Knock Knock

Sa Bulong At Mga Alaala

 

 

"Wala pa si boss?" Tanong ni Wendy kay Yeri habang ibinababa ang kape at bag na dala sa desk niya.

 

"Wala pa. Tinext ko nga kung anong oras siya papasok kasi kailangan ko na ipacheck tong pubmats sa kanya para ma-post na today." 

 

"Psst, bata. Si Irene nasaan? Tinawagan ko di sumasagot." Tanong naman ni Joy na halos kadarating lang din kasunod ni Wendy.

 

"Hindi nagrereply." Matipid na sagot nito habang tutok pa rin sa mga nirerevise niyang materials.

 

Kinuha ni Wendy ang phone niya at sinubukang tawagan ang boss nila, nag attempt pang i-ring ulit nang di ito sumagot nung una. Naka-ilang tawag na siya pero wala ring sumasagot.

 

After 30 minutes, dumating na ang isa sa hinahanap nila. 

 

Bago pa man nila tanungin si Irene kung anong nangyari bakit ito na-late ay sumunod naman na dumating ang boss nila na may bitbit na limang drinks.

 

Bumati lang ito ng good morning sa kanila, nilapag ang mga drinks sa table ni Wendy at saka naglakad na papunta sa opisina nito. 

 

-----

 

"Traffic?" Tanong ni Yeri kay Irene na nagmamadaling nagse-set up ng kanyang station.

 

"Anong nangyari sayo?" Pahabol na tanong naman ni Joy kay Irene.

 

"Late ako nagising." Matipid na sagot nito sabay higop sa hot choco drink na bigay ng boss nila.

 

"Mukha nga. Di mo pa nga na-blower yang buhok mo eh." Pang asar na sagot ni Yeri sa kanya at nilingon naman niya ito nang mapansin niyang may iba sa tono nito. Nagtama ang mata nilang dalawa at naunang umiwas ng tingin si Irene sa kanya.

 

-----

 

"Traffic?" Tanong ni Wendy kay Seulgi na busy sa pags-stack ng mga papers sa desk niya. Tinitignan kung aling mga documents ang need ng urgency. 

 

"Uhm, sobra. May ginagawang kalsada kasi sa nadaanan ko." Matipid na sagot nito sa kaibigan. 

 

Nilapag ni Wendy sa desk ni Seulgi yung bagong set ng meds niya.

 

"Di ka ba inatake kahapon? Wala kang meds." 

 

Tumingin siya rito bago sumagot, "Inatake ako bago matulog pero di naman grabe. Thank you, Wan." Ngumiti lang siya para itago ang kaba na nararamdaman niya dahil pakiramdam niya ay hinuhuli lang sila ng mga ito.

 

"Late rin pala si Irene? Nagkasalubong lang kami sa elevator eh." Tanong nito bago humigop ng kape niya. 

 

"Akala nga namin nila Joy sabay kayo pumasok." Nagulat naman si Seulgi sa sinabi ng kaibigan kaya nasamid ito sa iniinom niyang kape.

 

"H-huh? Gago ka ba? Bakit kami magsasabay pumasok?" 

 

"Malay ko. Parehong basa pa buhok niyo eh." Natatawang sabi nito at tumawa naman din pakunwari si Seulgi at nararamdaman niyang kumakabog na ng malakas ang dibdib niya.

 

"Ulul, dami niyong theories. Magtrabaho ka na dun. Dami ko pang backlogs."  Sinimulan niya nang basahin ang mga reports at materials na dapat niyang iapprove. Sinusubukang umiwas sa interrogation na ginagawa ng kaibigan.

 

"May schedule ka kay doc mamaya. Wag mong kalimutan. 2 p.m" Pahabol ni Wendy bago tuluyang isara ang pinto.

 

-----

 

"Doc?" Gulat ni Wendy nang makita niya sa likuran niya si Yeri na nag-aabang pala sa labas ng office ni Seulgi dahil may kailangan siyang ipa-approve.

 

"H-huh?"

 

"Wala. Magpapapirma ako kay boss. Tabi ka nga dyan."  Pagsusungit kunwari ni Yeri kay Wendy.

 

"Sungit mo naman." Saka nag bleh ito sa kanya.

-----

 

"Good morning, boss. Pa-approve lang ng pub mats for this week." Inabot ni Yeri ang papers at napansin nito ang familiar na gamot sa table ni Seulgi.

 

Inabot ni Seulgi ang papers sa kausap, "Yeri, okay na tong materials mo pero need ko pa ng another set ha. Balik ka sa kin para macheck ko ulit."

 

"Okay, boss. No problem. Boss, galing ba kay Wendy yang gamot mo?" Tanong nito at glued pa rin ang kanyang mata sa meds sa table ni Seulgi.

 

"Yes, what about it?"

 

"May sakit ka ba?"

 

Nagulat si Seulgi sa seryosong tono ni Yeri kaya napatingin siya rito at tinago niya ang meds sa drawer niya.

 

"Hehe. Migraine. Alam mo naman." Ngumiti lang ito.

 

"Okay, okay." Sagot nito at nag bow na siya saka naglakad palabas ng office.

 

"Yerim?" Tawag ni Seulgi kaya lumingon sa kanya ang tinawag niya.

 

"Yes po?" 

 

She was about to say something pero umiling na lang ito at sinabing nakalimutan na niya ang sasabihin niya at lumabas na ng tuluyan si Yeri.

 

-----

 

"Joy, ano bang gusto mo? Bumalik ka na nga sa station mo. Ang sikip sikip na nga rito."  Pag mamakaawa ni Irene para umalis na sa tabi niya si Joy na bitbit na ang laptop sa desk ni Irene, occupying half of the space.

 

"Hindi. Gusto ko kasing malaman kung malamok ba sa bahay mo? Baka ma-dengue ka niyan, sis."  Pabulong na sabi nito. Lumingon lingon pa sa paligid para masiguradong walang nakakarinig sa kanila.

 

"Anong lamok pinagsasabi mo dyan! Malinis ang bahay ko no!" Inosenteng sagot nito sa kanya.

 

"Gaga, eh ano yang faint red mark sa leeg mo?!" 

 

"HUH?!" nagulat naman ito at mabilis na inabot ang salamin na nasa desk niya.

 

"A-ahh--ano yan. Kinamot ko kagabi di ko alam kung may nakain yata ako na allergic ako. Ang k-kati niya nga eh." Irene was trying to sound confident sa kwento niya pero konti na lang ay magsshake na ang boses niya.

 

"Ah. Mukhang makati nga siya, no?"  Sagot nito sa kanya. 

------

 

"Lunch na tara na." Pagyaya ni Wendy sa tatlong kasama niya.

 

"Kayo na lang muna. May tinatapos pa ako. Habulin ko lang to."  Sagot ni Irene na busy pa rin sa ginagawa.

 

"Tara, gutom na ako. Mamaya ko na gagawin tong pinapatapos ni boss sa akin." Tumayo na si Yeri at lumapit kay Joy para hilahin ito na sumama sa kanya. 

 

Hinayaan na nila si Irene dahil alam nilang di talaga sasama iyon kapag may hinahabol na deadline.

 

-----

 

Habang naghihintay ng order nila, nagkatitigan bigla sina Yeri, Joy and Wendy na para bang iisa lang ang tumatakbo sa utak nila.

 

"Sabihin mo nga, Wendy. May alam ka ba don sa dalawa?" Tanong ni Joy with her arms crossed.

 

"Nagtanong nga rin ako kay Seulgi kanina. traffic daw." Inosenteng sagot ni Wendy.

 

"Traffic sagot nila pareho tapos same rin na basa ang buhok pumasok. I'm not buying it." Natatawang sabi ni Joy.

 

"What do you guys think?" Tanong ni Yeri sa kanila na pabalik-balik ang tingin kay Wendy at Joy.

 

"Ewan ko. Yerms, may allergy ba sa Irene sa food?" 

 

"Wala naman sa pagkakaalala ko. Why?"

 

"Kita mo ba yung faint na red mark sa leeg niya? Allergy raw eh."

 

"Don't tell me--" Shocked na tanong ni Wendy.

 

"Could be pero imposible eh? Baka mamaya sa ex niya pala galing?" Sagot ni Joy kay Wendy.

 

"Hindi ba mas imposible na kay unnie galing?" Tanong ni Yeri.

 

"Diba, okay na sila? Nung nagkita sila over dinner last time?" Tumango tango naman si Yeri at cinonsider na ang possibility.

 

"W-wait? Unnie? Girl yung ex ni Irene?" gulat na tanong ni Wendy.

 

"Gago? Mukha bang straight si Irene?" Natatawang sabi ni Joy. Tawang tawa sa reaction ni Wendy.

 

"Medyo pero cinonfirm ko lang. Akala ko lang kasi guy yung ex niya. Sorry naman."  Napakamot ulo naman si Wendy. 

 

"So, anong balak natin dun sa dalawa?" Tanong ni Joy with a smirk on her face. Mukhang may pinaplot itong tatlo dun sa dalawa.

 

"Hmmm ewan pero bagay sila. Ship ko sila." Natutuwang sagot ni Wendy at nagkatinginan naman si Yeri at Joy.

 

-------

 

Habang busy si Wendy sa pagse-settle ng bill nila ay siniko ni Yeri si Joy saka bumulong.

 

"Naamoy ko kanina si Seulgi unnie, amoy shampoo ni Joohyun unnie. Kaya di ko siya pinapansin." Sabay diniinan ng kamay ni Yeri ang balikat ni Joy para hindi ito mag react masayado.

 

"Putangina masakit!" Sigaw na lang ng katabi nito.

 

-------

 

Seulgi heard faint knocks sa pinto at nakita niyang dahan-dahan itong bumukas. Surprised to see that it was Irene.

 

"Di ka pa gutom, boss?" Tanong ni Irene sa kanya. Humawak si Seulgi sa tyan niya at nag-pout. "Kanina pa siya kumukulo. She was waiting for you to feed her." 

 

Tumayo naman si Seulgi at lumakad papalapit sa glass wall to close the blinds.

 

"Kaka-lunch lang nila?" Tanong nito as she absently glances at her watch. Tumango lang si Irene.

 

Lumapit si Seulgi kay Irene para i-corner sa desk niya. Pinaupo niya ito sa lamesa and she slowly spread the legs of the latter para doon siya pumuwesto. 

 

Irene placed her hands on Seulgi's nape at mariin niya itong hinalikan. Which her boss gladly complied. 

 

"Akala ko hindi mo na ako hahalikan ulit eh?" Said Seulgi after breaking the kiss para kumuha ng hangin. 

 

Magkadikit pa rin ang noo nilang dalawa habang hinahapo na akala mo nag 5 km marathon. 

 

"I can kiss you all day." Nakangiting sabi ni Irene bago mag initiate ng another lip-lock session.


 

Maya maya pa ay tumunog ang alarm ng phone ni Irene indication na malapit nang matapos ang lunch break nung tatlo kaya bumitaw na siya kay Seulgi at inayos ang sarili. 

 

 

"Lunch tayo?" Asked Seulgi habang hawak ang kamay ni Irene at pinaglalaruan ang small fingers nito.

 

 

Pumayag naman ito kaya sabay silang lumabas ng office ni Seulgi at pumunta na diretso sa elevator.

 

 

At nagkagulatan naman silang lima pagkabukas ng elevator.

 

------

 

"Seatbelt mo. Kanina pa lumilipad yang utak mo."  Pagsita ni Wendy sa katabi niyang mukhang wala sa sarili. 

 

"Huh? Ah-- yes, sorry." Sagot lang ni Seulgi sa kanya na dali-daling nag seat belt at bumalik lang ulit ng tingin sa labas at sumasabay lang ang ulo sa beat na naririnig sa radyo ng kotse.

 

"What happened? Ang distracted mo lately. Not sure if it's a bad thing, though."

 

"Wala naman. Magaan lang ang mood ko these days. Why?"

 

"Hmm. I see. Buti naman."

 

Seulgi just gave her a quick nod at nakangiti pa ring nagbbounce ang ulo sabay sa beat ng tugtog.

 

"Sabay ba kayo ni Irene pumasok kanina?" And that question caught her attention. 

 

"Hindi nga. Nagsabay lang kami sa elevator." Sabi nito habang inaadjust ang aircon.

 

"Tangina, Seulgi ang lamig na nga!" Sabay hampas nito sa kamay ng kaibigan at inadjust pabalik sa high temp.

 

"Pero sabay kayong naglunch?"

 

"Oo, bakit?" Ngayon ay nagccheck na siya ng emails sa phone niya, trying her best not to look at her bestfriend sa takot na baka mahuli siya nito.

 

"Sabay kayong umuwi kagabi?"

 

"Hinatid ko sa kanila galing hospital. What's with these questions ba?"

 

"Wala naman. I'm just making sure na you're okay. That's all."

 

Ngumiti naman si Seulgi at humarap sa kaibigan na aambang iki-kiss niya sa cheeks. "Sweet naman ng bestfriend ko. Napaka-swerte ko naman." Pang aasar nito.

 

"Yuck, gago. Lumayo ka nga sa akin pag tayo nadisgrasya." Pag-iwas ni Wendy sa kaibigan.

 

"Yari ka sa doctor mo, di ka sumipot kahapon. Tinawagan ako nun, tinanong kung napano ka bakit di ka umattend ng session kahapon."

 

". Yun nga, late ko na naalala."

 

"Oo, you were dead worried kahapon eh. Iniwan mo nga pati trabaho mo."

 

"Kasalanan mo kaya. Kung sinalo mo sana yung sapatos edi sana ikaw yung naospital."

 

"Ano? Gago! Kung ako naospital hindi mo ko sasamahan?" Biglang lingon ng driver sa kanya.

 

"HINDI GAGO. MAY TRABAHO AKO EH." natatawang sagot ni Seulgi sa kaibigan na ngayon ay namumula na ang mukha sa inis.

 

"Mukhang ikaw yung tinamaan, Seulgi eh." 

 

"If that's how you conclude it, Seungwan. Then so be it." Nangingiting sabi nito at ngayon ay sumasabay na ulit ang pag bounce ng katawan sa kanta.

 

------

 

"Hi, Seulgi! Kumusta? I tried calling you yesterday pero di ka sumagot kaya si miss Wendy na lang tinawagan ko to check up on you."  Tanong nito habang sinesenyasan ang pasyente na umupo.

 

"Sorry, doc Krys, something came up kasi nawala rin talaga sa isip ko." Sabi ni Seulgi habang pinapanood lang ang doctor niya na nireready ang chart niya.

 

"I see. Pero kumusta ka? Any symptoms or changes ba? Improvement sa pag retrieve ng memories natin lately?"

 

"To be honest, doc. Wala masyado. Although, helpful yung gamot na prinescribe niyo sa akin. Kaso nalimutan kong i-take kahapon kaya medyo sumakit yung ulo ko pero nadaan naman siya sa OTC na gamot."  Sagot ni Seulgi habang tinatry pang irecall kung mga may mga nangyari pa ba na dapat niyang sabihin sa doctor niya.

 

"Doc...question?" Seulgi asked while fidgeting with her hands

 

"Hmm. Ano yun?" 

 

"Yung headaches and dreams ko lately medyo nawawala na siya." She paused a bit, "As long as I take my meds regularly." She said with a small smile on her lips.

 

"Hmm, okay continue..."

 

"Even though nasa paligid ko lang yung person na tinutukoy ko sa inyo na pinaghihinalaan kong nagtitrigger nito and lately nare-relax ako kapag nandyan siya."

 

"Hmm. And?" The doctor nodded.

 

"What if ayaw ko nang i-retrieve yung memories ko and gusto ko na lang mag go with the flow? Kung may maaalala ako, good. Pag wala, then it's fine."

 

Binaba ng doktor sa desk niya ang chart na hawak niya, "Are you sure? Akala ko ba you want to do this for yourself?" giving her full attention sa pasyente.

 

"Yes, doc, and I want to pursue my happiness." She nodded.

 

"Is that person filling the void na sinasabi mong meron ka all these years?" 

 

Seulgi chuckles, "Yes. Suddenly, I can feel that my heart is full. Hindi ko rin alam, honestly. I still want to know about my past di ko naman binitawan yung idea na yun pero ayaw kong mag dwell doon kasi baka mapabayaan ko yung taong nasa reality ko ngayon." she smiled.

 

 

 

Natapos ang session at napagkasunduan nila na Seulgi will have a final set of lab tests to make sure na wala itong magiging problema in the long run. Sinigurado rin ng doctor nito na babalik pa rin sa kanya si Seulgi at least once a month para ma-track pa rin ang progress nito and to see kung magkaroon man ng challenges ang patient sa pag cope.

 

She also made Seulgi sign some waivers tungkol sa mga napagkasunduan nila ngayon and advised na she can take the meds kapag sinusumpong na lang siya ng headache.

 

 


She's not sure if this is the right thing to do pero ang mahalaga para sa kanya ay ang ngayon at ang improvement sa treatment sa kanya ni Irene. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.