukha ni ate Taeyeon." saad ko.

"Luh, grabe ka kuya Seungwan." saad ni Giselle 

"Basta ako tahimik lang dito." nagkibit balikat pa si Yujin.

"Parang mga gag*, iwan ere ha." kunot noong sambit ko.

"Anu nga gusto niyo nang makaorder na tayo." kinuha ni ate Taeyeon yung cellphone niya at inabot yun kay Yujin na siyang malapit sa kaniya.

"Oii, parang pamilyar 'tong nasa wallpaper mo, ikaw ate Taeyeon ha." panunukso ni Yujin.

"Omorder na lang kayo."

"Bawal ako sa peanut." saad ni Minjeong.

"Oo alam namin." si Chaewon.

"I mean, kasi anu..." napatingin ako kay Karina tinitignan kasi siya ni Minjeong, naka-yuko lang siya.

"Peanut and soy sauce." sambit ni Karina.

"Ahh, okay okay." mapang-asar na nakangiti si Ryujin kay Minjeong.

"Oo nga pala, curious lang ako ha. Bakit Winter pinangalan mo kay Wintter, Katarina?" sambit ni Chaewon.

"Winter kasi nung pinanganak ko siya." ngumiti si Karina. "Same birthdate as hers." napatingin kami kay Minjeong nang sumigaw siya, may naalala ata.

"Ahh, AHH! AHHH!" hinampas ko si Minjeong sa braso dahil sa ingay niya. "Yun pala yung sinasabi ni ate Irene kahapon bago siya sumakay sa sasakyan niya."

"Ang alin?" tanong ko.

"Binati ko kasi siya ng happy birthday kahapon, tapos may sinasabi siyang something na birthday, ganun. Basta yun, naguluhan ako sa kaniya kahapon." paliwanag ni Minjeong.

"Wait, so habang kinakausap tayo ni Miss Irene kahapon, may alam na siya?" si Yujin.

"Actually kaya niya ata kami pinatawag ni Minjeong para makausap tungkol dun. Ang daya kasi ni Minjeong, pinalabas ako sa opisina ni Miss Irene." nakangusong sambit ni Chaewon.

"Ang panget mo kasi." nakangiting saad ni Minjeong.

"Same to you." napa-iling ako.

"Anu nga palang nangyari bakit si Irene na yung manager niyo ngayon?" tanong ko.

"Hindi rin namin alam, basta nagpatawag na lang ng meeting si Miss Irene, tapos ayun, sabi niya isa na raw si Karina sa magiging hair and make-up artist namin. Nagulat nga rin kami, kasi ang manager na ng Nævis si ate Mina." paliwanag ni Ryujin.

"Did you, Minjeong?!" napatingin kami kay Karina.

"She asked, so I answered."

"But we talk about it, we should keep it para makapag trabaho tayo nang malaya." kung kanina tahimik lang si Karina na nakaupo sa kama ni Winter, ngayon nakatayo na siya.

"Chaewon, ilabas niyo muna si Winter." agad namang sumama si Winter kay Chaewon, habang si Giselle ang nagtulak ng IV pole ni Winter.

"Sumunod na kayo." nginitian ko sina Ryujin at Yujin, nag-bow lang naman sila at lumabas na ng kwarto.

"Paano ako makakapagtrabaho nang maayos kung nakikita ko silang dalawa?" napa-irap si Minjeong.

"Minjeong naman." napahawak na si Karina sa noo niya.

"Edi sana ikaw yung nasa posisyon ko kahapon, tingin mo ba gusto kong sabihin na ex girlfriend kita? Kung alam mo lang kung gaano ko na kagustong kalimutan ka." napaupo si Karina sa kama ni Winter.

"Ayokong sumbatan ka Minjeong, pero lahat ginawa ko para lang hindi ka masira, para hindi masira yung buhay mo. Nakipaghiwalay ako sayo para makapag-debut tayong pareho. Nung malaman kong buntis ako, umalis ako para hindi ka madamay kung magkaroon man ng issue kasi mauuna kang mag-debut kaysa sa'kin. Until kanina, nanahimik ako para walang kahit anong makasira ng career mo." natawa si Minjeong sa mga sinabi ni Karina.

'Batukan ko kaya 'to!'

"Para hindi masira yung buhay ko?" muling tumawa si Minjeong. "Nung oras pa lang na nakipaghiwalay ka sa'kin, nasira na yung buhay ko. Nung araw na nawala ka na lang bigla, mas lalong nasira yung buhay ko, Karina." napayuko si Minjeong at pinunsan yung luha niya. "Sa isang taon na wala ka sa paningin ko, gumuho na yung buhay ko." huminga nang malalim si Minjeong. "Pumayag lang naman ako na mananahimik ako tungkol sa ginawa nila sa'tin, kasi akala ko mag hihiwalay lang tayo, pero hindi mo ako iiwan. Pero hindi ko naman inaasahan, na sa tuwaing magkakasalubong tayo parang hindi mo ako kilala. Karina, anu pang saysay na nakikita kita, pero para naman tayong estranghero sa isa't isa."

"Paano na yan ngayon, paano na yung career mo? Paniguradong ilalabas nila lahat, paniguradong sisiraan ka nila." tumingin si Minjeong kay Karina, ilang minuto yung tinagal nun bago huminga nang malalim si Minjeong.

"Then let them be, yung career ko darating talaga yung panahon na mawawala yun. Pero hindi ko kakayanin, kung mawawala ka pa ulit." napabuntong hininga ako at lumapit kay ate Taeyeon.

"Mauuna na muna ako sa labas, baka hinahanap na nila ako." tumango si ate Taeyeon.

"Mukhang hindi naman sila magkakasakitan, kaya ko na rito." naglakad na ako palabas nang kwarto nila.

Habang naglalakad sa hallway, tinignan ko yung cellphone ko, pero wala naman akong na-receive na message o missed call. Natawa na lang ako at napa-iling.

"Minjeong is right, daratin

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim