Chapter XX

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Oh lighter." kinuha ko ang inaabot na lighter sa akin ni Natty upang sindihan ang yosi na nasa bibig ko na, lumabas muna kasi kami sa tambayan, actually si Natty lang nagpaalam na lalabas para nga magsigarilyo pero na-tempt ako kaya sumama ako sa kanya. I was trying naman to stop but it was just so hard—lalo na ito talaga yung nagpapawala ng stress ko or kapag ka nag-iisip ako ng sobra sobra. 

 

 

"Quit pala ha." asar niya sabay buga ng usok sa akin, napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paghipak sa yosi na hawak ko. Natty asked me if pwede siya manggulo today dahil ang boring daw sa bahay na pinag-sstayan nila ni Julie well as usual, Julie was out again and Natty's getting sick of it na. 

 

 

"May itatanong pala ako sayo." isinandal ko ang likod sa may pader habang hawak ang sigarilyo ko sa kanang kamay at tumingin kay Natty. "Anong deal mo kay Ningning huh?" Giselle talked to me kasi about it at mukhang kabado ang pinsan ko. 

 

 

"Why mo natanong?" Natty smirked, sabay tapon ng yosi niya sa kalsada. 

 

 

"I'm curious. Don't tell me popormahan mo?" 

 

 

"So? single naman siya." 

 

 

"Wow, you're serious? I told you gusto siya ni Giselle." I clicked my tongue bago itapon ang sigarilyo sa lapag, tinapakan ko rin ito upang mawala ang baga nito. 

 

 

"She's not doing anything naman e, sayang naman si Ningning." pagdadahilan pa ni Natty—well may point, maybe si Natty na rin makapag-push kay Giselle umamin. "You can tell your cousin, I like her bestfriend or maybe I'll talk to her about it." Natty chuckled. 

 

 

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng ripped jeans na suot ko, sunod sunod kasi ang notifications and upon checking it puro mention sa akin sa gc ng theLink, why are they so excited? Karina also messaged me na nasa tambayan na siya and may good news daw siya. "We need to go back na." 

 

 

 

 

Pagpasok namin sa tambayan ay bumagsak ako sa sahig dahil bigla na lang akong dinamba ni Ryujin, hindi na ako nakabwelo. "BOSSINGGG!!!" hindi ako makatayo kaagad dahil sa higpit ng pagkakayakap ni Ryujin sa akin. 

 

 

"YOU WON'T BELIEVE THIS!!" inabot ko ang kamay ni Hendery para makatayo na ako ng maayos. 

 

 

"Karina tell her tell her!" excited na sabi ni Yujin—I really don't know anong nangyayari but mukhang good news naman dahil sa mga reactions nila. 

 

 

"Okay, nasabi ko na kasi sa kanila pero.." tumingin sa akin si Karina habang nakangiti. "..You guys have 20K followers na sa Spotify." Karina's smile grew wider. "Aside from that, yung song niyo na neverland marami rami na rin ang gumagamit sa tiktok, sa youtube account niyo naman nasa 25K na ang subscribers niyo nagi-increase din yung views nung lyric video na ni-nirelease natin sa Youtube account niyo and ang daming nagco-comment ng live performance video." hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko—is it really happening right now? 

 

 

"Hindi pa ako tapos—ang dami rin nag-uupload ng mga videos niyo sa tiktok, and ang dami na rin ng views nung performance niyo sa kyusiklaban and lastly!" tiningnan kami ni Karina isa isa. "I don't think magkakaroon kayo ng pahinga sa sobrang dami ng upcoming gigs niyo, kabi-kabilaan yung mga invitation sa inyo and yung alma matter ni Yena, nag-reach out sa atin if you can perform on their foundation day next month." 

 

 

"WHOA!!" napatalon sa tuwa si Yena. "Let's go na let's go!" 

 

 

"Naks congrats, dapat magpapicture at autograph na ako sa inyo bago pa kayo sumikat ng todo." biro ni Natty sa amin and I thought nagbibiro lang siya pero talagang kumuha siya ng papel at pentel pen at pinapirma sila isa isa. 

 

 

Ako? Hindi ako makapag-react para akong lumulutang sa alapaap sobrang saya ko and I don't know how to react. Ang overwhelming sa pakiramdam, ang saya na hindi ako makapaniwala kasi we're really getting there kahit na alam kong malayo pa and I don't mind kahit gaano pa kalayo as long as sila ang kasama ko. 

 

 

"Masaya ka ba?" hindi ko namalayan na nakatayo pala sa tabi ko si Karina, nakatingin kasi ako sa mga band members ko nakakatuwa na makita silang ganito yung sobrang saya ba sana lang magtuloy tuloy na. 

 

 

"Sobra." I looked at Karina. "Thank you for everything you're doing for us." I smiled at her—hindi naman to magiging posible kung hindi rin dahil sa kanya, si Karina yung nagpu-push sa amin araw araw at indeed siya ang number 1 support system ng banda. I know close na kami sa isa't isa but there's something about Karina that made us much closer, to the point na hindi na kami natatakot makita ng isa't isa yung mga kahinaan namin. 

 

 

"This is all because of your hardwork, Winter." napatingin si Karina sa kanila. "Dahil sa effort niyong lahat and of  course yung mga talent niyo." Karina seems so proud about it. "So..ready ka na ba i-release yung new song niyo?" 

 

 

"Oh right, you want to hear it?" alok ko sa kanya—hindi ko pa rin napaparinig sa kanila pero I think okay lang naman kung maririnig na ni Karina. 

 

 

"Wow, sure of course." kinuha ko ang gitara ko at humanap kami ni Karina ng pwesto sa may gilid busy pa kasi sila magsaya and okay na rin yon dahil kanina pa rin kami nagpa-practice. 

 

 

I started playing my guitar habang si Karina naman ay nasa harapan ko, well she's technically sitting on the floor habang nakatingin sa akin. "Don't expect muna kasi aayusin ko pa rin yung tabs nito." 

 

 

"Just play it." natawa naman siya. 

 

 

Ilang beses na ang puso'y sumugal 

Tila laging talo sa t'wing nagmamahal

Paano? Posible bang hindi na masaktan?

Di masisi't pagka't tao lang 

Oh, Ako'y tao lang

 

 

Tahimik lang na nakikinig si Karina habang nakatingin sa akin, hindi ko rin naman maiwasan mapatingin sa kanya dahil nasa harap ko lang siya. 

 

 

Siguro balang araw, aking matatanaw 

Sagot sa bakit at sakit ng nakaraan

Di bale ng malayo, alam saan patungo

Sayo'y itinuturo

Hintayin mo lang ako

Hintaying mo lang ako 

 

 

"Hanggang dyan na muna, masyado ka ng vip." asar ko bago ko ibaba ang gitara ko. "So, how was it?" tanong ko sa kanya dahil nakatitig pa rin siya sa akin. "Is it good or..you think may kulang?" tanong ko ulit. 

 

 

"What? No—It was..amazing. It's great, Winter. Ang ganda." sunod sunod niyang compliment. 

 

 

"Thank you." 

 

 

"I think we should film that live performance ng Neverland, tingin mo?" 

 

 

"Sure, why not? wala naman kaming gig pa bukas so let's do it tomorrow." 

 

 

"Okay, I'll tell them na lang." tatayo na sana si Karina pero pinigilan ko siya. "Hm, may kailangan ikaw?" tanong niya sa akin. 

 

 

"Uhm..we'll go kasi sa Antipolo after dito. May plans ka ba?" tanong ko sa kanya—maybe gusto niya sumama mag-cafe chill with us. 

 

 

"Wala naman, bakit?" 

 

 

"Do you want to join us? It's just us and natty, well si Natty nag-aya actually." 

 

 

"Okay, g ako." 

 

 

 

 

 

 

 

Not long after ay umalis na rin kami sa tambayan, naka-angkas sa akin si Karina habang si Natty naman ay angkas si Yena. Si Yujin naman ay naka-angkas kay Ryujin, and solo flight si Hendery. Papunta kami sa Playlist Cafe sa Antipolo—nahilig magtatambay si Natty doon e dahil siguro sa overlooking view and hindi ko alam kung maiinis ako kasi pag ako nag-aaya dati ayaw sumama ng mga kaibigan ko tapos nung si Natty nag-aya oo kaagad e. 

 

 

Huminto muna kami habang naka-stop light. I asked Karina kung okay lang siya, at nag-nod naman siya sa akin. Nakahawak lang siya sa balikat ko kaya dahan dahan lang ang maneho ko, sabay kaming napatingin sa gilid namin it was Yena and Natty at natawa kami kasi kapit na kapit si Yena sa bewang ni Natty. Itinaas ni Natty ang helmet niya saglit. 

 

"Switch tayo, mamamatay ako ng maaga kay Yena e." biro niya. 

 

"ANG BILIS MO MAGDRIVE!" sagot naman ni Yena. 

 

"Baka ako mamamatay ng maaga pag nakipagpalit ako ng angkas sayo." sagot ko kay Natty bago nito suotin ulit ang helmet niya. 

 

 

 

And as if papayag ako makipagpalit ng angkas no. 

 

 

 

 

After an hour mahigit nakarating na kami sa Playlist Cafe—nag-park na kami ng mga motor namin pagkatapos ay hinubad ko na rin ang helmet ko, kinuha ko na rin kay Karina yung helmet niya para maitabi. "What?" tanong niya sa akin, natawa kasi ako sa kanya dahil ang gulo ng buhok niya. Inilapag ko ang helmet niya sa motor ko atsaka ko inayos ang buhok niya. 

 

 

"Ah, thank you.." I just smiled at her. 

 

"Let's go." 

 

 

 

 

 

Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa at umorder agad sila ng drinks at food namin tapos kami ni Karina ay naghanap ng mapepwestuhan, syempre doon tayo sa may overlooking view para maganda.  Karina and I sat across each other habang naghihitay sa kanila, si Natty and Yujin naman nagpi-picture like usual. Si Karina naman ay tahimik lang habang nakatingin sa view, tumunog ang phone niya kaya kaagad niya itong tiningnan pero based sa reaction niya I think hindi maganda yung nakita niya. 

 

 

"You good?" di ko na napigilang itanong, ramdam ko rin kasi na may nagbo-bother sa kanya imposibleng si Jungwoo kasi if yung kupal na yon ang dahilan for sure sasabihin niya kaagad. 

 

 

"It's just my mom." tipid siyang ngumiti sa akin. 

 

 

"Oh? kinakamusta ka?" 

 

 

"Sort of and she also wants to see me." Karina sighed deeply. 

 

 

"Is that a bad thing?" 

 

 

"Not sure, we might talk about the wedding thing you know." so that what bothers her. 

 

 

"Malay mo naman genuine na gusto ka lang kausapin." 

 

 

"I don't think so..wag na lang natin siya pag-usapan kasi I'm not even sure kung makikipagkita ako sa kanya." 

 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

"Oh, may lakad ka?" napatingin ako kay Winter ng magsalita siya, nandito pala siya sa bahay. Isinuot ko na ang rubber shoes ko, I jus wore something casual si Mommy lang naman imi-meet ko though for sure magmumukha akong alalay niya dahil sa magiging outfit non, I know her kaya. 

 

 

"I'll meet my mom lang." 

 

 

"Oh you finally decided to meet her." ibinaba ni Winter ang binabasa niyang libro. 

 

 

"Nangungulit e tsaka it won't hurt naman to talk to her since namimiss ko na rin siya." I checked myself sa mirror for the last time, napatingin ako sa relo ko hindi pa naman siguro ako mala-late as long as may ma-book akong grab kaagad. 

 

 

"I see, uhm gusto mo hatid na kita?" napalingon ako sa kanya—laking tipid din kung hindi na ako gagastos for grab ang mas mabilis kung motor nga naman ang gagamitin namin. 

 

 

"Hindi ba abala..?" 

 

 

"Hindi, mamaya pa naman practice tsaka sasabihin ko pala sa'yo na nasa 50K na yung views nung inupload natin na live performance ng Neverland." 

 

 

"OMG FOR REAL?!" that was a good news kasi parang nung isang araw pa lang yon na-upload e. 

 

 

"Yes, yes so tara na hatid na kita baka ma-late ka pa." 

 

 

 

 

 

 

 

 

Inihatid ako ni Winter sa Gallery sa Taguig doon kasi napili ni Mommy makipag-kita sa akin, she would love to have a lunch with me kasi nga miss na miss niya na ako di ko alam kung OA lang siya or what e parang ilang buwan pa lang naman nung umalis ako. I think 5 months pa lang? Iniabot ko na kay Winter ang helmet niya. 

 

 

"Thank you sa paghatid, Winter." I smiled at her. 

 

 

"Wala yun kung need mo pasundo, tawagan mo lang ako." 

 

 

"Hindi na, may gig pa rin kayo mamaya magpahinga ka na at may practice pa kayo mamaya." utos ko sa kanya. 

 

 

"Alright, take care and enjoy." hinintay ko muna na makaalis si Winter bago ako pumasok sa loob, I messaged my mom na nandito na ako mabuti na lang at hindi ko na kinailangan pang makipag-usap sa kahit na sino dahil nakita niya ako kaagad. 

 

 

 

 

Kaagad akong niyakap ni Mommy pagkakita niya sa akin, I hugged her back kasi I'm not gonna lie na miss na miss ko na rin siya. "I missed you so much, anak." bulong niya habang nakayakap sa akin. "I missed you too, mom." I smiled at her bago umupo sa chair accross her, napansin ko naman na tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa, oo hanggang paa kahit nakatago na paa ko sa ilalim ng mesa. 

 

 

"What are you wearing, nak?" tanong niya sa akin, hindi naman degrading ang tono niya sadyang naninibago lang siguro siya na makita akong ganito kasi trust me kahit nasa bahay lang ako dati naka gucci pa ako. 

 

 

"Casual clothes?" hindi ko sure na sagot. "Mom, we're not gonna talk about my look naman no?" tanong ko sa kanya kasi kung iba-bash niya lang ako aba uuwi na lang ako though I know my mom mas maayos siya kaysa kay daddy. 

 

 

"Of course not, kumusta ka na? hindi ka nagpaparamdam sa akin kahit man lang messages." ramdam ko ang pag-aalala sa tono ni Mommy—guilty naman ako doon kasi hindi ko naman talaga sila ni-contact or whatsoever.

 

 

"Ayos lang naman ako mommy, you don't have to worry about me." I assured her. 

 

 

"Are you working ba? Saan ka nagwo-work? baka naman pinapagod mo ng sobra ang sarili mo ha? ang bilis mo pa naman magkasakit, nagta-take ka ba ng vitamins  mo?" sunod sunod ang tanong sa akin ni mommy—walang preno, napangiti naman ako dahil kita ko naman na nag-aalala lang siya sa akin, typical mommy syempre. 

 

 

"Mommy, relax." I stopped her. "I am working and don't worry hindi nila ako pinapagod okay? look at me, I am fine naman." dumating na yung mga pagkain na na-order ni Mommy, she really knows what I like ayan gusto ko sa kanya e kilalang kilala niya ako bilang anak di tulad ni Daddy even birthday ko nga ata hindi alam non. 

 

 

 

 

We continued talking habang kumakain kami I told her about my job—syempre kwinento ko rin ang theLink sa kanya and nabanggit ko rin na nagbaby-sit ako before, natawa nga ako kasi nag-expect na raw siya ng managing job sa akin pero hindi sa ganitong line ng business ang akala niya raw kasi e nagtatrabaho na ako sa corporate world dahil nga kinuha ni Chaehyun yung mga papers ko sa NZ. Mommy looks so proud naman kasi never niya naman daw ako nakita na magta-take ng mga ganon klaseng job like ang sabi niya nga "sa arte" ko daw na ito impossibleng pumatol ako sa kung anong trabaho na lang. 

 

 

Lahat naman kasi yon ng bago when I came here sa Philippines e. Syempre nung una aamin ko, hindi ko alam paano mag-aadjust sanay akong nabubuhay na hindi nagwo-worry kung may kakainin pa ako bukas kasi alam kong may nagpoprovide sa akin pero dahil petty akong tao gusto ko patunayan sarili ko sa tatay ko e natuto ako, pinilit kong matuto so I think may magandang ambag pagiging petty kong tao.

 

 

"I'm so proud of you, sweetie." Mommy smiled proudly bago niya inumin ang wine na hawak niya. "Look at you, being so independent." walang halong eme ramdam kong genuine ang sinasabi ni Mommy sa akin, si Daddy lang naman talaga walang tiwala e. 

 

 

"Thank you, Mommy. Pero wala pa naman ako napapatunayan, it might take time but I will get there." and I swear I'll

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
winrinasaurus
#1
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#2
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
51 streak #3
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#4
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#5
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #6
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
691 streak #7
Congrats <3
oofiee 1044 streak #8
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1159 streak #9
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd
kyojun
#10
Chapter 30: Is this the calm before the storm 🤨