Inevitable

Sa Bulong At Mga Alaala

 

Nasubukan mo na ba yung hinihila ka ng antok pero tinatadyakan ka rin nito pabalik sa reyalidad kaya kada 30 minutes ay nagigising ka. Para kang kinakabahan kahit wala namang masamang nangyayari?

 

Nararamdaman mong umiikot ang sikmura mo na pinagbubuhol-buhol nito ang small at large intestines mo. These are no longer butterflies in my stomach, this is ing anxiety.

 

 

Maaaring nagse-send ng signals ang katawan mo sa utak mo na something bad might happen. Gano'n ang pakiramdam ko ngayon matapos ng pagtatalo namin kanina ni Seulgi. 

 

 

Lunch time na nang makarating kami sa accommodation. They rented out a whole cabin dito sa Camp John Hay for this trip. It's a 2 storey house at meron itong 5 rooms. There's also a fireplace na pwede naming magamit. Medyo malayo kami sa town kaya importante palagi na may service tuwing aalis kami. 

 

 

Yeri, Joy and Wendy chose the 3 rooms dito sa baba. Ako naman ay yung isang room sa taas. Busy si Seulgi kausapin si kuya driver about our schedule so she was left no choice but to take the last available room sa 2nd floor. Nang makapasok na si Seulgi rito sa bahay ay sinabi niyang di magsstay rito si kuya driver at uuwi raw ito sa relatives niya rito sa Baguio pagtapos niyang maghatid-sundo sa amin.

 

 

Matapos naming pumili ng rooms at ilagay ang mga gamit namin ay nag gather na kami sa dining area to discuss our schedule for this 3-day business trip.

 

 

As per Yeri, for day 1- quick rest, meeting then dinner. 

Day 2- Brainstorming after breakfast then mag lilibot kami sa town after lunch to observe the type of clothes ng mga tourists and locals and we might check some thrift shops din to get inspo how we will market our seasonal clothing products. Wrap up/conclusion then dinner.

The last day will be our free day, our check-out time is 2 pm, and we will travel back to Manila after dinner. 

 

 

After our quick meeting, the 4 of them decided to go to their respective rooms para mag rest habang ako ay nag decide mag libot. Sobrang ganda at amazing ng place. There are trees everywhere and the weather is so nice. Para kang niyayakap at hinahaplos sa mukha ng malamig na hangin.

 

Napagod akong maglibot sa laki ng bahay, kaya nagpahinga muna ako sa bench sa labas ng cabin.

 

Good thing I brought my ipad with me kaya nag decide akong mag draw na lang muna habang nagmamasid sa magandang view sa paligid ko.

 

Naalis lahat ng stress na nararamdaman ko sa sobrang perfect ng lugar na 'to.

 

 

Should I leave the Metro and just relocate here? Should I ghost everyone? I laughed at the thought of it. Or I can bring Joy and Yeri with me. Right?

 

Naputol ang pagmumuni muni ko nang makarinig ako na may naglalakad papalapit,

 

"Nandito ka lang pala..." Said a familiar voice. Hindi ko ito nilingon but I nodded in response. 

 

Umupo siya sa tapat ko. 

 

"Joohyun, I'm sorry about earlier. I didn't mean to snap at you." Pagpapatuloy niya. I didn't respond so she reached out to my non-working hand. Ibinaba ko ang pen sa table to look at her.

 

This is why I'm scared of Seulgi, every time I stare at her eyes, pakiramdam ko ay nababasa ko ang iniisip niya, I can see her gloomy eyes but at the same time, hindi ko siya mabasa. I feel like I can't get past her. Not anymore.

 

I used to know her, in and out. All her body language ay basang basa ko. I know when she's lying or when she's excited about something, or when something's bothering her. I can read all of them before, but not anymore. 

 

We're now both staring at each other, nagsalita siyang muli. "I'm sorry if I said something that made you upset. I sincerely apologize. I want us to enjoy this trip. We could've done this sa office pero I chose to make it a business trip para maiba rin ang environment nating lahat because I can see that you guys are already stressed out. Ayaw ko naman ma spoil yung fun na naghihintay sayo sa out of town trip na to."

 

She has a point, so you tried to understand. Isinantabi mo muna ang nararamdaman mo dahil ayaw mo ring mawitness nila Yeri ang namumuong tension sa inyong dalawa ni Seulgi. So you compromised. 

 

"Okay. I don't want to talk about it na. My goal here is to work." sagot mo.

 

"What do you mean?" paghihintay nito na linawin mo ang sagot mo.

 

"Ang ibig kong sabihin, ayaw kong pag-usapan ang mga bagay na hindi work related. Boss kita at business trip ito." I emphasized doon sa word na boss.

 

"Hyun naman..."

 

I gathered all my things, stood up, and left her sa kinauupuan niya. Bumalik na ako sa room ko and just decided to take a quick shower. Baka dala pa rin to ng init ng ulo ko. Baka sakaling kumalma ako. 

 

 

Few minutes after ay dumating na si kuya para sunduin kami for lunch. We decided to try out the local restos here na dinadayo ng mga tourists and they didn't disappoint.

 

Bumalik din kami agad after lunch para maaga kaming matapos sa meeting and brainstorming mamaya. We will now discuss kung paano kami magsstand out sa marketing strategy, kung anong pwedeng bagong style ng clothing for ber months ang pwedeng ilabas, yung mga models and influencers na dapat kunin for this project, we're also planning to have a mini fashion show as product launch. 

 

Nasimulan naman na namin ito few months back and nasa polishing part na kami so we're confident na mapu-pull off naman namin ito given na in tact naman ang team when it comes to brainstorming and execution. 

 

Konti na lang at mapapahinga na ulit kami. Hell season will soon be over. 

 

_______

 

Natapos na rin ang trabaho niyo for today and hinayaan na kayo ng boss niyo kung anong gusto niyong gawin for the rest of the night. You guys are allowed to party as long as you can function the next day. Nag-decide kayo to go out and have some dinner.

 

 

Nakalabas na kayo ng resto at nakasakay sa van nang makareceive ka ng tawag.

 

From Soojung. 

 

You answered right away kasi baka importante.

 

"Hi, napatawag ka?" You moved your phone closer to your ear nang sabay kang lingunin ni Yeri and Joy na nakaupo sa harapan mo.

 

 

"Hi, Joo! Kumusta? Saan ka?" tanong ni Soojung and you can hear people talking sa background niya.

 

 

"Baguio, why? I'm here for a business trip e."  mahinang sagot mo.

 

 

"Yeah, I called kasi gusto ko i-confirm kung ikaw ba yung nakita ko rito sa resto kanina. Kakaalis mo lang ba rito sa Grumpy Joe?" 

 

 

"Baka nga ako yun. Nasaan ka bakit hindi kita nakita?" pag uusisa mo.

 

 

"Kadarating lang kasi namin tapos paalis ka na tapos pasakay sa van. Nasa service van pa ako kanina di na kita nahabol. Hehe. By the way, busy ka pa ba tonight? Are you up for some drinks? Catch up lang." 

 

 

"Sure, text me the location. Sunod ako. See you! Hmm yep!" sabay baba mo ng phone at tingin sa mga chismosa sa harapan mo.

 

 

"San ka punta?" Sinimulang tanong ni Yeri. 

 

 

"Sino yon?" Pabulong na tanong naman ni Joy.

 

 

Busy sa phone si Wendy at si Seulgi naman ay nasa tabi ni kuya driver naka pwesto.

 

 

"Wala, nakita ako nung friend ko kanina bago tayo umalis sa resto kaya nagyaya ng catch up." I'm uncomfortable to say out loud that i'll be meeting my ex lalo't nasa paligid ko si Seulgi at nakikinig. 

 

 

"Hmm okay uwi ka agad ah." Reminder ni Yeri. 

 

 

"Yes, ma'am." sagot mo naman sa kanya para di na humaba ang usapan.

 

 

"How will you go home later, Irene?"  Pagsingit sa usapan ni Seulgi. Hindi niya kami nilingon.

 

 

"Might take a taxi na lang mamaya or baka ihatid niya ako. Uwi rin naman akong maaga." I spoke nonchalantly. 

 

 

I heard her hum in response. Di na siya muling nagsalita. 

 

 

Binaba kami ni kuya sa session road and naglakad lakad kami dahil ang lamig na ng hangin. This is the perfect time to roam around. The temperature dropped from 20 degrees kaninang tanghali down to 16 degrees ngayong gabi. Buti na lang we're all wearing comfortable and warm clothes. 

 

 

Nagkayayaan silang mag night market at sinamahan ko naman sila bago ako umalis. Ang totoo niyan, pumayag na lang din akong sumama kay Soojung dahil hindi ko pa rin talaga kayang kasama si Seulgi sa iisang lugar.It's not that I can't pretend that i'm not affected, it's just that I don't want to. Wala ako sa mood mag adjust para sa kanya this time, kaya it's best to distance myself na lang. 

 

 

I'm trying to assess my feelings and outbursts, kung over-sensitive lang ba ako these days o valid ba itong nararamdaman ko o hindi ko lang ba tine-take into consideration yung feelings niya. I can feel that she's sincere with her intentions pero hindi ko lang talaga mapagtagpi yung mga sagot sa tanong na bakit kilala niya ako pero hindi niya alam yung past namin.

 

 

Pakiramdam ko ay bina-brush off niya yung past namin dahil tinatakasan niya yung explanation niya sa akin. That's how I see it. Seulgi confuses me so much to the point I even question myself and our history.

 

 

I need a drink tonight. 

 

 

Malapit na ako sa pin location na binigay ni Soojung, pagbaba ko ng taxi ay nakita kong naghihintay na siya sa entrance. She waved at me. I waved back. Suddenly, nag ring ang phone ko. It was Yeri, informing me that they'll be out for a drinks din. Nagyaya raw boss namin.

 

 

She invited me over sa isang bar, chill lang yung mga tao rito. May acoustic band and people are just chilling over some drinks. Magkakarinigan pa rin kayo kung ang gusto niyo lang naman ay magkuwentuhan. 

 

 

"Hey, Joo!! How are you?" Masayang bati ni Soojung pagkalapit ko sa kanya. She gave me a side hug which I gladly accepted. I'm happy na komportable na ulit ako sa kanya because I know she's okay na.

 

 

"Why are you here? Sinusundan mo ako, noh?" pabirong kong sabi at natawa naman siya.

 

 

"Asa ka. May conference kami sa country club. As if di ka pa sanay sa mga medical conference ko annually." Then she rolled her eyes at me saka tumawa.

 

 

"Halika, pasok na tayo sa loob may reserved table na tay--" then nag ring ang phone niya na agad naman niyang sinagot.

 

 

 

"Yes, you can drink naman but make sure na kaya mo, ha? Basta 'wag ka muna mag take ng meds today. Alright! Enjoy!" Soojung was smiling habang kausap yung nasa phone. Is she dating someone? 

 

 

Dali dali niyang ibinalik ang phone sa bulsa pagtapos niyang ibaba ang tawag. "Sino yun? New girlfriend? Ikaw ha." I jokingly asked. I playfully bumped her shoulder.

 

 

"Baliw. Patient ko, nagpapaalam kung pwede raw ba siyang uminom tonight lang, kasi may meds siyang tine-take pag inaatake siya. Sorry, ms. Bae pero I don't date my patients and besides, may someone na 'yon." 

 

 

Natawa naman ako sa reaction niya. "O eh bakit mukhang disappointed ka?" Dagdag ko.

 

 

"Wala, problemado yata siya. Ramdam ko lang sa tono niya. Anyway, are we gonna talk about my patient na lang ba or what?" Eto na naman ang pagka pikunin niya. 

 

 

"Ang pikon mo na naman inaasar ka lang. Mag order na tayo!" I gave her an eyeroll. Siya naman itong natawa. 

 

 

_____

 

"So, kumusta yung bahay? Naibenta na ba?" She asked habang paubos na kami sa pangalawang glass ng ladies drink na order namin. 

 

"Medyo busy ako right now, hindi ko maharap e." I simply answered. Trying not to give away some info about who my broker is. She should remain in the shadows.

 

"Sabi kasi sayo tulungan na kita e."

 

 

"Excited ka na ba mabenta yung bahay?" I gave her a glare. 

 

 

"Hindi no. Bakit ikaw ayaw mo na ba ibenta? If you wanna ask me to move in again pwede naman. Just say so." She said habang tumatawa.

 

 

"Gaga! Busy rin kasi sa full time job yung broker ko so it's okay! Feeling ka naman masyado, Ms. Jung!" I gave her a light slap on her shoulder. 

 

 

Then I felt her hand on mine. 

 

 

"I'm not kidding, Joo. Never ako nagbiro pagdating sa naging relationship natin. Alam mo 'yan." I suddenly felt her sad stare. 

 

Hinawakan ko ang mukha niya. I caressed her soft cheek. I can feel her small kisses on my palm.

 

 

"Minahal kita sa paraang alam ko at kaya ko, Soojung, at sa pagmamahal na natitira ko para sayo ay ito na lang ang kayang gawin. I had to let you go kasi ayaw kong mas masaktan pa kita."  I softly said. I'm trying to make it as gentle as possible.

 

 

Is this the time to tell her...

 

 

 

"Mahal mo ako pero you had to let me go?" She asked...I can see tears forming in her eyes. 

 

 

"Kasi hindi ko kayang pantayan yung pagmamahal mo para sa akin. I tried. You know damn much how hard I tried pero I can't see you in my future, Soojung. Nag decide ako to settle down with you kasi akala ko kaya kong mag stay at mag commit. Hindi lang pala dapat marunong kang mag-commit, kailangan pala gusto mo rin sa taong yun mag commit..."

 

 

"What are you trying to say?" Tanong ni Soojung, trying to brush off ang sakit na namumuo sa lalamunan dulot ng pagpigil sa pag-iyak. She promised herself na hinding hindi na siya mag bbreakdown sa harap ni Joohyun. She's come so far sa progress na meron sila. Ang tagal niyang hinintay to, ang maging comfortable ulit sa kanya si Joohyun.

 

 

"Binigyan kita ng chance paulit-ulit dalhin minsan hindi kita maramdaman pag nag a-act up yung trauma mo na never mong ipinagkatiwala sa akin, you would sometimes be so emotionally unavailable, which I tried to understand. Pero habang tumatagal, naiisip kong ako ba talaga yung taong dapat samahan ka sa ganitong laban mo? Naisip kong baka hindi ako yung taong kailangan mo, Soojung. I didn't get to crack you open. Until I realized...that I am not worthy of your deepest secrets and deepest desires. Kasi...

 

Ganun ka rin sa akin...Hindi natin naabot ang kasulok-sulukan ng puso ng isa't isa at hindi dapat ganon kung gusto mong makasama habambuhay ang isang tao, right?"

 

 

You can see her trying so hard not to cry but she did her best para magsalitang muli.

 

 

"I couldn't tell you kasi I was feeling the same the whole time. You made me feel insecure about someone who doesn't even exist. Wala namang ibang tao sa buhay mo sa buong relationship natin pero bakit pakiramdam ko meron." Soojung dropped the bomb. This was bound to happen, you said to yourself. You have to face the inevitable.

 

 

"Sa walong taon natin, Joohyun. Saan mo ako nilugar? Sabi mo sa akin ka...Umuwi ka sa akin pero yung isip mo tuwing bago tayo matulog ay parang laging nasa ibang lugar...Parang sa iba umuuwi yung puso mo palagi." She's now chugging down her 3rd glass. 

 

 

 

"I loved you, Soojung and I'm sorry if I made you feel that way." Those are the only words that you were able to utter. 

 

 

"Nailabas ko na yung nararamdaman ko, Joo. I think mas madali ko nang matatanggap lahat, lalo't narinig ko na rin ang side mo. I'm sorry if hindi ko masabi sa'yo. I was scared na hindi mo ako matanggap because of my dark past..."

 

 

"It's okay, I made you feel that way. Valid yung nararamdaman mo, pero lagi mong tatandaan, Soojung, tanggap kita." You gently rubbed her arm. She nodded.

 

 

"Hmm...kahit dati akong lalake?" She said with a straight face, looking at you, waiting for your reaction.

 

 

"Tanginamo! Di nga?" Napainom ka bigla at naubos mo ang pang apat na baso. Bigla kang tinamaan ng hilo. Tawang tawa siya ngayon sa itsura mo.

 

Napatingin siya sa orasan at nakita niyang it's almost 10 pm at kailangan niyo nang bumalik sa kanya kanya niyong hotels. 

 

 

You're both drunk pero tinupad pa rin niya ang promise niya sayong ihahatid ka niya.

 

 

After a few minutes of travel ay nakabalik na kayo sa cabin, inaalalayan ka niya hanggang sa makarating kayo sa pinto ng unit niyo at kinukulit mo siya na mag ingat pauwi. 

 

"Thank you, I had such a great time. I'm happy na di tayo nag away, i'm sorry about sa mga sinabi ko kanina sana hindi ka ma-awkward sa akin." Pagpapaalam ni Soojung.

 

 

"Thank you for keeping me company tonight. Masaya akong okay na tayo kahit may ganun tayong topic. We're healing. You are healing and i'm happy that you are. Ingat ka."

 

 

You both hugged each other bago siya tuluyang bumalik sa taxi na sinakyan ninyo kanina. 

 

 

Pa-cross na ang lakad mo dala ng hilo sa nainom niyo, lalo't binigla mo pa yung huling baso kanina bago kayo umuwi.

 

 

Hindi mo na naisip bakit hindi naka lock ang pinto at dire-diretso ka lang pumasok, pinipilit mong 'wag gumawa ng ingay para hindi magising ang mga kasama mo 

 

 

 

Then you heard something mula sa kitchen pero tuloy ka pa rin sa paglakad.

 

 

Nang malapit ka na sa hagdan paakyat sana sa kwarto mo sa itaas, you heard her voice.

 

 

"Bakit ngayon ka lang?" She sternly asked.  

 

 

Nilingon mo si Seulgi and you saw her holding a wine glass and an almost empty bottle of wine. 

 

 

"Sinabi ko kanina, i'll be home at 10." You said habang isa-isa mong tinatanggal ang sapatos at medyas na suot mo bago ka pumanhik. 

 

 

Bago ka pa humakbang ay may humawak na kamay sa braso mo. 

 

 

"Sino yung kasama mo at naghatid sayo, Hyun?" She calmly asked.

 

 

"An old friend, Seulgi. Lasing ka ba? If you're drunk, go to sleep." Sabi mo habang inaalis mo ang kamay na nakahawak sayo. 

 

 

"Paano ako makakatulog if you're out with someone na hindi ko naman kilala?" You accidentally looked at her eyes and saw the longingness in it.

 

 

Dahil ganun din ang nararamdaman mo ngayon because of Soojung's words kanina.

 

 

So you tried to stop yourself from kissing Seulgi pero mukhang mahirap kalabanin ang sarili ngayong gabi.

 


 

 

 

 

So, you're giving in...

 

 

"Hyun..."


 

"Seulgi..."

 

 

Iyon ang mga huling salitang namutawi sa inyong mga labi, muli na naman kayong pinag-isa ng katahimikan ng paligid at lamig ng hangin na yumayapos sa balat.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.