Chapter XIV

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Guys, bibili ako ng snacks. May gusto ba kayo?" tanong ko sa kanila dahil naka-break kami saglit mula sa pagre-record, nandito kami sa Point Bee Multimedia Studio para mag-record ng kanta hindi madali makapag-schedule rito pero dahil sa tulong ni Minju ay nagkaroon kami ng slot. Marami ng sikat na banda at mga artista ang nag-record dito tulad na lang ng SB19, I Belong to the Zoo, Siakol, Lola Amour, Autotelic pati na rin si Christian Bautista. 

 

 

Patapos na kasi kami mag-record sa instruments—ako ang unang natapos and now si Hendery ang nakasalang sa loob, we're lucky nga e na may professional kaming kasama para i-check yung sounds and ginu-guide niya pa kami perks ata na kakilala ni Minju ang may-ari. After siguro nito diretso na kami sa vocals tapos sila na raw bahala sa mixing and editing, few days lang e maririnig na namin ang final product. 

 

 

"Gatorade lang me bossing." 

"Gummy worms!" 

"Blue Lychee!" 

"Si Yeji ang gusto kong snacks." 

 

 

Ang lala talaga ni Ryujin kahit kailan. Dinampot ko na ang wallet ko para lumabas pero bigla rin tumayo si Karina. "Sama ako." hindi na ako nakakontra dahil nauna pa siya lumabas sa akin—I honestly don't know how to act in front of her, ang daming beses ko naman sinubukan magpaka "usual" self ko lang tulad ng mga pangpipikon ko sa kanya pero most of the time ang ending ko e nanahimik na lang ako not because ayoko makipag-bonding sa kanya or what pero siguro nahihiya ako around her, I know ang biglaan but maybe because I like her.

 

 

"I'll post this pic ha?" napatigil ako sa paglalakad kasi bigla na lang sinubsob ni Karina ang phone niya sa mukha ko—picture namin kaninang lahat sa loob ng studio. "Tapos lalagay ko hashtag preparing something!" excited niyang sabi, sa totoo lang mas excited pa nga siya sa recording day na ito e dahil ang aga niya nagising kanina sa bahay pa lang at ang ganda ng mood niya. 

 

 

"Grabe lang talaga—nae-excite ako for theLink!" 

 

 

"Bakit naman?" patay malisya kong tanong kahit na alam ko naman kung ano ang dahilan kasi palagi niyang sinasabi sa akin sadyang gusto ko lang marinig ulit mula sa kanya. 

 

 

"Eh kasi ito na yung start talaga! a lot of people can hear your music na and for sure sooner or later, hindi lang small gigs makukuha niyo." Karina spoke so confidently and I really hope magkatotoo lang ng sinasabi niya—that would be really great if a lot of people will appreciate our music atsaka pangarap namin yon e. 

 

 

Habang naglalakad kami ay nakakita si Karina ng nagtitinda ng kikiam at fishball yung naka-cart kaya agad siyang lumapit papunta rito. "It's been a while since I had these." kaagad siyang nanghingi ng baso kay manong at saka siya kumuha ng fishball. "Magkano po manong?" tanong ni Karina. 

 

 

"7 piraso, 5 pesos sa fishball tapos sa kikiam naman 3 piraso, 5 pesos." 

 

 

"Grabe ang mahal na pala? before it was like 2 pcs pero piso diba?" hindi naman nagrereklamo si Karina sadyang nagulat lang siya. 

 

 

"Mahal na mga bilihan hija." natawa naman si manong sa pagrereminisce ng kasama ko pero totoo nga grabe yung pagtaas ng bilihin talaga kasalanan ito lahat ng gobyerno e. 

 

 

"Ikaw gusto mo? libre ko." natawa ako kasi nag-wink pa talaga siya sa akin—itawa na lang natin ang kakaibang kalabog sa dibdib ko. Kumuha rin ako ng plastic cup at naglagay ng 5 pesos worth na kikiam at 5 pesos worth na fishball tapos ay nilagay ko na yung special manong sauce and nilagyan ko rin ng suka, I don't know I really like it this way e. 

 

 

 

Habang kumakain kami ni Karina ay may tatlong bata ang lumapit sa amin. "Ate pahingi po barya, pang-kain lang." una silang lumapit kay Karina tapos ay tiningnan din nila ako, inilapag ko yung cup na hawak ko sa cart ni Manong para dukutin ang wallet ko sa bulsa pero pinigilan ako ni Karina. "Libre ko na lang kayo, kuha na lang kayo dyan kahit ilan gusto niyo." nang makita kong kumukuha na sila ng cup ay itinago ko na ulit ang wallet ko. 

 

 

"Sige lang kuha lang kayo dyan, sagot ko kayo." I smiled, Karina looked so cute habang inaasikaso yung mga bata. Iba talaga kapag may sweldo na, kahapon kasi nagbigay din ata siya ng pera kay Giselle it's not much but kahit papaano raw sana e makabawas sa bills ayaw pa nga tanggapin ng pinsan ko but sobrang mapilit ni Karina bukod pa doon e nag-grocery pa siya sa bahay. 

 

 

 

For a spoiled brat kakaiba rin yung galing niya sa pakikisama sa mga tao. 

 

 

 

or maybe I judged her too soon noong una ko siyang nakilala.

 

 

 

"Manong ito po bayad oh." pagkatapos magbayad ni Karina ay nagpaaalam na siya doon sa mga bata na binilhan niya pa ng juice doon sa tindahan kasi walang palamig na tinda si Manong. "Salamat po ate!" ngiting ngiti naman si Karina habang naglalakad palayo sa kanila. 

 

 

"Grabe the best talaga ang manong sauce." sinabayan niya na ako ng lakad, pupunta kasi kami sa 7/11 para bumili ng snacks e puro inumin lang naman gusto nila edi yun lang bibilhin ko for them siguro mga busog pa since kaka-lunch lang namin kani-kanina. Pagdating namin sa 7/11 ay agad akong pumunta sa beverages tapos ay dumampot ako ng dalawang pack ng gummy worms. 

 

 

"Ikaw? anong gusto mo?" tanong ko kay Karina habang naglalakad papunta sa counter. 

 

 

"Uhm..siopao?" 

 

 

"Kuha ka na doon." 

 

 

"Pero yung tinapay lang gusto ko." 

 

 

"Huh?" 

 

 

"I mean..ayaw ko nung laman like tinapay lang ng siopao gusto ko." I saw her pouting—tanginang yan, Karina Yu. 

 

 

"Just get one, wag mo na lang kainin yung laman." 

 

 

"Edi sayang naman? Wag na nga lang." kita ko naman na gustong gusto niya talaga kasi para siyang batang nagmumukmok na hindi napagbigyan. 

 

 

"Kumuha ka na ako na kakain nung laman." ang bilis mag-shift ng mood niya dahil ang lawak na ng ngiti niya ngayon, napailing ako at hinintay ko na lang siya sa may counter. "Meron pa ma'am?" tanong sa akin ng cashier. "Ah yes po." nilingon ko si Karina sakto naman na pabalik na siya sa akin, I mean sa akin sa counter. 

 

 

"Bola bola kinuha ko kasi mas madaling mahiwalay sa tinapay yung laman." napapalakpak pa siya pagkatapos niya sabihin yon—parang bata.  

 

 

Pansin ko naman ang titig nung lalaki na nasa likod ng counter kay Karina kaya hinarangan ko ang view niya. "Yan lang lahat boss." ibinigay ko ang isang libong buo sa kanya para naman mawala ang tingin niya kay Karina at mag-focus na lang siya sa pagbibilang ng sukli ko. Naglakad na kami ulit pabalik sa studio pagkatapos naming bumili pero si Karina ay kinakain na agad yung siopao niya masarap daw kasi ang tinapay kapag mainit pa. 

 

 

Hay. 

 

 

Bola bola yung binili niya—ayaw na ayaw ko pa naman ng bola bola, mas prefer ko yung asado e. Pero kasi nakapagsabi na ako na kakainin ko baka magmukmok pa to pag nasayang talaga yung laman. Pagdating namin sa studio ay sakto naka-break pala ulit kami iniabot ko na sa kanila yung mga inumin nila tapos ay yung gummy worms kay Hendery. 

 

 

"Thanks bossing." 

"Welcome." 

 

 

 

Lumabas muna kami ni Karina dahil di pa naman tapos sila Hendery sa loob—umupo siya sa tabi ko habang kinakain yung tinapay ng siopao niya, it's really weird pero si Karina naman yan. Dahil buo ang laman ng bola bola ay agad niya itong nahiwalay at iniabot sa akin. Hindi ko mapigilan mapatingin sa kanya kasi ang cute niya habang kinakain yung tinapay ng siopao, para siyang baby. She is really someone na gusto mong alagaan habang buhay. 

 

 

 

 

 

Did I just say that? 

 

 

 

This is crazy, baka hindi lang to simpleng pagkagusto kay Karina. 

 

 

 

Sa totoo lang nahihirapan ako mag-act around her kasi hindi naman ako ganito talaga. I used to be straightforward sa lahat ng bagay, if I like someone I'll tell them right away pero iba kasi yung sitwasyon ngayon. Ayoko naman mabastos ko na naman si Karina and isa pa mukha namang gustong gusto niya si Jungwoo so bakit pa ako manggugulo diba? Ayoko na rin maging awkward lahat between us so I am really trying my best to be normal around her kahit na mahirap, pakiramdam ko kasi tinotorture ko sarili ko. How can I move on from her kung palagi ko siyang nakakasama? 

 

 

"Diba?" napaatras ako ng bigla siyang tumingin sa akin, may sinasabi ba siya? "Nakikinig ka ba sa akin?" tanong niya pa ulit. 

 

"Uhm..ano yun?" 

 

"Lumilipad na naman utak mo no?" natawa si Karina pagkatapos ay napatingin siya sa bola bola na hawak ko. "Ayaw mo ba?" 

 

"Ang?" 

 

"Yan." sabay turo niya sa hawak ko, nawala sa isip ko yung pala ito. 

 

"Gusto syempre." napalunok ako bago isubo ng buo yung laman ng bola bola, hindi naman pala ganon kasama lasa niya pero mas masarap talaga asado kahit magsuntukan pa tayo. 

 

 

 

Pagkatapos namin kumain sa labas ay sakto naman tinawag na nila ako para mag-record ng vocals, dalawa kami ni Ryujin actually. Everything went smooth talaga ngayong araw and we're really happy to experience recording in a studio, in fact matagal na nag-aaya si Hendery kahit sagutin niya pa raw lahat pero tumatanggi ako kasi gusto ko if we're going to do something for theLink dapat e yung talagang nag-effort kami. Hindi rin kasi biro ang bayad sa pagre-record sa isang studio though nakakuha kami ng discount kasi nga kaibigan ni Minju ang may-ari. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

We were able to record two songs but napagdesisyunan namin na Neverland ang una namin iri-release kapag ka okay na yung final product. Lahat nga ready na e kasi na-ready na ni Karina, our spotify accout and even youtube. Nagsi-uwi na ang mga kaibigan ko pero si Karina ay nag-aya pang magpunta sa Ayala Malls Feliz dahil ayaw niya pa raw umuwi. 

 

 

Pagod na ako dahil buong araw kami nasa studio but si Karina naman to e kaya kahit semi labag sa loob ko ang mag gala e sinamahan ko na siya, di rin naman ako papayag mag-isa siya dahil sa dami ng gago sa mundo? hay nako. Hindi ko alam anong gagawin niya, she didn't say about buying anything maybe gusto niya lang talaga maglibot libot at kumain dahil kakakain niya lang ng cotton candy kanina e kumakain naman siya ng belgian waffle ngayon. 

 

 

"Gusto mo?" alok niya sa akin, tumanggi naman ako ng maayos dahil busog pa ako. 

 

 

"Edi wag." pagkatapos ay nauna siya maglakad sa akin—akala mo talaga alam niya pasikot sikot dito pero ang cute niya haha ewan ko na gusto ko sampalin sarili ko, bakit ko tinotorture ang sarili ko? 

 

 

"Winter! Timezone!" ang lawak ng ngiti ni Karina nung makita niya ang timezone. "Ang tagal ko na kaya di nakakapag-arcade!" napatingin ako sa loob ng timezone, ang daming tao e. 

 

 

"Nagma-mall naman kayo ng manliligaw mo bakit di kayo nagpupunta sa mga ganito?" tanong ko sa kanya. 

 

 

"Di niya trip e." sagot ni Karina bago itago yung natirang belgian waffle sa bag niya. "Laro tayo?" pumayag na lang ako sa gusto niya kasi baka umiyak pa kapag di siya napagbigyan. "Ay wait need pala ng timezone card." 

 

 

"Ako na bibili." dumiretso ako doon sa harap para bumili ng timezone card, nag-load na rin ako ng 500 pero hayaan na para naman kay Karina. 

 

 

 

 

Una niya ako niyaya maglaro ng Air Hockey, hindi ko nga kinaya pagiging competitive niya akala mo e nakataya ang buhay niya kapag hindi siya nanalo sa akin. Pero di ako nagpaka-easy sa kanya kasi never siya nanalo sa akin all throughout the game kaya ayun simangot na naman siya. Pagkatapos namin sa Air Hockey ay nag-ayaw naman siya maglaro ng basketball, di raw siya marunong pero gusto niya lang i-try. I let her go first kaya tumayo ako sa may likuran niya. 

 

 

"Don't judge me hindi ako marunong!" umpisa niya, hindi ko nga alam bakit siya sumisigaw kada try niya mag-shoot. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Inilabas ko ang phone ko at vinideohan siya, I want to show her gaano siya kaingay habang naglalaro ng basketball. "Oh my God, ayaw ma-shoot! may problema ata yung mga bola!" tawang tawa naman ako sa kanya kasi talagang sinisi niya pa yung bola. Habang naglalaro si Karina ay muntik pa siya matamaan nung bola na galing sa kabila mabuti na lang at naiharang ko kaagad ang kamay ko kaya hindi siya tinamaan, di naman na ako nagalit kasi nag-sorry naman yung mga bata na naglalaro sa kabila. 

 

 

 

Iba rin taas ng energy ni Karina ngayong araw—after sa basketball e talagang naglaro pa siya ng iba't ibang games sa timezone, siya na nga ang may hawak ng card ko e at ako naman nakasunod lang sa kanya. Nag-try din kami nung 9D VR Stimulator, grabe nga ang sigaw ni Karina e iniisip ko tuloy kung may boses pa to mamaya pag-uwi namin. Grabe daw ang bilis ng tibok ng puso niya pagkatapos nung VR kasi para siyang rollercoaster something talagang ramdam na ramdam mo e, ako rin naman ang bilis ng tibok ng puso after pero di dahil sa VR. Hawak kasi ni Karina kamay ko buong time na nasa VR kami, hindi ako natakot sa roller coaster na yon or what dahil nakapikit lang ako the whole time, iniisip ko kung tatanggalin ko ba pagkakahawak niya sa kamay ko or what.

 

 

 

"OMG Bowling!" excited na napatakbo si Karina papunta sa bowling alley. "Marunong ka ba?" tanong niya sa akin—hindi naman sa pagmamayabang pero magaling ako sa bowling. "Sakto lang." sagot ko sa kanya, humble lang tayo mga guys. 

 

 

"Let's compete!" her competitive kicking in na naman. 

 

 

"Okay, palag." 

 

 

I swiped the card and nag-umpisa na kami maglarong dalawa, pinauna ko na si Karina I want to see kung gaano siya kagaling. Unang try niya pa lang gutter agad yung bowling ball. "Warm up pa lang." nag-peace sign naman siya sa akin—nung turn ko na ay sinadya ko rin padaanin sa gutter, nag boo sign naman siya sa akin. 

 

 

"If I win, iti-treat mo ko ng DQ." pumayag na lang ako sa gusto niya though di niya naman need manalo, I can still treat her if she wants. 

 

 

Karina stood there confidently habang hawak ang bowling ball, hindi ko alam kung nagriritwal pa siya pero grabe ang focus niya. Nanliliit pa ang mata niya kasi mukhang ini-aim niya talaga ng maayos ang bola, grabe ayaw niya magpatalo. Huminga siya ng malalim bago niya itira ang bola. "STRIKE!" napatayo rin ako ng mapatumba niya lahat ng pins. "You see that huh?" pagyayabang niya sa akin.

 

 

 

 

We continued playing pero hindi ko na masyado ginalingan—I love her reaction kasi kapag ka nanalo siya over me, I don't want to take that happiness away from her naman kaya hinayaan ko na siya. I'm happy to see her laughing and smiling like this. 

 

 

"Turuan kita minsan kung gusto mo." napailing na lang ako sa sinabi ni Karina, tuturuan niya raw ako mag-bowling minsan para daw di na ako matalo sa kanya. 

 

 

"Sige, asahan ko yan ah." nag-thumbs up lang siya sa akin. 

 

 

Mukhang naubos na rin energy ni Karina kaya nag-aya na siya umuwi pero bago yon ay hinila niya ako sa snapshot para mag-take ng pictures. Remembrance daw na natalo niya ako sa Bowling game

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
winrinasaurus
#1
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#2
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
51 streak #3
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#4
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#5
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #6
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
691 streak #7
Congrats <3
oofiee 1044 streak #8
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1159 streak #9
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd
kyojun
#10
Chapter 30: Is this the calm before the storm 🤨