xvi The Second Time

Sa Bulong At Mga Alaala

 16 years ago

 

 

Mahigit dalawang linggo na since my college life started pero wala pa rin akong makitang surprising sa new chapter ng buhay ko, until this kid stepped into our lecture room and our professor started introducing her to the class.

 

Kang Seulgi. Hmm, cute name. 

 

Huh? 14? Is this kid a genius?

 

Accelerated daw. I see—a bright one.

 

"Thank you, Seulgi. Take the vacant seat beside Joohyun since occupied na lahat ng chairs natin." 

 

I didn't notice that I was looking at her this whole time na parang bang hinihila ko siya papalapit sa akin and giving her an eye signal to sit beside me, na ako yung tinutukoy ng prof namin na tabihan niya.

 

Habang naglalakad siya papalapit sa akin ay napahinto siya at napansin ko ang paglingon-lingon nito sa paligid na tila parang naghahanap pa ng ibang bakanteng upuan.

 

Somehow, I felt offended. So, I looked away...

 

But she ended up as my seatmate for the whole semester anyway kahit na lahat ng blockmates namin ay papalit palit ng upuan occasionally, we did not change ours.

 

----

 

"Psst. Joohyun, absent si Seulgi?" Inangat ko ang ulo ko para tignan ang kaklase ko at napatingin ako sa relo ko nang makita kong 3 minutes na lang ay parating na si prof para simulan ang subject.

 

I shrugged my shoulder quickly at bumalik na lang sa pagbabasa na ginagawa ko. Hinayaan naman ako ng kaklase ko nang sagutin ko ang tanong niya.

 

It's not like I don't like talking to people. I do. I really do. Pero mahirap makipag socialize kung ang energy mo ay naka-reserve na sa pag-aaral at pagpa-part time job to support your studies kaya I just decided to distance myself sa mga tao. I can socialize when I'm successful. Lagi kong sinasabi sa isip ko.

 

Humarap ulit sa akin ang kaklase ko at may inabot na notebook.

 

"Pwedeng pabalik kay Seulgi kung makikita mo siya mamaya? Notes niya yan kaso di ko siya makita ngayon e."

 

"Bakit sa akin mo pinapabigay?"

 

"Hindi ba kayo close?"

 

"Hindi?"

 

"Lagi nga kayong magkasunod pumasok saka umuwi. Akala ko close kayo?"

 

Kinuha ko na lang ang notebook at tumalikod na siya ulit mula sa akin. I'm exhausted enough to clear up these misunderstandings. 

 

Baka nagkataon lang dahil never naman kaming nag-usap na dalawa.

 

I made a mental note na pupuntahan ko ang prof namin sa faculty mamaya to ask for her address at tignan baka pwede kong idaan sa kanila kung di naman ganon kalayo ang bahay nila mula sa workplace ko para maidaan ko na mamaya bago magsimula yung part-time ko.

 

----

 

Nagulat ako sa laki ng bahay nila Seulgi. I didn't expect na ganito pala kayaman tong seatmate ko. Sa isip isip ko habang naghihintay na may sumagot matapos ang pangatlong pindot ko sa door bell nila. 

 

"Anong kailangan mo, hija?"  Tanong ng isang babae na nagbukas ng gate nila. Mukhang mommy siya ni Seulgi dahil sa pagkakahawig nila.

 

"Ah. Magandang hapon po. Kaklase po ako ni Seulgi. Hindi po kasi siya pumasok kaya ia--" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay hinawakan ako nito sa balikat saka nagsalita,

 

"Halika, pasok ka. Kaklase ka ni Seulgi? Masama kasi ang pakiramdam niya kaya nagpahinga na muna siya. Tuloy ka."

 

Umiling ako bilang pagtanggi dahil nahihiya ako sa laki ng bahay nila. "Ay, hindi na po. Okay lang po. Iaabot ko lang po itong notes niya."

 

"Anong pangalan mo, hija?" Ngumiti siya sa akin at hindi bumitaw sa pagkakahawak sa balikat ko.

 

"Joohyun po."

 

"Joohyun, tuloy ka. Hep, bawal tumanggi. Di na nakabalik dito sa bahay ang mga tumanggi sa akin."  Sobrang na-starstruck ako sa ngiti ng nanay niya kaya napapayag na rin ako. Gina-guide niya ako papasok at nadaanan namin ang malawak na garden nila.

 

"Alam mo bang ikaw ang unang kaklase ni Seulgi sa college na nakilala ko. Pangalawang sem niya na pero wala pa rin siyang pinapakilala sa amin."

 

 

"Ah, hehe.Tahimik lang po talaga siya sa klase." Nahihiyang sagot ko. Kulang na lang sabihin ko na kung gaano kasungit ang anak niya. 

 

"Ganun ba? Hindi ka naman ba sinusungitan nun? She tends to grumpy sometimes, you know."

 

Umiling na lang ako at ngumiti. Although, she's cute when she's grumpy. Di naman maide-deny yun. Wait what?

 

"Cute naman po siya, Mrs. Kang."  . What?! Did I just say it out loud?

 

"Sorry, I mean, di naman po nakakasama ng loob yung pagiging grumpy niya. Baka tahimik lang po talaga siya. Hehe." Pagbawi ko.

 

 

 

Bumungad sa akin pagbukas ng pintuan nila ang napakalawak na salas at tanaw mo rin ang napakagandang dining area nila. This is my ultimate life goal. Ang magkaroon ng ganitong bahay. With someone I love, of course. 

 

"Upo ka muna riyan, ipaghahanda kita ng meryenda. Sigurado akong pagod at gutom ka mula sa class niyo. May gusto ka bang inumin?"

 

"Kahit tubig lang po, Mrs. Kang." 

 

"Sssh, tita na lang itawag mo sa akin, Joohyun. Masyado kang formal na bata ka. Nakakatuwa ka naman." Ngumiti lang ito ay dumiretso na sa kitchen.

 

Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa ganito kagandang bahay kaya napagdesisyunan ko na lang buksan ang hawak hawak kong notebook ni Seulgi.

 

Puro lang ito ng notes sa marketing subject namin na halos kabisado ko na rin naman na at aksidenteng pagtingin ko sa likod ng notebook niya ay nagulat ako sa nakita ko.

 

Punong puno ito ng iba't ibang sketches pero karamihan ay hmm interior designs, meron ding kakaibang structures ng buildings o bahay. 

 

Nabilib ako sa talent na meron siya. I wanna ask her bakit hindi iyon ang course na tinake niya pero never naman kaming nag-usap. Malaki ang potensyal niya.

 

 

Narating ko na ang last page at may nakita akong sketch ng isang babae base sa structure ng mukha at mahaba nitong buhok. Matangos rin ang ilong nito. Naka side view lang ito pero mukhang hindi natapos at hindi ko rin makilala kung sino. 

 

Tinitigan kong maigi at nakita ko ang magaan na bakas ng lapis. May bakas ng mata at bibig. Maaaring binura lang ito para hindi makilala.

 

Nabitawan ko yung notebook nang marinig ko siya, mukhang galit siya habang naglalakad papalapit sa akin. Dahil ba binuksan ko yung notes niya?

 

"Anong ginagawa mo rito?"  Sabay agaw nito sa notebook niya at nilagay niya ito sa ibabaw ng bookshelf sa sala nila.

 

"Umm, ano pinapaabot lang sa akin nung classmate natin, absent ka raw kasi."

 

"Oh, Seulgi. Gising ka na pala. Kumusta pakiramdam mo?"  Lumapit ang mommy niya sa kanya saka kinapa ang noo at leeg nito para tignan kung may lagnat pa. 

 

"Ikaw nagpapasok sa kanya, mommy?" 

 

"Yes. Bakit? Bawal ba?"

 

"Akala ko ba ayaw niyong nakiki barkada ako? Bakit nagpapapasok kayo ng kaklase ko ngayon dito sa bahay natin?"

 

"Ayaw lang namin sa mukhang bad influence sayo, nak. Mukhang okay naman itong si Joohyun. Magalang na bata."  Her mom gave me another smile na agad ko rin namang ibinalik at saka yumuko. I can sense the tension between them. Seulgi looks upset.

 

"Kumain muna kayo. Tara na sa dining area. Joohyun, nak. Lika na." 

 

Nagkatinginan lang kami ni Seulgi at naglakad na papunta sa dining area at nagulat ako nang hinatak niya ang upuan at inoffer sa akin bago siya nagpunta sa upuan sa tapat ko.

 

Nag die down naman ang tension nung kumakain na kami at mukhang okay na rin si Seulgi. Her mom is a good host at naging comfortable rin ako sa naging conversation naming tatlo. It was light and fun. I can't believe na Seulgi can be funny too. 

 

Puro tungkol sa cuteness and clumsiness ni Seulgi ang kinukwento ng parents niya. 

 

Na there was a time raw when they went to Jeju Island last year for a family vacation ay may sinubukan raw na i-pet na dog si Seulgi pero ending ay kinagat ng aso yung damit na suot niya so they both ended up in a tug of war.

 

"Mom, oh my god. Stop. Nakakahiya na please" Seulgi is whining like a kid now.

 

"Alright, alright. Ang cute talaga ng Deulgi namin na yan."  My heart melts when I saw Seulgi's mom giving her a head pat.

 

I would want that, too, pero alam ko na hindi sa lifetime na ito. 

 

My parents are definitely angry at me dahil hindi ko sinundan ang yapak nila na maging doctor. That's why they disowned me at ngayon nagte-take ako ng course na afford ko ang tuition at hindi mauubos ang savings na bigay nila sa akin when I turned 14 almost 3 years ago.

 

Wala naman akong gustong gawin pero ang alam ko lang ay ayaw kong maging doctor. Period. I just want to earn a degree and work like a normal person. I hate overtimes. Gusto ko lang ng 8-5 jobs. Ayaw kong ma-stuck sa work na aagawin ang tulog mo. 

 

I'm good at organizing events, pitching ideas in, magaling ako sa marketing, aware naman ako sa creativity ko, kaya ito na rin siguro ang pinili ko.

 

 

Pero, mas masarap siguro sa pakiramdam ang maging passionate. Ayos na rin, para walang regrets kapag hindi natupad ang pangarap, diba?

 

----

 

Ever since that day ay naging warm na ang pakikitungo sa akin ni Seulgi. She strikes up conversation, she smiles at me, offers me a drink or food, ginigising niya ako kapag parating na ang prof namin at hinahayaan niya rin akong matulog at kung anu-ano pa. Kung anong sungit niya last semester ay siyang extra nice niya sa akin ngayon.

 

Although, hindi pa rin siya nakikisalamuha masyado sa iba naming kaklase ay at least hindi na siya nakakatakot iapproach ngayon. I can say that Seulgi is a nice person. 

 

Isa pa, lagi siyang tumatambay sa convenience store kung saan ako nagpa-part time tuwing uwian namin at minsan inaabot ito ng madaling araw, kulang na lang ay bilhin niya lahat ng nasa store. Doon na rin siya nagrere-view at gumagawa ng assignments namin. 

 

 

 

 

"Hoy Kang Seulgi! Nandito ka na naman." pagbati ko sa kanya habang busy itong nagrereview at ako naman ay nag-aayos ng mga chips na bagong deliver sa shelves.

 

"Late raw uuwi sila mommy, ayaw kong mag-isa sa bahay."

 

"Ang laki laki ng bahay niyo, gusto mo sa maingay pa magreview?"

 

"Well. Kailangan ko ng ingay pag nagrereview. Bakit ba? Sayo ba tong store at bakit mo tinataboy yung customer mo?"

 

"Wala akong sinabi? Nagtatanong lang ako?" Depensa ko.

 

 

 

Umupo ako sa tabi ni Seulgi dahil wala na masyadong tao pag bandang alas-diyes na. Nilabas ko ang reviewer ko at sumabay ako sa ginagawa niya para pagdating sa dorm ay matutulog na lang ako diretso.

 

 

Hindi ko namalayang lumilipas pala ang bawat segundo. Ito ang unang beses na hindi ako nabagot kakahintay matapos ang oras ko sa trabaho. Tahimik lang kaming dalawa sa mga ginagawa namin, walang pangungusap, walang pag-uusap. Ugong lamang ng pridyeder sa likuran namin ang naririnig, ang bawat buklat ng pahina ng mga libro, at pagtaktak ng bolpen kapag nawawalan na ito ng tinta.

 

 

Nagsabay kaming umuwi nang gabing iyon dahil napagdesisyunan niyang ihatid ako. Di ko alam anong trip niya, pero hindi naman ako nagrereklamo. Delikado raw sa daan kapag gabi na. Nagsalita yung mas bata sa akin. Natawa naman ako ngunit lumambot din ang puso ko. Hindi naman pala siya ganoon katigas gaya nung unang araw na ipinakilala siya sa klase.

 

 

Ngayon, masasabi kong hindi ito ang unang beses na nakita ko si Seulgi pero ito ang unang beses na nakilala ko siya.

 

 

Salamat sa nanay ni Seulgi sa pag-alok ng meryenda sa akin nung hapong iyon, dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kaibigan. 

 

 

May rason na ako para masabik na bumangon tuwing umaga...

 

 

Ito lang siguro talaga ang hinihintay ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
889 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
889 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.