Chapter Five

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Irene's POV

Pagbabang pagbaba ko ng sasakyan ni Seungwan, gusto ko na lang maglaho na parang bula, di ko alam yung dahilan pero gusto ko na lang mawala.

Pagpasok ko sa bahay, wala sila mom at dad, ganun na rin sila ate. Sila mom at dad kahapon pa nasa mansion ni great lolo, habang sila ate naman siguradong may trabaho.

Pumasok ako sa kwarto ko at hinanap yung box kung saan ko tinabi yung mga bagay na binigay sa'kin ni Seungwan at mga picture naming dalawa o kuha ng isa't isa.

I met him when I was seven and he was six. He promised to be my friend since then, calling me ate, turns into Irene. He changed, yes, but in a good way. He became more protective, he always wants to come with me every time I need to buy something and he has his free time. He always asks me if I need something when he's outside buying things for himself, he always remembers me. When I found out that Seulgi likes Yeri, I told him that I like Seungwan so much. Then there it all started that we shared our "kilig moments" with them, we already know what's next when we texted each other "he/she did make me kilig". And then Seungwan left, he left me asking myself why. He changed, yes, and I don't know why. I thought it would be you as always, and it would be me as always. But it turns out to be you as always in anyways, and me until the day you left.

Yun yung sulat na ginawa ko nung araw na umalis si Seungwan, una at huling sulat ko para kay Seungwan. Tinignan ko yung mga picture naming dalawa, yung mga ngiti namin na hindi pa nakakaranas ng sakit mula sa isa't isa.

Napatingala ako at inalala kung anu bang nangyari nung araw bago siya umalis, yung araw na sinasabi niyang umamin si Seulgi sa'kin.

[FLASHBACK]

Kasama ko si Sana, dahil pagod na sila Mina kami nang dalawa yung kumuha ng mga gagamitin namin sa pagde-decorate ng school. Habang paakyat kami ng hagdanan nakatanggap ako ng text mula kay Seulgi.

From: deulgi
likod ng gym
: I'm with yerim

"Uhm Sana?" nakatingin din siya sa screen ng cellphone ko.

"Yeah sure, may tao naman na raw dun, magpapatulong na lang ako sa kanila." niyakap ko siya.

"Thank you." tumakbo na ako papunta sa likod ng gym.

"Ate Irene." yumakap sa'kin si Yeri, napatingin naman ako kay Seulgi na parang nagseselos. "May good news kami sayo ate." humiwalay na siya sa pagkakayakap sa'kin at tumingin kay Seulgi.

"Nakapasa kami ni Seungwan sa entrance exam ng SMU." napatakip ako sa bibig ko.

"Sure ba yan?"

"Actually papunta pa lang sila ni kuya Chaeyoung sa SMU para i-check yung results, excited na ako." natatawa naman ako na kinikilig dahil sa sinabi ni Yeri.

"Sure na sure na talaga ako, lilipat na ako ng SMU." natawa si Seulgi.

"Naku, para sa crush." hinampas siya ni Yeri sa balikat.

"For sure naman na gagawin mo rin yun sa crush mo, kung meron man." natatawa si Seulgi pero kinikilig na talaga siya dahil sa hampas ni Yeri sa kaniya.

"Pero sure ka ba talaga Yeri, dun sa narinig mo?"

"Oo nga ate, narinig ko na iniyayabang niya kela kuya na, kapag nakapasa siya sa SMU aamin na siya sayo." napatakip ako sa bibig ko dahil sa kilig.

"Tapos I made a deal, na kapag nakapasa siya lilipat ako ng school tapos aamin sa kaniya. Feeling ko talaga ito na yung tamang oras." napahawak ako sa pisngi ko dahil ramdam ko yung pag-init nun.

"Try natin, kunwari si Seulgi si kuya Seungwan." hinila pa ni Yeri si Seulgi. "Bilis na Seul."

"Paano ba yung gagawin?"

"Kunwari nga aamin ka kay ate Irene, tapos ikaw si kuya Seungwan, bilis na." tumango si Seulgi.

"Matagal ko nang tinatago 'to, Irene." gusto kong matawa sa itsura ni Seulgi, pero inisip ko na lang na si Seungwan nga yung nasa harap ko. "Sa totoo lang hindi ko alam kung bastang pagkagusto lang 'tong nararamdaman ko, pero mahal na ata kita."

"Seul?" napatakip ako sa bibig ko. "Hindi bagay, mukha ka pang natatae na ewan."

"Ang panget mong umarte Seulgi, bagay nga sayo maging doktor." bahagya pa siyang tinulak ni Yeri.

"Alam mo, gutom lang yan, kumain na muna tayo at sagot ko na yung kakainin natin."

 

Pagkatapos naman naming kumain, bumalik ako sa school para ituloy yung pagtulong sa mga kaklase ko, habang sila Yeri at Seulgi gagala muna bago umuwi.

Kahit na busy ako, panay pa rin ang tingin ko sa cellphone ko para tignan kung nag-text na ba si Seungwan. Pero hanggang sa makauwi ako wala akong natanggap na text mula sa kaniya, nagpahinga na muna ako sa kama ko at tatawagan ko na lang si Seungwan mamaya.

"Sobrang late na ba?" napatingin ako sa relo ko. "Baka nakatulog na yun." kinuha ko yung cellphone ko at paulit-ulit na tinawagan yung number niya.

Nang hindi ko na makayanan na maghintay pang sagutin niya yung tawag ko, tinawagan ko na si Yeri.

"Hello?"
: Ate, napatawag ka?
"Naka-uwi na ba si Seungwan?"
: Ang sabi ni dad, kuyas with kuya Limario at kuya Jeongyeon celebrate kanina.
"Kasama nila si Seul?"
: Hindi ate.
"Gising pa ba si Seungwan?"
: Actually ate, they passed out na due to kalasingan.
"Ohh, okay okay, mukhang nag-enjoy sila masyado. Thank you Yeri, at sorry sa istorbo."
: No worries ate, goodnight na.
"Goodnight."

Tinapos ko na yung tawag at muling pumikit para matulog.

'Bukas na lang kita kakausapin at ililibre sa labas.'

[END OF FLASHBACK]

At paggising ko kinabukasan nun, wala akong kaalam alam na aalis na pala siya sa mismong araw na yun.

"Advance happy birthday to me." nakangiting saad ko. "Bukas, 11 years na mula nung iwan niya ako." natawa ako. "Alam ko na ngayon yung dahilan niya, pero bakit ang sakit."

Wala akong plano na pumunta sa agency ngayon, pero kaysa naman isipin ko yung mga sinabi ni Seungwan kaninang umaga. Baka mawalan lang ako ng gana mabuhay, kaya aabalahin ko na lang muna yung sarili ko.

Yung motorbike ko na lang yung ginamit ko papunta sa agency dahil nasa parking ng condominium na tinutuluyan ko yung sasakyan na ginagamit ko.

Mahigit thirty minutes ang naging biyahe ko bago ako nakarating sa building ng agency ko, ayaw pa ako papasukin nung una, paano ba naman kasi hindi na ako nagpalit ng damit. Hindi naman na ako amoy alak dahil ginamit ko yung pabango ni Seungwan at nakapag-hilamos naman ako kanina, tapos ang suot kong sapin sa paa, tsinelas ni Seungwan.

"Chaeyoung?" napatingin ako kay Mina na naghihintay bumukas yung pinto ng elevator, kahit siya nagulat nang makita ako. "Akala ko si Chaeng, kapareho ng pabango niya."

"It's Seungwan's." napatango siya.

"They have different brands of perfume, pero pareho lang naman ang amoy."

"Paano mo nalaman yan?" panunukso ko.

"Isang beses kasi, sinama ako ni Yeri para bumili ng regalo sa mga kuya niya. Sabi ni Yeri magka-iba yung brand na ginagamit nung dalawa pero magka-amoy lang naman." pumasok na kaming dalawa sa elevator. "So, nasa condo ka niya kagabi?"

"Uhm, oo." tumango siya.

"Halata naman, sa suot mo." natatawang saad niya. "Oo nga pala, may meeting ka with the bosses?"

"Wala naman, pero pwedeng magkaroon dahil nandito ako." natawa siya.

"Grabe talaga mga sagutan mo, noh? Lutang ka ba today?" umiling ako.

"Nasasaktan lang sa katangahan ni Seungwan."

"Nalaman mo na yung dahilan ng pag-alis niya?" tumango ako. "Gusto sana namin na kami na lang yung magsasabi sa inyo kung anu ba talagang nangyari, kahit si Yeri naiinis na sa inyo. Pero ang sabi nga ni Dahyun, may mga sarili kayong bibig at emosyon, agree naman si oldie Son."

"Hindi ko naman kayo masisisi, sa aming dalawa 'to eh." bumukas na yung pintuan ng elevator sa floor na pupuntahan ni Mina.

"See you around, Miss Irene." tinanguan ko siya bago matawa dahil narinig ko yung mga ingay na halata mong nataranta yung mga nakarinig ng sinabi ni Mina.

'Minsan talaga, ang lakas ng trip nitong babaeng 'to.'

Agad akong lumabas ng elevator nang makarating na ako sa palapag kung nasaan yung opisina ko.

"Good morning po Miss Irene." bati sa'kin ng secretary ko.

"Morning." pumasok na ako sa opisina ko.

'CEO. Bae Irene.'

Napabuntong hininga ako bago umupo sa upuan ko.

"At least, ako yung nagpasakit sa ulo ko, hindi ibang artist ko." napangiti na lang ako.

Alam kong tulala ako, pero wala rin naman ako iniisip, basta tulala lang ako.

"Wala muna papasok ng opisina ko!" agad namang sumara yung pintuan ng opisina ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung mga message.

"Di man lang siya nag-text." napatingala ako. "Di na ako nakapag salita kanina, di ko alam kung sasabihan ko ba siyang tanga o bobo." napahilamos ako sa sarili ko. "Kasalanan ko ba kasi hinayaan ko si Seulgi na sabihin yung mga yun, o kasalanan ni Seungwan kasi hindi man lang siya nagtanong at pinaglaban yung nararamdaman niya para sa'kin?" napabuntong hininga ako. "Ang bobo, kainis!" 

"Uhm, excuse me?" napatingin ako sa pumasok ng opisina ko.

"Ate? Anong ginagawa mo dito?"

"Pinapunta na kasi ako ni dad dito, hindi mo raw kasi sinasagot yung tawag niya. Great lolo wants to see you today, dahil this week na yung magiging operasyon niya." paliwanag ni ate Tiffany.

"Mamaya na lang ako pupunta, after lunch." tumango siya.

"Basta ngayong araw ka pupunta."

"Oo nga." inis na saad ko.

"Makikita mo si Seungwan dun." napa-irap ako.

"Alam ko ate, huwag mo nang ipaalala at nabubwesit ako sa lalaking yun ngayon." ngumiti siya at umupo sa bakanteng upuan.

"Anong nangyari?" di ko siya pinansin at binuksan yung laptop ko para mag-trabaho."Bahala ka, maghihintay ako, hindi ako aalis dito." tinanguan ko lang siya.

Nang ma-check ko na lahat nang kailangan kong gawin, pati na rin yung mga kailangan kong pirmahan, napatingin ako kay ate Tiffany tapos sa orasan na nasa opisina ko.

"Nakatulog na." tumayo na muna ako para ma-iunat yung mga braso ko. "Ate! Tara na!" sigaw ko. "Kanina pa kita ginigising."

"Ha?" napadilat siya. "Bakit ka ba sumisigaw."

"Kanina pa kita ginigising."

"Uy, mababaw lang ang tulog ko, anong pinagsasabi mo diyan na kanina mo pa ako ginigising." inirapan niya pa ako bago tumayo.

"Okay." hinubad ko muna yung salamin ko sa mata bago naunang lumabas.

Pinapasok naman ako sa restaurant kahit na hindi ganun kaformal yung suot ko.

'Eh sa ito yung trip ko eh.'

"Speaking of great lolo, alam mo ba na kasama si Seungwan sa mga mago-opera sa kaniya?" tumingin ako kay ate Tiffany bago umiling. "So kung magkataon man, lagi kayong magkikita ni Seungwan niyan."

"Ate bakit ka ba puro Seungwan." iritableng saad ko.

"Kwento mo na kasi, anu bang nangyari? Dun ka raw sa condo niya natulog."

"Sino namang nagsabi sayo niyan?" hindi pa siya nakatugon agad dahil dumating na yung mga order namin.

"Siya mismo, nagpaalam siya na nakainom ka at dun ka sa condo niya matutulog."

"Tss." nagsimula na akong kumain.

"So make kwento na nga."

Napa-irap na lang ako bago simulang ikwento sa kaniya yung nangyari.

"Ow, so gusto ka rin niya?"

"That's not the point ate, ibig sabihin lang nun duwag siya." natawa siya.

"Pareho lang naman kayong naduwag, magkaiba nga lang yung dahilan, pero may ideya ka naman na pala na gusto ka niya, bakit hindi ka pa umamin?"

"So kinakampihan mo siya?" umiling si ate.

"Ang sa'kin lang may ideya ka noon na gusto ka niya, pero siya ang ideya niya gusto mo si Seulgi." napabuntong hininga ako.

"Kahit na, dapat kinausap niya pa rin ako kahit na ganun yung narinig niya."

"Sa bagay, why don't you try to talk to him, tutal papunta ka rin naman sa hospital." umiling ako.

"Huwag na muna ngayon, tsaka na kapag wala na yung inis ko sa kaniya."

Inililihis ko na kay Seungwan yung usapan, pero itong si ate ipinipilit talagang mapag-usapan namin siya.

"Wait, you're using your motorbike?" tumango ako. "No way, great lolo will get mad."

"Don't worry, uuwi na muna ako sa condo para sasakyan ko yung gagamitin ko papuntang hospital."

"Just make sure na hindi malalaman ni great lolo, kundi mananagot ka talaga." tinanguan ko siya.

"Di ka pa ba tapos? Bagal mo namang kumain."

"Sandali, iinom na nga oh." inubos niya yung juice na nasa baso niya. "I hate it when you don't order wine for us."

"Edi sana pinapalitan mo, apakaarte." tumayo na kaming dalawa.

"Alam mo, maldita ka na nga, lalo ka pang pinamaldita ni Seungwan." napakamot ako sa tenga ko.

"Seungwan na naman, hindi ba pwedeng itikom na lang yung bunganga mo?" natawa siya.

"Ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan." nauna na siyang naglakad papunta sa parking lot ng building ko.

Nag-text na lang ako sa sekretarya ko na pupunta ako ng hospital para kay great lolo.

Pagdating ko sa condominium na tinutuluyan ko, dumiretso ako agad sa unit ko, ang daming camera sa labas nakakairita.

"Irene?" nagulat ako kay dad.

"Anong ginagawa mo dito, dad?" 

"I heard from your ate, ginamit mo yung motorbike mo?" napayuko ako.

'Ate naman!!'

"Yes po, dad." tumango siya.

"Gawin mo na yung mga kailangan mong gawin, at kanina ka pa hinihintay ni lolo." tinanguan ko lang siya at pumasok na sa kwarto ko.

Pagkatapos kong makaligo, mabilis kong pinatuyo yung buhok ko, mahirap na at baka mainip si dad kakahintay sa'kin.

"Kaya ko naman dad, kung pagod ko na umuwi ka na muna." nakasakay na kaming dalawa sa elevator.

"Magagalit yung mom mo, lalong lalo na si lolo, kaya huwag nang matigas ang ulo." tumango na lang ako at nanahimik na.

'Si great lolo na ang nagsabi, siguradong hindi na ako makaka-hindi kay dad.'

Habang nasa biyahe naman kami, pinaliwanag sa'kin ni dad yung mga napag-usapan nila ng doktor ni great lolo. At syempre hindi mawawala si Seungwan sa kwento niya, at nabalitaan ko rin na Jihyo and Rosé came back already from their different vacation.

Pagdating sa hospital, I was hoping to talk with Jihyo and Rosé, but they were busy in the emergency room together with Seulgi and Seungwan.

"Mas gwapo talaga siya sa hospital looks niya, nakakainis." napa-iling na lang ako at pumunta na sa kwarto ni great lolo.

"Finally, I missed so much." yumakap ako kay great lolo.

"I missed you too, great lolo."

"Dapat lang, since unlike your ates, bihira mo akong dalawin sa mansion." natawa ako sa sinabi niya.

"Sobrang busy lang talaga great lolo, don't worry I'm here naman na." umupo ako sa gilid ng kama niya. "Tsaka great lolo, balita ko you travel so much this year, kaya hindi ko rin alam kung kailan kayo nasa mansion."

"Gagawa pa ng palusot, okay na, ang mahalaga you're here before my operation."

"Sabi ko naman sa inyo great lolo, stay healthy." natawa siya.

"Kahit naman maging healthy ako, dadating ang panahon na magkakasakit at magkakasakit ako." hinawakan niya yung kamay ko. "Nagkita ba kayo ni Seungwan?"

"Great lolo naman, pati ba naman ikaw?"

"What? I just miss those days na you were playing with him." napabuntong hininga ako.

'Me too, great lolo.'

"Anyway great lolo, kailan yung operasyon niyo?"

"Kakaalis lang ni Doctor Kim, sa Thursday nila ako ini-schedule."

"Si Jennie?" umiling si great lolo.

"Jisoo? Yun ata ang pangalan niya, tama ba Jung Gi?" napatingin din ako kay dad na nakatulog na sa sofa. "He worries a lot, sabi ko naman sa kaniya na huwag masyado dahil mabubuhay pa naman ako."

"Kahit sino naman po great lolo, mag-aalala." hinawakan ko sa mukha si great lolo. "Magpapagaling po kayo agad pagkatapos ng operasyon." nginitian ko siya.

"Ahh, kaya nga ayokong sina Tiffany at Suzy ang nandito dahil madrama sila, pero mas iyakin ka nga pala." napayakap na lang ako sa kaniya. "One thing apo, gusto kong sabihin na lagi mong pipiliin na maging masaya."

"Yes po, great lolo." humiwalay na ako sa kaniya.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa ni great lolo hanggang sa makatulog na siya. Inayos ko na muna yung mga gamit ni great lolo, sa sobrang pag-aalala siguro ni dad kay great lolo, nakalimutan na niya yung tamang pagsalansang ng mga gamit.

Nang matapos naman akong maglinis, lumabas na muna ako para makakain. Sa paglalakad ko nga napadaan ako ulit sa emergency room, at hanggang sa pagkakataon na yun ang dami pa ring mga taong sinusugod at inaasikaso sila Seungwan.

"Mukhang di pa siya nakakakain." napanguso na lang ako at naglakad na. "Ouch." halos pabulong kong saad nang may mabangga ako.

Di naman ganun kalakas pagkakabangga niya sa'kin pero masakit pa rin.

"Karina?" sambit ko, napatingin ako sa nasa mga bisig niya.

"Miss Bae Irene." napalunok siya at bahagyang napa-atras. "Ahm, sorry po, nagmamadali lang po ako." pumasok na siya sa emergency room, sakto namang ang nakasalubong niya ay si Seungwan.

'The way he worries a lot sa mga taong nangangailangan ng tulong niya, napaka gwapo.'

"Baka lahat na lang ng gawin niya, gwapo sa paningin mo." napatingin ako sa babaeng nakatayo sa tabi ko.

"Kahit ata mukha niyang natatae, gwapo pa rin sa paningin ko." natawa siya.

"Grabe, ang balasubas ng sagot friend." inirapan ko si Jennie. "Nakausap mo na si great lolo?" tumango ako.

"Ksama si Seungwan sa mago-opera sa kaniya, ayan ako na nagsabi baka pati ikaw sabihin sa'kin."

"Well." natawa siya. "Anu nga palang ginagawa mo dito?"

"Kakain sana ako, kaso may nakabangga ako, hihintayin ko na lang na muna dito nang makausap ko siya."

"Sure ka ha? Papasok na muna ako sa loob para makatulong sa apat." tumango lang ako at hinanap si Karina.

She's one of my greatest trainees before, pero bigla na lang siyang nagpaalam na hindi na niya maitutuloy yung pagiging idol niya sa pamamagitan pa ng sulat lang. Then when she came back, nag-apply siya sa agency ko, pero bilang hair and make-up artist.

Nang matanaw ko nang palabas si Karina ng emergency room, hinanda ko na yung sarili ko sa paglapit sa kaniya.

"Mukhang mahuhuli na naman pagbayad ko ng upa." napahawa siya sa noo niya.

"Karina." napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa'kin, halata sa itsura niya yung gulat at takot. "Hand it to me." halos malukot niya yung papel na hawak niya bago yun itago sa likod niya.

"Ayos lang po Miss Irene." umiling ako.

"Hand it to me, please." napabuntong hininga siya bago iabot sa'kin yung papel. "Alam kong strikto ako sa mga staff ko, sa loob ng kompanya at sa oras ng trabaho." tinignan ko yung papel, mga gamot yun na kailangan niyang bilhin. "Sasamahan na kita." nauna na akong maglakad papunta sa botika na nasa loob lang ng hospital.

"Paki-fill up-an na lang po nito." kinuha ko yung papel na inaabot ng pharmacist at ibinigay yung kay Karina.

Habang sinasagutan ni Karina yung mga nakasulat sa papel, binayaran ko na yung mga gamot na kailangan niyang bilhin.

"Ito na po." tinignan ko lang si Karina nang iaabot niya sa pharmacist yung papel na hawak niya.

"Bale ganito po, ibibigay niyo po ito sa nurse na naka-assign sa pasyente niyo, tapos sila na po yung kukuha dito ng gamot." inabot nung pharmacist yung kopya para kay Karina, at may isa pang papel na naiwan sa kanila.

"Thank you po." sabay naming saad ni Karina.

"Huwag po kayong mag-alala Miss Irene, babayaran ko po yung ibinayad niyo." saad niya habang naglalakad kami.

"You don't have to, hindi ko alam kung bakit ayaw mong gamitin yung benefits na galing sa kompanya, isipin mo na lang na tulong ko yun para sa bata." bahagya siyang napayuko.

"Wala pa po akong lakas ng loob na ilagay sa cert na ginamit ko yung benefit para sa anak ko." rinig ko yung paghikbi niya. "Ayoko siyang itago, pero oras po kasi na lumabas yung tungkol sa kaniya bilang anak ko, hindi lang po ako yung masisira."

"He's an artist?"

"She is po." napatingin ako sa kaniya. "We try IVF, pero hindi ko naman po inaasahan na magiging successful yung process."

"Don't tell me, she's my artist?"

"Ayoko po siyang sirain Miss Irene, hindi ko po kaya. At least hindi man po ako naging idol, sikat naman po siya ngayon." napahawak ako sa noo ko.

"Well, kung yan ang gusto mo. Pero hindi ko papayagan na gagastos ka dito sa hospital, promise me na hahayaan mong ako ang gagastos para sa anak mo."

"Pero Miss Irene."

"No buts, Karina." napabuntong hininga ako. "Did your tito know about this?"

"He knows things po about my daughter, kaya dito ko rin po tinakbo si Winter, pero wala pa po si tito."

"Still, promise me hahayaan mo akong gumastos." tumango lang siya. "If you have to take a leave ayos lang, hanggang sa makalabas yung anak mo."

"Maraming salamat po talaga, Miss Irene."

"Karina?"

"Tito." alam niya na dito nagta-trabaho yung tito niya pero nagulat pa rin siya nung nakita niya.

"Irene?"

"Yes, Jeongyeon?" nginitian ko siya. "Sige na, maiwan ko na muna kayo."

Gaya ng plano ko kanina pumunta ako kung saan may vendo machine para bumili ng tinapay at juice.

"Sino kaya yung isang mommy ng anak ni Karina." napaisip ako. "Close siya sa Hunters dati, pero sino dun sa dalawa."

Lahat na ng artist ko na kasabayan ni Karina naisip ko, pero wala akong makuhang sagot.

"Hays, makadaan na nga lang kay Jennie, hindi sana siya busy." inubos ko na yung tinapay at inumin ko tsaka naglakad papunta opisina ni Jennie.

'Shems, makakasalubong ko si Seungwan!'

Napalunok ako at pasimpleng naghanap ng ibang madadaanan.

'Bakit naman ngayon pa kami nagkasalubong?!!'

Konti na lang, malapit na ako sa opisina ni Jennie.

"Hi." kita ko yung bahagya niya pang pagtaas ng kamay bago ako mabilis na pumasok sa opisina ni Jennie.

"Oh? Hinabol ka ng multo?'

"Mukhang multo." umupo ako sa sofa na nasa opisina niya. "Sumasakit yung ulo ko."

"So anong chika? Sabi ni ate Tiffany, may sasabihin ka raw sa'kin."

"Napakadaldal niya talaga." nakarinig kami ng katok sa pintuan niya.

"Pasok." saad ni Jennie.

"So anu na ang chika, nagchat si Jennie sa group chat may chika ka raw?" si Jihyo.

"Nakasalubong namin si Seungwan, di kami pinansin, anong ginawa mo dun?" si Rosé.
 
"Wala akong ginawa sa kaniya." napabuntong hininga ako. "Tsaka anu bang chika yung sinasabi niyo?"

"Tungkol sa inyo ni Seungwan." saad ni Jennie.

Ilang ulit akong bumuntong hininga, at mukhang gusto talaga nilang marinig yung kwento ko.

"So ganito nga kasi." panimula ko.

Hanggang sa matapos ako sa pagkukwento, tutok na tutok pa rin silang tatlo sa'kin.

"So, yun pala ang nangyari dati?" si Jihyo.

"Well, wala namang may kasalanan, pereho lang kayong naduwag." sambit ni Rosé.

"Ang cute niyo." napatingin kaming tatlo kay Jennie. "Lahat kayo nagkagusto kay Seungwan, pero si Irene lang yung nakatagal." nagkatinginan kaming tatlo.

"Eh kasi, binakudan na ni Irene, hindi naman pala sa kaniya ikakasal." inirapan ko si Rosé.

"Malaman ko lang talaga kung sino yung ikakasal sa kaniya, sasakalin kong literal." napanguso na lang ako.

"Let's eat outside, gutom na ako." sambit ni Jennie.

"Tignan mo 'to, pagkatapos mo kaming muntikan nang pagsabungin, mag-aaya ka ng kain." tumayo na si Jihyo. "Magbibihis lang kami." sumunod na si Rosé sa kaniya.

"Pupuntahan ko lang si great lolo."

"Pupunta ka ba tonight? Pwede naman kitang samahan." tumango ako.

"Kahit hatid mo na lang ako, tapos I'll ask someone to fetch me na lang." muli akong nagpaalam sa kaniya bago lumabas sa opisina niya.

Pagdating ko sa kwarto ni great lolo, nandun na sila mom at ate Tiffany.

"Pupunta ka ba mamaya?" salubong sa'kin ni mom.

"Opo, don't worry, I can handle naman po." tumango si mom. "Great lolo, mauuna na po

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim