Chapter X

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

We arrived at TIP-QC Campus around 12:30 PM, sinalubong kami ng ilang Student Council Officers sa gate pa lang. Binigyan din nila kami ng pass para makalabas pasok kami sa loob. I told them na we're gonna park lang then we can proceed na sa soundcheck. Nag-park saglit si Hendery malapit sa court kung saan naka-set up na ang stage para sa event nila mamaya, seems like may iba pang nangyayaring event sa buong campus kaya kalat kalat ang mga estudyante. Pagkatapos namin maibaba lahat ng gamit namin mostly yung mga instruments namin maliban lang sa drums dahil naka-set up na ang drums nila sa stage ay dumiretso na rin kami sa room na inassign para sa amin, malapit lang din doon sa court. 

 

 

Habang naglalakad kami ay may iilan na nakakilala sa amin, nginitian ko naman sila pati na rin yung mga kasama ko kaso sila Yena na-excite masyado kumaway kaway pa talaga. Maya maya pa naman ang soundcheck namin kaya may oras pa para makapahinga saglit, inaantok kasi talaga ako dahil ilang oras lang tulog ko mula kagabi. 

 

 

"Bossing, dami stall sa labas. Bili lang kami pagkain, ikaw ba ano gusto mo?" tanong ni Hendery sa akin dahil hindi pa nga pala kami naglulunch. "Uy libre mo ko ah, sabi mo nung nakaraan lilibre mo ko!" pangungulit ni Yujin kay Hendery. 

 

 

"Oo na nga kasi, ililibre ko nga!" nagtawanan naman sila. 

 

 

"Tubig lang sa akin, hindi pa ako gutom." sagot ko. "Bumalik din kayo agad ah baka hanapin tayo." bilin ko sa kanila dahil kung saan saan pa naman hilig umikot ng mga yan. Paglabas nila ng classroom ay ipinikit ko ulit ang mata ko habang nakasandal sa may arm chair, kahit power nap lang siguro okay na. Hindi pa ako nakakatulog ay nakarinig ako ng katok sa pinto kaya naman napaupo ak ng maayos. 

 

 

"Hi, I'm sorry nakakaistorbo ba?" tanong niya sa akin, based sa suot niya mukhang isa siya sa mga student council officers. 

 

 

"No, not really. Kailangan na ba kami?" tanong ko sa kanya. 

 

 

"No, hindi pa naman. Gusto ko lang dalhin tong lunch niyo pala." may dala siyang isang paperbag agad naman akong tumayo para tulungan siya tsaka ko ito inilapag sa may table. "Thank you uhm.." 

 

 

"Yunjin, student council's vice president." pakilala niya naman sa akin, I accepted her hand atsaka ako nagpakilala rin. "Winter Kim, vocalist ng theLink." she smiled at me habang nakikipagshake hands. 

 

 

"I heard a lot about you." 

 

 

"I hope good things lang narinig mo." natawa naman siya sa sinabi ko. 

 

 

"Well, I'm really looking forward sa performance niyo so best of luck." napansin ko na hawak niya pa rin yung kamay ko kaya naman agad siyang bumitaw nung na-realize niya yon. "So..I'll go na, marami pa akong gagawin." 

 

 

"Okay." pag-alis niya ay agad kong minessage si Ryujin na bumalik na dito dahil mayroon naman pala silang hinanda na lunch for us.

 

 

 

After 5 minutes ay tsaka lang sila bumalik sa assigned room namin pagkatapos ay may bitbit pa silang isang box ng cupcake, they told me na nakita nila yung stall nila Giselle tapos ay binigyan daw sila ng libreng cupcake. Libre na daw kasi bigla daw dumami yung customer nila Giselle nung lumapit sila doon, some students even asked for pictures pa nga raw pero mukhang si Hendery ang pinaka napagod kakangiti. 

 

 

"Bossing, nakainom na raw gamot si Karina." napatigil ako sa pagnguya at napatingin kay Ryujin dahil sa sinabi niya. "What? sinabi niya lang sa akin na sabihin ko sayo look." ipinakita niya pa sa akin ang convo nila ni Karina sa messenger. 

 

 

"Taray may pa-update oh." ayan na naman sila sa pang-aasar nila. 

 

 

"Tigilan niyo nga ako." 

 

 

"Asus ang bossing namin in denial." binato ko ng tissue si Yena, siya kasi pinakamalakas mang-asar pagdating sa aming dalawa ni Karina. Hindi ko rin alam bakit ba nila ako inaasar kay Karina, they know naman na ayoko sa kanya. I mean, hindi ko siya kasundo or whatsoever. 

 

 

 

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako saglit sa kanila na mag-cr lang ako. Habang naglalakad papunta sa cr ay nag-check na rin ako ng phone, usual lang naman puro notifications sa IG account na hindi ko masyado ginagamit, messages sa messenger, text, DM sa IG. Hay, tinanggal ko na lang lahat ng notif na yon. Nag-open ako ng messenger atsaka ko binuksan ang convo namin ni Karina, well hindi siya convo kasi nag-message request lang si Karina pero hindi ko nirereplyan, di ko pa rin ina-aaccept ang friend request niya sa facebook account ko. 

 

 

From: Karina Yu 

 

Hi, grabe di pa rin ina-accept message request ko? 

Uminom na ako ng gamot kung gusto mo lang naman malaman. 

Hiniram ko muna sweater mo tinatamad ako pumunta sa kwarto ko. 

Naiiyak ako di ko kayo mapapanood..

HAAAAAYYY :(((

LOOK I'M SAD TALAGA! 

 

 

I chuckled lightly with her last message kasi she sent a photo of her na malungkot habang may nakalagay pang koolfever sa noo niya. 

 

 

HUY OMG INACCEPT MO NA?! NA-SEEN MO NA! 

WINTER WINTER 

KUMUSTA DYAN? 

 

 

Kahit sa chat ang ingay niya pa rin. 

 

 

HUY REPLY NAMAN DIYAN 

PARANG OTHERS NAMAN 

WINTER KIM 

                                                  Nasa CR ako baka gusto mo pa ng picture? 

PARANG TANGA NAMAN

                                                 Magpe-prepare na kami for soundcheck, wag ka magulo. 

SUNGIT HMP

SEND PICS! 

                                                 Hingi ka kay Ryujin. 

PURO SELFIE NIYA SINISEND NIYA! 

                                                  Magpahinga ka lang dyan baka tumaas pa lagnat mo. 

IHHH 

                                                  Get well soon, Karina. 

 

 

After ko i-send yon ay tinago ko na ulit ang phone ko. Infairness sa restroom dito sa TIP malinis parang pwede ka na matulog plus may bidet siyempre plus points talaga pag ganyan. Palabas na sana ako ng CR nang may makasalubong akong babae, she looks familiar e. 

 

 

"Wow, I never thought makikita kita right now." I don't know kung anong sinasabi niya kasi I don't even know her. 

 

 

"Uhm sorry?" bigla naman siyang nalungkot ng marealize niya na hindi ko siya matandaan. 

 

 

"I just dyed my hair black, can't you remember me?" isinara niya ang pinto ng cr at ini-lock niya pa ito pero hindi ako nagpatinag sa kanya, as if mase-seduce niya ako sa ginagawa niya dahil una sa lahat wala ako sa mood, pangalawa baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. 

 

 

"Sorry, I can't." bago niya pa ako mahawakan ay umiwas na agad ako atsaka ko binuksan ang pinto pero di pa ako nakakalabas ay hinila niya ako papalapit sa kanya atsaka ako hinalikan sa labi, I pushed her lightly kasi sino ba siya para halikan ako basta basta? 

 

 

"Still can't remember? tss. I'm that girl from Revel remember? we got caught pa nga diba ng ex ko?" oh, okay. siya pala yung blonde girl sa bar, di ko nga nakilala kasi black na yung buhok niya. dito ba siya nag-aaral? pero wala naman siyang ID. 

 

 

"Ah okay, I remember it na." I smiled at her, "I gotta go." agad akong lumabas ng cr, I don't want to talk to her anymore pero grabe small world huh? dito ko pa talaga siya makikita ulit? not that gusto ko talaga siya makita kasi to be honest, if papipiliin ako mas gusto ko di na makita ulit yung mga babaeng nakakasama ko kasi wala lang gusto ko lang.

 

 

 

I got a message from Ryujin na nasa may court na raw sila at nag-set set up kaya doon na ako dumiretso. 

 

 

 

Pagdating ko doon ay nagulat ako kasi may mga kumpol na ng students na nakapalibot outside ng court dahil hindi pa ata sila nagpapapasok sa loob. Pag-akyat ko sa stage ay nagulat ako kasi bigla na lang may tumili doon sa gilid. "OH MY GOD WINTER CRUSH KITA!" I just smiled at her pagkatapos ay tumulong na ako sa pag-aayos doon, we have 20 minutes for our soundcheck lang naman so I told them na gamitin namin yung time na yon para i-practice ulit lahat. 

 

 

Hindi na kami naglagay ng vocals, yung tugtog lang talaga prinactice namin muna. Mas na-surprise nga kami ng dumami lalo yung nanonood nung nag-start na kami tumugtog, I even heard a professor said na magsibalik daw lahat sa kabilang court kasi seems like may basketball finals na nagaganap doon. Nakakatuwa lang di ko naman expect na marami na rin pala nakakakilal sa amin outside 7Kingdoms.

 

 

"Wow grabe halos di paawat yung mga students kanina ah." sabi ni Yunjin sa akin, siya kasi yung na-assign na magsupervise sa soundcheck ng mga magpeperform para mamayang gabi. "Good decision talaga na kunin kayo." dagdag niya pa. "Well, we're honored to be here." I smiled at her habang inaayos ang gitara ko. 

 

 

"So you're a band vocalist pala." sabay kaming napalingon ni Yunjin ng bigla na lang umakyat sa stage yung babae kanina sa cr. "Pa-mysterious ka pa, e sikat ka pala." she chuckled. 

 

 

"Hello po, Miss Somi." bati ni Yunjin sa kanya pagkatapos ay umalis na ito. 

 

 

"Yeah, what's up?" 

 

 

"Hindi mo ba ako itatanong anong ginagawa ko rito?" hobby niya ba mag-pout? hindi kasi bagay sa kanya. 

 

 

"Required ba?" 

 

 

"ooh"  rinig kong reaction ng mga kaibigan ko na nasa likuran ko lang. 

 

 

"Miss Somi, pinapatawag po kayo!" thank God, mawawala na siya sa paningin ko. 

 

"I'll see you later, Winter." nag-wink pa siya bago siya bumaba ng stage, madapa ka sana sa taas ng heels na suot mo. Pag alis niya ay bigla naman ako pinalibutan ng mga kaibigan ko. 

 

 

"Sino yon?" 

"Ikaw ah kahit saan talaga may chix ka e." 

"Ganda non ah? pero parang di mo na trip?" 

"Mine na lang kung ayaw mo." 

 

 

Sinamaan ko sila ng tingin bago ako bumaba ng stage at bumalik sa assigned room namin, I still have few hours to rest so siguro matutulog na lang muna ako though sila naman ay nagpaalam na maglilibot libot lang daw sila. Nagbilin ako na wag silang gagawa ng gulo minsan kasi lapitin ng gulo yang mga yan parang mga bata na kailangan bantayan 24/7 talaga. 

 

 

 

✦✦✦

 

 

5:30 pm na nang dumating si Chaehyun sa bahay kaya naman hindi pa siya nakakaupo sa couch ay inaya ko na agad siyang lumabas. Baka kasi hindi kami umabot sa performance nila Winter, iiyak talaga ako. 

 

 

"Girl sandali naman baka pwede makiinom muna ng tubig?" reklamo ni Chaehyun ng hilahin ko siya palabas ng bahay. 

 

 

"Mamaya ka na uminom baka di tayo umabot." ini-lock ko na ang bahay at gate tapos ay nauna na ako sumakay sa kotse ni Chaehyun, nakasimangot naman siya habang nagkakabit ng seatbelt niya.

 

 

"Nakakaloka ka! hindi ka pa nga magaling e. Bakit ba gusto mong manood?" 

 

 

"First big gig nila to okay?" paliwanag ko naman, nag-start na siya magmaneho ako naman ay binubuksan yung koolfever na dinala ko at inilagay ito sa noo ko. Nilalagnat pa rin kasi ako pinilit ko lang talaga bumangon kasi ayoko talaga ma-miss ang performance nila, hindi na nga ako naligo e. Nagpalit lang ako ng damit at suot ko pa rin pala yung sweater ni Winter, di naman siguro siya magagalit alam niya naman na hiniram ko ito sa kanya kanina pa.

 

 

"Grabe si ate ko, career na career pagiging manager." asar ni Chaehyun sa akin. 

 

 

"Pag sumikat tong mga to, sobrang magiging proud ako sa sarili ko talaga." tinakpan ko ang bibig ko ng bigla na naman akong maubo, ewan ko rin e bigla na lang ako inubo kaninang tanghali e lagnat lang naman meron ako kagabi. Tingin ako ng tingin sa relo ko kasi 7 pm sila magpe-perform and 6 pm na tapos traffic pa, nakakainis naman ditos sa Pilipinas! kasalanan to ng gobyerno e. 

 

 

Naramdaman ko ang biglang pagsakit ng ulo ko kaya inilabas ko yung katinko na nasa bag ko atsaka ako nagpahid, hindi siya ganon ka-effective pero may ambag naman kahit papaano. "Okay ka lang ba? sure ba kaya mo? iuwi na kaya kita?" sunod sunod na tanong ni Chaehyun sa akin. 

 

 

"No, kaya ko tsaka eto na e bumyahe na tayo." I lied, sobrang sakit talaga ng ulo ko. Gusto ko na sana uminom ng gamot kaso wala naman kaming dalang tubig alangan naman lunukin ko ng walang tubig ano ako si darna? 

 

 

"Oh my god, ang lala ng traffic sa Pilipinas." pagrereklamo ni Chaehyun, kakainis di pa nga kami nalagpas sa katipunan. 

 

 

Nag-check ako ng phone and nag-send ng few pictures si Hendery sa GC ng theLink, grabe ang daming tao. Nag-send din siya ng group picture nila, lawak ng ngiti ni Winter ah akala mo di palaging may period chos pero bakit ba siya yung tinitingnan ko? hmp erase. I sent a message sa gc kung ano ng ganap but seems like busy sila at walang nagsi-seen.

 

 

Binuksan ko naman ang convo namin ni Winter atsaka ako nagmessage sa kanya. 

 

Friendship ko (Winter Dimagiba) 

                                                           Hi, kumusta na? magpeperform na ba kayo? 

Hindi pa. 

 

 

Ay wow nagreply? hindi niya siguro napansin yung nickname niya sa messenger ko! 

 

 

                                                          Ay okay, good luck! 

Ge. 

Yung gamot mo, baka makalimutan mo. 

                                                         Hehe. 

Hehe amputa, uminom ka ng gamot. 

                                                         Bakit ka g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
winrinasaurus
#1
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#2
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
51 streak #3
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#4
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#5
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #6
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
692 streak #7
Congrats <3
oofiee 1044 streak #8
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1159 streak #9
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd
kyojun
#10
Chapter 30: Is this the calm before the storm 🤨