Chapter XXVII

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Nice, okay na to for now." ibinaba ko na rin ang bass guitar ko ng ma-satisfy si bossing sa rehearsal namin. Inayos na rin nila ang mga instruments nila dahil may lakad kami ngayon sa warner, pinatawag kasi nila kami para sa isang meeting regarding our upcoming activities and album. 

 

 

"Mag-aayos lang ako." excuse ni Winter sa amin, sunod ang mga mata namin sa kanya ng pumasok siya sa kwarto. Oo, halos dito na ata nakatira si Winter simula ng umalis si Karina. 

 

 

"Tingin niyo ba ayos lang talaga si bossing?" curious na tanong ni Hendery ng mawala sa paningin namin si Winter, sobrang cautious kasi namin mag-usap kapag nandyan siya dahil may isang beses na kinukulit namin kung ayos lang ba talaga siya dahil alam naman namin kung ano si Karina kay Winter. She told us ayos lang siya at tuloy ang buhay pero bilang kaibigan niya may part sa amin na hindi naniniwala. 

 

 

"I personally think hindi." sagot ko sa kanya, inabutan ko sila ng softdrinks in can isa isa bago kami maupo sa couch. 

 

 

"Look at this place, ginawa niya na talagang bahay e no?" napatingin si Yena sa amin pagkatapos niya sabihin yon. "I mean, of course walang problema it's just that syempre nag-aalala ako wala naman siya kasama rito most of the time unlike sa bahay nila nandoon si Giselle." pagpapatuloy niya. Pero totoo ginawa na talagang bahay ni bossing tong tambayan namin pero ang maganda e naglilinis naman siya dahil dito pa rin kami nagpapractice, hindi naman igi-give up ang lugar na to masyado kaming maraming memories dito e. 

 

 

"Ang hirap naman kasi tanungin siya ulit dahil baka magalit lang siya." napabuntong hininga na lang si Yujin. "..tinatanong ko nga si Minju kung nakakapagchikahan sila ni bossing pero pareho lang din sinasabi sa kanya." 

 

 

"Kung titingnan naman  talaga natin parang wala lang nangyari e pero alam din naman natin gaano ka-professional si Bossing. Who knows ano nangyayari sa kanya kapag mag-isa na lang?" halata ang sobrang pag-aalala ni Hendery, kahit ako naman e sobra pag-aalala ko pero ako na sobrang close sa kanya e hindi siya nagkekwento paano pa kaya sa iba. 

 

 

"Sure na hindi madali yung nangyari. I-admit niya man o hindi for sure nasasaktan siya. Magaling lang talaga magtago yan." sagot ko naman sa kanila. Hindi ko rin kasi gets bakit bigla na lang nawala si Karina e. 

 

 

"Hindi niyo na ba na-contact si Manager?" tanong ni Hendery. 

 

 

 

"Manager my . Iniwan nga tayo sa ere." inis na sagot ni Yujin. 

 

 

 

"Hindi, naka-deactivate lahat ng social media accounts niya e. I couldn't reach her kahit saan." napasandal si Yena sa upuan niya. "..kahit ako di alam anong dahilan talaga e, I thought may something na sa kanila ni bossing I mean we've all seen it naman diba? tsaka bakit di na lang siya nagsabi? required ba iwan na lang basta tayo basta basta? feeling ko naulit ginawa sa atin nung vocalist natin dati hahaha relapse malala." 

 

 

"Badtrip talaga yan si Karina. Sabi pa niya di niya papakasalan yung ex ni Minju tapos ngayon? hay nako. kairita." halata talagang may galit si Yujin e. Ako naman di ko rin mapigilan mapaisip, they were okay naman e tapos all of a sudden aalis si Karina para magpakasal? something's off talaga kaya if possible gusto ko talaga makausap si Karina. 

 

 

"I know guys nagagalit kayo sa kanya dahil iniwan niya tayo, iniwan niya si bossing pero..there could be a reason diba?" gets ko si Hendery, kahit ako naniniwala ako may dahilan bakit bigla bigla na lang siya umalis ng wala talagang pasabi. 

 

 

"Anong reason? edi sana sinabi niya na sa atin, sana kinausap tayo. sana kinausap si bossing, two weeks na nakalipas oh? wala talagang paramdam diba?" I tapped Yujin's shoulder para pakalmahin siya masyado na naman nagagalit e. 

 

 

"Wag na muna natin isipin si Karina, focus na lang tayo kay Winter." napatingin silang lahat sa akin. "We all know her, hindi yan magsasalita kahit nasasaktan na yan pero let's just make her feel na we're here for her." 

 

 

"Right, much better nga siguro. Tsaka mag-focus na rin tayo sa trabaho natin. Katulad ng ginagawa ni bossing, pansin niyo ba babad siya sa pagsusulat ng kanta talaga?" 

 

 

"Baka si bossing yan." nagtawanan naman kami. 

 

 

I took my phone habang nagkekwentuhan sila, tiningnan ko kung naka-deactivate pa rin ang mga account ni Karina and no luck, hindi ko pa rin talaga siya mako-contact naisip ko kasi kahit papaano e naging close naman kami ni Karina, I want to know her reason and makakaasa naman siya na hindi ko siya pangungunahan kay bossing. Sa totoo lang medyo hirap ako paniwalaan na umalis siya just because nagbago isip niya at gusto niya na magpakasal doon sa Chaewon kasi nakita ko naman kung gaano siya ka-genuine kay Winter.

 

 

I'm keeping an eye on Winter talaga. Giselle asked me to take care of her dahil hindi na nga nauwi si Winter sa bahay nila. Naiintindihan ko dahil kahit saang part ata ng bahay na yon e maaalala niya si Karina. Maybe Winter's saving herself na mas lalong malunod sa lungkot kaya dito na siya nag-sstay muna. Giselle also told me na baka raw kini-keep lang ni Winter lahat lahat dahil may ganon siyang ugali. She'd rather keep everything within herself kaysa makaabala ng tao. 

 

 

"Tara na." sabay sabay kaming napatingin kay Winter ng lumabas ito ng kwarto, bigla na lang niya kaming binato ng throw pillow. "Mga gago, tigilan niyo ko sa ganyang tingin na para bang awang awa kayo sa akin." tsaka siya tumawa. 

 

 

"Bossing, ayos ka lang ba talaga?" lakas loob na tanong ni Hendery. 

 

 

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" oh wow, first time niya sumagot ah? usually sasabihin niya lang "oo naman" 

 

 

"I mean.." 

 

 

"Dahil kay Karina?" she chuckled. "Ang dami daming babae diyan. You know me, guys." Winter tried to assure us kung napaniwala niya sila well ako hindi. I could see the pain in her eyes kahit pa nakangiti siya. 

 

 

"Tuloy ang buhay, hindi titigil ang buhay ko dahil lang sa kaniya. Kaya tara na, may good news na naghihintay sa atin sa warner. Kaka-message lang sa akin ni Miss G." nauna lumabas si Winter ng tambayan at nauna pa nga siya sa shotgun seat, palagi kasi kami nag-aagawan diyan pag sa kotse kami ni Hendery sasakay. Eversince din hindi niya pa ulit ginagamit ulit ang motor niya.

 

 

 

 

Pagdating namin sa Warner ay nagkaroon lang kami ng quick meeting, imi-meet daw namin yung isang producer para sa album na iri-release namin and magkakaroon din kami ng WishBus performance which is a dream come true! dahil matagal namin pinangarap yon kaya heto na-eexcite kaming lahat. 

 

 

 

Simula ng mawala si Karina nag-assign ng manager sa amin ang Warner. So far, wala naman kami nagiging problem sa kanya scheduled lahat at napaka-organize ang bilis din ng update sa mga social media accounts namin, siguro dahil sanay na siya sa trabaho niya. Hindi namin siya kasabay kanina dahil mas nauna siya sa amin sa Warner. 

 

 

"Manager, saan ka namin ibababa?" tanong ni Hendery. 

 

 

"Hndi ba may rehearsal pa kayo?" 

 

 

"Bossing? di mo sinabi na tapos na rehearsal natin?" 

 

 

"I forgot to message her." nonchalant niyang sagot, mukhang kulang sa tulog to si Winter dahil pansin ko kanina pa siya hikab ng hikab. 

 

 

"It's fine, just tell me next time. Dyan na lang ako sa gilid bababa, I'll take a cab na lang pauwi." I looked at her confusedly, bakit pa siya magta-take ng cab pwede naman namin siya ihatid. 

 

 

"Huh? ihahatid ka na lang namin." kontra ni Yena. 

 

 

"May other plans pa ba kayo?" tanong niya sa amin. 

 

 

"Wala naman, pahinga siguro since may gig bukas and busy sa mga susunod na araw." sagot ko. 

 

 

"Okay, I just want to make sure." 

 

 

"Hatid ka na namin ah?" suggest ulit ni Yena. 

 

 

"Sige." 

 

 

 

Medyo di ko pa mabasa si Gaeul. Tahimik lang siya pero kapag kailangan kami pagsabihan nag-sstep-up siya masyado kaming nasanay na friendy kay Karina pero with her ramdam namin yung term na "trabaho" lang talaga. Pero who knows? baka maging friend din namin siya anytime soon, di naman nalalayo edad niya sa amin. 

 

 

 

"Dito na lang ako bababa." napatigil sa gilid ng kalsada si Hendery ng magsalita si Winter. 

 

 

"Sure ka bossing? ihahatid naman kita after kay manager." 

 

 

"I have something else to do, I'll see you tomorrow." pagkasara ni Winter ng kotse ay hindi kami umalis agad, pinanood lang namin siya habang naglalakad palayo. 

 

 

"Is she okay?" ramdam ko ang pag-aalala sa tono ni Gaeul. 

 

 

"She can manage." sagot ko naman. 

 

 

I hope so. 

 

 

I better check on her later. 

 

 

"Tara na, para makapahinga pa lahat." 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

 

As usual. 

 

 

I needed a drink. 

 

 

I've been thinking about her again—I never stopped thinking about her.

 

 

Ang dami na nakakakilala sa amin in public so I need to find a safe place. I found this hidden bar well it's not hidden anymore kasi I found it while scrolling sa tiktok, believe it or not I did so many things para lang hindi siya isipin for a while pero walang nangyari. 

 

 

"Welcome back, usual ba?" the bartender knows me already, I'm coming here almost every night. I just nodded at him at kaagad niya naman inihanda ang drinks ko. It's so dark and cozy here I really love the ambiance, bagay na bagay sa mood ko. I know drinking won't help but somehow nakakaramdam ako ng katahimikan whenever I am here. 

 

 

"Here's your drink." 

 

 

"Thanks." I sat on my usual spot sa corner, konti lang naman ang tao dahil once na occupied na lahat ng tables hindi na sila nagpapapasok. Kaya gets ko rin kung bakit medyo mahal yung mga drinks nila dito. I shouldn't be drinking right now dahil may schedule kami bukas pero tingin ko kaya ko naman dahil hapon pa ang gig namin. 

 

 

Two weeks simula ng huli kong makita si Karina, simula ng umalis siya pero pakiramdam ko taon taon na ang lumipas. Until now, clueless pa rin ako. I want to get mad at her for leaving me just like that but at the same time kapag bumalik siya alam ko sa sarili ko na ako mismo ang tatakbo palapit sa kanya. I sounded so stupid but she means that much to me.I really hoped na magri-reach out siya sa akin, na magpapaliwanag siya, na it was her dad's fault bakit kailangan niya umalis, na wala siyang choice kasi yun ang gusto ng dad niya. Willing ako humarap sa tatay niya, I'd do anything for her if she will just let me. 

 

 

Pagkatapos kong inumin ang unang baso ng whiskey na inorder ko ay umorder pa ako ng isa, I took my phone atsaka ko chineck ang mga accounts

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
karKryber10 0 points #1
Chapter 2: wooh San Adreas pa author haha
Aezakmi, bubble cars! hahaha
asdfghjklmaeee
184 streak #2
Chapter 33: Gaeul snitch 😤 Gigil ako lalo na sa tatay ni rina 😤
minjeongfan_2688
#3
Chapter 33: sarap barilin ng tatay ni karina, tangina
hehevelz #4
Chapter 33: Taena gaeul, kakapull ko lang sa album ng pc mo tapos nibbwisit mo ko beh
st4rxio #5
Chapter 33: intention talaga ni gaeul sirain yung phone
cleofierayne 38 streak #6
Chapter 33: Chapter 33: Kasabwat ka talaga Gaeul. Ganda talaga ng plano ng tatay ni Karina. Pinamukha mo talagang mas naka aangat pag maraming pera at pinakita niyo both sides na nag mo move on. As if!

Chaewon ikaw na gumawa ng paraan. Contact Giselle without anyone knowing including the band at manager. Sa lagay na yan di paba niyo naiisip na may tauhan rin around sa banda? Pleasee isipin niyo na, dahil ang spy manager ay tauhan ng tatay ni Karina.

Isipin mo ulit Karina kung bakit di mn lng nag reply si Winter. Mag rereply yung tao kahit gaano pa ka busy lalong lalo na ikaw pa kumontact. Di kaba nagtataka kung bakit di pa nag contact sayo si Win after sabihin ng manager na yun sayo? Hhmmm mag ooverthink ako niyan hahaha pag ako ay ikaw. Haahah
Kocima
#7
Chapter 33: Nakakagigil sa inis tatay ni karina
winrinasaurus
#8
Chapter 33: nako gaeul, when i catch youuuu 😠🫵🏼
Kelllorente
#9
Chapter 33: kasabwat pala ying bagong manager. parang gusto manubot 😠
yulgotitall #10
Chapter 33: Snitch si Gaeul. Final answer 😤😤😤