Inconvenience Store

Sa Bulong At Mga Alaala

 

"Seulgi? Hello? Earth to Seulgi?"  

 

I didn't realize na nag zone out na pala ako while I'm having 1 on 1 session with my neuro. Since that hospital incident a few weeks ago, inadvise na ako ng doctor ko to have a regular check-up with her.

 

 

This wasn't much of a big deal for me before but ever since I bumped into Joohyun sa labas ng convenience store 2 years ago, nagbago ang isip ko. I wanted to get better. I want to find the missing puzzle piece kung mayroon nga ba talaga.

 

 

Gusto ko nang malaman what really happened to me before at bakit sila ni Yeri ay kasama sa part na nakalimutan ko.  Kinukulit din ako araw araw ni Seungwan to diligently attend sa appointments ko, kaya siya na ang nagvolunteer na maghatid sa akin lagi sa doctor ko every 2 pm. 1 hour lang naman ito palagi so it's not much of a hassle na rin.

 

 

"Yes, doc. Sorry, I got distracted."  Halos patapos na ako sa scheduled neurological evaluation ko today. I was asked by my doctor to draw shapes, name objects, and follow written and verbal commands. She also asked me to try to recall kung hanggang saan ang mga naaalala ko.

 

 

I was asked to tell the same story I told her a few weeks back. Walang nagbago sa kwento ko, pero sadly, wala ring nadagdag. Napabuntong hininga ako out of frustration.

 

 

 

"Orange and pink skies are my favorite ever since."  Huh? I stopped for a second, hindi ko rin alam why I said that?

 

 

"Oh. Is it?"  my doctor asked. 

 

 

"No, doc. I mean, yes. No. Sorry, hindi ako sure, doc. I had this random dream kasi na bigla na lang sumulpot sa utak ko kahapon, may nagsabi raw sa akin niyan and na-adapt ko raw yung fondness niya over orange and pink skies."  Tuloy-tuloy na explanation ko. 

 

 

 

"At ang confusing kasi tumitigil ako sa ginagawa ko, paglalakad man yan or pagda-drive kapag nakakakita ako ng orange and pink skies. I never realized it until I had this dream."  Nakita ko kung paano attentively nagte-take notes ang doctor sa harapan ko. 

 

 

 

"It could be related to your past, Seulgi. This is a good sign na you're still having progress regardless of the years had passed, pwede pa rin natin siyang ma-repair. Whether it is big or small, progress pa rin yan kaya don't be too hard on yourself. Okay?"  I nodded at nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa sinabi ni doc today.  

 

 

 

"Yung headaches mo ba nama-manage nung meds na prinescribe ko sayo? Hindi naman natin kailangan itaas ang dose or something?"  Tumango lang ako ulit sa kanya. 

 

 

 

Natapos na ang quick session namin today, we said our good byes at nagbilin pa siya ng mga dos and don'ts bago niya ako dinismiss nang tuluyan.

 

Ready na akong bumalik sa office kaya't tinawagan ko na si Seungwan and sabi niya nasa pantry lang daw siya ng hospital at bababa na rin siya sa basement para kunin ang kotse.


 

We're just a 10-minute drive from the office so hindi naman kami gano'n nagwoworry na matagal na mawala sa trabaho besides, nagpaalam rin naman ako sa management and pumayag naman sila since medical naman ang excuse ko. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2 weeks ago

 

Nagising ako trying to figure out kung nasaan ako ngayon, nakakasilaw ang puting ilaw sa paligid ko and when I tried to look around nakita ko naman si Wendy talking to a doctor. What happened? Bakit ako naka-IV drip ngayon? My head feels heavy pero mas bearable na siya ngayon compared kanina. 

 

 

Lumapit si Wendy alongwith my doctor.  "Hey, Seul. Are you okay now?"  Tanong ni Wendy at kita mo ang pag-aalala dahil kanina pa hindi mapakali ang kamay niya. 

 

 

"Hello, can you tell me your full name and birthday?" The doctor asked. 

 

 

"Kang Seulgi. February 10, 1994."  I responded immediately and heard Seungwan let out the loudest sign of relief. She really is my best friend.

 

 

"Okay, very good, Seulgi. So, I just want to confirm some information with you para ma-cross check ang info na binigay sa akin kanina ng iyong friend. Alright?"  Tumango ako nang mabilis as a sign na handa akong makipagcooperate. 

 

 

"You passed out kanina because of a severe headache, tama?" I answered 'yes'. 

 

 

"Were you stressed lately? May changes ba sa life or routine mo recently or any head trauma few days bago nangyari ito?"  

 

 

"Medyo stressed lang, doc, dahil din siguro sa changes sa routine ko rin 'to and wala naman akong head trauma few weeks ago but I don't know kung makakatulong 'tong information na 'to pero I got into an accident more than a decade ago."  I am giving out all the information na maaaring makatulong sa akin at kay doc para ma-figure out kung ano ba talaga ang sagot dito.

 

 

"Doc, to tell you honestly, I think I still have an amnesia."  Bakit mukhang hindi nagulat si doc sa sinabi ko. Malamang kasi doctor siya and she knows everything?  

 

 

"I was about to tell you that, Seulgi. We did some tests while you were still out and we detected something sa MRI test na cinonduct kanina. So, thank you for being so cooperative. Extreme headaches are one of the symptoms. Are you having weird dreams lately or parang deja vu or something?"  Sa sobrang immersed ko sa mga sinasabi ng doctor ko ay mula sa pagkakahiga ay bigla akong napaupo sa bed dahil ready na ako para sa discussion na ito.

 

 

"Yes, doc. Ang naaalala ko lang po ay, I got into a car accident 12 years ago and then I stayed in the hospital for a month. These are just information na nakuha ko na lang sa parents ko when they explained everything to me when we moved to a different country pagkalabas ko ng hospital, doon ko tinuloy ang recovery ko from my accident. Naaalala ko lahat mula childhood until high school, nawala lang yung memories ko sa college. My parents told me na wala naman daw akong friends sa college that's why hindi na rin ako nag-usisa and sabi nila na it's best to just move forward."   I can see my doctor is still listening at paminsan minsan ay nagttake notes ng sinasabi ko.

 

 

 

"I used to have these headaches and all lalo na nung umpisa pero gradually nawala rin naman at manageable naman siya then, tinuloy ko yung studies ko abroad but when I got back here 2 years ago, I started having this weird dream. May distinct na boses ng tao raw akong naririnig na tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko alam ang mukha niya...then one night, I was out with my friend, Wendy, when I bumped into this girl and she called my name na kung paano ko naririnig yon sa mga panaginip ko."  I didn't notice that tears are starting to fall from my eyes, lumapit na lang si Wendy sa akin offering her handkerchief.

 

 

 

"Sorry, doc, I don't know what's happening to me..." Napailing na lang ako at naramdaman kong binigyan ako ni Wendy sa pats sa likod telling me that it's okay, kaya nagpatuloy ako...

 

 

"Going back, noong gabing yon, doon po nag start yung extreme headaches ko to the point na na-hospitalized din ako. Although, pangalawang beses ko pa lang naman 'to, doc. Yung mga headaches ko from time to time eh manageable naman po siya. I am not really sure if she has something to do with this pero magkasama na kasi kami sa iisang work ngayon so I am not really sure po talaga kung anong nangyayari."   I ended my explanation at napayuko na lang out of frustration.

 

 

 

"It's fine, Seulgi...This is possible retrograde amnesia, wherein you cannot recall memories onset of amnesia. I know this may be frustrating lalo kapag we can feel that there's something wrong but we cannot pinpoint kung alin. That's why I am here to help you out. Mukhang long overdue na nga itong case mo e. On the brighter side, it's a good thing na you are getting these headaches. Alam mo kung bakit?"  Sabay kaming napatingala ni Wendy kay doc.

 

 

 

"Kasi it means your memories might come back. Ayaw kitang paasahin, ha, walang guarantee na 100% ay babalik ito pero at least we can see its progress, right? May mga sumusulpot na pieces of memories sayo, diba." We get her now. We both nodded para mag agree kay doc.

 

 

 

The discussion ended and I feel relieved sa diagnosis ni doc. Sobrang ironic nung relief, right? She just advised me to come here sa hospital for a regular check-up, kailangan ko pa raw ng mga tests or neurological evaluations at maaaring mag undergo pa ako ng psychotherapy for this. Overwhelmed na ako sa nangyayari pero I believe na this is for the best.

 

 

 

I cannot ask my parents about this because we are not on good terms nang magpumilit akong bumalik ng Pinas. Ayaw nilang i-open up na ulit ang topic na ito dahil best daw na naka-move forward na lahat.

 

 

 

All those years, pakiramdam ko ay may kulang sa akin at hindi ko mahanap kung ano. I was never happy. Parang may void sa puso ko na hindi mapunan ng kahit ano. Hindi ko makuha ang sagot sa Finland kaya I decided to come back here and it looks like I will be getting all the answers.

 

 

 

 

 

 

 

"Hey, Seul. You okay?"  Tanong ni Wendy habang focused sa pagddrive.

 

 

"Ha? Yeah, I'm good. May iniisip lang, Wan."  Sagot ko habang nakatingin lang sa mga taong busy na naglalakad sa sidewalk.

 

 

"How's your check-up today?" May progress ba?"  She asked.

 

 

"Seungwan, nung nasa Finland ba tayo napapansin mo ba anong ginagawa ko tuwing maganda ang langit?"  Napalingon siya probably because of my weird question pero agad din siyang bumalik ng tingin sa kalsada dahil nag-green na ulit ang stoplight. 

 

 

"Hmm...yeah, what about it? Aren't you aware na you like sunsets because of the color of the sky? Whenever the sky is orange or pink sobrang fascinated ka. Why?"  

 

"I wasn't aware, Wan. Did I ever say it out loud na gusto ko yon?"  Humarap na ako sa kanya ngayon. 

 

"Hindi mo siya nasabi ever. Maybe it was just your subconscious telling you to stop sa kung anumang ginagawa mo just to watch the sky whenever it's pretty. Why? Connected ba to sa sinabi ng doctor sayo?"  I nodded. 

 

 

"Nagulat kasi ako, randomly ko lang tong nasabi kay Joohyun kahapon while we were eating sa resto sa tapat ng office."  Wendy made a full stop dahil sa gulat sa narinig niya.

 

"You guys talked?!" pasigaw na tanong niya and I mouthed an "uh-huh" 

 

 

"Nagkataon lang na kumakain siya doon kahapon so tumabi ako sa kabilang table then ayun, nakita ko yung ganda ng langit kahapon that's why I said "Orange and pink skies talaga favorite ko ever since." Tapos nakita ko medyo nag-stiff siya sooo...ewan nag ooverthink lang siguro ako? Bakit ko nasabi yon eh hindi nga aware?"  Napapakamot na lang ako ng ulo ngayon sa mga sinasabi ko.

 

 

"Woah woah, wait wait...You think it has something to do with her, right? Ayun din unang pumasok sa isip ko when you said that..." Gulat na gulat na sabi ni Wendy. She has this stupid grin right now dahil feel na feel niyang may nasosolve siyang mystery.

 

 

"I wanna punch you in the face, Wendy. Hindi mo ako experiment."  I rolled my eyes at her at natawa naman siya sa sinabi ko. 

 

 

 

 

Mabilis lang kaming nakabalik ng office dahil 45 minutes lang ang check-up ko today. Maaga-aga and may time pa ako na habulin ang backlogs ko. I'll just extend another hour mamaya just in case.

 

 

Pagpasok namin ni Wendy ay bumungad sa amin sila Joy, Joohyun and Yeri na nakatingin sa amin at bigla silang nag-kalasan nang makita nila kami. 

 

 

"Yes, ladies? Napano kayo? Parang nakakita kayo ng multo ah." Bati ni Wendy sa kanila at bumalik na siya sa desk niya to continue her work at ako naman ay dire-diretso lang na naglakad papunta sa office ko.

 

I just gave them a smile nung binati nila ako. Except Joohyun, bakit naman nga ba niya ako babatiin diba eh napaka-init ng dugo niya sa akin. Inano ko ba siya? 

 

 

Busy pa rin ako sa paghahanap ng buyer ng bahay na binebenta niya kahit sinabi na niyang pwede ko na iyong idrop. I am still willing to help her out kahit na baka ito na rin ang last na commission ko from being a broker dahil nag decide na ako to have a full time job.

 

 

Nagkataon lang na pagiging real estate broker ang nakuha kong part-time pagbalik dito na hindi ako matatali sa 8-5 office work kaya I only did part-times. I am too distracted to commit sa full-time job at alam ko naman sa sarili ko iyon. 

 

 

 

May mga clients naman na akong nakakausap pero hindi pa kami umaabot sa stage na willing na silang ipa-inspection yung house kaya hindi pa ako masyadong nagr-reach out kay Joohyun. Hanggat hindi niya sinasabing mag-stop ako, hindi ko ida-drop itong contract namin. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Psst." Tawag ni Joy kay Wendy, habang busy ito sa ginagawa niya sa work laptop niya. 

 

 

"Hmm? Yes, pretty girl?"  Tanong ni Wendy kay Joy habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa.

 

 

"Saan na naman kayo galing ni boss. May meeting na naman siya?"  Pag-uusisa ni Joy. 

 

 

"Sino bang crush mo? Ako o si boss? Bakit lagi mo kaming hinahanap pag aalis kami?"  Pang-asar na tanong ni Wendy kay Joy at tuluyan na itong humarap sa kumakausap sa kanya. Napaatras naman si Joy nang magulat siya dahil sobrang lapit ng mukha ni Wendy sa kanya. 

 

 

"Straight ako, gago! asa ka naman!"  Sagot niya sabay hampas sa braso ng kausap. She blinked rapidly nang ma-caught off guard sa tanong ni Wendy. 

 

 

Natawa nang malakas si Wendy kaya napalingon naman sa kanya ang ibang kasama nila sa office kaya napa-bow na lang ito to apologize for interrupting the silence.

 

 

"Chill! Di ka naman mabiro. Alam mo kapag nagugulat sa ganyang tanong ibig sabihin may chance pang ma-bend." Mahinang tawa ni Wendy na siya namang kinainis na ni Joy kaya tumalikod na ito at aatras na sana ang swivel chair niya pabalik sa cubicle niya nang bigla itong pigilan ni Wendy at ngayon ay mas malapit na silang dalawa sa isa't-isa kesa kanina.

 

 

"Sorry na. May appointment lang si boss and kailangan ko siyang samahan talaga."  Wendy said with an eye smile that made Joy gulp twice. Hindi na niya pinansin si Wendy at bumalik na lang siya sa ginagawa niyang reports. 

 

 

 

 

 

Sorry, Joy, as much as I like you hindi ko pwedeng i-share sa iba ang top secret ng best friend ko. Wendy let out a deep sigh at her thoughts.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I heard some faint knocks on my door at nakita ko si Joohyun nang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Marahan din niya itong isinara pagkapasok sa opisina ko.

 

 

I smiled and asked her kung anong kailangan niya. Lumakad lang ito papunta sa desk ko at inilapag ang isang order ng coffee sa table ko.

 

 

"I bought coffee for the team. Hindi ko alam anong preferred mo so kung ano na lang din ang order ko, yun na lang din sayo for now." She said. Wow, nirerecognize na ba niya ang existence ko ngayon?  

 

 

"Oh, it's fine. Kahit ano naman okay lang. Thank you, ms. Bae. I appreciate it."  Alam niyo ba yung what is going on inside her head na meme. Iyon lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Head empty. 

 

 

Nakatayo lang siya sa harapan ko, sobrang ibang-iba ang aura at pakikisama niya today unlike nung una kaming nagkita. Something is off. Right? Right, Seulgi? 

 

 

"Do--" I started pero napatigil ako nang magsalita rin siya.

 

"I just--" She said pero napatigil din ito dahil nagkasabay kaming may sasabihin. I let out a soft giggle that made her smile as well. Okay, okay, Seulgi. Today is a good day for you, I guess?

 

 

"Sorry, you were saying? You go first." Sabi ko na lang dahil nakalimutan ko na rin yung sasabihin ko kasi naeexcite ako na kinakausap niya ako ngayon. What the , Seulgi? Get a hold of yourself! 

 

 

 

"I-I just want to apologize for the cold treatment ko sayo. That's it."  Sabi niya while fidgeting her hands. You guys don't know how cute she is right now. Wait, what?

 

Sorry, I didn't mean to say that. I mean? Is she cute? What do you call these feelings? Is this what they call attraction? I've never been attracted before. Uhm wait.

 

 

 

"Kalimutan na natin yun, ms. Bae."  Napatingin naman siya sa sinabi ko, looking so confused na di ko rin alam kung bakit. Did I say something wrong? 

 

 

 

"Kalimutan?"  Why is she looking at me na parang gusto niya akong patayin ngayon? Huh? Why did she suddenly smile? 

 

 

 

"Yes, you were apologizing kanina diba sa cold treatment mo. Apology accepted. Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob, ms. Bae."  I said. She's whispering something to herself pero di ko na marinig because of the distance between us. 

 

 

"Right, right. Sorry ulit, boss. I hope we get along well."  Then she offered her hand for a handshake which I gladly accepted. 

 

 

"Likewise, Ms. Bae."  I said as I shook her hands

 

 

"Joohyun. Just call me by my first name gaya ng ginagawa mo sa iba."  She smiled. Lordt, what is this? Bakit parang may mga butterflies sa tiyan ko. Kinikilig ako ang lambot ng kamay niya. Please please. 

 

 

 

 

 

"I do, Joohyun-- I mean. I will."  Natawa siya sa narinig niya. Mukha ba akong nagjo-joke?

 

 

"Thank you. I'll go ahead. Dineliver ko lang talaga coffee mo for a peace offering."  Ngumiti lang siya at umalis na. My god, even her back side is pretty.

 

 

 

Author, kung sino ka man, kung isa man itong AU sana h'wag mo naman akong masyadong pagmukhaing gago over this beautiful woman. Gawin mo akong maangas kahit si mama mary pa itong kaharap ko.

 

 

 

 

 

 

 

It's almost 5:00 pm at mag-uuwian na kaya nagdecide ako to buy more time para makasama si Joohyun at pinuntahan ko ang team to announce something.


 

"Hi, guys. I hope you are all free tonight. Let's have a team dinner. Dapat last week pa natin to ginawa pero since marami tayong tinapos na pubmats and reports kaya hindi natin ito naharap. My treat. Wala munang mag o-OT tonight, okay?"  They are all cheering right now at sobrang excited for the dinner.

 

 

"Akala ko makunat kang boss, eh."  Sabi ni Yeri at nagtawanan naman ang lahat. 

 

 

"Sorry na, Yeri. I have it planned naman na talaga last week pa, wala lang talaga tayong time. Ayaw kong isipin niyong kuripot akong boss, no. Kaya get ready na malapit na mag 5."  I said lightly.

 

 

"Saan tayo today, boss?"  Sabay na tanong nila Wendy at Joy. 

 

 

"We can go for korean BBQ and beer na lang. Doon ako mabilis nakakuha ng reservation eh."  Nagpalakpakan naman sila ngayon because of their excitement. 

 

 

 

 

 

 

Papunta na kami lahat sa parking sa basement ngayon to get my car. Yun na lang ang gagamitin namin para hindi na maghintayan. I'll let Wendy drive dahil kabado pa rin daw siya sa sudden attacks ko.

 

"Car mo to, boss. Bakit hindi ikaw ang magddrive? Marunong ba talagang mag-drive tong si Wendy?"  Pagturo ni Joy kay Wendy.

 

 

"Excuse me?"  Sagot ni Wendy


 

"Oh sige, daan ka na. Excuse me pala eh."  Pang-aasar ni Joy sa kanya at siya namang binantaan ng hampas ni Wendy.

 

 

"Marunong akong mag-drive, Joy. I can also drive you crazy. Gusto mo ma-try?"  Rebut ni Wendy na siyang nagpatahimik kay Joy.

 

 

Natawa naman kami nina Yeri at Joohyun sa itsura nilang dalawa, parang aso't pusa. Mula nang pumasok ako rito ganyan na lagi ang eksena nila.

 

 

"Yes, siya talaga pinagda-drive ko kasi tinatamad ako eh. Yan ang bayad niya sa libreng ride." Palusot ko na lang dahil napansin ko sa peripheral vision ko si Joohyun at mukhang naghihintay ng sagot ko.

 

 

 


 

I am just observing them, hindi ako umiinom ng beer dahil nagme-meds pa rin ako ngayon, kaya nag-soda lang ako. Masaya lang kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan and most of the time pinapanood lang naming mag banter sina Joy and Wendy. 

 

 

Kaya kaming tatlo nila Joohyun at Yeri ay nagdecide na i-ship ang dalawa. Straight daw si Joy and si Wendy, mukhang hindi naman niya type si Joy, kaya wala naman sigurong kaso kung aasarin namin sila. 

 

 

Binabantayan ko lang sila dahil habang lumalalim ang gabi ay napaparami na rin ang naiinom nilang soju+beer. Maging ang mga usapan namin ay nagiging random na.

 

 

When was the last time I felt genuine happiness? Bakit parang ngayon lang. These people are new to my life pero sobrang gaan ng pakiramdam ko kasama sila. Sina Yeri and Joohyun, I mean, di ko naman sila fully kilala.


 

I may have known them from my past pero since wala akong ma-recall ay parang bago na sa akin ang lahat. Ang meron lang ako right now ay sense of familiarity sa kanilang dalawa.

 

 

The girls are getting noisier na. Even Joohyun keeps on singing ng kung anu-ano sa karaoke and si Yeri lahat na yata ng bote nabasa niya na ang labels. 

 

After kumanta ni Joohyun ay lumapit siya sa akin to hand over the mic. Pinapakanta niya ako? What the hell?

 

 

"Sing for me, Seulgi-yah."  Oh god, napaka-soft ng boses. Sabi niya habang inaabot ang mic ay kita kong pupungay-pungay na ang kanyang mata. She keeps on smiling at pilit na inaabot ang mic sa akin na ayaw kong tanggapin. 

 

 

Lahat sila ay sumisigaw na para kunin ko ang microphone, pinapanood na pala nila kaming dalawa and pinipilit nila akong kantahin yung piniling kanta ni Joohyun.

 

 

Burnout- Sugarfree. Hmm interesting. I like this song.

 

Oh 'wag kang tumingin
Ng ganyan sa 'kin
'Wag mo akong kulitin
'Wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo
Ako rin ay nagbago
'Di na tayo katulad ng dati
Kay bilis ng sandali

Oh, kay tagal din kitang minahal
Oh, kay tagal din kitang minahal

 

 

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapanood ang bawat galaw niya, she looks tipsy na dahil pagewang-gewang na ang lakad nito. Hinahanap niya yung upuan niya. 

 

Kung iisipin mo
'Di naman dati ganito
Teka muna, teka lang
Kailan tayo nailang?

Kung iisipin mo
'Di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay
Pati tayo, natangay

 

 

Okay, I can see her staring back at me and not breaking the eye contact na binabalik ko sa kanya ngayon. What are you thinking right now, Hyun? Kinikilala mo rin ba ako tulad ng kung paano kita kinikilala?


 

I want to know you first, sino ka ba talaga sa nakaraan ko? Bago ako tuluyang magpakilala sa iyo. Kitang kita ko sa mga mata mo na marami kang tanong. Ganon din ako sa'yo.
 

 

Just give me time to figure this out, please. Alam kong there's something big behind this. Nararamdaman ko kaya please bear with me for a bit.

 

 

Tears are forming in her eyes and she's trying not to show it. Tila para ba nababasa niya ang nasa utak ko. She blinked rapidly. Kitang kita ko yun, Joohyun. Nakikita kita.

 

 

Oh, kay tagal din kitang minahal
Oh, kay tagal din kitang minahal

Tinatawag kita
Sinusuyo kita
'Di mo man marinig
'Di mo man madama

Oh, kay tagal din kitang mamahalin
Oh, kay tagal din kitang mamahalin

 

 

The song is about to end at nakita kong sumandal na siya kay Yeri. Mukhang nakatulog na siya sa dami ba naman ng nainom niya kanina.
 

 

I remember the first time I saw her sa labas ng convenience store at ganto rin ang itsura niya. Nakakatakot itong babaeng 'to, pwedeng pwede tong makuha ng mga kidnappers dahil patulog-tulog kung saan.

 

 

 

I decided to take them home para makapagpahinga na ang lahat. Hindi ko alam kung saan sila iuuwi at bahay lang ni Joohyun ang alam ko. Kaya doon ko sila hinatid lahat. Even Wendy. Wala akong balak iuwi siya, ang sakit na ng katawan ko kaya doon na rin siya matulog.

 

 

When I reached her house, nag park lang ako sa tapat ng bahay niya at siya ang una kong inilabas ng sasakyan dahil nasa kanyang code ng pinto niya.

 

 

Tulog na siya kaya at hindi siya magising gising kahit anong gawin ko kaya wala akong choice but to piggyback her.

 

 

 

Nagulat naman ako nang magising si Yeri at biglang sumigaw sa back seat ng "1029" at biglang bumalik sa pagtulog. 

 

 

 

Oh. Is that her passcode? 

 

 

 

Nang subukan ko ay gumana naman kaya agad kong binuksan ang ilaw ng bahay niya at dumiretso sa kwarto niya para i-ayos siya sa bed niya. 

 

 

I went out para kunin yung iba. 

 

 

Itinabi ko na si Yeri sa kanya. Sila Joy and Wendy naman ay nilagay ko na sa isang room niya, mukhang may guest room naman siya sa bahay niya. I made sure na comfortable na silang apat sa pagkakatulog nila, sinet ko na aircon sa comfortable temperature at nagdecide na rin akong umuwi. Bahala na sila bukas paggising. 

 

 

I was about to turn the lights off para sana makauwi na, nang mapansin ko ang isang painting sa sala niya. Mukhang luma na ito kung titignan mo. Ang ganda ng painting na ito. 


 

Nag stand out ito sa paningin ko dahil lahat ng nasa bahay niya ay modernized, the interior design, ang furnitures, ang ceiling, floor and maging paint na ginamit. Itong painting lang ang naiiba sa kanila dahil sa pagkaluma.

 

 


 

It's a sea of clouds, painted orange and pink by the setting sun.  

 

 

 

Umalis na ako. I locked the door at nag drive pauwi with Burnout by Sugarfree playing on my car.

 

 

 

Oh, kay tagal din kitang mamahalin..

 


 

 

 

She likes orange and pink skies, too. 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.