Chapter Two

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Irene's POV

Nang magising ako, agad akong bumangon at tinignan kung anong oras na.

"Eight o'clock na, baka late na akong nagising, nakakahiya." pumasok na ako sa banyo para makapag-hilamos at makapag-toothbrush, buti na lang talaga at hindi mahirap hanapin yung mga gamit dito na hindi pa nagagamit.

'Bigla ba namang umalis kagabi, lokong lalaki yun, iniwan na naman ako.'

"Wait, double meaning yun ha." napatakip na lang ako sa mukha ko nang makita yung sarili ko sa salamin. "Umayos ka Irene, ikakasal na siya." napabuntong hininga ako. "Ako sana yun eh, kung nakaamin lang ako sa kaniya bago siya umalis, anu kayang nangyari sa asawa niya dati."

Pagkatapos ko sa mga dapat kong gawin, lumabas na ako ng kwarto ni Seungwan dito sa bahay nila. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng pangalawang palapag ng bahay nila, rinig ko yung nakaka-engganyong tugtog na nililikha ng piano. Nang makarating ako sa harap ng hagdanan, napahinto ako.

"That must be him." tumuloy na ako sa pagbaba ng hagdanan.

Tinignan ko yung kinaroroonan ng piano, at nakita ko siyang naka-upo habang tumitipa sa mga tiklado ng instrumentong tinutugtog niya.

'One thing that makes me fall for him, his love for music, is unconditionally. His posture is always on point, that makes him look elegant and attractive. He's not singing right now, but I know for sure that his voice is more than just a beautiful angelic voice. I Bae Irene, loving this man unconditionally even the day he left without a word of goodbye for me.'

"In love na in love ka na naman sa kuya ko." napaatras ako dahil sa gulat, nakita ko si Yeri na nasa tabi ko na. "Haaah, you love him that much, kitang kita ko yung mga puso sa mga mata mo dinaig pa yung christmas lights."

"Shh, baka marinig ka niya."

"Ayan, ganiyan kayo, dahil diyan sa kakaganiyan niyo, ayan ilang taon siyang nawala. Tapos pagbalik pa niya, ikakasal na siya sa iba." napa-iling pa siya bago maglakad paalis.

Napatingin ako ulit kay Seungwan, nakatingin na siya ngayon sa'kin kaya bahagya akong nagulat.

"Same old days?" napatango na lang ako at lumapit sa kaniya tsaka humawak sa kamay niya. "So, what does the princess want to hear this time?" inalalayan niya akong umupo sa tabi niya.

"How about Like Water? I miss you playing that song." tumango siya.

Pinanuod ko lang yung mga kamay niya, bawat paggalaw nun damang dama ko yung puso niya sa pagtugtog.

'Bakit? Seungwan, bakit ka umalis nang walang paalam? At yung mas masakit pa sa pag-alis mo nung magkita tayong dalawa sa Canada, parang hindi mo ako kilala. Tapos babalik ka dito, may anak ka na. Sampong taon akong naghintay, wala na ba talaga?'

Tinignan ko siya sa mukha, yung mga ngiti niyang nakakaakit, mga mata niyang laging nangungusap, mga labi niyang kay hirap iwasan ng tingin.

'Kung umamin ba ako sayo bago ka umalis, ako pa rin kaya hanggang ngayon? O magiging ako man lang ba kung nagkataon. Kung ako rin ba yung gusto mo, magkakaroon ba ng tayo? Seungwan, kailan mo sasagutin yung mga tanong na matagal ko nang kinikimkim.'

Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, gusto ko siyang halikan sa mga labi, pero hindi pwede.

'Dahil wala akong karapatan.'

"Haaah, nakaka-miss yung tugtog na yun ha." napalunok ako nang tumingin siya sa'kin. "Last one? Hindi pa naman tapos mag-luto si mom." nginitian ko siya at tumango.

Unang cord pa lang yung tinugtog niya, alam ko nang hindi na kakayanin pa ng puso ko yung nararamdaman ko para sa kaniya.

'Seungwan, bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!'

"Omo, daddy that's Irene by Jimmy Brown, right?" napahinto ako sa mga isipin ko nang marinig ko si You I.

'Siguradong kahit naman ako yung piliin mo Seungwan, hindi ako magugustuhan ng anak mo dahil sa nagawa ko nito lang.'

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na tsaka naglakad papunta sa hapagkainan.

'Wala na talagang pag-asa.'

"Good morning ate Irene." nakangiting bati sa'kin ni Chaeyoung.

"Good morning." nginitian ko rin siya at tumabi na kay Yeri.

"Sigurado ka bang maayos na yung pakiramdam mo, Yeri? Pwede naman kitang hatidan ng pagkain sa kwarto mo."

"Mom, okay na okay lang ako. Tsaka ayokong humiga lang sa kama ko buong araw, masakit sa likod." masayang saad ni Yeri.

"Kumusta naman yung tulog mo Irene? Nakatulog ka naman ba ng maayos?" tinanguan ko si Mrs. Son.

"Maayos naman po akong nakapag-pahinga, salamat po."

"Pagpasensyahan mo na kung nagising ka ni Seungwan sa pagpa-piano niya, di nagpaawat eh, kailangan niya raw ma-exercise yung mga daliri niya para sa mga magiging operasyon niya." natawa na lang ako sa sinabi ni Mrs. Son.

"Mom, hindi ko naman nagising si Irene, sadyang early bird lang talaga siya." umupo na siya sa tabi ni Chaeyoung kasunod si You I na pumwesto sa tabi niya.

"Dinig ko nga dun sa kwarto mom, sakit sa tenga." saad ni Chaeyoung na halata mong inaasar si Seungwan.

"Ikaw na yan eh, hindi naman kita mapipilit na gustuhin ako." hindi nagsalita si Chaeyoung, pero yung mukha niya mapang-asar pa rin na tumingin kay Seungwan.

'I miss seeing him having fun with his siblings. I miss everything about him, just him being Seungwan, my Seungwan ten years ago.'

"Dito na muna si You I, nandiyan naman si Chaeng para maghatid sa kaniya sa school." napatingin ako kay Mrs. Son, dahil iba na yung pinag-uusapan nilang paksa.

Habang kumakain ako, di ko maiwasan na hindi titigan si Seungwan.

'The way he looks at his mom when she's talking, being attentive with his surroundings, what a gentleman my Seungwan.'

"Ihahatid ko na lang po muna si Irene sa tinutuluyan niya bago ako pumunta sa hospital mamaya." uminom ako ng tubig, dahil baka kailanganin kong magsalita, hindi pwedeng magmukha akong hindi nakikinig dahil sa sobrang pag-iisip ko kay Seungwan.

'Nasa harap mo na siya Irene, pero iniisip mo pa rin? No wonder, it's been ten years but you still head over heels for him.'

"Is that okay with you, hija?"

"Yes tita, sure." nakangiting saad ko.

"At least magkakaroon na si Seungwan ng dahilan para tumuloy sa Sabado, dahil isasama ka niya." napatango na lang ako at napatingin kay Yeri na bahagyang natatawa.

"Madly in love, you can't even picked up what's happening." bulong ni Yeri na sasapat lang sa pandinig ko.

"And Son Chaeyoung, make sure you'll bring Mina with you."

"Of course mom, I will." napatingin ako kay Seungwan.

'Wait, are they talking about next Saturday's dinner?'

"I'll come with you when you pick up tita Mina, please?" napunta yung atensyon ko kay You I.

'Paano kung hindi pala makakapunta si Seungwan, pero dahil umo-o ako, maoobliga siyang pumunta.'

"Finally sinking in." kinalabit pa ako ni Yeri bago mag-thumbs up tsaka tumawa.

'Well, another trouble for Mr. Son Seungwan I guess.'

Pagkatapos naming kumain, agad akong sumunod kay Seungwan sa kwarto niya.

"I'm sorry, I was spacing out earlier." kunot noo siyang napatingin sa'kin.

"Hmm, obvious naman, pero bakit ka nagso-sorry?"

"Kasi napa-oo ako na pupunta ako sa dinner niyo, na-realize ko lang nung si Chaeyoung na yung kinakausap ni tita." natatawa siyang umupo sa kama.

"Don't worry, makakapunta naman ako sa dinner, yun nga lang baka ma-late ako dahil dadaanan pa kita."

"Ayos lang naman kung hindi ka na tumuloy sa'min, sabihin mo na lang kay tita na hindi ako makakapunta." kumunot yung noo niya.

"Nope, I'm not going to make excuses for you."

"Seungwan naman?" natatawa siyang tumayo ay hinawakan ako sa ulo.

"We're having dinner with them." bahagya niya pang ginulo yung buhok ko bago pumasok sa banyo.

'The heck Son Seungwan!! Why did you do that?!!'

Napatakbo na lang ako palabas ng kwarto ni Seungwan at dumiretso sa kwarto ni Yeri.

"Oh, hello Ms. Space girl." natatawang saad ni Yeri.

"Girl, nakakahiya." napatakip na lang ako sa mukha ko tsaka umupo sa kama niya. "Diba hinawakan niya ako sa ulo tapos sabi niya "we're having dinner with them" tapos ginulo niya pa yung buhok." napatakip ako sa bibig ko.

"Kilig na kilig, naku, bawasan mo yang kilig mo, remember?" napanguso na lang ako sa sinabi ni Yeri.

"I hate you."

"Ang akin lang, alalayan mo yung kilig mo, baka mahulog ka na naman nang sobra. Remember what happened when kuya left." napabuntong hininga na lang ako at humiga sa kama ni Yeri.

"Bakit ba kasi siya umalis, pwede naman siyang mag-aral sa medical school ni lolo."

"Well, nagulat din kami nang bigla siyang magsabi kay dad na tutuloy siya sa Canada. Kung may nakakaalam man ng dahilan, si kuya Chaeyoung lang yun." humiga na siya sa tabi ko.

"Ang awkward kasing mag-tanong kay Chaeng tungkol sa ganong bagay." bahagya siya natawa dahil sa sinabi ko.

"Kaya pala kay Seulgi ka nagtatanong, eh isa rin yun walang alam."

"Bakit may naisasagot siya?" napa-kibit balikat siya.

"Di ko rin alam saan niya nakukuha yung mga impormasyon na yun." kinuha niya yung cellphone niya. "But as far as I remember, may kinakausap siya sa phone, pero hindi naman niya binabanggit sa'kin kung sino yun."

"Bakit ka ba talaga umalis, Son Seungwan?"

"Marinig ka diyan." natatawang saad ni Yeri. "Ow, he's looking for you na, aalis na ata kayo." pinakita niya sa'kin yung screen ng cellphone niya.

From: midbro
nandiyan si Irene?
: we're leaving
: i'll wait for her downstairs

"Bakit naman ang bilis niyang mag-ayos." yumakap ako kay Yeri bago bumangon. "Text na lang kita kapag nakuha ko na yung sling bag ko kay Dahyun."

"Yeah, see you." nag-flying kiss pa siya sa'kin bago ako makalabas ng kwarto niya.

"Mag-iingat sa pagmamaneho, Son Seungwan?"

"Opo mom." nagsuot na ng sapatos niya si Seungwan.

"Mauuna na po kami." yumakap pa ako kay Mrs. Son bago magpalit ng tsinelas, sinuot ko yung tsinelas ni Seungwan na gamit ko kagabi nung pumunta kami dito.

"We'll stop by at Dahyun's bar to get your things, tapos saan ba kita ihahatid?"

"Sa bahay na lang namin, baka kapag sa condo kasi maraming naghihintay na reporters." inalalayan niya ako sa likod bago muling magpaalam kay Mrs. Son.

"Daddy, can you buy me something?" salubong ni You I sa'min, naglalaro sila ni Chaeyoung sa hardin.

"Hmm, anu yun?"

"Coloring set." tumango si Seungwan.

"I will baby, aalis na kami say your goodbye na to tita Irene." humarap sa'kin so You I at kumaway.

"Ingat po kayo, tita Irene fighting!" napangiti na lang ako at kumaway sa kaniya.

Habang nasa biyahe kami, di ko maiwasan na mapatingin sa kamay ni Seungwan habang nagmamaneho siya.

'He's already wearing long sleeves polo, but I can still see through it how his veins are shown.'

"Tungkol nga pala kanina, hindi sa nangingielam ako, bakit ka nga ba tulala?"

'Sasabihin ko bang in love na in love kasi ako sa kaniya, kaya ako natutulala?'

"Tungkol ba yan sa nangyari nung isang araw?" napatango na lang ako.

'Kahit alam kong hindi naman ako makukulong dahil dun kasi wala naman talaga akong kasalanan.'

"Dapat talaga magdagdag pa si Dahyun ng security sa bar niya, lalo na karamihan ng pumupunta dun sikat na tao." bumuntong hininga si Seungwan, sakto naman at kulay pula yung ilaw ng traffic light kaya tumingin siya sa'kin. "Ayos ka lang?"

"Anong oras ka makakauwi mamaya?" halata sa mukha niya yung pagtataka. "I mean, for sure kakausapin ka nila mom tungkol sa nangyari."

"Siguro ite-text na lang kita kapag papunta na ako sa inyo." bumalik na siya sa pagmamaneho.

'Can we go out on a date, please?'

Nang makarating na kami sa parking lot ng bar ni Dahyun, siya na lang yung bumaba ng sasakyan dahil may mga pulis pa rin na nag-iimbestiga sa paligid.

"Hinahanap pa rin siguro nila ako." sinuot ko yung hood ng hoodie na suot ko.

Nang matanaw ko na si Seungwan nakahinga ako nang maluwag, pero agad din 'yong nagbago dahil may lumapit na pulis sa kaniya.

"No." bababa na sana ako ng sasakyan nang makita ko si Seungwan na nakatingin sa'kin. "Anu bang nangyayari?" nagulat ako nung ngumiti siya tapos naglakad na palapit sa sasakyan niya.

"Kalma ka lang, bakit ka bababa?"

"Akala ko kasi kung anu nang tinatanong sa'yo ng pulis." yung ngiti niya kanina nang sumakay siya sa sasakyan napalitan ng tawa.

"Kinumusta niya lang ako, nagkasama kami dati sa military service."

"Ha? Kailan ka umuwi dito?" napakamot siya sa ulo.

"Nine years ago pa yun, nagpadala raw kasi ng sulat nung nasa Canada na ako. So, nagdesisyon akong umuwi na lang muna at tapusin yung military service ko."

"Pero nagkita tayo nun sa Canada, isang taon after mong umalis, sumunod ako sayo sa Canada." napa-iling siya.

"Imposible, kasi hindi naman tayo nagkita maski isang beses before. Kahit sa kasal ni Jeongyeon hindi tayo nagkita, dahil after ng kasal nila nakaalis ka na raw, while kakarating ko lang dahil na-delay yung flight ko nun."

"Umuwi ka rin three years ago, tapos di mo man lang sinubukang kitain ako?"

'Alam kong hindi ako dapat nagre-reak nang ganito, dahil una sa lahat wala naman akong karapatan at sino ba naman ako para kitain niya. Pero, what the heck! Akala ko once na bumalik siya ako yung una niyang hahanapin! Pero umasa ako, umasa lang pala ako!'

"Do I have to?" napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.

'Of course you have to! You left me without a word! Pero sino nga naman ba ako? Kaibigan mo lang naman since that day!'

Nang makarating na kami sa tapat ng gate namin, kinuha ko lang yung gamit ko at binuksan na yung pintuan ng sasakyan niya.

"Don't you dare show yourself again to me, never." pagkatapos kong sabihin yun padabog kong sinarado yung pinto ng sasakyan niya.

Pagpasok ko sa bahay namin dumiretso lang ako sa kwarto ko, humiga sa kama at dun binuhos yung mga luha kong gustong kumawala sa mga mata ko.

"How are you?!" masaya yun, pero ako hindi.

"Halata namang hindi siya okay, ayan pa bungad mo."

"Sorry naman, anu ba dapat?" naramdaman ko yung pag-upo nilang dalawa sa kama ko. "Ikaw na yung magtanong Suzy, ayaw mo sa tanong ko eh."

"Hey Irene, what happened ba? Dinig namin sa sala kanina yung pagbagsak ng pintuan nung sasakyan, akala ko mababasag na yung bintana nun."

"Ang OA mo naman." napabuntong hininga na lang ako at umupo. "Omo, naiyak ka?"

"Tiffany anu ba, you keep asking things na obvious naman."

"Ang strict mo naman masyado ate." umirap pa si ate Tiffany. "Ate na lang din kita, siguro middle child effect lang yan kaya ka ganiyan."

"Yun na nga eh, ikaw yung panganay pero para kang bata diyan, kainis."

"Kukumustahin niyo ba talaga ako, o mag-aaway lang kayo diyan?" sabay silang napatingin sa'kin.

"Sorry." sambit nilang dalawa.

"So what happened nga?" si ate Tiffany.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari, pero ang sakit lang na malaman ko na parang wala nang balak si Seungwan na makita pa ako ulit, pagkatapos niya akong iwan." napatakip ako sa mukha ko at umiyak ulit.

"We're actually referring to what happened dun sa bar, pero mukhang mas importante si Seungwan."

"Always be." dagdag ni ate Tiffany sa sinabi ni ate Suzy.

"And about dun sa bar, wala akong kasalanan dun, he harassed me pero hindi ako yung bumaril sa kaniya."

"Then who?" napakibit balikat ako sa tanong ni ate Tiffany.

"It was the guy who helped me, pero di ko siya kilala, I've never seen him before."

"Then why did you run away kung hindi naman pala ikaw yung bumaril sa kaniya?" tanong ni ate Suzy.

"Hindi ako tumakas, Seungwan took me away from the bar. Kaya nga ako tumawag sa inyo gamit yung landline niya para sabihin na kasama ko siya, kasi baka ipahanap din ako nila mom." napabuntong hininga ako. "I miss him so much, that was the first time I saw him after how many years, but the fact that he came back for his wedding, makes me back off from hugging and kissing him."

"Hoy teh, bakit may paghalik, girlfriend ka?" inirapan ko si ate Tiffany.

"So it was true, he really came back for his wedding?" marahan akong napatango.

"I thought it was a rumor, since ang dapat na magpakasal muna is yung kuya nila."

"Basta yun, you got what you need, pwede na kayong lumabas ng kwarto ko." humiga na ako ulit.

"Tatawagin ka na lang namin kapag nakauwi na sila mom." saad ni ate Suzy bago sila sabay na lumabas ng kwarto ko.

'If you didn't leave, ako dapat yung ikakasal sayo, ako dapat yun!! Kung nakaamin lang talaga ako sayo bago ka nakaalis, baka sakaling may karapatan na akong masaktan ngayon!'

Itinuloy ko lang yung pag-iyak ko hanggang sa makatulog na ako dahil sa pagod.

-------

Nang magising ako, wala nang sinag ng araw ang tumatama sa silid ko. Ngayon lang ako nakatulog nang mahaba, I feel home o napagod lang talaga yung mga mata ko.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo para makaligo.

"Irene? Matagal ka pa ba?"

"Kakapasok ko lang ate, bakit?" halos di pa nga nakakakalahati yung tubig sa bath tub ko.

"Ganun, sige sige, take your time hihintayin ka na lang namin." napa-iling na lang ako at nag-lagay na ng sabon sa katawan ko.

"Hindi ko na kailangang magmadali, wala na ako sa bahay ng ibang tao." isinandal ko yung ulo ko at tinignan yung mga bula na unti unti nang dumadami.

Halos kalahating oras akong nagbabad bago umahon at mag-banlaw, nang makalabas na ako ng banyo saktong pagpasok ni ate Suzy.

"Dirediretso, paano kung nakahubad pala ako." kumuha na ako ng susuotin kong damit.

"Ang tagal mo kasi, malapit na tayong kumain."

"Nasa akin ba yung plato at kubyertos?" binato niya ako ng unan. "Aray naman."

"Hindi kasi kami makakapag-simulang kumain kung wala ka." nag-bihis na ako.

"Bakit naman, eh wala nga sa'kin yung plato at kubyertos, tsaka may mga kamay naman kayo."

"Isa pang hirit mo nang ganiyan, sisipain na kita, bunso nga kasi bunso." napa-irap na lang ako sa kawalan.

Pagkatapos kong magbihis umupo ako sa kaharap yung vanity mirror ko at nag-hair dryer.

"Girl anu na? Bagal bagal?" nakapamewang pa si ate Tiffany habang nakatayo sa may pintuan ko.

"Sandali lang, papatuyuin ko lang yung buhok ko." natatawang saad ko.

"Naku bilisan mo, at hindi kami makakain nang wala ka, favoritism masyado." umupo siya sa kama katabi si ate Suzy.

"Gutom na gutom? Edi sana mag-snacks muna kayo."

"Ay, kung alam mo lang paano bantayan ni mom yung kusina." natawa ako sa sinabi ni ate Suzy.

"Parang ikaw lang yung anak nila, ikaw lang din ata ang pamamanahan ng kayamanan nila."

"Ang OA na ate Tiffany ha, kainis."

"Well, speaking of kainis, yeah kainis talaga because he's so gwapo pa rin." nakangusong saad ni ate Tiffany.

"Right, nothing changes he's still so gwapo." saambit ni ate Suzy.

"Pinag-sasabi niyo diyan?"

"Mga hija, let's go at kumain na tayo sa baba?" nakangiting saad ni mom, agad kung pinatay yung hair dryer ko at lumapit kay mom para yumakap. "It feels like ages since the last time I saw you."

"Yeah, unlike us, araw araw may sermon." si ate Tiffany.

"Ikaw ba naman magmaneho ng lasing, masesermonan ka talaga." tumayo na si ate Suzy at yumakap sa'min ni mom.

"Sali ako." patakbong lumapit sa'min si ate Tiffany.

"Why did my girls grow up so fast." nakangiting saad ni mom. "Halika na at nakakahiya sa bisita." nagtataka man sumunod na lang ako sa kanilang tatlo pababa.

"Yeah, unlike sa ibang bansa tito, iba iba rin talaga ang hospital." halos manlamig ako nang

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim