Chapter One

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Seungwan's POV

'Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto?'

"Huwag kang bibitaw, bilisan mo."

'Kailangan niya yung tulong mo, kahit kapalit pa nun ay yung kaligtasan mo.'

"Dito muna tayo, bilis."

'Handa ka pa rin bang tulungan siya?'

"Yuko."

'Kasi, mahal ko siya.'

"Dito na muna tayo hanggang sa makalayo sila."

'Kahit nakapatay pa siya...'

"Sh!t, nawala kalasingan ko dun ha." sinilip ko kung may tao pa sa labas ng eskinitang pinasukan namin. "Ayos ka lang?" tulala lang siya sa'kin, nakakita ata ng multo. "Dito na tayo lumabas, baka maisipan ng mga pulis na bumalik dito." hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na.

'Buti naman at nagpapatangay lang siya, o lasing lang kaya di umaapila.'

"Sa condo na muna tayo, pwedeng lakarin." tumingin lang siya sa'kin. "Ayos lang ba sayo?"

"A-ayos la-"

"Good, that's great then." pumara ako ng taxi nang makarating na kami sa main road dahil mukhang wala siya sa sarili para maglakad pa. "Reve Suite." sambit ko sa driver ng taxi. "Magpahinga ka na muna." bulong ko sa katabi ko, agad naman siyang yumuko sa balikat ko. "Gusto mo yan eh." kinuha ko yung cellphone ko nang mag-ring yun.


You I😘 is calling...

"Yes, hello?" natawa siya sa sinambit ko.

"Really, yes and hello? Where are you?"

"On my way home."

"As you should, did you forget that today is Friday?" napahilot ako sa sintido ko.

"Friday night, date night."

"At least you know." napabuntong hininga ako.

"But I already told you, I'll be home late."

"Who cares, it's still Friday."

"Okay, I'm almost there."

"Don't you dare end this call." napatango na lang ako sa kawalan. "Okay, I'll end it na."

"Minsan talaga, sakit sa ulo." napabuntong hininga na lang ako at tinuon yung paningin ko sa labas ng bintana.

"Ipapasok ko pa po ba sa parking lot, Sir?"

"Kahit sa tapat na lang ng main door, salamat." kinuha ko na yung wallet ko at naglabas ng pera. "Here." inabot ko na sa driver yung bayad at kinalabit yung babaeng katabi ko.

"Wala po ba kayong barya?"

"Keep the change." nauna na akong bumaba at inalalayan yung kasama ko. "Here, suotin mo muna yung suit ko."

"Salamat."

'Finally, mukha natauhan naman na siya.'

"Good evening Mr. Son." nag-bow pa yung guard sa'kin.

"Good evening." saad ko. "Let's go." halos hilain ko na yung kasama ko dahil sa bagal niyang maglakad.

Nang makapasok kami sa elevetor, nakasiksik lang siya sa likuran ko. Medyo marami kasi kaming nakasabay sa pagsakay ng elevator.

"Excuse us." ma-awtoridad kong saad at hinawakan na sa kamay yung kasama ko.

"Si Irene Bae ba yun?"
"Yung artista?"
"Oo."
"Mukhang hindi naman, she's too old for that guy."
"Huh? She's literally 8 years younger than you, pinagsasabi mo?"

Natawa na lang ako nang marinig yung huling parte ng usapan ng ilan sa mga babaeng nakasabay namin sa loob ng elevator.

"Stop laughing."

"But that was funny."

Pagpasok namin sa loob ng unit ko, pinaupo ko na muna sa sala yung kasama ko tsaka ako dumiretso sa dining room.

"You're 4 hours late." napabuntong hininga na lang ako.

"I told you, may meeting ako with other doctors." umupo ako sa tabi niya. "Iinitin ko na lang yung mga pagkain, sandali."

"Don't have to, kakarating lang din naman ng foods."

"You ordered it?" napa-irap siya.

"Of course, you think a 7 year old like me can cook?!"

"Okay, you don't have to shout, maingay." tiniklop ko yung long sleeves ko hanggang sa siko.

"Wash your hands, and let's eat."

"You don't have to command me, by the way, before I forget." naghugas na ako ng kamay ko. "Someone is joining us tonight."

"Oww." napatingin ako sa kaniya, may pang-aasar sa mga mata niya. "It's a woman?" tumango ako. "Good, uncle Chaeyoung is being annoying whenever he's around."

"Had that recorded." natatawang saad ko bago pumunta sa sala. "Gusto mo bang magpalit muna ng damit?" umiling siya.

"It's too late na rin, baka matagalan ako masamang pinaghihintay yung pagkain." tumango ako nang ilang ulit.

"Just tell me you're hungry, wala namang masama." natatawang saad ko bago ilahad yung kanang kamay ko. "Let's go?" pakurot siyang kumapit sa kamay ko.

'With her beautiful red velvet dress, and pair of heels, slay girl.'

Natawa ako sa isiping yun bago siya igayak sa harap ng lababo.

"Wash your hands muna." tumango lang siya bago iabot sa'kin yung suit ko. "Woah." nagulat talaga ako sa napakagandang itsura niya.

"Shut that up." natawa na lang ako at umupo na kasama si You I.

"Dad, get another plate for your plus one, don't be rude."

"Ahh, yes ma'am, pardon me." napatayo na lang ako ulit at kumuha ng isa pang set ng plato at mga kubyertos.

"Dad the chair for the lady." napa-irap pa si You I, kaya sa pangalawang pagkakataon muli akong tumayo para i-atras yung upuan na katabi ko kung saan uupo si Irene. "Now I know." napabuntong hininga pa si You I at umiling.

"Know what?" nagsimula na akong kumuha ng makakain ko, bago pagsandukan si Irene ng pagkain.

"That, your actions." kunot noo ko siyang tinignan. "Kaya siguro hindi ka nagtatagumpay sa mga date mo, kasi less ang pagka-gentleman mo."

"Cut that off You I, that's too much information." nginitian ko si Irene bago muling tigan si You I. "Kumain ka na lang para mamaya pagkatapos mong makapaglinis ng katawan makatulog ka na."

"Ikaw na nga yung tinutulungan."

"Just don't mind her." tumango lang si Irene habang kumakain. "So how's your school?"

"Well, as usual, everyone is noisy." natawa ako sa sinabi niya. "Then one of my teachers told me it was normal, like what? It was normal? Our classroom looks like a zoo full of animals."

"Okay that's it, I can't take it anymore." napahawak na ako sa tsyan ko habang tumatawa.

"Kaya nakakasigurado ako dad, I'm a normal human being." tumango na lang ako dahil wala na akong lakas para magsalita, nakakapanghina yung pagtawa ko.

Tuloy lang kami sa kwentuhan ni You I, habang si Irene tahimik na kumakain sa tabi ko.

"Thank you for tonight's date dad." bumaba na si You I sa upuan niya at yumakap sa'kin. "Good night Miss plus one." kumaway siya kay Irene bago tuluyang pumunta sa kwarto niya.

"Go change your clothes, wala nga lang pamalit sa undergarments mo." tumayo na ako at nagsimulang magligpit.

"Are you mad at me?" napatingin ako sa kaniya. "You've been here for a year, pero hindi ka man lang nagpakita sa'kin."

"Busy lang, alam ko rin na mahihirapan akong makausap ka lalo na you're filming your upcoming movie." tinapon ko na muna yung mga dapat na itapon bago ilagay sa dishwasher machine yung mga ginamit namin. "Ihahatid na kita sa kwarto  para makapagpalit ka na." tumayo naman siya at agad na sumunod sa'kin nang maglakad ako.

Kinuha ko na muna yung plastic ng basurahan sa banyo ko at pinalitan yun ng bago.

""Nandito yung mga towel at robes na pwede mong magamit, may toothbrush dito na hindi pa nagagamit." lumabas ako ng banyo. "Ako na maghahanda ng mga susuotin mo, umupo ka muna diyan sa kama."

"Bakit nung nagkita tayo sa Canada, parang hindi mo ako kilala." bahagya akong umupo sa harapan niya.

"Nagkita tayo sa Canada? Wala akong maalala."

"I know it was you, dahil dun kami nagkita sa hospital na sinabi sa'kin ni Seulgi." natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Si Seul? Eh never nga kaming nag-usap nun mula nang umalis ako." hinubad ko yung sapatos niya. "Not that bad maidadaan pa naman sa ointment." tumayo na ako at lumapit sa closet ko. "This might be a little bigger for you." nilapag ko na sa kama yung sweatpants at t-shirt ko bago kumuha ng ointment para sa paa ni Irene.

"Salamat." tumango lang ako at muling kinuha yung plastic ng basura na nilapag ko sa tapat ng banyo kanina.

"If you need anything, you can look for it by yourself kung sakaling di pa ako nakakabalik." pumunta na ako sa kwarto ni You I. "Still up?"

"Is it true dad, you bring Bae Irene at our house?" napatango na lang ako habang natatawa. "Are you two dating? I mean why not, right? Both of you are single, good looking, and also you had a big crush on her."

"Well, salamat sa compliment about me being good looking, but the crush thingy ended 10 years ago." pumasok na ako sa banyo niya para kuhain yung basura dun.

"Sigurado ka dad, natapos talaga?" tumango lang ako nang makalabas na ako ng banyo niya. "Then why you keep me?"

"Because I promised to." tinuro ko sa kaniya yung door knob para pagbuksan niya ako ng pintuan. "Matulog ka na, susunduin ka ni uncle Chaeyoung bukas."

"Hindi ka sasama?"

"May work ako bukas, baka sumunod na lang ako dun, okay ba yun?" nakanguso siyang tumango.

Nang maitapon ko na yung basura na nasa unit namin, pumunta na muna ako sa convenience store na katabi lang ng building na tinutuluyan namin.

"I need more coffee, the case was really exhausting." bulong ko habang kumukuha ng kape na nasa sachet. 

Kinuha ko yung cellphone ko at may tinawagan.

"Yow?"
: What now, Son?
"Sigurado ka na ba sa information na nakuha mo?"
: Sure na sure, galing ba sa kapatid mo.
"Kay Chaeng?"
: The older one.
"Okay, nasabihan mo na ba si Chaeng na agahan yung pagpunta sa bahay?"
: Syempre naman yes, tulog na nga ata yun ngayon.
"Sige salamat."
: Wait, yung kay Irene?
"Shh, she's fine."
: And they know, you're the one who takes her away.
"Dahyun, listen, nangyari yun sa bar mo. So ikaw ang mas may kapangyarihan."
: Seungwan, agaw buhay na yung lalaki nung dalhin siya sa hospital.
"Who cares, kasalanan naman niya."
: Ewan ko Seungwan, di ko rin alam kung sino talaga yung nakabaril.
: Ang gulo na rin  dahil iba iba yung statement na nakukuha namin.
"Just make sure, hindi siya madadawit."
: Paano ko gagawin yun, eh siya nga yung main suspect.
"Just shh, bukas na lang."

Tinapos ko na yung tawag at tinago sa bulsa yung cellphone ko. Nang mabayaran ko na lahat ng binili ko, bumalik na ako sa unit.

"Tapos na kaya siya." nilapag ko muna sa couch na nasa sala yung mga pinamili ko bago pumasok sa banyo. "Di pa siya tapos." napahawak na lang ako sa tsyan ko at nagmamadaling kumuha ng mga pamalit.

Sinilip ko muna si You I bago pumasok sa kwarto niya at dumiretso sa banyo.

"Naka apat na basong beer din ako kanina." napahawak na lang ako sa ulo at tsyan ko.

Pagkatapos kong makapag-bawas, dun na rin naligo.

"I know for sure, I saw it with my own eyes. Walang hawak na baril si Irene, sinong bumaril?" pinatay ko yung shower nang makarinig ako ng pag-katok.

"Dad is that you?"

"Yup! It's me, why?!" hinintay ko siyang tumugon bago magsimulang mag-punas tsaka nag-bihis. "Did I wake you up?" bungad ko kay You I nang makalabas na ako ng banyo.

"Akala ko guni-guni ko lang na nakabukas yung shower." humiga na siya ulit. "She didn't do that, right dad?" napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko. "She didn't kill that guy."

"To see is to believe, anu man yung nakita ko yun ang paniniwalaan ko, I assure you she's harmless." nakangiting saad ko tsaka lumabas ng kwarto ni You I.

Nakita ko si Irene sa sala, nakatulala. Pumunta na muna ako sa kwarto ko para ilagay sa labahan yung mga suot ko kanina at para na rin kuhain yung mga papel na kailangan kong pag-aralan.

"Need coffee?" tumango ako sa tanong ni Irene at inabot sa kaniya yung mga kape na binili ko kanina. "Ikaw yung may kailangan ng kape, ikaw mag-timpla." tumayo na siya at nag-lakad paalis.

"Another headache." napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang mag-basa ng libro tsaka yun ikukumpara sa nasa papel na mula sa hospital kung saan ako nagta-trabaho.

Dr. Kang is calling...

"Hello?"
: May sinend ako sayo sa email.
"Hmm."
: Sigurado ka na talaga?
"Saan?"
: Maging assistant ni Kim sa surgery na 'to.
"Wala namang problema."
: Sabi mo eh.
: Oo nga pala, nagkita na kayo?
"Idepende mo na lang yung sagot ko sa source mo."

Tinapos ko na yung tawag tsaka tumayo para kuhain yung laptop na nasa kwarto ko.

"Ilang araw lang Seungwan, makakayanan mong maka-survive kahit dalawa pa yung magpapasakit ng ulo mo." bulong ko habang naglalakad pabalik sa sala.

'Her own recipe? To be honest, na-miss ko na yung sarili niyang timpla.'

"Anong ginagawa mo?" napatingin ako kay Irene.

"Mas komportable kasing umupo sa sahig, para ka-pantay ko lang yung laptop." marahan siyang tumango.

"Pwede ko bang buksan yung t.v?"

"Huwag na, panigaradong ikaw ang laman nang lahat ng channel." napa-kibit balikat siya.

"That's my point." kinunutan ko siya ng noo. "Don't frown, di bagay." kinuha niya yung remote na nasa center table at binuksan yung t.v.

[Reporter: At ayun nga sa may-ari ng Eagle's Night, bago pa magkagulo yung dalawang panig ay nagkaroon ng pambabastos sa aktres na si Bae Irene. Pero hindi pa matukoy ng mga polisya kung anu yung tunay na nangyari, dahil bukod sa may kadiliman yung parte ng pinangyarihan ng krimen, ay iba iba rin ang ibinibigay na statement mula sa mga witness.] bumalik sa studio yung nasa screen ng t.v.

[Natukoy na ba kung nasaan ngayon yung aktres na nasasangkot sa krimen na ito?]

[Reporter: Hanggang ngayon nga, ay pinaghahanap pa rin ng mga polisya ang naturang aktres. Nung dumugin kasi ng tao yung pinangyarihan ng krimen, dun na nawala sa kuha ng cctv ang aktres. Nakuha na rin ng mga imbestigador yung kopya nang lahat ng cctv sa loob at labas ng bar, ngunit hanggang sa pagkakataong 'to ay hindi pa nakakapaglabas ng kasagutan ang mga awtoridad.] pinatay ko na yung t.v.

"But still, thank you for taking me away from there." humigop ako ng kape at nagsimula nang mag-type sa laptop ko. "Kahit magmumukha akong may kasalanan dahil tumakas ako, thank you pa rin."

"I'm sorry, naguluhan din ako nung makita kitang natulala dahil sa nangyayaari." natawa siya.

"Nag-thank you na nga ako, diba? Hindi mo na kailangang mag-sorry." humiga na siya sa couch tsaka iniyakap sa leeg ko yung kanang braso niya. "Salamat, sobra talaga akong natakot kanina sa nangyari."

"You'll be safe, I assure you." marahan kong tinapik yung braso niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ramdam ko na yung malalalim niyang paghinga, tatanggalin ko na sana yung braso niya sa pagkakayakap sa'kin para mailipat ko na siya sa kwarto ko, pero humigpit lang yun lalo.


-

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim