Saturdays Are For Pancakes

Sa Bulong At Mga Alaala

 

 

Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm sa bed side table. Inextend ko ang kamay ko para abutin at patayin ito, when I rolled over sa kabilang side ng higaan ay wala na ang katabi ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at tahimik na naglakad para sundan ang mabangong amoy na nanggagaling sa kitchen.

 

 

Hindi ko rin maintindihan paano ako umabot sa point na ito. Parang almost two months ago lang ay naghahanap ako ng sagot kung bakit galit na galit siya sa akin. We are not there yet pero we hold each other's hand, we whisper things at each other, she gives me her lovingly stares, we sometimes kiss and this...we sometimes sleep together. Maniwala man kayo o hindi. We just sleep together and I am suprisingly okay with it.

 

 

Tapos ngayon, nandito ako sa bahay niya at pinapanood siya na ipinagluluto ako ng pancakes. What a sight. Nahuli ko ang sarili kong nakangiti habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. She looks so happy. She's happy, right?

 

 

I cleared my throat when I noticed she was talking to someone over the phone.

 

 

"Gising na siya. I'll talk to you later. Hmm yep." Mahinang sabi nito pero narinig ko pa rin. Agad nitong ibinulsa ang phone niya.

 

 

"You're up, boss. How's your sleep?"  

 

 

"Great. What time did you wake up? Di mo ko ginising." I asked her at niyakap ko siya mula sa likod and it made her froze a bit. She giggled.

 

 

She looked at me over her shoulder at saka ngumiti. Damn, ito ang ngiting papatay sa akin talaga, lord. "Ang sarap kaya ng tulog mo. Ayaw na kitang istorbohin. isa pa, you looked tired."  Saka ito bumalik sa focus sa pagluluto.

 

 

"Take a seat, patapos na ako rito. Do you want coffee?" Tanong nito at umiling naman ako. "Juice is fine, miss Bae." 

 

 

So I took my seat and just continued to watch over her. 

 

 

"Wag mo 'ko masyadong titigan baka mahulog ka na sa akin niyan, boss." Natatawang sabi niya habang nilalapag sa mesa ang tig-isang plate na may fluffy pancakes.

 

 

"So? May sasalo naman eh. Why not?" Confident na sagot ko sa kanya. "I like this." dugtong ko then I reached for her face and caressed it for a bit.

 

 

"Hmm?" may pagtatanong sa tono nito habang sinisimulan na nitong kainin ang niluto niya. The pancakes look really soft. I should take a bite after I say this...

 

 

"Ito. Sleeping beside you and waking up next to you or waking up to the smell of pancakes na niluluto mo para sa 'kin. I-it just feels like...h-home to me." I said while playing with the tip of her hand on the table.

 

 

Tumango lang ito at ngumiti sa akin bago niya ibalik ang tingin niya sa pagkaing nasa harap niya. Baka nabigla siya sa sinabi ko kaya I just decided to shut up. 

 

 

I lifted my fork at itinusok ito sa fluffiest pancake na na-encounter ko sa buong buhay ko, I tried to play it a bit bago ko inilagay sa bibig ko. Then its taste caught me off-guard.

 

 

 

This...pancake...somehow tastes familiar. Yung fluffiness, yung taste and all. This isn't just a regular pancake mix. Meron itong secret recipe. I am certain.

 

"Irene, where'd you get this?" Nilapag ko yung tinidor sa plato ko at saka ako muling tumingin sa kanya.

 

"Yung?" She asked with a straight face.

 

"Etong pancakes. Saan mo nabili?" Tanong ko with a very confused tone. Sumubo ako ulit to familiarize the taste.

 

"I made it. Nakita mo naman diba? Bakit?" Tanong nito habang patuloy lang siya sa pagkain.

 

"Hmm. W-wala. Ang sarap kasi. Hehe."  Then I just continued to devour the first-ever food she made for me. I should brush off these uncertainties and focus on the present. 

 

This is what I wanted. This is what I asked my doctor. Right? Irene is more important than anyone else. 

 

 

 

-----

 

After that breakfast, I found the both of us na nagsasalitan na nakikitulog sa bahay ng isa't isa. We will have our dates, random midnight drives, and walks. Syempre kasama na doon ang make out sessions. Although you act professional kapag nasa office, we act like a cute couple naman kapag tayong dalawa lang or outstide work.

 

Hilig mong kumapit sa braso ko kapag naglalakad tayo, while gustong gusto ko naman everytime our hands intertwine.

 

At paborito nating pareho ang cuddle time. 

 

The thing is, nangyayari lang ang lahat ng ito kapag gusto mo...kasi ako anytime naman, gusto ko.

 

There will be times na lilipas ang ilang araw na hindi mo ako tatawagan or itetext. Tipong yung pagpansin mo sa akin, hanggang office lang. 

 

Hindi ko naman magawang magtanong kung ano ba tayo kasi ayaw kong matigil yung kung magandang nangyayari sa atin and I don't want to pressure you into something na hindi ka handang pag usapan.

 

Ang mahalaga, masaya ka.

 

Dahil masaya ako kapag masaya ka. 

 

At masaya ako kapag kasama kita.

 

Pero hindi ko alam kung bakit I have this urge to demand something more...

 

-----

 

Kumatok ako sa pinto ng office mo when I got your text telling me that you found a buyer para dun sa bahay. Akala ko we already called it off, tinuloy mo pa rin pala.

 

"Hey."  Pagbati mo the moment I opened the door.

 

"Hi." 

 

"The client wants to set up a meeting with you and with your co-owner. Is that okay?"

 

"Yeah, I think so," I said while nodding.

 

"Joohyun...Is everything fine? Are we okay?"  Tanong mo dahil sa matipid kong sagot sa 'yo. 

 

"Oo naman. Why? Did something happen?" Patay-malisya kong tanong. I've been waiting for you to ask me questions but you never did. Kaya eto ako, I keep on crossing and yet drawing the lines over and over. 

 

"Hmm, wala. I just noticed you've been hot and cold these past few days or weeks rather. Ilang beses mo na rin dinecline yung mga offer kong dinner dates lately."

 

"Pagod lang ako. Don't worry too much. Hmm? Do you wanna sleep over at my place sa Thursday? Anyway, tungkol sa bahay, i'll ask her to free up her schedule. Busy rin kasi yun." I said habang naka tayo lang ako sa harap ng desk mo maintaining a safe distance. From you.

 

"Alright. I'll let the client know. Take a rest, okay? Sabihan mo lang ako if you need me. I'll see you on Thursday."

 

"I will." Matipid na sagot ko at lumabas na rin ako agad ng office mo at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na tumakbo papunta sayo knowing how good you look on your suit today.

 

 

 

Hay. Kang Seulgi. I can't wait for you forever especially when you don't give me the explanations I need. Tinigilan na kita noon and I think it's best to remain that way.

 

 

Pero paano nga ba pigilan ang sarili na hindi tumakbo papalapit sayo kung palagi mo akong sinasalubong ng mga ngiti mo?

 

 

I can't love you again if won't let me know what the hell happened to you 12 years ago. I will not seek answers kasi utang mo sa akin iyon.

 

 

-----

 

"Psst. 'Nu meron?" bungad ni Joy kay Yeri at Wendy. Mukhang kararating lang ng opisina dahil bitbit pa nito ang bag at iced latte niya.

 

"Ang aga aga chismis?" sagot ni Yeri habang busy sa pag s-stapler ng mga bagong photocopy na kung anu-anong paperworks.

 

"Huh? Anong meron? Bakit?" Tanong naman ni Wendy pabalik sa tanong ni Joy sa kanila.

 

"Di nagpapansinan yung dalawa? Break na ba?" Pagpapatuloy ni Joy sa kanyang theories at breakfasts.

 

"Break na sila?! Putangina! Naging sila na?!" Pasigaw na sabi ni Wendy na agad namang napalingon sa mga taong nakarinig sa kanya. Sumenyas lang ito ng sorry at tinakpan ang bibig.

 

"Kung anong liit mo, siyang lakas ng boses mo!" Pagsaway ni Yeri.

 

"Nagsalita yung hindi bansot!" Pikon na sagot ni Wendy lalo nung nakita niyang nag "Bleh!" pa sa kanya si Yeri. Tinalikuran lang sila ni Yeri at pumunta na ito sa office ni Seulgi para ipasa ang mga reports. Naiwan silang dalawa ni Joy.

 

"Huy, Wendy. Anong balita sa best friend mo? May nabanggit ba?" 

 

"Tangina, di na nga nagkukwento sa akin yon tapos di mahagilap at di sumasagot sa mga tawag ko. Lagi pang lutang, di makausap nang maayos kasi panay bantay sa phone niya."

 

"Holy . Same symptoms sila ni Irene. Ano kayang ganap sa dalawang to.." Napahawak na lang si Joy sa sintido niya dahil tumama ang hinala niya. She knows she needs to talk to Yerim.

 

"Pero alam mo, as long as she's happy I'm okay with it." Wendy shrugged her shoulders.

 

"Pwes, kami ni Yeri hindi okay." Nag snap si Joy. Tumaas ang tono. Napalingon kay Wendy dahil di ito makapaniwala sa narinig.

 

"Huh? Why? They're both single, why make it complicated?"

 

"Basta!"

 

"Is there someone else?" Tanong ni Wendy sa kaharap niya na ngayon ay napapansin niyang nagiging tensed ang body language nito.

 

 

"Dami mong tanong. May trabaho pa ko!" Defensive na sagot ni Joy at nagmadali itong umalis sa harap ng xerox machine at tumakbo papunta sa cubicle niya. Naiwang confused si Wendy. Hindi alam kung anong iisipin dahil sa mga sinagot sa kanya ni Joy.

 

 

 

Is her best friend gonna get ed over? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
889 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
889 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.