Accept or Ignore? O Deny?

Sa Bulong At Mga Alaala

1 friend request:

Accept. 

 

Calling Yerim-ah...

 

Halos sampung minuto mo nang paulit ulit ni-riring ang phone ng kaibigan mo. Alas kwatro na ng madaling araw at wala kang pakialam kung nabubulabog ang tulog ng kaibigan mo. 

 

Wala kang balak tumigil sa pagtawag sa kanya dahil biglang tinakasan ka ng antok sa nakita mo sa social media mo. Hindi ka makapaniwala sa multong nagpaparamdam sayo ngayon. 

 

Imbis na mag-reminisce ka ay parang nag time travel ang utak mo papunta sa future.

 

Inaccept mo ang friend request niya. What now? 

 

Nakatulala ka nang biglang may sumigaw sa kabilang linya,

 

"Ano nangyayari?! May emergency ba?" Tanong ni Yeri.

 

"YERIM-AHHHH!!!! Inaccept ko!!!!" Sigaw mo habang nagpapanic o gay panic kung iyon nga talaga ang tamang term sa nangyayari sayo ngayon. 

 

"Huh? Inaccept? Ang ano?" Antok na sagot nito sayo..

 

"Hindi "ano", "SINO"!!!!" Pasigaw mo pa ring sabi. "Si Seulgi..." dito na nagsimulang naging malumanay ang boses mo. Composed ka naman talagang tao pero hindi mo alam kung bakit ganito ang inaasta mo ngayon. 

 

Batid mo namang nag iiba talaga ang katauhan mo kapag si Seulgi ang pinag uusapan. 

 

Si Seulgi na first love mo, 

Si Seulgi na first kiss mo, 

Si Seulgi na first heartbreak mo, 

 

Pero hindi si Seulgi ang first girlfriend mo. 

 

Dahil bago mo pa balakin na mag commit sa kanya ay nawala na siya na parang bula. 

 

Gaya nga ng lagi mong conclusion kapag ikinukwento mo siya ay "She vanished into thin air"

 

 

Hindi ka makapaniwala na may social media account na ang taong hinahanap mo noon. 

 

Kulang na lang ay ipa-blotter mo siya at ireport sa presinto as missing person o kaya ay ipanawagan sa mga radio at tv stations para sa mga taong nawawala. 

 

Pero wala, wala kang nagawa, kundi maghintay. 

 

Kundi umusad. 

 

Eventually nakausad ka naman. Pagtapos ng tatlong taon nga lang. Matagal na iyakan ang ginugol mo para makarating sa oras na yun.

 

Hanggang sa nakilala mo si Soojung, nakalimutan mo si Seulgi, you were happy sa first girlfriend mo, sa first relationship mo. 

 

Tumigil ka nang hanapin siya at ipagtanong tanong sa mga kaibigan niyo o kamag anak niya. Hindi ka na umaasa na babalik pa siya o kahit pagkakaibigan niyo ay babalik. 

 

Gumising ka isang araw na ayaw mo na. 

 

Isang umaga, nagulat ka na lang na naghanda ka na ng almusal, nag workout, you did your laundry at di ka na umiiyak kakahintay sa pagbabalik niya. 

 

Eventually, you stopped crying over someone na matagal ka nang tinalikuran. 

 

Over someone na di man lang nagpaalam.

 

Someone na di man lang nagpaliwanag. 

 

 

 

 

"Unnie???" Narealize mong may kausap ka pa pala sa kabilang linya

 

"Gusto mo puntahan kita? Nasa bahay ka ba ngayon?" Dagdag ni Yeri na tila alam na alam na anong gagawin sa ganitong sitwasyon. "I'll be there in 20 minutes, hintayin mo ko."

 

"Okay..." di ka na nagprotesta o tumanggi. Para kang sumakay sa roller coaster at humiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo. Nag adrenaline rush ka sabay bumagsak ka at hinang hina ka pagtapos. Tila parang iniwan ka ng malakas na enerhiyang sumapi sayo. 

 

Napaupo ka na lang sa sahig ng dining area mo at napakapit sa upuan dahil nanlalambot ang tuhod mo. 

 

Napaka simple lang naman ng bagay na nangyari pero ang laki ng epekto sayo.

 

May epekto pa rin pala siya sayo..

 

 

Matapos ang ilang minuto ay narinig mo nang may tao na sa labas ng pinto mo dahil tumunog na digital lock mo.

 

Napalingon ka sa kaliwa mo at nakita mo ang gulat na gulat na mukha ni Yeri nang makita niya ang itsura mo sa sahig, naka nightgown ka at mukhang di mo naituloy ang iyong skincare routine dahil bakas na bakas ang kumalat na mascarra sa pisngi mo dulot ng matinding pag-iyak.

 

Umiiyak ka pala, hindi mo man lang namalayan. 

 

Hindi mo alam kung sinong iniiyakan mo. 

 

Yung ex mo bang pinoproblema mo ngayon dahil kailangan niyong ibenta ang bahay na naipundar niyo so you can start anew o yung missing mong ex for over 12 years na biglang sumulpot out of nowhere. 

 

 

Basta alam mong hinang-hina ka na. 

 

 

Tumawa ka na lang nang biglang tumakbo papalapit si Yeri at niyakap ka. Isinandal mo ang mabigat mong katawan sa mga braso niyang nakapulupot sayo.

 

"Yerms, 12 years na ang lumipas, bakit pakiramdam ko meron pa rin?" Tanong mo habang humihikbi. 

 

 

 

 

 

"Akala mo lang kasi talaga nawala." Sagot niya sayo habang inaalalayan ka pabalik sa kwarto mo at inaayos niya unan at comforter mo para makatulog ka na.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
888 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.