Chapter XIII

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

Napatingin ulit ako sa relo ko dahil halos 30 minutes na ako naghihintay kay Minju dito sa Tyler's Cafe malapit sa Ateneo. I decided kasi na ako na lang yung pumunta sa kanya since palaging siya ang pumupunta sa akin. Nag-message naman siya sa akin na mala-late siya dahil may kailangan siyang ipasa na project niya. She was really busy recently hindi naman ako nagrereklamo kasi better nga yon e para nasa iba yung attention niya. 

 

 

Naubos ko na yung Iced Americano na iniinom ko pero wala pa rin siya. Should I message her na next time na lang kami mag-usap? I was about to message her nang makita ko ang pagpasok niya sa loob ng cafe, habol pa ang hininga niya. Did she run on her way here? 

 

 

"Hi..I'm.." Minju took a deep breath. "I'm sorry..I had some.." 

 

 

"Umupo ka muna." alok ko sa kanya kasi di pa siya makapagsalita ng maayos, iniabot ko rin yung tissue sa kanya dahil pawis na pawis siya. 

 

 

"I had some errands all of a sudden, I'm really sorry.." pinunasan niya naman ang pawis niya. 

 

 

"It's fine, don't apologize." I smiled at her para i-assure siya dahil pansin ko e si Minju yung tipo na dapat palaging ina-aassure sa mga bagay bagay dahil palagi siya nag-ooverthink like when she thought hindi kami okay nung nakaraan. "Are you hungry? or baka uhaw ka? my treat." alok ko sa kanya. Nag-order lang siya ng hot chocolate at french toast brulee, stop daw kasi muna siya sa coffee dahil puro kape siya these past few days. 

 

 

 

Habang kumakain siya kinakamusta niya ako pero parang alam niya naman lahat dahil kausap niya si Yujin, I didn't know sobrang close na nila. Si Yujin ata nag-uupdate sa kanya every time na hindi ako nakakapag-reply. I rarely use my phone rin talaga depende na lang kung sobrang importante or di naman kaya ay emergency. 

 

 

"How about you? Kumusta school?" I asked her habang nakikikain sa french toast niya kasi di niya na raw maubos. 

 

"Ito..para na akong mamamatay." Minju chuckled. "Nakakapagod, katatapos lang ng exam kaya projects naman iniintindi ko." paliwanag niya. 

 

"Make sure to take breaks in between baka ma-burn out ka." 

 

"I'm not stressing myself too much naman like sakto lang." sagot niya. "Anyway, bakit pala bigla ka napadalaw? I mean..this is the first time you went out to see me e." di maitago ni Minju ang ngiti niya habang sinasabi yon. 

 

"Yeah, I want to talk to you." sa totoo lang nagdadalawang isip pa ako kasi baka di ito yung tamang timing kasi sobrang busy niya na sa acads for sure pagod na rin to and ayoko na sana dumagdag. 

 

"About saan?" 

 

"Us--I mean..if makakadagdag lang sa stress mo maybe we can talk some other time." 

 

"No, I'm good. We can talk about it. You're here na e, I don't want to waste your effort, Winter." she smiled at me. 

 

"Okay uhm..I know you were clear when you told me na gusto mo ako and..I really appreciate that Minju." 

 

"Oh my, ire-reject mo na ba ako? I'm not even making ligaw pa sayo." natawa ako sa sinabi niya, seriously ako pa talaga liligawan niya? 

 

"No..I mean..uh kinda? look here's the thing." I looked at her. "I was serious when I told you na I don't really see myself being in a relationship with someone." tahimik lang nakikinig si Minju habang humihigop  sa hot chocolate niya. 

 

"I know and I told you naman na I'll wait diba?" 

 

"Hindi kasi ganon yon, I just don't want na paasahin ka okay? right now, yung banda talaga ang focus ko and I don't think kaya pa kita i-entertain." di na ako magpapaligoy ligoy pa. 

 

"But..how about what happened to us these past few days? I mean..you were acting differently? I thought we're on the same page." ramdam ko ang pagka-disappoint sa boses niya. 

 

"Minju, I'll be honest. I was just distracting myself and..I kinda used you." napayuko ako, grabe apologizing suddenly became so hard. "I want to apologize, Minju. I'm sorry if I took advantage of you. I just want to come clean." hindi nakapagsalita si Minju sa sinabi ko. "Minju, you're really pretty, you're smart I mean for sure ang daming nakapila sa'yo, ayoko lang magbigay pa ng false hope sa'yo. You deserve someone better and for sure I'm not that someone." sa totoo lang hindi madaling sabihin to kay Minju kasi iba rin siya sa mga naka-fling ko, hindi siya mapilit or whatsoever. Siguro nung una naiirita ako but habang tumatagal marunong na siyang umintindi. 

 

 

 

And kung magpapakatotoo lang ako? Kung hindi ko gusto si Karina, I'm gonna pursue Minju. Pero ayoko namang i-take advantage yung feelings niya for me para lang maka-move on ako, di niya deserve. I did her so bad and ayoko na dagdagan kasalanan ko sa kanya. 

 

 

"Hmm, was there someone else? I mean.." napatingin sa akin si Minju. "I'm not gonna be mad! I was just uh curious..kasi you won't have to distract yourself if wala kang ibang naiisip." Minju bit her lip atsaka siya umiwas ng tingin sa akin. "Pero it's okay lang if you don't want to answer I'm not gonna force you." 

 

 

"Ayoko lang paasahin ka talaga. Alam ko na sinabi mo na okay ka sa kung anong set up meron tayo pero ako hindi ako okay sa ganon and I don't think mag-eentertain pa ako ng kahit sino dahil nag-decide na talaga ako na for now sa banda ang focus ko at sa pangarap ko." 

 

 

"Naiintindihan ko naman, Winter." Minju forced a smile, oh I'm definitely hurting her right now. "Sayang I became close pa naman with your band members lalo na kay Yujin so I guess..hindi ko na rin sila pwede maging friends." 

 

 

"Huh? I didn't say naman na you can't be friends with them, ang point ko lang dito ay i-clear yung bagay between us." 

 

 

"So we can still be friends?" 

 

 

"Why not? as long as we act as friends talaga." natawa naman siya sa sinabi ko. 

 

 

"Well, no more kissing." 

 

 

"And make out of course." dagdag ko pa. 

 

 

"Okay, pero di ko naman maalis agad pagkaka-crush ko sa'yo kaya wag mo akong pipilitin pero ita-try ko i-limit sarili ko when it comes to you, baka isipin mo masyado akong downbad." natawa ako sa sinabi niya, I think naiintindihan niya naman ako. 

 

 

"Thank you, Minju." 

 

 

"No, thank you for telling it to me. Kasi honestly, umaasa talaga ako sa'yo pero at least now pwede ko na bawasan pag-assume ko." napailing ako dahil sa sinabi niya, I hope she's being genuine right now ayaw ko na rin kasi patagalin kasi baka mas lalo ko lang siya masaktan. This is better rather than bigla ko na lang siyang hindi kausapin or whatsoever. 

 

 

 

 

"Minju?" hindi naman ako yung tinawag pero napatingin din ako doon sa babaeng lumapit kay Minju. 

 

"Chaewon." di ko alam kung sino siya pero para bang gulat na gulat si Minju na makita yung babae na yon. "Long time no see." Minju forced a smile. 

 

"It's good to see you." tropa ba sila? pero di naman kami ganyan magtinginan nila Ryujin e. Napatingin naman sa akin yung babae. 

 

"You must be her..?" 

 

"Oh I'm her---" 

 

"Girflriend, she's my girlfriend." nagulat ako sa sinabi ni Minju--akala ko ba nakapag-usap na kaming dalawa bakit naman bigla akong ipapakilalang girlfriend, I looked at her and she was like telling me with her eyes na makisakay na lang ako sa sinasabi niya. 

 

"Uhm yeah, I'm Winter. Her girlfriend." 

 

"I see." Chaewon forced a smile pagkatapos ay tumingin na ulit siya kay Minju. "I'm so happy to see you again, Minju. I'll see you around." after that ay umalis na siya. 

 

"What was that? I mean we just talked---" 

 

"Ssh, I'm sorry pero isipin mo na lang quits na tayo!" 

 

"Sino ba yon?" 

 

"Ex-girlfriend ko." 

 

"Type mo ba talaga mga short haired like us?" pang-aasar ko sa kanya. 

 

"Manahimik ka nga." bigla naman nag-iba ang timpla niya. 

 

"Chill, sorry na. Bakit ba kayo nag-break non?" 

 

"Engaged na siya." 

 

"Nag-break kayo kasi engaged na siya? kanino?" 

 

"Someone na di niya pa nakikita." 

 

"That's really weird." 

 

"I know she broke up with me kasi di niya kaya lumaban sa parents niya." 

 

"Pero mahal mo pa?" di nakasagot kaagad si Minju dahil sa sinabi ko, so mahal pa nga niya. 

 

"Aba ako bigla na-hotseat dito ah." Minju rolled her eyes. 

 

"Nagkwento ka e malamang magtatanong ako." 

 

"Hay, Winter do me a favor please? hindi ka naman always nandito but can you act like you're really my girlfriend in front of her? I just don't want to be a loser." 

 

"Lah baka ma-in love ka talaga sa akin niyan?" 

 

"Alam mo minus crush points yang kayabangan mo." 

 

"Joke lang naman! pero sige pagbibigyan kita pero bawal mo ko i-kiss ha? tsaka pag sa harap niya lang mo ako jowa." 

 

"Okay deal!" 

 

 

 

Nag-usap pa kami ni Minju about random stuff, about her school, about her ex-girlfriend. Gulat nga ako kasi three years pala sila non tapos nakipagbreak just because di niya kaya lumaban sa parents niya. Dapat nagpa-seminar siya sa akin e, how to be a rebelde by Winter Kim. Hindi ko rin kasi gets bakit niyo naman ipapakasal yung tao sa di naman nila kakilala, ang corny kaya. Tsaka ito namang Chaewon ganon ba siya kaduwag para di ilaban si Minju? di biro yung 3 years na yon ah pero ano ba naman karapatan ko sabihin yon e ako nga magmo-move on na. Pagkatapos namin mag-usap ay hinatid ko siya pabalik sa ADMU dahil may class pa raw siya ng hapon. 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

"Bye Ellie!" niyakap ulit ako ni Ellie bago siya bumalik sa loob—ang cute nga e ayaw niya pa ako pauwiin kasi nanonood pa kami ng Sing kanina. Kahit ilang beses na namin napanood yon hindi pa rin talaga siya nagsasawa. Habang naglalakad ako palabas ng subdivision ay may narinig akong bumusina sa likuran ko, pagtingin ko ay kotse pala ni Jungwoo. 

 

 

"Karina!" tawag niya sa akin—I smiled at him, maybe bibisitahin niya si Ellie. 

 

 

"Hi." I greeted him. 

 

 

"Pauwi ka na? hatid na kita." 

 

 

"Hindi ka ba pupunta kay na Ate Yuqi?" tanong ko sa kanya. 

 

 

"I came here for you, I missed you e." napailing ako—grabe talaga pagka-clingy ng lalaking to pero hindi naman siya nakaka-irita, sumakay na ako sa kotse niya at nag-start na siya magmaneho. Magpapahatid na ako diretso sa tambayan dahil magmi-meeting kami ng theLink about their upcoming gigs. Babawi rin ako sa kanila sa mga araw na wala ako just because di kami goods ni Winter, alam kong ang unprofessional though I still tried my best naman to be there. 

 

 

"Hindi ba ikaw busy?" I asked him randomly kasi nakakabingi ang katahimikan or sadyang madaldal lang ako? ewan ko na ba. 

 

 

"I am busy." 

 

 

"Oh e bakit ka pa nagpunta rito?" 

 

 

"I told you I just want to see you." Jungwoo chuckled. "I hope you're okay with that." paanong di magiging okay e nag-effort pa siya to see me, kakilig. 

 

 

"May gagawin ka pa after mo ko ihatid?" 

 

 

"Punta ako sa office to do some paperwork." sagot niya naman habang nagda-drive pa rin. 

 

 

Infairness din naman kasi sa panliligaw ni Jungwoo talagang effort kung effort halos araw araw nga ako may flowers kung hindi siya magdadala, magpapadeliver naman siya mismo sa bahay. Pwede na nga siguro ako magtayo ng garden sa dami ng bulaklak e tapos talagang araw araw niya ako tinatanong kung kumusta ako, kung kumain na ako na alam kong bare minimum pero keri na di lahat kaya ng lalaki ganon duh. 

 

 

Napatingin ako sa phone ko ng may mag-notif.

 

 

Shin Ryujin. 

 

Manager, pag dumating ka sa tambyan at wala pa kami hintayin mo lang kami HAHAHAHA 

                                                                                   Nasaan kayo? 

Somewhere down the road basta babalik din kami! 

                                                                                   Wag niyo ko paghintayin ng matagal kakaltukan ko kayo!

 

 

 

Ano na naman kayang trip ng mga to? Naalala ko nung nakaraan nabadtrip kasi ako sa kanila edi hindi ko sila pinapansin habang nagre-rehearse sila after mag-rehearse pinagtripan pa ako ulit, lumabas silang lahat tapos isa isa nilang sinubukan lumapit sa akin. I don't know ano trip nila sa buhay turns out nagpupustahan sila sino pinaka makakalapit sa akin kung hindi pa sila sinaway ni Winter hindi talaga sila titigil. Speaking of Winter, naalala ko na naman yung pa-onesie niya nung nakaraan, actually binibigay niya sa akin yon kasi yun lang daw talaga purpose niya kaya niya binili yon pero sabi ko wag in-case may katarantaduhan na naman siyang gawin much better itabi niya na muna though sobrang nate-tempt akong kunin kasi ang cute nga! I sent her photo pa nga sa gc ng theLink and ayon ginawa nilang group photo. 

 

 

 

Hindi ko na ni-bring up sa kanila yung ginawa ni Winter kasi tapos naman na and nag-sorry naman na siya at okay naman na kami. I just told them natalo sa pustahan si Winter kaya siya naka-onesie. After that night na nag-sorry siya sa akin di ko alam pero nabawasan literal yung pagsusungit niya sa akin—I mean di na tulad ng dati na papatulan niya rin mga pang-aasar ko sa kanya, di ko alam siguro dumidistansya or nahihiya pa rin sa akin. We're okay naman around each other pero sometimes di ko maiwasan isipin na umiiwas siya wala feel ko lang though di ko alam anong reason para iwasan niya ako e okay na nga kami! 

 

 

 

 

Pero sa totoo lang I really miss annoying the out of her. 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
winrinasaurus
#1
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#2
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
51 streak #3
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#4
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#5
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #6
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
691 streak #7
Congrats <3
oofiee 1044 streak #8
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1159 streak #9
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd
kyojun
#10
Chapter 30: Is this the calm before the storm 🤨