Chapter 13

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 13] 

JOY


Mukhang maganda ang araw ni Joy dahil kahit pa paano ay nakumpleto niya ang tulog niya. Pagkauwi niya kasi dumiretso agad siya ng tulog sa sobrang hapong-hapo. 

 

Isama mo pa na dala na niya ang motor at alam niya na agad ‘di na niya kailangan mag-commute ulit. Sa panahon pa naman ngayon napakahirap magcommute lalo na kapag rush hour. Literal na mas pipiliin na lang ni Joy magmotor kesa makipagsapalaran ulit maghanap ng masasakyan.

 

Pero balik tayo sa oras ngayon, ang gaan talaga sa pakiramdam lalo na may tulog, kasabay ang family sa breakfast, kasama ulit yung baby niya (yung motor), may ID na siya at ‘di na masisita ng guard, at nakakuha siya ng notice mula sa program chair na pwede siyang magpahinga for 1 week para naman makapag-focus sa pag-aaral. 

 

Syempre, hindi mawawala yung lowkey bakod niya kay Wendy sa katrabaho nito. Ehe~

 

Pamilyar naman siya doon sa babae dahil namumukhaan niya at lalo na tumatak si ate girl dahil may pagkahawig ito kay Irene.

 

Pero ngayon, sinusubukan niyang hindi magpa-apekto sa nangyari kagabi dahil sa una pa lang, ano bang pake niya?

 

Ayun lang naman yung dahilan dami pa niyang thoughts sa buhay. Ayaw na niya mag-isip ng kung ano-ano pa dahil may kailangan pa siyang asikasuhin ngayong araw.

 

8am pa naman ang event nila pero nagdecide siya na pumasok na ng 7:30am dahil maayos naman na nila natapos yung mga kailangan kahapon. 

 

Yung mga ibang officers lang pinapasok nila ng 7am para naman turuan ang mga volunteer na magiging facilitators para sa mga bata. 

 

Hays, ang sarap pala mamuhay ng walang iniisip na mabigat. 

 

Edi sana all. 

 

Pagkapark niya ng motor ay dumiretso siya agad sa gate 2 ng school dahil mas malapit ito sa may seminar room kung saan gagawin yung event. 

 

Huminga nang malalim si Joy para maging handa sa mga pwedeng mangyari.

 

Sa ‘di inaasahan, may mas maganda pa pala na mangyayari dahil nakasalubong niya si Irene na naglalakad. 

 

Hindi pa magaling ang mga paa nito pero nakita niya na medyo gumagaling na kahit pa paano. Ilang videos kaya ng 5 minutes craft ang pinanood ni Irene para ‘di lumala ang paltos nito. 

 

“Good morning , madam!” Bati ni Joy. 

 

Sabay kuha ng bag ni Irene na akala mo mabigat pero sakto lang naman ito kung bubuhatin. 

 

“Good morning, Joy.” Bating pabalik din. 

 

“Mukhang maganda gising mo ha? May nangyari ba?” Tanong ni Irene 

 

“Excited lang talaga ako siguro na may nakaabang na break next week.” 

 

Beh, lahat naman tayo kapag usapang break, malamang abot tenga na agad ang ngiti. Mahirap rin naman makipagsalamuha sa mga tao lalo na 'di trip ni Joy ang mga nakakasama nito sa araw-araw bukod kay Wendy–oops.

 

“Tuwang-tuwa ka lang naman kasi ‘di mo makikita kapwa officers–” 

 

Naputol ang pagasasalita ni Irene nang marinig nila ang boses ni Lisa na akala mo nagwawala sa sobrang inis. 

 

‘Aga naman ni Lisa.’ 

 

“GUSTOOO KO NA MATULOOOOGG!”  Rant ni Lisa 

 

"Yung klase natin kasi mamayang 10am pa pero pinapapasok na tayo dito ng 6:30am tapos wala pa rin yung magtuturo sa atin? Sapilitan na nga 'to." Dagdag pa niya.

 

“Alam mo, tangina ka… kung tumabi ka na lang dito at pumikit kesa nagsisigaw ka dyan.” Sabi ni Jisoo. 

 

Teka kung nandito yung dalawa. 

 

“Hindi ba mga tropa ni Wendy ‘yon? Naalala ko sila nung na-ospital ka.” Tanong ni Irene

 

“Oo, sina Jisoo at Lisa ‘yan… pero kulang sila.” 

 

Nasaan sina Seulgi at Wendy? 

 

Lumapit ang dalawa para alamin kung ano pinuputok ng butchi ni Lisa at ang aga-aga ay daig pa nanay na nanenermon kapag ‘di pa tumatayo yung anak kahit na patayan na ng electric fan.

 

“Lisa.” Tawag ni Joy. 

 

“Oh! Ate Joy at kasama mo pala si Ate Irene.” 

 

Ngumiti si Irene at bumati din naman ng magandang umaga. First time lang makita nina Lisa at Jisoo nang malapitan si Irene kaya manghang-mangha sila. 

 

Kaya naman pala pinag-aagawan itong dalaga na ‘to dahil deserve naman. 

 

Kay gandang dilag naman talaga maituturing si Irene.

 

“Good morning sa inyo, Ate Joy at Ate Irene.” 

 

“Nasaan nga pala iba niyong kaibigan?” Deretsahang tanong ni Joy 

 

Nagkatinginan naman ang dalawang magkaibigan at sabay itunuro ang dalawang babaeng nakataklob at halatang tulog na tulog. 

 

Walang man lang bating pabalik pero nage-gets naman ng mag-tropa na kung bakit nagkakaganyan si Joy.

 

Anyway, balik tayo kung saan tinuro ng dalawa ang iba pa nilang kaibigan.

 

Dahil mas malaki si Seulgi kay Wendy, ang baby hamster natin ay nakasandal sa balikat ni ng baby bear. With matching hoodie pa ang dalawa, tanging pinagkaiba lang ay ang kulay ng suot pero ang cutie ng combination, yellow and blue. Aheh. 

 

Umagang kay ganda nga para kay Joy. 

 

“Mukhang malalim tulog nilang dalawa lalo na yang si Wendy.” Sabi ni Jisoo. 

 

“Ilang oras lang kasi talaga tulog ni Wendy daihil maaga ngayon ang pasok.” Dagdag ni Jisoo. 

 

Hindi naman kailangan pumasok ni Wendy nang maaga lalo na ‘di naman sapilitan tong pagfa-facilitate ng event. Kahit na sabihin na nagvolunteer siya, okay lang naman malate dahil sa tingin ni Joy ay marami na silang nakuhang volunteers para tumulong.

 

“Bakit naman kasi maaga kung–” 

 

Naputol naman ang sasabihin ni Irene nang biglang gumalaw si Wendy. Inayos ata ang ulo kasi nangangawit sa pwesto pero mukhang antok na antok pa. 

 

Walang kamalay-malay si Wendy na pinagtitinginan na siya pero mas mahalaga sa kanya ang idlip ngayon kaya mas hinigpitan niya ang yakap at inilapit pa niya ang mukha sa leeg ni Seulgi. 

 

Kung titignan, mukha silang magjowang naglalandian sa park pero ang totoo ay natutulog naman sila. 

 

Parang gusto halikan ni Wendy leeg ni Seulgi sa posisyon nila ngayon.

 

Napalunok naman ang dalawa dahil sa ginawa ni Wendy. 

 

“They seem to be very good friends.” Pang-aasar ni Lisa. 

 

“Ganyan pala mapagod…by partner.” Bulong ni Irene.

 

Bakit ba sunod-sunod na lang yung pagsubok ng buhay sa kanya? Baka pwedeng isang araw lang ibigay na sa kanya yung tahimik na kaluluwa. 

 

Hindi alam ni Joy bakit nasusuya siya sa nakikita niya ngayon lalo na ano bang pake kung natutulog yung magkaibigan. 

 

Ginagawa din naman 'yan nila ni Jennie, o di kaya si Rose, or kahit si Irene pa.

 

Pero hindi naman kasi kailangan yakapin nang mahigpit. Okay na nga yung nakapatong yung ulo.  :((

 

“Hayaan niyo na nga muna matulog yung dalawa… kukunin ko lang yung handouts para sa mg studyante na tuturuan.” Sabi ni Joy. 

 

“Ay, tulungan na kita.” Pahabol ni Irene. 

 

Dahil na kay Joy ang susi ng room, binuksan na niya ito at pinagbubukas na lahat ng ilaw at inayos na ang audio system na gagamtin. 

 

Sa nasaksihan niya ngayong umaga, parang nawalan siya ng gana kumilos at bumalik sa pagiging mataray mode niya.

 

Siya na rin pala magsasalita o magiging speaker sa buong araw at magtuturo sa mga bata kung ano ang gagawin. Kay Irene talaga naka-assign ang role na 'to pero dahil nga hindi maganda ang kondisyon nito, si Joy na pumalit.

 

Tahimik siyang nag-aayos ng mga gamit habang pumasok na ibang officers at volunteer sa room. 

 

Again, wala pa ang grupo nila Wendy. 

 

Wala naman kay Joy ‘yon kung malate sila. Alam naman niyang kailangan magpahinga ni Wendy at puyat ito dahil sa work. 

 

Hindi naman kasi kailangan magvolunteer ni Wendy kung nasasakripisyo na ang pahinga niya. Kung siya papipiliin ng sched, mas pipiliin niya 10am class niya kesa naman mag volunteer sa program ngayon kasi optional lang naman ‘to at walang certificate or benefits na makukuha dito.  

 

“Joy, pasabi na lang kung magne-next na ako ng slides ahh” 

 

“Sige lang, Irene.” 

 

Inassign din pala niya si Irene sa may audiovisual na part para ‘di na kailangan tumayo-tayo. Bale nagpalit lang talaga sila ng role. 

 

Medyo kinakabahan siya ngayon lalo na nabalitaan niya ang batch 1 daw na tuturuan ay nasa isang daan na agad. 

 

100 high school students agad.  

 

Good luck, Joy. 

 

Sinong hindi kakabahan kung haharap ka sa maraming tao tapos ilang oras din yung program nila? Kung may batch 1, panigurado may nakaabang na batch 2 ‘yan sa hapon. 

 

‘Lord, bigyan mo ko ng lakas ng loob huhuhu’

 

Sino ba kasing nagsabi natutulog si Lord? Kakahiling lang ni Joy pero binigay na agad. 

 

Paano ba? 

 

Kasasabi niya lang ng hiling niya pero bumukas yung pinto ng seminar room at sabay pasok ni Wendy na may kasamanag liwanag sa background. 

 

Parang isang anghel na bumaba sa langit pero inaantok dahil nagru-rub pa ng eyes si ate mo gurl. 

 

Unconciously, napangiti si Joy dahil siguro ngayon niya lang nakita yung side ni Wendy na medyo inaantok. Ang cute naman kasi talaga parang baby na sarap alagaan ganoon.

 

Magpinsan nga talaga sila ni Winter lalo na sa pagtatanggal ng mga muta sa mata nila. 

 

Luh, sino kayo dyan, dyan katunog ni Joy yung mga nanay o tatay na bumabangon tuwing umaga para kumayod sa pamilya niya at tanging nagbibigay ng lakas sa kanya ay yung mag-ina niya. 

 

Titig na titig si Joy sa antok na Wendy pa lang paano pa kaya kapag nginitian na? Edi kawawa na tong manok natin. 

 

Dahil feeling ni Wendy na may nakatitig sa kanya, napascan siya ng room para alamin sino ba yung todo tingin sa kanya tipong binabaon kaluluwa niya sa lupa. 

 

At ayun, nakita niya may bibeng nakatitig sa kanya na hindi mapinta ang ngiti. Sa point of view ni Wendy, parang sinasaktan na naman ng tyan pero nakangiti pa rin si Joy. 

 

Grabeng description ni Wendy, hindi ba pwedeng kinakabahan lang? 

 

Kaya kahit tamad na tamad ito kumilos, nilapitan niya pa rin si Joy para kamustahin kung ano ba pakiramdam nito. Baka mamaya may nakain na naman na hindi maganda o bawal sa kanya at baka may mangyari na naman katulad dati. 

 

“Okay ka lang ba, Joy?” tanong ni Wendy. 

 

Luh, bakit naman magaling ka makiramdam na ‘di ako okay. 

 

Hindi naman maiwasan ni Joy na ma-soft dahil simpleng tanong lang ni Wendy, bigla na lang tumibok nang mabilis ang puso niya. 

 

“O-oo naman, bakit mo naman natanong?” 

 

Hindi sumagot si Wendy bagkus ay tinignan lang si Joy. Pinagmasdan niya kung may masakit ba sa dalaga lalo na hindi ito nagsasabi ng kaniyang iniiinda. 

 

Nakita ni Wendy na medyo nagpapawis si Joy kaya pasimple itong lumapit at nagpanggap na hahawiin lang ang buhok na nakatakip kay Joy. 

 

‘Lamig ng pawis.’ iniisip ni Wendy. 

 

Hindi alam ni Wendy na kaya lang naman pinagpapawisan si Joy nang malamig dahil sa kaba na nararamdaman pero mukhang iba ang nabubuo sa isipan niya. 

 

“Ano ba ginagawa mo?” Tanong ni Joy. 

 

Sabay hawi ng kamay ni Wendy. Hindi siya papayag na hawakan ng kahit sino man lalo na karibal niya. 

 

“Tinitignan ko kung okay ka.” 

 

LUH PARANG TANGA MAS KIKILIGIN YUNG BIBE

 

“Hindi mo naman concern kung ano nangyayari sa akin.” 

 

“Huh? Masama ba?” 

 

“O-Oo!” 

 

Hindi maiwasan na mapakunot ang noo ni Wendy dahil kakaiba ang kinikilog ni Joy ngayon compare nung mga nakaraan. 

 

Oo, napapansin niya na medyo nanlalambot si Joy sa tuwing magkakaroon sila ng interaction pero yung nangyayari ngayon parang ang laking epekto ng sakit sa tyan. 

 

Namumula si Joy, hindi mawari ni Wendy kung bakit. Diba dapat kapag naje-jebs, namumutla na? 

 

Para ma-confirm kung tinatawag nga si Joy ng kalikasan, hinawakan niya ang mga kamay nito para pakiramdaman kung nilalamig. 

 

Confirm mga anteh, nilalamig nga ang kamay ni Joy. 

 

Pero para kay Joy, normal lang na lamigin ang kamay niya dahil sa kaba at okay naman talaga ang tyan niya. 

 

Ano ba naman mindset 'yan Wendy.

 

Iniisip niya na nararamdaman ba talaga ni Wendy na kinakabahan siya at need niya mabawasan kahit konti ‘to? Kung oo, effective naman dahil sa paghawak ng sa mga kamay niya pero aware ba yung dalaga na mas lumala yung tibok ng puso niya? 

 

Joy.exe 

 

“Pwedeng bitawan mo na kamay ko?” Tanong ni Joy.

 

Hala, bakit naman biglang may ganyan kung nae-enjoy niya yung paghawak ni Wendy sa kamay. 

 

“Huh?” 

 

“Pinagtitinginan kasi tayo.” 

 

Ahh. 

 

Tama naman si Joy, pinagtitinginan na sila kahit sina Irene at Seulgi titig na titig at parang curious na kung ano nangyayari. 

 

Sino ba naman hindi ma cu-curious kung hindi naman sila nagkwe-kwento masyado sa mga kaibigan nila. 

 

Na ganito na pala sila ka-close.
 

“Pumunta ka na sa naka-assign na officer sa’yo para maituro na kung ano gagawin.” Utos ni Joy. 

 

Tumango lang si Wendy at sinamahan na ang grupo niya doon. Kitang-kita ni Joy kung paano kurutuin ni Lisa ang kaibigan sa bewang at may kasamang ngiti. 

 

Halata na agad na inaasar na naman siya ng mga maloloko niyang kaibigan. 

 

Hindi na masyadong tinignan ni Joy ang magkakatropa dahil baka magcreate na naman ng issue ang mga tao sa paligid. Alam mo ba konting kibot niya lang baka iba maisip ng tao.

 

Oras na rin naman para magseryoso na siya sa iba pang gawain lalo na ilang minuto na lang magsisimula na ang event. 

 

Pinapasok na rin ni Irene ang mga studyante mula sa SHS department para mabilisang pag-aayos na lang ang gawin at satong 8am ay magstart na. 

 

Maayos naman nakapag-register ang mga bata at nakaupo kung saan sila naguide ng mga officers. Smooth lang ang naging daloy kaya sana sa pagtuturo niya rin maging maayos. 

 

Sa ngayon, wala munang Irene o Wendy sa isipan ni Joy at tanging topic lang na idi-discuss niya sa mga bata ang focus niya. Mahirap kung magiging distraction niya ang mga babae sa buhay niya. Yieet. 

 

Huy, bakit kasama si Wendy?

 

Chinecheck niya na ang powerpooint at videos na hinanda nila kahapon para sigurado talaga na magiging okay ang event na ‘to. Kung tutuusin ito lang naman yung last project nila buong sem kaya dapat ibigay na dito ang best nila. 

 

Medyo naririnig na ni Joy ang ingay mula sa mga bata. May ilan na nagrereklamo dahil sobrang aga ng program, yung iba naman ay acads, at karamihan ay naglalaro. 

 

Pero walang makakadistract sa kanya para icheck ang mga materials na gagamitin.

 

“Ate Joy?” 

 

Napatingin naman siya sa kaniyang harapan para silipin kung sino tumawag sa kanya. Medyo familiar yung boses na parang nakakausap niya tuwing may babayaran siya. 

 

Yung pinagkakautangan niya kasi yung aso niya may nakagat ganoon.

 

Laking gulat niya nang makita niya si Yeri na nakaupo sa harapan. 

 

Hala, hindi ata maganda na nandito rin si Yeri dahil mas lalo siyang kinabahan. Beh, nandito yung kapamilya malamang kailangan niya galingan sa pagpresent.

 

Relax ka lang anteh, mas matanda ka kaysa naman sa pinsan ni Wendy at marami ka na nalalman sa idi-discuss mo kesa naman sa mga SHS? Hindi naman siya ganoon mapapahiya diba? Inaral niya na rin naman ‘to nung isang araw. 

 

Uy natataranta na.

 

“Uy! Yeri, nandito ka pala hahaha” Luh plastic.

 

“Ikaw pala magtuturo… akala ko si Ate Irene.” Sabi ni Yeri na may konting disappointment sa kanyang tono

 

Bakit parang hindi nila tanggap na siya ang magtuturo ha? Eh kung hindi lang talaga masakit ang paa ni Irene, edi si Irene na nagturo. 

 

Hindi naman siya pwedeng maasar dahil alam niya na medyo kaclose din ‘to ni Irene. 

 

Bakit naman kasi sa dinami-dami ng magiging kapitbahay ng crush niya, sila Wendy pa talaga.

 

“Ay, oo nga pla… bukas na yung balik ni Winter sa clinic baka naman yung pang bakuna niya.” Paalala ni Yeri

 

Akala mo naman tatakbuhan niya responsibilidad niya doon sa bata. Daig pa asawa na grabe makahingi ng sustento sa anak. 

 

“Oo, ibibigay ko after nitong event or baka i-abot ko na lang sa pinsan mo.” 

 

Tumango si Yeri at bumalik naman na si Joy sa mga gawain niya. Ilang saglit na lang ay nagstart na ang program at lahat ay tutok na tutok naman kay Joy. Kahit yung mga officers at facilitators ay nakikinig din kahit na alam naman na nila ang ipapagawa at kung saan tungkol ang program. 

 

Lahat mangha dahil hindi nila inexpect na ganito magturo si Joy. Ibang-iba sa kilala nilang mataray na Joy. Parang bang sobrang light ng aura at handa ka pakinggang siya buong araw.

 

Pero may isa naman dalaga na focus na focus talaga sa speaker natin ngayon. Parang siyang maliit na bata na ngayon lang natututo dahil magaling yung tutor niya. 

 

What if ayain ni Wendy si Joy na turuan siya sa Calculus? Parang kasi mas may matutunan pa siya kapag si Joy nagturo dahil ang gaan ng aura niya kahit mukha siyang mataray. 

 

At tsaka hangang-hanga si Wendy ngayon kay Joy lalo na naitatawid niya yung discussion na akala mo walang nararamdaman na masama. Hindi ba naje-jebs si Joy? 

 

“Galing ni Joy mag-suppress ng feelings ahh” Bulong ni Wendy. 

 

Hindi alam ni Wendy na nakatitig lang si Seulgi sa kanya na parang pinagmamasdan niya kung paano ma mangha ang kaibigan niya sa iba habang siya yung nandyan. 

 

Hindi niya rin naman siya makapagreklamo dahil magaling si Joy magpresent ngayon at alam niya na pasok na pasok sa standard ni Wendy yung mga ganyan. 

 

Kahit na gusto niyang tanungin kung ano na ba ganap nila ni Joy, alam niya na hindi ito sasagutin ni Wendy.

 

Sa madalas na pag-aasar nila Jisoo sa kanya, lagi na lang ang sagot ay “Huh? Pinagsasabi niyo, kaibigan ko lang naman si Joy.” 

 

Kung ang simpleng sagot na ‘yon ay sapat na para kina Lisa, para sa kanya ay mahirap pa rin tanggapin lalo na kung titigan ni Wendy si Joy na parang ganoon din ang tinginan niya kay Irene dati. 

 

Naputol naman ang thoughts niya nang matapos magsalita si Joy at inutusan na sila na kumilos para i-guide ang mga studyante sa activity. 

 

Balik naman kay Wendy, kahit natapos na magsalita si Joy, hindi pa rin naalis ang mga mata niya sa dalaga hanggang sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha