Chapter XV

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter.." 

 

 

"You  might think I'm tripping or what pero hindi, Karina. I..I really like you." I held her hand tighter—I don't even want to let go of this hand. 

 

 

"Babe! pumasok na ako kasi.." napatingin si Jungwoo sa akin kaya napabitaw ako sa kamay ni Karina. "..nakabukas yung gate." Karina turned around to look at him. 

 

 

"Babe, may nakalimutan ka ba?" tanong ni Karina sa kanya. 

 

 

 

Babe? 

 

 

 

Does it mean..? 

 

 

 

"Ako wala pero ikaw meron." Jungwoo raised the paperbag he was holding. "You left this e." agad naman itong kinuha ni Karina sa kanya. 

 

 

"Shocks, nawala sa isip ko. Thank you." 

 

 

"No worries, babe. Una na rin ako, maaga pa ako bukas." Jungwoo pulled her closer atsaka niya ito hinalikan ng mabilis sa labi. "I love you, good night." 

 

 

"I love you too." 

 

 

 

..that killed something inside me. 

 

 

 

Huli na ako. 

 

 

 

Para akong napako sa kinatatayuan ko—hindi ko na alam ano pa bang nararamdaman ko dahil halo halong emosyon na talaga lahat pero alam ko sa sarili ko na mas lamang yung sakit. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko sa loob ng dibdib ko. May parte rin sa akin na nagsisisi na sinabi ko pa kay Karina dahil hindi ko naman alam na..sinagot niya na si Jungwoo. 

 

 

"Winter—" biglang tumunog ang phone ko kaya kaagad ko itong sinagot—naglakad ako palabas bago ko sinagot ang tawag ni Ryujin. 

 

 

"Bossing, tuloy tayo bukas?" 

"Yeah, are you alone right now?" 

"Paalis na si Yeji, bakit?" 

"I'm on my way." 

"Ha? bak---" 

 

 

Ibinaba ko na ang tawag bago pa maka-kontra si Ryujin sa akin buti na lang din at naka-park pa sa labas ang motor ko, dali dali akong sumakay atsaka pinaandar ito dibale na hindi ko suot ang helmet ko dahil nasa loob na ito. I drove as fast as I can papunta sa apartment ni Ryujin. I feel so stupid right now. It hurts so bad. Tanginang pakiramdam to. 

 

 

Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko dahil di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pucha—huling beses na umiyak ako ang tagal na yun pa yung naghiwalay yung mga magulang ko pero pakiramdam ko iba yung level ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Will it make any differences kung hindi ako nagmatigas sa nararamdaman ko? Why did I deny it pa kasi, pilit kong tinatanggi kahit na yun naman talaga ang totoo and now look what just happened to me. This is all my fault din naman e. 

 

 

Pagdating ko sa apartment ni Ryujin ay kumatok ako dahil baka di pa nakaka-alis si Yeji—nakakahiya naman kung makikita niya akong ganito. Pilit kong pinunasan ang luha ko pero tingin ko hindi na rin makakalusot to kay Ryujin dahil umiiyak ako mula pag-alis sa bahay hanggang dito. 

 

 

"May naiwan ka---bossing." pumasok ako kaagad pagbukas niya ng pinto. "..oy umiyak ka ba?" tanong ni Ryujin sa akin. 

 

 

"Winter, anong nangyari?" tumabi siya sa akin—hindi ako makatingin kay Ryujin di ko alam paano ko ba sasabihin or siguro hayaan ko na lang siyang tawanan ako. "Huy gago nag-aalala na ako sa'yo ah, di ka naman umiiyak ah? ano bang nangyari? di ka naman nakapatay? or nakabangga diba?" dinampot ni Ryujin ang beer na nasa table niya at ininom ito. 

 

 

"Nag-confess ako kay Karina." naibuga naman ni Ryujin ang beer na iniinom niya dahil sa sinabi ko. 

 

 

"Ha? pucha seryoso ba?" di makapaniwalang tanong ni Ryujin sa akin—sana nga joke time lang. "Tangina sabi na e magde-deny ka pa e trip mo rin pala Karina!" I knew she would react this way—oo na nga nilalamon ko na lahat ng pinagsasabi ko noon. "Pero teka.." napatingin ako kay Ryujin. 

 

 

"..diba sinagot niya na si Jungwoo? anong sabi niya sa'yo?" 

 

 

"Kailan niya pa sinagot si Jungwoo?" kasi posible ba na nung nakaraan niya pa sinagot si Jungwoo tapos ngayon ko lang nalaman? kasi kung alam ko lang sana edi sana nanahimik na lang ako sa nararamdaman ko. 

 

 

"Kanina lang, nag-ig story siya e." 

 

 

 

Putangina naman.  

 

 

 

Kanina lang? 

 

 

 

"..huy Winter anong sabi ni Karina?" tanong ulit ni Ryujin sa akin, umiling ako dahil wala namang sinabi si Karina. "Wala? teka kaya ka ba umiiyak?" I thought tatawanan ako ni Ryujin pero bigla niya akong inabutan ng isang bote ng smirnoff. "..come on makikinig ako." 

 

 

"Hindi mo ko tatawanan o aasarin man lang?" tanong ko bago inumin ang hawak ko—hindi na malamig tong smirnoff pero sige palag na.

 

 

"Gagi, mamaya na lang kita tatawanan alam ko naman kailangan mo ng kausap. Kailan mo pa siya gusto?"  ikwinento ko kay Ryujin lahat—where I started feeling something unexplainable towards Karina, yung mga times na gumawa ako ng mga bagay na hindi ko naman madalas gawin, yung mga actions ko towards her, pati na rin yung time na na-realize ko na gusto ko talaga siya pero I still denied it. 

 

 

 

Hindi ko na talaga alam anong mararamdaman ko pa, ni hindi ko alam paano ako haharap kay Karina bukas. Hindi ko naman siya pwedeng iwasan dahil nakatira kami sa iisang bahay at isa pa parte siya ng theLink. Ni hindi ko pwedeng idahilan na lasing ako kaya ko nasabi yon kasi hindi naman ako lasing. Hindi ko alam paano kami hindi magiging awkward sa isa't isa. Natatakot din ako na baka dumistansya siya sa akin kaya di na ako magtataka kung bigla na lang siya magre-resign bilang manager namin. Pakiramdam ko ang daming pwedeng mangyari dahil sa ginawa ko. 

 

 

"I don't know what to do, Ryujin." naubos ko na yung isang boteng iniinom ko kaya kumuha pa si Ryujin sa kitchen niya. "..how can I face her now? like..gets mo ba? paano ba ako aakto sa harap niya? kung pwede ko lang ibalik yung time kanina sana nag-check muna ako ng IG bago ako umamin sa kanya."  

 

 

"Let me ask you muna, ikaw ba? willing ka pa rin makasama siya kahit na..may nararamdaman ka para sa kanya? I mean..like kaya mo rin ba siya maging kaibigan pa rin?" hindi ako nakasagot agad sa tanong niya—parang mas malala kung hindi ko na siya makakasama, parang mas hindi ko kaya. I'd rather have her as a friend kaysa wala. 

 

 

"Ikaw nga nakaya mo, ako pa kaya." everything feels so heavy between us ni Ryujin e kaya dinaan ko sa joke ang sagot ko, totoo naman e siya nga naging kaibigan pa rin kay Yeji kahit na di nire-reciprocate ni Yeji feeling ni Ryujin. 

 

 

"Tanginang yan." natawa naman siya. "..ikaw pinaguusapan dito ah wag mo ko dinadamay." nagbukas ng isa pang bote para sa akin si Ryujin. "but ito seryosong tanong na, makaka-move on ka ba sa nararamdaman mo kahit na araw araw at palagi mo siyang nakakasama?" 

 

 

"Susubukan ko." 

 

 

"Pero kasi Winter, di pa naman sila kasal ni Jungwoo maghihiwalay pa yan." 

 

 

"Tarantado ka talaga." 

 

 

"Totoo naman ah? pwede namang hintayin mo sila maghiwalay." di ko alam kung tamang desisyon ba na kay Ryujin ako pumunta e kasi parang mas may sense pa kausap si Hendery dito paminsan minsan. 

 

 

"Pakiramdam ko hindi madali mawawala yung nararamdaman ko para sa kanya." uminom ulit ako bago ako nagsalita. "..Karina is different—I never felt this way sa kahit na kaninong nakasama ko, alam mo yung pakiramdam ko sa kanya? kakaiba. Kilala mo ako Ryujin..I don't like taking risk when it comes sa love." I chuckled bitterly. "You know my history. Sobrang takot ako matulad sa nanay ko—she almost ruined herself for that guy, I don't even want to consider him as my father." 

 

 

Nakaramdam na naman ako ng kakaibang sakit sa dibdib ko, ang corny pakinggan pero parang may naglalagay ng pako sa puso ko tapos pinupukpok hanggang sa tumagos sa kabilang side. OA na kung OA pero ganon siya kasakit. 

 

 

I looked up dahil ramdam ko na naman na babagsak ang luha ko, I had enough crying kanina ayoko na. "Wag mo pigilan, di naman kita ija-judge." napailing si Ryujin, "kung alam mo lang din ilang beses na kong nagmukmok dito." kahit talaga gago to maasahin pa rin talaga si Ryujin. "Bestfriend mo ako wag ka magpaka-strong dyan kahit na yan naman talaga madalas mong ginagawa." 

 

 

Hindi ko na napigilan ang luha ko tuluyan na siyang bumagsak mula sa mga mata ko. 

 

 

"It hurts..so bad." umpisa ko. "..I'm willing to risk it, Ryujin. Pucha, willing ako ibigay lahat. Yung takot ko na maiwan? hindi ko naisip yon e.." para akong batang umiiyak pero who cares, nasasaktan ako e. "Everything made sense when she came in to my life. Karina is the only risk, I am willing to take. Kahit pa walang kasiguraduhan, kahit pa masaktan ako or what..si Karina yon e." 

 

 

"Sure ka bang gusto mo lang? parang mahal mo na e." 

 

 

"Maybe..I don't know." 

 

 

"Hindi ko alam sasabihin sa'yo kasi ako nga naghihintay pa rin kay Yeji e tsaka ang advice mo sa akin dati, mag-move on at wag magpakatanga sa isang babae kasi marami pa namang iba dyan e kung sa'yo ko sabihin yan? gagawin mo ba?" 

 

 

"Tangina, sinabi ko yon?" 

 

 

"Oo tanga." 

 

 

Hindi ako maghahanap ng iba para lang kalimutan si Karina. I bet hindi magiging madali, took me how many years to find someone like her. Yung tipong wala na akong pakialam kung masasaktan ako or what kasi alam ko magiging worth it kahit na ano pang mangyari between us, yung tipong alam ko na wala akong pagsisisihan sa aming dalawa kahit pa anong maging ending namin. 

 

 

"Should I just tell her na dare lang yung ginawa ko? ayoko maging awkward kaming dalawa." 

 

 

"Wag mo sabihin yan isipin pa ni Karina pinaglalaruan mo siya. Nasabi mo naman na sa kanya e, just tell her na you respect her relationship and you won't do anything stupid to ruin that." 

 

 

"Paano kung gusto ko siya agawin?" 

 

 

"Kaya mo?" 

 

 

"Hindi." 

 

 

"O edi manahimik ka na dyan." 

 

 

"Basta panindigan mo yung pag-amin mo sa kanya, tell her nothing will change sa inyong dalawa..maybe you can try asking her to act as if you didn't confess ganyan. Basta depende yan sa'yo ah mamaya sabihin mo kay Karina walang magbabago pero biglang ikaw yung iiwas."

 

 

"Plastik ako kaya ko yon." 

 

 

"True sa harap kaibigan tapos pag nakatalikod na si Karina, mahal niya na pala." 

 

 

"Ulol." 

 

 

"Hindi totoo?" 

 

 

"May sinabi akong hindi totoo?" 

 

 

 

I guess I'll stick sa sinabi ni Ryujin—I think we can still be friends. I still want to be there for Karina kahit bilang kaibigan tsaka isa pa ayoko naman mahirapan kami pareho dahil again magkasama kami sa bahay and parte siya ng theLink. Kaya ko naman siguro to no? wag ko lang sila makikitang magkasama ni Jungwoo kasi for sure masakit. 

 

 

 

Totoo talaga masakit ang pana ni kupido. 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa sinabi ni Winter sa akin, hindi ko alam kung seryoso ba siya doon or pinagtitripan niya lang ako. Pero sa tingin ko naman seryoso siya kasi ramdam ko naman yun kagabi. Gusto ko sana siyang kausapin pero di ko alam anong sasabihin sa kanya. Ano bang dapat kong maramdaman? I just said yes to Jungwoo yesterday tapos biglang sasabihin niya na gusto niya ako? 

 

 

Ewan ko na. 

 

 

 

Biglang pakiramdam ko maling desisyon na sinagot ko si Jungwoo. 

 

 

 

, Winter. Bakit kailangan mo laging guluhin yung nararamdaman ko? 

 

 

 

..or maybe nao-overwhelm lang ako sa nangyayari, I really need to talk to Winter. 

 

 

 

Dinampot ko ang phone ko sa sahig iniisip ko kung ime-message ko ba si Winter or what I'm not even sure kung gising na siya dahil sinabi naman sa akin ni Ryujin na nasa apartment niya si Winter. Nag-alala kasi ako biglang siyang umalis ng walang helmet kagabi kaya isa-isa ko silang minessage kung kasama nila si Winter, luckily Ryujin told me na kasama niya nga. 

 

 

Sa totoo lang hindi ko alam anong sasabihin ko kay Winter once na makaharap ko siya. I'm in a relationship na and for sure alam niya na yon ngayon. Hindi ko alam paano ako mag-a-act around her, di ko alam bakit ganito siya yung nag-confess pero bakit ako yung nag-ooverthink sa mga pwedeng mangyari? ewan ko na biglang ang complicated lahat.  

 

 

Napabangon ako ng marinig ko ang pagbukas ng gate—that must be Winter. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko and sakto paglabas ko ay ang pagpasok naman niya sa bahay. I looked at her and she looks normal naman bukod sa mukhang may hangover pa siya. 

 

 

"Hi." Winter smiled at me pagkatapos ay kinarga niya ang aso niya at niyakap ito ng mahigpit. "Aww namiss mo ako?" hinalik halikan niya pa ito bago niya ito ibaba at tumingin ulti sa akin. 

 

 

"Winter." 

 

 

"Yep?" she seems okay naman. 

 

 

"Uhm can we talk? about last night..about what you said." I hope hindi niya akong tinatarantado lang kasi di ako nakatulog dahil doon. 

 

 

"Ah sure. what about it?" 

 

 

"S-seryoso ka ba sa sinabi mo last night? gusto mo ako?" natawa naman siya bigla.

 

 

 

For 's sake Winter, wag mo kong gaguhin.

 

 

 

"Hindi ka ba naniniwala?" 

 

 

"Can't you just answer me?" tumaas na ang boses ko kasi naiinis na ako. 

 

 

"Totoo yon, Karina." Winter looked at me. "Gusto kita." 

 

 

"Pero—" 

 

 

"But don't worry!" putol niya sa sasabihin ko. "I know you're in a relationship na with Jungwoo and I respect that so don't worry I'm not gonna do anything that will ruin everything between you and him." Winter assured me—pero pakiramdam ko hindi yon ang gusto kong marinig sa kanya. 

 

 

"I'm just gonna ask you a favor, Karina." Winter sighed. "Can you..can you act like I didn't confess at  all? I mean..it's not because nahihiya ako sa ginawa ko, I just don't want things to be awkward between us. I mean..I'm hoping we can still be friends." hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya—or sadyang di ko lang alam sasabihin ko for someone who confessed for sure naman nasaktan siya nung nalaman niyang kami na ni Jungwoo diba? pero bakit parang ang okay niya? or maybe she wasn't that serious about sa pagkakagusto niya sa akin.

 

 

"Pero if it's not okay with you, hindi ko naman ipipilit." 

 

 

"Winter, I'm..I'm sorry." 

 

 

"About?" 

 

 

"I didn't know you like me." 

 

 

"Sus kasalanan ko naman yon wag mo ko isipin, swerte ni Jungwoo." she smiled at me, di ko lang alam kung genuine ba or nag-aact cool lang siya sa harap ko. "Congrats pala sa inyo." it felt so heavy when she said that. 

 

 

"Winter..okay ka lang ba?" di ko na napigilan itanong kasi hirap na hirap akong basahin kung ano bang totoo sa mga ginagawa niya ngayon.

 

 

"Ako? oo naman hahahaha wag ka mag-aalala sa akin, okay lang ako Karina." 

 

 

"Okay." 

 

 

"Goods tayo ah? tulog muna ako inaantok pa ko e." pagpasok ni Winter sa kwarto niya ay napaupo naman ako sa couch. 

 

 

She looked fine naman—I have nothing to worry about, right? and isa pa she even asked me if pwede pa rin kami maging friends. Maybe it's not that heavy for her or hindi ganon kasakit kasi If I were on her situation di ko kaya tong ginawa niya ngayon. Baka nagmumukmok at umiiyak pa ko ngayon pero kasi magk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
winrinasaurus
#1
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#2
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #3
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#4
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#5
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #6
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
692 streak #7
Congrats <3
oofiee 1044 streak #8
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1159 streak #9
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd
kyojun
#10
Chapter 30: Is this the calm before the storm 🤨