Chapter 2

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

Hi! Sabog na update lang po 

[CMCKR 2]

WENDY

Nagtitinginan ang magkakaibigan na sila Lisa, Jisoo, at Seulgi. Walang nagtatangkang magsalita sa kanila dahil sa malalang tensyon na nararamdaman nila. Nagtitigan lang kasi ang dalawang di nagkaunawaan din sa nangyari. 

“Ano ba ginagawa mo dito? At bakit gusto mo ang kaibigan ko?” 

Aba ang taray naman ng bagong dating 

“Ikaw lang ba pwedeng pumunta dito sa tapat ng chapel? Tsaka may hinihintay ako” 

“Sino?” tanong ni Joy 

“Malamang si Irene? Kaya nga sinigaw ko pangalan niya diba? Alangan na tinawag ko si Kuya guard na nagbabantay dun sa gate 2 para isigaw na gusto ko si Irene?” prangkang sagot ni Wendy. 

Mas lalong nainis si Joy. Hindi niya na alam kung ano nangyayari pero itong babae na nasa harap niya ang sumasagad sa pasensya niya.

“Ano–”  singit ni Seulgi

“Shut up” pataray na pagsagot ni Joy

“Okay po” 

Walang nagawa si Seulgi kundi tinikom niya ang bibig niya dahil hindi niya nagugusutuhan ang aura na nilalabas ni Joy. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil kitang kita naman sa mukha niya na hindi natutuwa ang dalaga. Ang gusto lang naman sabihin ni Seulgi na bawal mag-away sa tapat ng chapel. Hindi ba sila natatakot kay Papa Jisas? :(

“Bakit mo tinatarayan best friend ko?” 

Heto na si girl bestfriend

Si Wendy naman ang taray. Kaya mo yan Wendy! Iwagayway mo ang bandila ng mga palaban. Kahit tropa pa yan ng crush mo, ‘wag mo uurungan. 

Hindi sumagot si Joy dahil busy ito sa pagusisa sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit nandito ang isang first year sa tagpuan nila ni Irene at bigla bigla na lang umaamin. At ang masama pa isinigaw niya ang pangalan ni Irene. 

Sino ka ba? Bakit nandito ka? 

Bakit bigla ka sumisigaw na gusto mo si Irene? 

Bakit ba alam mo pupunta dito si Irene? 

Para kay Joy, napakafamiliar ng mukha ng babae na kaharap niya ngayon. Hindi niya lang malaman kung saan o kailan niya nakita ang dalaga. 

Saan nga ba ulit kita nakita? 

“Ano? Wala ka bang dila?” 

Aba? 


Tinitigan niya nang masama si Wendy. Pero mukhang walang epekto sis, tinitigan din siya ni Wendy nang masama. Walang balak magpatalo kahit alam niya mas matangkad si Joy sa kanya. 

Bakit ako magpapaapekto sa kanya? 

“May dila ako, baka gusto mo makita at maramdaman kung ano nagagawa nito?” Sabay ngisi ni Joy. 

“Oh my gahd, ang wild.” Bulong ng tatlong nakarinig. 

“M-Miss, hindi ko alam bakit may kaibigan si Irene na katulad mo medyo bastos din ‘no?!” Hindi naman inakala ni Wendy na ganun ang isasagot ng dalaga. 

Ano na mga siszmars, nasa tapat ng chapel pero– ang wild mo naman. Pwede kumalma? 

“Aba nagtatanong ka diba? Sinagot lang kita.” 

 Parang may tama ata ‘tong kausap ko. Siya na nga nakasira ng confession, siya pa yung mataray at walang kwenta sumagot. 

“Miss, hindi kita kilala at hindi ko rin alam ang rason mo kung bakit ang taray mo sa akin. Bakit ba mukha kang gigil nung nagconfess ako ha? Hindi naman siguro big deal na may gusto ako sa kaibigan mo.” 

Ayan na. Mukhang natrigger na tuluyan si Joy.

‘Hindi big deal?’ 

Nilapitan ni Joy si Wendy upang makaramdam ito ng kaba at takot. Dapat malaman daw ni Wendy kung sino binabangga niya.

“Hindi talaga ako papayag na ligawan mo kaibigan ko dahil sa sinabi mo.” Madiin na pagkasabi ni Joy.

Pero sandali lang mga sismars, hindi papatalo ang baby hamster bonita natin, hindi siya nagpatinag o umaatras basta basta.  

Lumapit din si Wendy kay Joy ngunit bigla itong nahiya. Yiee paano ba naman magkalapit na mga mukha nila. Sa sobrang lapit, naamoy niya na ang familiar na pabango ng dalaga. 

‘Parang naamoy ko na ‘to kanina?’ Biglang sumaggi sa isipan ni Wendy ang pamilyar na amoy sa library. 

Habang busy ang dalawa sa staring contest ng dalawa, ang tatlong magtropa naman hindi maiwasan matuwa sa nasasaksihan nila. Ang ine-expect kasi ng tatlo bardagulan. Bakit parang mauuwi sa halikan ang dalawa? 

“Ano? Magtititigan na lang ba yung dalawa?” tanong ni Lisa. 

“Huwag niyong awatin ha? Mukhang magtutukaan na.” Sita ni Jisoo

“Sige, kay Wendy ako.” Sabi ni Seugi na agad naman nag-abot ng bente pesos.

“Doon ako kay ate mo second year.” Gatong ni Jisoo
 
“Magkano pusta mo Jisoo?” tanong ni Seulgi 

“100 oh! Feeling ko si Wendy–” 

Natigil ang tatlo nang nagsalita si Wendy. First time lang marinig ng magtropa ang sobrang lalim niyang boses. Ramdam nila na seryosong seryoso at inis si Wendy. 

“Miss, hindi ako sumasagot nang pabalang ha” 

Pumikit si Wendy at huminga nang malalim. Sobrang lalim parang katulad sa nararamdaman niya kay Irene. Char! 

“Una, wala akong pake kung ayaw mo sa akin para kay Irene” 

Huminga nang malalim ulit si Wendy. 

“Kasi wala naman nagtanong.” 

WENDY SHON TUMIRA NG TRES! PASOK!

Magsasalita sana si Joy nang biglang pinigilan siya ni Wendy nang inilapat niya ang dalawang daliri nito sa kanyang labi. Kung kaya ni Joy dumamoves, edi kaya rin ni Ate mo Wendy.

“Oops! Mamaya ka na muna magsalita”

May halong pang-aasar sa tono ni Wendy, kaya mas lalong nainis si Joy. Inalis niya ang kamay ni Wendy sa mukha niya nang padabog. 

Kadiri. Eww.

“Hindi ko kailangan patunayan sarili ko sa’yo. Kung ayaw mo sa akin para kay Irene, edi okay?” 

Tumalikod si Wendy kay Joy at lumapit ito sa mga kaibigan niya.

“Hindi naman ikaw yung nanay niya para matakot ako.” 

Sumenyas si Wendy sa mga kaibigan na aalis na sila. Sa totoo lang hindi niya kayang makipagaway sa ibang tao lalo na malapit siya kay Irene. Ayaw niya lagi ng confrontations lalo na alam niyang sa bandang huli wala siyang masasabi. Mas pinipili ni Wendy na manahimik na lang. 
 
“Ganyan mo ba kausapin ang kaibigan ng liligawan mo? Hahawakan labi nila?!” 

Naghahalo na pagod at inis ni Joy. Hindi niya alam bakit parang nagwawala na siya kahit hindi naman niya talaga kayang magtaray o mainis. Ano magagawa niya? Sagad na pasensya niya. 

Hindi niya rin maipaliwanag bakit naiinis siya sa babaeng kaharap niya. Hindi naman ito unang beses may nag confess kay Irene. Ano bang meron sa babaeng ‘to at ang bilis kumulo dugo ni Joy.

“Ate, ginawa ko lang yun kasi feeling ko raratrat na yang bibig mo” 

“Ikaw kasi!” Hindi na ata napapansin ni Joy na medyo nagiging immature na siya. Medyo paiyak naman na siya pero keri pa naman ata ni Joy makipagsagutan.

“Luh? Ginawa ko sayo? Hilo ka? Ako lang naman naghihintay dito kay Irene kasi ako yung aamin.” 

Dahil sa mga pagsagot ni Wendy, hindi na natiis ni Joy umamin sa dalaga. 

“Kasi nasira mo! Ako dapat ang kikitain ni Irene dito tapos ano… ikaw bumungad? Sasabihin ko rin naman nararamdaman ko sa kanya” 

Pigil na pigil ni Joy luha niya pero ano magagawa niya? Ito na ‘yun masaabi niya na talaga kung ano tinatago niya. Hindi man si Irene ang kaharap niya ngayon pero kahit pa paano nailabas niya.  

“A-ako dapat ang kikitain ni Irene dahil sinabi niya yun sa letter.” 

Napapikit siya dahil ramdam niya pabagsak na naman mga luha niya. Kahit ang childish pakinggan, iba talaga na masabi mo yung nararamdaman mo. 

'God, nakailang iyak na ako? Ang iyakin ko naman putang ina. Girl, mababawasan ganda mo, kumalma ka nga.'

“Jisoo, tara na” aya ni Wendy 

Kinuha ng apat ang mga gamit nila na nakalagay sa sahig. Sumenyas si Wendy na mauna ang tatlo na umalis at pumayag naman sila. 

“Aalis na kami.” 

“A-ano napagtanto mo na ba na w-wala kang pag-asa?” tanong ni Joy

Nakapikit pa rin siya at hindi niya kaya idilat ang mga mata dahil ayaw niya makita kung ano ang reaction ni Wendy. 

Napabuntong hininga lang si Wendy at hinawakan niya ang kaliwang braso ni Joy. 

“Aalis ako hindi dahil tanggap ko wala akong pag-asa kay Irene, aalis ako kasi nirerespeto ko nararamdaman mo sa kanya.” 

Nakita naman niya na hawak ni Joy ang pamilyar na papel. Sigurado siya na ito ang ginawa niyang letter para kay Irene. Alam niya na agad na may misunderstanding na naganap. 

“Hindi na ako makikipagtalo sa’yo, basta itutuloy ko pa rin confession ko.” 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Nasa loob na ng chapel si Joy at tulala si ate mo girl. Hindi niya pa rin maprocess ang mga kaganapan niya sa buhay niya. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at nagulat siya ng may 2 missed calls si Irene. 

‘Potek? Bakit di ko alamm??’


[03:35pm] Irene: Joy? Umuwi ka na ba? 

Hi?: Joy [03:36pm]

[03:36pm] Irene: Thank God! Kala ko hindi ka na g sa favor ko huhuh 
[03:36pm] Irene: hindi ka sumasagot sa texts ko.


Akala ko kasi sa chapel tayo magkikita: Joy [03:36pm]


[03:36pm] Irene: Wala akong sinabi sa chapel tayo magkita. Ite-text ko pa lang yung location. 




Hindi daw sinabi ni Irene 


..

Eh ano yung letter na inipit mo sa libro ko madam?: Joy [03:36pm]

[03:36pm] Irene: Anong letter? 


Na dito tayo sa chapel magkita? : Joy [03:36pm]

[03:36pm] Irene: Wala akong iniipit sa libro mo. Wala rin ako sinabi sa chapel tayo magkita

'PUTANG INA SINO YUN?!?!?!?!' 

Mas lalong naguluhan si Joy sa nangyayari. Kanino ba galing yung letter? Paano napunta yung letter na ‘yon sa kanya? 

Naalala niya bigla na may dalawang first year na nagyayakapan kaninang umaga. At ayun na nga po mga kaibigan, napagtanto na nga niya ang lahat. 

“Sila yung mga depunggal na naglay ng letter” 

Agad niya tinakpan ang bibig niya nang mapagtanto niya nasa loob siya ng chapel at nagsabi nang masama sa tao. Bawal ‘yan anak. 

“Sorry po.” 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Ilang araw na nakalipas simula nangyari ang epic fail na confession. Buti na lang kamo malaki ang campus at iba ang schedule ng mga freshmen at sophomores kaya hindi masyado nagtatagpo ang landas nina Wendy at Irene. May chance kasi na nasabi ni Joy kay Irene kung ano man nangyari nung nakaraan, kaya wala siyang lakas na loob harapin si Irene. 

Gusto man ibaon sa limot ni Wendy ang kahihiyan na nagawa niya. Lalo na kaibigan pa ni Irene ang nakasagutan niya. Pero bakit ganito nangyayari sa buhay niya ngayon? 

“BAKIT MO BA AKO SINUSUNDAN?? ANO ARAW-ARAW NA LANG BA GUGULUHIN MO BUHAY KO?!” sigaw ni Wendy sa babae kaharap niya ngayon. 

Napangisi ang dalaga dahil gustong gusto niya nakikita naiirita si Wendy. Para sa kanya, dito lang siya makakabawi

“Well, tiisin mo Ms. Shon” 

“Wala akong pake sa’yo, Ms. Park” 

Kahit ang tatlong magkakaibigan nagtataka na rin sa mga kinikilos ni Joy. Hindi ba dapat mas mairita si Joy sa presence ni Wendy? Bakit parang linta naman na nakasunod sa kanila si Joy. 

“Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo…” 

Inakbayan ni Joy si Wendy at inilapit ang kanyang labi sa tenga ng dalaga. 

“Ginanagawa ko ‘to para kay Irene.” 

'Alam ko' 

Alam naman ni Wendy kung bakit ganito mga kinikilos ni Joy. After ng pangyayari na confession, nagmessage agad si Joy kay Wendy. Paano nalaman ni Joy ang pangalan? Simple, vice president ng student council si Joy sa department nila Wendy. Nagkataon lang na parehas sila ng course na kinukuha, kaya mas napadali ang paghahanap ni Joy sa dalaga. 

‘Wendy Shon pala huh’

“Oo na! Pero kasi hindi mo naman kailangan na sundan ako araw-araw? Iisipin ko na lang na ako ang gusto mo. Tsaka wala ka bang klase?” 

“Halos magkaparehas tayo ng schedule.” tipid na sagot ni Joy. 

Napabuntong hininga lang si Wendy at sumenyas sa tatlong kaibigan niya na mauna sa klase nila. Agad naman pumayag ang tatlo at nagpaalam muna kay Joy bago umalis. 

“Beh, ibalik mo si Wendy agad ha? Mwah” Paalam ni Jisoo

“Ingat ka kay Wendy, nangangagat yan!” Sigaw ni Seulgi mula sa malayo

“Umalis na lang kayo!” sigaw ni Wendy 

Kumaripas ng takbo ang tatlo dahil alam nila malilintikan sila kay Wendy kapag pinagpatuloy pa nila ang pang-aasar. 

Nang mawala na sa paningin ni Wendy ang tatlo, hinawakan niya ang kamay ni Joy at hinatak ito malapit sa may tabi ng vending machine. 

Hindi malakas ang pagkakatulak ni Wendy kay Joy pero napasandal ang dalaga sa vending machine. Nagtaka naman si Joy dahil first time pinansin siya ni Wendy. Ilang araw niya rin sinusundan ang dalaga para tignan kung anong klaseng tao ba talaga magiging manliligaw ni Irene. 

Hindi naman basta basta dapat magpapatalo si Joy ‘no. Hindi rin siya papayag na kung sino-sino lang ang manliligaw kay Irene. Medyo na triggered ang ate mo Joy nang malaman niya kilala pala ni Irene si Wendy. 

Okay lang sana kung hindi kilala ni madam, sanay naman na itong si Joy na maraming manliligaw si Irene. Karamihan sa nanliligaw sa kaibigan niya ay hindi nila ito kilala, at wala pa nagkakaroon ng chance.

Pero iba ‘tong si Wendy. Nang kinausap niya si Irene kung may kilala siyang Wendy, nagulat ‘to sa sinagot sa kanya. 

Flashback

JOY 


Busy si Joy macheck ng mga studyante na nagpasa ng mga COC para sa Department Student Council. Marami na rin naman kasi ginagawa si Irene kaya nagpresenta na siya na ang gumawa. 

“Princess… ‘wag ‘to pabuhat ‘to nung junior high kami.” bulong ni Joy. 

Kanina pa siya nafu-frustrate dahil wala siyang mapili para sa secretary. Kilala kasi ni Joy ang iba rito. Hindi naman siya judgemental pero kasi yung iba rito nakasama na niya sa mga groupings. Hindi na lang magtalk si Joy tungkol sa groupwork. Ang masasabi niya lang siguro ay 

“Ang bibigat naman ng mga nag-a-apply.” Bulong niya ulit. 

May mga tao kasi sumasali sa mga ganitong posisyon para lang may malagay na maganda sa kanilang CV or resume, o for scholarship purposes. Wala naman sana masama sa pagsama sa mga ganit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha