Do I Know You?

Sa Bulong At Mga Alaala

 

I'm returning to work after a week of rest, for sure tambak na naman ang workload na daratnan ko sa desk ko but I don't mind dahil mas kailangan ko ng distraction sa mga panahong 'to.

 

It's been days simula nung nagkita kami ni Seulgi or should I say, niyaya ako ni Seulgi na lumabas para mag dinner.

 

It was still awkward for me na kausapin at makasama siya sa iisang space and i'm glad na hindi siya pushy na tao and didn't ask any questions or raised any topics na maaaring maging uncomfortable ako, except her staring at me the whole time na magkasama kami wala naman kaming ibang pinag-usapan kundi yung contract para sa bahay. 

 

 

I'm on my way now to the office pero dahil coding ang kotse ko today I decided to ride the train and there I saw a familiar figure pero hindi ako ganun kasigurado kasi why would I see her here, diba?

 

Ilang daang tao ba ang sumasakay sa tren nang ganitong rush hour para magtagpo pa kami. I don't even know kung saan ba siya naka-stay.

 

Hindi niya ako nakita, kaya minamasdan ko lang siya hanggang sa pababa na ako. I was so shocked to see na iisa kami ng stop. Umiwas na ako ng dadaanang exit at sumabay na lang ako sa daloy ng tao palabas.

 

Hindi naman ako nagmamadali kaya dumaan muna ako sa cafe to get my hot chocolate and took my time to walk hanggang makarating sa opisina. 

 

 

Bumukas ang elevator at nanlaki ang mata ko sa nakita ko..

 

It was Wendy and Seulgi.

 

Damn, Seulgi, why do you have to look this good? Bigla na namang nag malfunction ang utak ko nang makita ko siya at nakatitig lang siya sa akin.

 

 

"Good morning, Irene! Akyat ka na?" Tanong ni Wendy, doon lang ako bumalik sa sarili ko. I just smiled. Pumasok na ako, umatras sila pareho to give me some space kaya sa harapan nila ako pumwesto.

 

When we reached the higher floors, dumadami na nang dumadami ang tao at unti unti na kaming nasisiksik, causing me to take a step backward-- closer to her. Hindi pa ako nakaharap sa kanya pero humahalimuyak na sa ilong ko ang perfume niya. She smells so good. You're so good at making my brain malfunction, Seulgi. 

 

Bumukas muli ang elevator at dito na napuno na ng tao ang lift na sinasakyan namin, nararamdaman ko na ang likod ko sa front body niya.

 

Napansin niya na nagiging uncomfortable na ako sa dami ng tao kaya siguro ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa shoulders ko causing me to calm down. When we reached the pantry on the 7th floor, doon na nagbabaan ang mga tao at nakahinga na ako nang maluwag. 

 

Bakit feeling ko 24 hours long itong elevator ride na to? 

 

 

Sa wakas ay nasa 8th floor na kami, humarap ako sa kanilang dalawa para mag bow at nauna na akong lumabas.

 

 

Nagmamadali akong nag set up ng desk ko at ibinagsak ko ang katawan ko sa swivel chair ko nang lumapit bigla si Joy and Yeri.

 

 

"Welcome back, Irene! How's the bakasyon grande?" Bati nilang dalawa sa akin.

 

"Wag niyo akong simulan, hindi ko alam kung pelikula ba tong buhay ko." Nakatulala ko lang na sagot sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at nagtataka bakit bad mood ako dahil kanina lang ay maganda pa ang gising ko nung tinawagan nila ako. 

 

 

 

 

 

"Baka naman binisita lang niya si Wendy kasi bffs kamo sila diba?"  Pag reason out ni Joy at tumango-tango naman si Yeri.

 

Maya-maya pa ay sabay pumasok sa office yung boss namin with Wendy and Seulgi dahilan para magtinginan kaming tatlo nina Joy at Yeri. Ang aga pa pero sobrang confusing na ng mga nangyayari sa akin considering na first day ko ulit sa office matapos ang mahabang bakasyon. Naubos lahat ng lakas ng loob na inipon ko throughout the week.

 

Sumenyas ang boss namin na pumasok kaming lahat sa conference room. 

 

 

"Guys, good morning. Let's have a quick meeting. I know this is a big surprise para sa inyo kasi it's been a while since we last had a new manager sa team natin. So, I would like to introduce our new marketing manager, Ms. Kang Seulgi. Aware naman siguro kayo kung sinong papalitan niya, right? I personally hired her dahil aside sa kilala ko na siya ay meron din siyang outstanding credentials."  kitang kita ko sa peripheral vision ko si Seulgi, she is confidently standing and smiling beside our boss. Tinapik siya nito to make a short introduction.

 

 

I was busy listening to Seulgi kasi god, sobrang articulate niya, unlike nung nasa teenage years pa kami na nahihiya pa siyang tumayo sa harapan ng klase para magsalita. I can't believe she's grown into the wonderful lady that she is right now. I am keeping these thoughts to myself. Bigla kong naramdaman na siniko ako ni Yeri sa tagiliran, 

 

"What?!" pabulong kong sabi at nanlalaki pa ang mata.

 

"Ante, matunaw naman?"  Natatawang pang aasar ni Yeri na narinig din ni Joy kaya napalingon sa amin.

 

 

"I am hoping that we get along, guys."   bumalik na kami sa realidad nang magpalakpakan na ang mga tao sa room hudyat na tapos nang magsalita si Seulgi. 

 

 

"So, Wendy, Yeri, Joy and Irene, wala namang magbabago sa set up ng team niyo. Papalitan lang ni Boss Seulgi niyo yung previous manager niyo. Maayos namang na-transfer ni Taeyeon lahat ng tasks and files ng team niyo kay Seulgi so there shouldnt be a problem naman na."  Bilin ni Boss Tiffany sa amin. 

 

 

 

 

 

Pasimple kong hinatak si Yeri sa washroom at isa isa kong chineck ang cubicles kung may tao ba, so far wala naman kaya huminga ako ng malalim bago magsimulang mag panic sa harapan ni Yeri. 

 

 

"! ! Akala ko sa ibang team siya mapupunta, Yerms! Bakit sa atin. What the is happening?!"  Mukha akong batang nag ta tantrums kasi hindi nabilhan ng laruan sa itsura ko ngayon.

 

 

"Akala ko ba okay ka na? Sabi mo sa akin kahapon okay ka na? Sabi mo comfortable ka na kahit siya yung broker mo diba?" Kalmadong tanong ni Yeri sa akin.

 

 

"Oo! Dahil yon, pwede ako magprepare ng isasagot sa kanya saka di naman kailangan laging mag-usap at magkita. Pwede kaming mag-accomplish ng mga documents thru email BUT NOT THIS ONE!" Tangina araw araw mong makikita. Yerms, mamamatay ako sa sakit sa puso?!" Ano? Ano? Should I draft my resignation na ba? ! I don't know what to do!" 

 

 

 

I'm seriously in shambles at the moment dahil ano nga bang gagawin mo kung yung first love mo na almost mo na ghinost ka ay magiging boss mo after being missing in action for 12 ing years na mukhang wala lang sa kanya yung ginawa niya sayo? 

 

 

Ginawa ni Yeri lahat para maayos akong maibalik sa office, tipong walang bakas ng kaba sa mukha. Bumalik na kami sa kanya kanyang desks namin to continue with our work, wala si Seulgi sa office niya dahil kausap daw ulit ni boss Tiff. 

 

 

"Irene, saan ka nanggaling? Hinahanap ka ni boss kanina."  Tanong ni Wendy, habang nilalapit niya sa akin yung chair niya. 

 

"Sorry, di ko nasabi sayo na si Seulgi yung papalit kay boss Taeng kasi bawal daw muna ipagsabi, pero at least diba magkakilala na kayo."  Tumango tango lang aking wearing my fakest smile. I am so sick to my stomach. Di ko kinakaya to. 

 

 

 

"Irene? Punta ka rito sa office saglit. Thank you"  Tawag ni Seulgi sa akin mula sa pinto ng office niya. 

 

Tumayo naman ako at napalingon sa amin si Yeri and Joy, nagkatinginan yung dalawa at nagtataka anong mangyayari. 

 

Bukas ang pinto niya na naabutan ko, kaya kumatok lang ako at pumasok na nang tuluyan at isinara ang glass door

 

"Yes, boss?"  Mahinang sabi ko.

 

"Hi. I know you're shocked sa nangyayari and I am sorry kasi hindi ko nabangg--" tumayo siya mula sa upuan niya papalapit sa akin.

 

I can't stand her excuses, yung kilig na naramdaman ko nung huli kaming nagkita ay napapalitan na ng inis dahil hindi ko alam kung pinaglalaruan ba nila akong dalawa ni Wendy

 

"Boss, you don't owe me any explanation. Hindi natin kailangan pag usapan ang mga non-work related stuff. Hindi ko po ugali yon kapag nasa opisina."  banggit ko habang pilit na nilalabanan ang eye-to-eye contact na binibigay niya.

 

"Then, can we talk outside? Over dinner, perhaps?"  Seulgi is smiling na parang punong puno siya ng expectation na o-oo ako sa kanya. 

 

"I refuse to, Ms. Kang Seulgi. Wala po tayong dapat pag-usapan aside sa trabaho and sa bahay ko. Since boss pala kita, might as well find another agent na lang or I'll just put the sale on hold."  May diin kong pag reject sa mga gusto niyang mangyari.

 

"Irene, parang wala naman tayong pinagsamahan for you to treat me coldly." 

 

 

 

Naglakad siya muli papalapit and sinusubukang abutin ang mga braso ko so I took a step backward indicating that I don't want her any closer. 

 

 

 

"Seulgi, wala tayong pinagsamahan. I no longer know you, and I refuse to know you again. Ang alam ko lang ngayon ay boss kita. Now, if you would excuse me, marami pa akong trabaho."   Lumabas na ako at isinara ang pinto, leaving her speechless and ruining all her high hopes.

 

 

 

 

It took me years to build this wall, Seulgi, hindi para sirain mo lang sa loob ng ilang linggo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.