Coincidence?

Sa Bulong At Mga Alaala

 

 

Nagising ka sa ingay na nanggagaling sa kusina mo at babangon ka na sana nang maalala mo ang mga nangyari kaninang umaga.

 

 

Sigurado kang si Yeri ang nagluluto sa kusina dahil naaamoy mong pasunog na ang pancake na niluluto niya kaya bumangon ka na at pinuntahan siya bago pa niya tuluyang sunugin ang bahay mo dahil di ka papayag kasi pagkakakitaan mo pa ito. 

 

 

"Balak mo ba ako pakainin ng uling. Sunog na yung niluluto mo" Natatawa mong sabi.

 

 

 

Napalingon naman siya at agad na tumakbo papunta sa niluluto niya. Masyado siyang busy sa phone niya kaya nakalimutan na naman nito ang ginagawa niya panigurado. 

 

 

 

"Sorry, I got distracted. Okay ka na ba, unnie?" Tanong niya sayo habang nakatitig at naghahanap ng sagot sa mga mata mo. Tumango ka lang.

 

 

"Gusto mo bang pag-usapan?" Hindi ka nagsalita at umiling lang. Nagbibigay hudyat na dapat na niyang baguhin ang topic.

 

 

"Okay.. Anyway, naka-hanap ka na ba ng agent na magbebenta nitong bahay mo? Ilang buwan ka nang naghahanap, wala pa rin?" Tanong niya sayo. 

 

 

 

"Hindi nga ako makapag-settle sa isang agent, nahihirapan silang maghanap ng bibili kaya papalit palit ako ng ahente, ang hirap ding makipag-usap sa mga past brokers na nakukuha ko eh kaya tinigil ko na lang muna. Kung meron, fine. Kung wala, hindi naman ako nagmamadali." Sagot mo. 

 

 

 

Anim na buwan na rin kayong hiwalay ni Soojung at apat na buwan niyo nang pinagtatalunan kung sinong magte-take charge sa pagbebenta nitong bahay. Sa kadahilanang pagod ka na lang makipagtalo ay inako mo na ang responsibilidad.

 

 

Nalulungkot at naiiyak ka pa rin minsan tuwing naalala mo siya these days. Mahirap naman talagang mag move on mula sa 8 year relationship lalo na kung siya ang first girlfriend mo pero mas magaan na sa pakiramdam ang makalaya. 

 

 

Yun ang sabi mo sa sarili mo.

 

 

 

"Anong sabi ni Soojung unnie? Nagrreach out pa ba sayo? Kinukumusta ka sa akin nun minsan."  Tanong ni Yeri.

 

"Oo, minsan nagttry siyang tumawag pero napagod na lang akong makipag-usap sa kanya. Wala rin naman kasing kapupuntahan yung pag-uusapan namin. It feels like we're just running in circles. Desidido na akong tumigil, Yerms. Ubos na ubos na ako sa kanya. Sobrang daming chances na ang binigay ko, right? Enough naman na siguro yon para piliin ko naman ang sarili ko this time." 

 

 

Kabisado na ni Yeri ang kwento ng buhay mo, sabay mo silang nakilala ni Seulgi at parang bunsong kapatid na ang turing niyo sa kanya. Kaya nang mawala si Seulgi na parang bula, naiwan si Yeri sayo at mula non ay hindi na kayo nagkahiwalay na dalawa. 

 

 

 

Nakita niya kung paano mo minahal si Seulgi, kung paano mo siya kinalimutan, kung paano ka bumangon, kung paano ka nagmahal ulit, paano nasaktang muli at ngayon, nandito pa rin siya at inaalalayan ka sa muli mong pagbangon. 

 

 

 

This kid, Yerim, Seulgi, and I raised her well. 

 

Nakilala ko si Yeri through Seulgi, 14 years ago..

 

 

May usapan kami ni Seulgi na magmemeryenda kami sa tusok-tusok pero na late siya nang mahigit isang oras kaya iniwan ko siya sa meet up place namin. 

 

Nagulat na lang ako na nasa labas siya ng gate namin habang may bitbit na maliit na bata. I mean, maliit na high school student. 

 

Literal na napulot daw niya si Yeri. Pinagtanggol niya sa likuran ng school nila at binubully raw ng mga kaklase.

 

 

Awang awa ako sa itsura ni Yeri nung araw na yun, marumi ang uniform, magulo ang buhok at may mga sugat at kalmot ito sa iba't ibang parte ng katawan niya. 

 

 

 

Yung galit na dala ng gutom ko ay dinivert ko sa mga gumawa nito kay Yeri. That same day, inabangan namin ang mga gumawa nito sa kanya at tinakot namin sa paraang alam namin ni Seulgi at mula nun, tinigilan na nila si Yeri.

 

 

Mula nung araw na yun, tinuring na namin siyang bunsong kapatid. 

 

I've been with Yeri for 14 years now.

 

The three of us could've been together for 14 years now.

 

Pero wala, ngayon, dalawa lang kami. 

 

 

 

 

 

 

1 text message received

 

Wendy: 

Hi Irene! Are you looking for a new broker? Naalala kita na sinabi mong kailangan mo nang mabenta yung bahay niyo ng ex mo. Gusto mo bang i-refer kita sa best friend ko? Lahat ng unit, nabebenta na pinapasa sa kanya even the most expensive ones, nacclose niya ang deal within 3 months. As in sold! Lemme know lang anytime. Single rin to. Hehe joke! 

 

 

Natuwa ka sa nabasa mong text mula sa new co-worker mong si Wendy. 

 

Wala namang masama kung iaaccept mo ang offer niya sayo so you did.

 

 

Nag set ka na magkita kayo today sa isang coffee shop malapit lang sa bahay mo since nasa area lang din sila sakto.

 

 

Nag offer ka kay Yeri na isama siya pero busy raw siya sa today.

 

 

After an hour, nauna kang dumating sa cafe na napag usapan niyo ni Wendy. Kasama niya raw yung friend niya at malapit na raw sila. 

 

 

You were sitting beside the window at kita mo ang lahat ng pumapasok sa pinto nang may isang pamilyar na figure kang nakita. Side view pa lang ng mukha nito ay alam mo na. Bigla kang yumuko para hindi ka niya makita.

 

 

Nagsimulang manlamig ang mga palad mo at napansin mong namamawis na ang mga ito. 

 

 

Naramdaman mong umupo siya sa table sa harapan mo pero mabuti na lang ay nakatalikod siya sayo. 

 

 

 

Saglit pa ay nakita mong pumasok na si Wendy sa pinto kaya tumayo ka at kinawayan ito. Bago pa makalapit sayo si Wendy ay huminto ito sa table sa harapan mo at tinapik ang taong nakaupo roon.

 

 

Dalawa na silang nakaharap sayo ngayon at tila nagpapawis na lahat ng pwedeng pagpawisan sa iyo ngayon.

 

 

Gising Joohyun! Nasaan ang composure mo?! Di ka pinalaking tanga ni Yeri!

 

 

"Hi, Irene! Sorry, late na yata kami. Natagalan ako sa parking eh. Pinauna ko na tong friend ko kaso di ko nasabi sa kanya kung saan ka nakapwesto kaya naghanap tuloy ng ibang table." Hinihingal na sabi ni Wendy. Bakas sa mukha niya na clueless siya kung sino kayo ni Seulgi sa isa't isa. 

 

 

 

"Hi...I'm Kang Seulgi and nice to see you." inabot nito ang kanyang kamay, offering a handshake.

 

 

 

 

 

 

"Irene Bae.." at tinanggap mo naman ang kanyang kamay. 

 

 

Hindi ka makapaniwala na maaari mo palang magkahandshake ang isang multo. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.