Vivid Colors at Sunsets

Sa Bulong At Mga Alaala

  

 

Dalawang linggo na mula nung binago ni Seulgi ang routine ko sa trabaho. Mula nung araw na inannounce na siya na ang bago naming boss, nagsimula na akong maaga umuwi, at on time pumasok para lang mabawasan ang oras na pwede kaming magtagpo na dalawa.

 

 

I usually go to work an hour ahead of our scheduled shift at umuuwi ako madalas after a 3-hour overtime. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko ngayon dahil paglabas ko ng building ay meron pang araw, it's only 5 in the afternoon. How do I kill time?

 

 

Sa totoo lang, mas napapagod pa akong iwasan si Seulgi kaysa sa workload ko.

 

 

I realized na life was a lot better nung iniisip ko lang siya, hindi yung ganitong nakikita ko na siya. Kapag palihim ko siyang tinitignan habang busy siyang nagtatrabaho, halo-halo ang nararamdaman ko.

 

 

Natutuwa ako kasi her face didn't change one-bit pero at the same time I wanna punch her in the throat for some reason.

 

 

She's really getting on my nerves especially kapag randomly nagtatama ang paningin namin tapos ngingitian niya ako na parang walang nangyari.

 

Tapos bigla ka na lang tatambakan ng mga random na tasks everytime na aalis siya sa office every 2 pm. Hindi naman niya ako executive secretary?

 

 

What drugs is she on? She's so annoying. I rolled my eyes at that thought. 

 

 

 

Nakatayo ako ngayon sa harap ng counter ng favorite korean resto sa tapat ng office, trying to scan their menu for the nth time dahil wala akong maintindihan sa binabasa ko. 

 

 

"Teokbokki. 1 order for here, please." I handed over my card sa cashier.

 

 

"Pa-add sa tab niya, miss. 1 order din ng teokbokki. Thanks."  My head snapped na napalingon sa nagsalita mula sa likod ko. What the hell is she doing here?

 

 

Nandito na naman ang boss kong annoying, I should've gone straight home. Tangina naman. I should draft my resignation letter mamaya. 

 

 

"Ikaw boss dito, ikaw pa nagpalibre." Umirap ako sa kanya sabay kuha sa inaabot sa aking receipt.

 

 

"Serve na lang po namin, ma'am. Thank you." I smiled at the cashier at tinalikuran ko na itong isang asungot sa tabi ko at pumunta sa vacant seat na malapit sa window. Sumunod naman siya kung saan ako papunta at humatak ng vacant chair sa katabing table.

 

 

"Nagpabayad ka lang ng food mo, that doesn't mean na pwede tayong magsama sa iisang table."  She stopped at muling binalik ang chair sa pinanggalingang table at doon na siya umupo.

 

 

"Can I have the receipt?"   She asked and she's smiling right now pero di ko mabasa anong iniisip niya. Para talaga siyang gago? Ano ba tong taong to?

 

 

Inabot ko naman sa kanya while I was pretending to be busy scrolling through my phone.

 

 

"Ipapareimburse ko kasi."  Natawa niyang sabi. Then she puts the receipt sa wallet niya. Hindi ko na siya pinansin. Weirdo.

 

 

 

Dumating na ang order naming dalawa at weird na weird naman kaming tinignan nung waiter dahil iisa kami ng order receipt pero magkahiwalay kami ng table. Napailing na lang ito matapos ilapag ang two bowls of teokbokki sa magkatabing table. 

 

 

 

Tahimik lang kaming kumakain while looking at our view sa labas. Marami rami na ang tao dahil uwian na rin, you can hear the faint sound of horns mula sa mga sasakyan sa labas. Palubog na rin ang araw and the sky is now orange and pink-ish. 

 

 

 

"Orange and pink skies talaga pinaka-favorite ko eversince."   She blurted out kaya napalingon din ako sa kanya bigla.

 

She is smiling while looking at the skies kahit medyo nahaharangan ng building ang kanyang point of view.

 

 

 

"Me too."   It's my dumb mouth blabbing again. Nilingon niya ako kaya bigla akong bumalik ng tingin sa food ko at tinuloy ang pagkain. The awkward silence between us has now become so comforting.

 

 

Orange and pink. That was our color. Right. Right. She knows.

 

 

Binagalan ko ang pace ng pagkain ko nang makita kong patapos na siyang kumain. Inubos niya ang kanyang natitirang drink saka tumayo, looks like she's ready to go.

 

 

"Thank you for the food, miss Bae. Allow me to return the favor next time." Tumango lang ako while looking straight through the window, kunwaring pinapanood pa rin ang mga nangyayari sa labas at nakita ko ang reflection niya na dadaan sa likuran ko.

 

 

 

 

Napansin kong tumigil siya sa likod ko at sa hindi ko inaasahan, nakita ko na she was about to give me a head pat but I saw the hesitation in her eyes when she retreated her hand so she gave me a pat on the shoulder instead saka tuluyang lumabas ng resto.

 

 

 

 

 

 

 

14 years ago

 

 

Watching sunsets are my favorite thing to do. It gives me this warm feeling of hope, parang sinasabi nito na maging sa pagtatapos ng isang araw ay mayroong magandang bagay na naghihintay sayo. It will give you something to look forward to.

 

 

But watching sunsets with Seulgi makes it more special.

 

 

Para sa akin, ito ang aking mental journal or diary, na isang masayang araw na naman ang ibinigay sa aming dalawa. Palagi ko itong ibinubulong sa araw na I am always grateful for it. 

 

 

Kinuha ko ang dslr camera ni Seulgi mula sa bag niya at inayos ang settings nito. Nandito kami ngayon sa rooftop ng 8-stories girls dormitory na tinutuluyan ko doing our usual thing, ang manood ng sunset tuwing hapon, it's been a month since we started doing this. I mean, simula nang isama ko siya sa hobby ko.

 

 

"Hyun, kaka-transfer ko lang ng mga photos mo sa laptop ko. Puro skies lang laman nung folder. Wala ka ba talagang ibang photos doon?"  Tanong niya habang naglalakad papalapit dala ang isang can ng coke at nilapag niya ito sa tabi ko.

 

 

"Yes. What about it?"  Hindi ko siya nilingon at patuloy pa rin ako sa pag-take ng pictures. 

 

 

"Sobrang love mo talaga ang sunsets, no?"  Tanong nito at mabilis naman akong tumango habang patuloy pa rin sa ginagawa.

 

 

I had enough photos for today, inabot ko na sa kanya ang camera niya.

 

 

"Alam mo, Kang Seulgi. Magpasalamat ka pa dapat kasi ikaw lang ang niyaya kong manood ng sunset. This is my secret hideout kaya."  Inirapan ko siya at natawa naman siya sa ginawa ko. 

 

 

Tinapon ko sa trashbin yung pinag-inuman kong soda at bumalik ako muli sa pagkakaupo sa tabi niya. So close to the point na nagtama na ang dalawang balikat namin.

 

 

Humarap ako sa kanya sabay sabing, "Orange and pink skies talaga pinaka-favorite ko eversince."  then I gave her an eye smile.

 

 

A different smile reserved only for Kang Seulgi, as they say. 

 

 

In a span of few seconds, naramdaman kong lumapat ang labi niya sa akin. Did Seulgi just kiss me?! 

 

 

She moves away at binigyan ako ng head pats. Gosh, my favorite thing in the world. 

 

 

"Mula ngayon, orange and pink skies na rin ang favorite ko because it's our color..."  Inabot niya ang aking mga kamay, her hands are really soft and warm. Nagpatuloy siya, "and you are my orange and pink sky, Joohyun."  She said while giving me her bear smile. 

 

 

"Our color. Yes."  Napahawak ako sa pisngi ko bigla dahil naramdaman ko ang biglang pag-init nito.

 

 

 

I just got my first kiss from my first love.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

7:48 pm, present time:

 

Buti hindi ko dala ang kotse ko today, hindi ko naman inexpect na magiging distracted ako bigla. Hindi ko naman inanticipate na magkakaroon kami ng interaction na non-work related ngayong araw. Hindi ako ready, aaminin ko.

 

 

 

Believe it or not, I am doing my absolute best to stay away from Seulgi, dahil una, hindi ko magawang i-sort out ang nararamdaman ko at pangalawa, hindi ko alam kung kailan ako magiging hot and cold sa kanya.

 

 

Minsan okay lang sa aking kausap siya pero most of the time, gusto ko na isubsob yung mukha niya sa printer ng office.

 

 

 

And now that she gave me another thing na iisipin, hindi ko alam kung anong klaseng mental torture pa ba ang dadanasin ko sa mga susunod na araw. 

 

 

 

I decided to take a long way home. No shortcuts. Nag bus and train ako, naglakad ako kung kailangan. Hindi ako nagmadaling umuwi. I wanted to clear my mind. Walking really helps.

 

 

 

"Orange and pink skies were my favorite ever since, my . Linya ko yon, kupal."  I was not supposed to say it out loud at nagulat na lang ako nang mapansin kong nagtinginan na sa akin ang mga nakasabay ko sa daan. 

 

 

 

I fished my phone from my pocket and sent a text.

 

To: Joy, Yeri

   Saan kayo? Are you guys free tonight? Wanna have a drink?

 

From: Joy, Yeri

   Pauwi na kami.

  We can meet sa usual spot natin near your house. Lapit na kami.

 

To: Joy, Yeri

  Alright. I'm almost home na rin. Diretso na ako doon. Ingat kayo.

 

 

 

 

 

As I stand outside the usual spot naming tatlo, binati na ako ni kuyang bouncer dahil kilala na niya kami nila Joy and Yeri. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa akin ang napalakas na music, may special DJ raw tonight kaya iba ang set ngayong gabi. 

 

 

Hahakbang na sana ako papasok sa loob nang nanigas ako mula sa kinatatayuan ko. 

 

 

Nakita ko si Seulgi and a woman flirting with her, or the other way around? Sinubukan kong i-squint ang mata ko to have a clearer view dahil nanlalabo ang mata ko sa usok na nanggagaling sa loob. I hate this place kapag ganito ang event. 

 

 

Pero I hate it more dahil kitang kita ko kung paano nag slide ang kamay ni Seulgi sa bewang ng babaeng nakikipag harutan sa kanya. 

 

 

 

"I'll just use the bathroom, kuya. Labas din ako agad. Hintayin ko pa sila Joy and Yeri."  Palusot na sabi ko kay kuyang bouncer na hinayaan lang din akong pumasok sa loob. 

 

 

I am now on my way to the bar's washroom at nagulat si Seulgi sa nakita niya kaya't mabilis pa sa alas-kwatro niyang inalis ang kanyang kamay mula sa bewang ng babaeng kausap niya. I swear to god, nakita ko ang dating Seulgi na kilala ko na hindi marunong magtago ng kanyang mga kalokohan.

 

 

Hindi ko siya pinansin at dinaanan ko lang siya at nagpunta ako sa washroom. After 5 mins na pagtitig sa salamin, lumabas akong muli. Here she is, waiting for me. 

 

 

"Hi, what are you doing here?"  Bati niya, trying to gauge if I am pissed off or not. 

 

 

"Oh, nandito ka pala, boss. Hinihintay ko lang sila Joy, kaso may emergency raw kaya mauuna na rin ako."  I gave her a small smile. Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na rin ako agad ng bar. That's so ing suffocating. 

 

 

Are you trying to play with me, Seulgi? Sino ka ba talaga? Why are you back in my life? 

 

 

Nilabas kong muli ang phone ko at nag facetime kay Joy and Yeri. Sinabihan kong sa bahay na magkita dahil sumama ang tiyan ko along the way. Pumayag naman sila at sabi nila dadalhan na lang daw nila ako ng ramen.

 

 

 

Pumara na ako ng taxi para mas mabilis akong makauwi at maunahan ko pa rin yung dalawa sa bahay. Good thing, medyo matraffic daw sa nadaanan nila at marami pa akong oras to fix myself. Nakarating naman ako agad sa bahay.

 

 

Nandito ako sa cr ngayon, leaning on my sink, nakaharap lang sa salamin doing intrapersonal communication. Some would think I'm crazy pero to tell you guys, this is healthy. 

 

 

Bakit sa aming dalawa ni Seulgi ako lang ang palaging caught off guard? She doesn't seem to care at all after naming mag usap sa office niya 2 weeks ago. Parang walang nangyari. I asked myself. 

 

 

Think, Joohyun. Think. You had more than a decade para paghandaan ang araw na ito. Hindi ba dapat ikaw ang mas may upper hand sa situation na ito? 

 

 

Yes. Ako dapat. Hindi dapat ako ang umaastang guilty rito. Hindi dapat ako ang awkward na parang tuod sa aming dalawa. Ako dapat ang confident dito. 

 

 

 

The girl she was flirting with kanina. Is that her girlfriend?  God, Joohyun, inisip mo pa talaga yan? 

 

 

 

 

 

 

Narinig ko nang bumukas ang pintuan at dinig ko na ang boses nung dalawang bisita ko. 

 

 

"Hey! Nasaan ka? Nandito na kami."  Sigaw ni Joy mula sa labas. Inayos ko ang sarili ko at ayaw ko sanang ipahalata na may nangyari kanina.

 

 

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang dalawa and my first instinct was to run to hug them, na yun namang ikinagulat nila.

 

 

"We bought you ramen. Baka need mo."  Sabi ni Yeri, trying to break the thick silence na bumalot sa amin. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila when I realized what I did.

 

 

 

Hindi naman sila nagtanong kung bakit. I know they are waiting for me na ako ang unang magsabi. Pagtapos kong humigop ng sabaw at ibinaba ko ang chopsticks sa table, their body language is telling me na hinihintay nila akong mag open up dahil sabay silang umayos sa pagkakaupo at nag pay attention sa akin, expecting na may sasabihin ako.

 

 

 

Kaya itinuro ko ang painting sa pader kung saan naka pwesto ang sofa ko. Napalingon naman silang dalawa, looking confused sa gesture na ginawa ko.

 

 

"What about that old painting na ayaw mong pakawalan na sabi mo ay nakuha mo sa isang thrift shop?" Tanong ni Joy at hinampas naman siya ni Yeri sa sinabi niya at natawa.

 

 

"It was Seulgi's...She painted it." muli kong dinampot ang chopstick ko para sumubo ng noodles. It was supposed to be a good slurp nang bigla akong hampasin nila Joy at Yeri sa magkabilang balikat. I winced in pain dahil sa mga hampas nila.

 

 

"What the hell, Joohyun? That painting was sitting there since before you had your relationship with your ex. Ibig sabihin, while you were banging your ex nandyan na yan all this time. Ano bang iniisip mo? Nanonood si Seulgi sayo?! Gago ka ba?"  Sigaw ni Joy.

 

 

Tumuloy pa rin ako sa pagkain at hindi ako nagsalita until the last slurp. Maghintay sila, ako ang pinakapagod sa istoryang ito kaya ang tindi ng gutom ko.

 

 

"Orange and pink skies talaga pinaka-favorite ko eversince."  I said.

 

 

"Huh?"  Sabay na sabi nung dalawa.

 

 

"That's what she said sa akin kanina."  Ubos na ang energy ko to explain profoundly. 

 

 

"Di ko kayo ma-gets pareho ng first love mong weird. Ngayon alam ko na kung saan ka nagmana."  Sagot ni Joy at napakamot na lang ito ng ulo. Si Yeri naman ay nakita kong tahimik na naghihintay ng susunod kong sasabihin.

 

 

 

"Orange and pink skies talaga pinaka-favorite ko eversince. Yan din ang exact line na sabi ko sa kanya 14 years ago..."  Napabuntong hininga na lang din ako sa sinabi ko at sinundan din naman nila ang pag hinga ko nang malalim. 

 

 

"She knows you, unnie."  Sambit ni Yeri at sumang-ayon naman si Joy sa narealize nila. 

 

 

"At bago ako umuwi, nakita ko siya doon sa bar na pupuntahan natin dapat, she was flirting with someone else after niyang i-drop yang bomb na yan sa akin kanina."  Tumayo ako at naglakad papunta sa fridge para kumuha ng tubig at nagpatuloy sa pagsasalita, 

 

 

"Kaya I came up with the conclusion na, it was her own will na umalis sa buhay ko 12 years ago. Labing dalawang taon akong nagpaka-tangang umintindi sa mga posibleng rason niya. Tapos sa ganitong paraan lang pala niya ako bibigyan ng sagot. Hindi niya deserve ng acknowledgement ko from our past magmula ngayon." 

 

 

 

"Anong plano mo? Are you gonna resign?"  Tanong ni Joy.

 

 

"Resign? No. I will acknowledge her as our boss and my broker. Siya na si Kang Seulgi na nakilala ko lang few months back. Nothing else. Kung mabebenta niya ang bahay ko, good for me. Kung hindi, it's not a problem naman. I'll just keep the house, ibabalik ko na lang pera ni Soojung. Wala akong kilalang Seulgi from 16 years ago."  

 

 

 

 

 

 

"At kung gusto ni Seulgi ng ganitong laro, edi ibibigay ko sa kanya."  

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.