Chapter 11

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 11]

WENDY

Naghahanda na ang magpi-pinsan ng mga gamit nila papasok sa kanilang ma paaralan. As usual, laging nahuhuli si Yeri. 

 

“Yeri, bilisan mo, pupuntahan ko pa yung school ni Winter.”  Sigaw ni Wendy.

 

Bumaba naman si Yeri na kitang-kita na hindi pa ito masyado nakaayos. Basa pa ang buhok at magulo ang pagkasuot ng uniform. 

 

“Bakit ka nga pala pupunta sa school ni Winter? Hindi ba sumugod na si mama about dun sa nangyari?” Tanong ni Yeri.  

 

Nalaman na pala ni Wendy ang nangyari kay Winter sa school at alam niya na rin nandoon si Joy para asikasuhin ang pinsan niya.

 

Naikwento na rin ng tyahin niya kung paano inasikaso at pinagtanggol ni Joy si Winter 

 

Laking utang na loob na meron na siya kay Joy kaya iniisip niya kung paano makabawi dito. Iniisip niya kung sapat ba yung yakap na binigay niya nung isang gabi kasi mukhang wala pa sa bare minimum ito. Char. 

 

Buti na lang talaga nalaman niya na naiwan ni Joy yung ID at motor nito aya nagkaroon siya ng plano na kunin ‘to para naman makabawi sa dalaga. 

 

Speaking of Joy, after ng yakapan nila ay hindi na niya ito masyado nakakausap. Uy, ‘wag bigyan ng meaning dahil busy lang talaga si Joy sa acads at sa DSC lalo na may event ang department nila regarding sa pagbibigay ng libreng training about sa design thinking para sa mga highschool.


Kaya parang bihira na lang din niya nakikita o nakakausap si Joy. Hindi naman ganoon kalalim ang  pagkakaibigan nila kung ikukumapara niya kina Seulgi. So, bakit parang nabo-bother siya kapag walang balita kay Joy. 

 

Ang huli niyang balita ito ay ilang araw na raw pumapasok si Joy ng nakacommute at laging may ticket sa office dahil wala itong ID. 

 

Malapit na ata kumota si Joy sa opisina at magiging major offense na yung hindi lang pagsuot ng ID. 

 

“Kailangan ko makuha ID ni Joy, nabanggit kasi ni tyang na nakalimutan niya kuhanin yung ID at motor ni Joy nung sumugot siya sa school.” 

 

Napakamot naman ng ulo si Yeri dahil sa pagkakatanda niya ay naayos naman na ng nanay niya lahat. 

 

“Huh? Bumalik kasi si mama doon kahapon, baka nakuha na niya? Hindi niya ba nasabi ‘yon sa’yo?” 

 

Sa pagkaalala niya, hindi niya pa nakakausap ang tyahin niya dahil pagkauwi ni Wenddy galing sa trabahoo, dumiretso na siya sa kanyang kama dahil sa sobrang pagod at kahit si Winter ay hindi niya nakausap. 

 

“Sure naman ako nakuha na ni Ate Joy ‘yon mamaya.” 

 

“Oh.” Tipid na sagot ni Wendy. 

 

‘So, paano ako makakabawi? Paano ko makakausap ulit si Joy?’ 

 

Hindi na pinansin ni Yeri ang maikling sagot ni Wendy at sinabayan na ang bunso sa pag-aayos ng kanilang baon. 

 

Tumulong na rin si Wendy sa pagligpit ng mga gamit at pagsara ng mga pintuan sa bahay, habang sina Yeri at Winter nag-aabang ng tricycle. 

 

Dapat kasabay nila pumasok ang nanay nila kaso nagkaroon ito ng 6am class bigla dahil nagkaroon ng emergency ang isang katrabaho nito at kailangan ng substitute. 

 

Sayang, hindi niya ito matatanong agad. 

 

Napabuntong hininga siya at inilabas ang phone niya para icheck kung nagmessage ba ang kanyang tyahin. Minsan kasi ay nagiiwan si Taeyeon ng paalala kay Wendy tuwing umaga. Tulad ng mga naiwan na sampay na kailangan alisin bago siya umalis, mga pagkain na ihahanda pagka-uwi ng magkakapatid, at marami pang iba. 

 

Pero laking gulat niya nang makita niya ang message ni Seulgi. SImpleng bati lang naman ito ng good morning at kinamusta kung kumain na siya. 

 

Weird, dahil sa ganitong oras ay tulog pa ang oso dahil wala naman itong klase sa umaga at tsaka kahit naman na magising ‘to nang maaga, hindi naman ito buumabati kaya anong problema nito? 

 

[6:32am] Seul:  Good morning, sa bestfriend kong amoy burger tuwing 4pm.

 

[6:57am] Seul: Psst, kumain ka na? May dala pala akong baon mamaya. 

 

[6:57am] Seul: Para naman hindi ka puro tinapay. 

 

[7:10am] Seul: Sasabay ba sa atin si Ate Joy mamaya?

 

[7:11am] Seul: I mean wala naman akong say kung sasabay si Ate Joy mamaya hehe


 

Pinagsasabi mo?:Wendy [7:17am]

 

Hindi ko alam, hindi naman kami magkausap hahaha:Wendy [7:17am]

Pero salamat sa pabaon mo madam, sana nakakain 'yan ha. :Wendy [7:17am]

 

Itong si Seulgi parang ewan. Hindi pa ba siya sanay na nakakasama na nila si Joy? Or baka lang naninibago siya kapag ‘di nila nakikita na kasama niya si Joy?

 

Hinintay niya ang reply ni Seulgi pero mukhang nakatulog ito ulit. Aba, mabilis kaya magreply tong oso niya kaya kabisado niya kapag hindi nakapag reply si Seulgi, alam niyang bumalik sa pagtulog ito.  Tsaka, anong oras pa lang naman kaya panigurado bumalik 'to sa paghibernate.

 

Ibabalik na niya sana ang phone niya nang bigla ito nagvibrate. Inaasahan niya si Seulgi ‘yon pero laking gulat niya na galing ito sa babaeng niyakap niya nung nakaraan. 

UYYYYYY

[7:20am] Dishwashing Liquid: Good morning. 

 

Uy! Good morning din hahaha:Wendy [7:20am]

 

Kumusta?:Wendy [7:20am]

 

Wow, kinamusta ni accla. 


 

[7:23am] Dishwashing Liquid: Ang bilis mo naman magreply, inaabangan mo message ko ‘no? 

 

Kapal mo! Bakit ko aabangan reply mo?:Wendy [7:23am]

 

Oo nga, bakit ba hihintayin ni Wendy reply ni Joy eh kunug wala naman sa kanya kung hindi siya bigyan ng update nito.


 

[7:24am] Dishwashing Liquid: Joke lang, wala ako sa mood makipagbiruan. Ilang araw na akong walang ID at wala pa yung motor ko.

 

[7:24am] Dishwashing Liquid: Itatanong ko lang kung paano mag commute papuntang school ni Winter? Wala kasing naga-accept na booking ko ng taxi. 

 

[7:24am] Dishwashing Liquid: Or pwede mo ba akong samahan? Hindi kasi pwede sila Rosie, lalo na si Irene dahil sobrang busy niya sa meetings. 

 

Meron pa naman siyang oras para naman samahan si Joy at sure naman siyang mabilis lang ang sadya nila doon. Medyo matagal pa naman para sa 10am class niya kaya syempre papayag yang manok natin. 

 

saan tayo magkikita?:Wendy [7:26am]


 

[7:26am] Dishwashing Liquid: Sa campus na lang natin, ayan lang kasi kabisado ko sa pagcommute.  

 

[7:26am] Dishwashing Liquid: G ka ba?  

 

Sabihin mo muna please hahahahaha:Wendy [7:26am]

 

[7:26am] Dishwasing Liquid: TANGINA MO

 

Napatawa naman si Wendy dahil nai-imagine niya mukha ni Joy mainis. 

 

Hindi ko aakalain na hindi ka pa rin marunong magcommute.:Wendy [7:26am]

 

[7:27am] Dishwashing Liquid: Sabihin mo na kung ano gusto mo sabihin, basta samahan mo ‘ko. 

 

Ngayon na ba? :Wendy [7:27am]

 

[7:27am] Dishwashing Liquid: Yes.

 

[7:27am] Dishwashing Liquid: I need my baby na. 

 

HUHHHHHHHHHHHHHHHHHH?????

At doon na po biglang namula si Wendy dahil sa reply ni Joy. May kasamang nginig at bilis ng tibok ng puso. 

 

“ANONG BABY?!” Sigaw ni Wendy.

 

Sa sobrang bigla ay napaatras ito at napaupo sa maliit na bangko ni Winter. Bakit naman kasi kailangan sabihin ni Joy yung word na baby?

 

Ano ba tinutukoy niya doon ha? Si Wendy ba o yung motor niya? 

 

“Ate Wannie? Okay ka lang po ba?” Tanong ni Winter. 

 

Syempre Wintot hindi okay pinsan mo ikaw ba naman gulatin ng isang Park Sooyoung aka Joy. Good morning nga talaga. 

 

“Ahh…oo, okay naman ako Wintot, may sinend lang na picture si Ate Joy mo ng nakakatakot.” 

 

Sa mga oras na ‘to parang nagdadalawang-isip na si Winter kung mabait ba ang Ate Jwoy niya lalo na alam niyang bad ang manakot. 

 

Sa dinami-dami ng tatakutin, yung Ate Wannie pa niya. Bawas na naman ang puntos ni Joy kay Winter. 

 

“Bad ni Ate Jwoy.” 

 

Sasagot na sana si Wendy nang dumating ang tricycle nila. Agad naman niyang kinuha ang bag ni Winter para isakay ito sa tric. 

 

"Explain ko mamaya Wintot ha? Pasok ka muna sa school."

 

Tumango si Winter at kinuha na ang stuffed toy nito para dalhin sa school.

 

“Wala na kayong naiwan?” Tanong ni Wendy sa magkapatid. 

 

“Wala naman na.” Sagot ni Yeri.

 

“Okay, tawagin ko lang si Karina para makaalis na kayo.” 

 

Tumango lang ang dalawang magkapatid at aalis na sana siya para tawagin si Karina nang biglang hugutin ni Yeri ang braso niya. 

 

“Magtapat ka nga sa akin Ate Wends, may something  ba sa inyo nung Joy?” Seryosong tanong ni Yeri. 

 

HA? 

 

ANO NA NAMAN PROBLEMA NG TAO AT INI-ISSUE SIYA KAY JOOOY!

 

“Pati ba naman ikaw? Magkaibigan lang kami ni Joy tsaka wag mo kong i-ship dun” Sagot ni Wendy. 

 

“Sure ba? Buti naman kasi may ship na ako for you ‘no.” 

 

Sa pagkaalala ni Wendy, wala naman siyang kinukwento na love interests niya kahit na si Irene, hindi niya sinasabi rito kahit na close sila. 

 

Pagdating kasi sa mga crushes dapat secret lang sa pamilya kasi nakakahiya naman ibulgar. 

 

Pero sino shiniship ni Yeri sa kanya? 

 

“Sino naman ‘yan? Kapag ‘yan lalaki, siansabi ko sa’yo yeri hindi ko dadagdagan baon mo–” 

 

“Woah, chill ka lang, si Ate Irene lang naman tinutukoy ko.” 


 

Hindi alam ni Wendy kung may evevnt ba ngayon dahil umaga pa lang puro pasabog sa nararamdaman niya. Lahat ng mga sinasabi ng mga tao ay nakakagulat at hindi niya kaya i-process ito lahat. 

 

“Saan mo naman nakuha yang idea na kaming dalawa ni Irene?” 

 

Wala naman masama kung sa crush niya i-ship siya kaso saan naman napulot ‘yan ni Yeri? May napapansin ba siya na hindi niya napapansin? 

 

“Wala lang, kasi nung mga nakaraan parang gusto ka talaga sabayan ni Ate Irene pumasok at lagi ka niyang nasasama sa pagluluto, ang frutiy and at the same time ang fishy nun ha!” 

 

“Baka mabait lang talaga si Irene, alam mo ba nagwe-welcome lang talaga kasi bagong lipat tayo.” Sagot ni Wendy. 

 

“Teh, okay ka pa ba? Ilang buwan na tayo dito tapos puro pawelcome sa subdivision pa rin? Ano siya anak ng presidente ng homeowner organization natin??” 

 

Sa totoo lang ang nanay ni Irene member ng organization nila kaya di possible mangyari na ganoon kagalante si Irene, char.

 

May point naman si Yeri pero ayaw lang ni Wendy na na mag-assume lalo na nakilala niya si Irene na ganoon talaga siya magwelcome sa tao. 

 

“Bakit ba kasi hindi mo pinapansin si Ate Irene?” Tanong ni Yeri. 

 

Paano niya ba ‘to sasagutin? Na sobrang mahiyain siya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya makalapit kay Irene. 

 

Natatakot siya maging tanga siya sa harapan ni Irene dahil iniisip pa lang niya na kapag magkaharap sila ni Irene, mauutal na siya agad. 

 

“Hay nako! Umagang-umaga Yeri napaka chikadora mo! Tawagin ko na si Karina baka malate pa kayo.” 

 

Hindi na niya pinansin ang pinsan niya kahit nagta-tantrums na ito ng konti. Kailangan ni Wendy lang talaga iwasan ang topic tungkol kay Irene dahil alam niya na hindi niya masasagot ‘to. 

 

Pagkadating ni Wendy sa bakuran nila Karina ay agad naman siyan pumasok sa loob para katukin ang pinto. 

 

Nakasanayan na rin talaga ng nanay nila Irene na iwan ang bakuran nilang bukas tuwing umaga para kapag dumating na ang sundo nila Karina ay agad naman makakakatok sila Winter. 

 

“Hello po, nandito na po si manong, nasaan na po si Karina?” 

 

“Saglit lang!” Sigaw ng babae mula sa loob. 

 

Biglang nanigas naman si Wendy nang marinig niya boses ni Irene. Hindi niya kasi inaakala nandito pa si Irene at alam niyang maaga pumapasok ang dalaga. 

 

“Potek dapat inutos ko na lang ‘to kay Winter.”  Bulong ni Wendy

 

Paalis na sana siya nang makita niya dala ni Karina ang mabigat niyang bag at mukhang hirap na hirap ito buhatin. 

 

Bilang mabuting mamamayan, lumapit siya kay Karina at binuhat ang bag nito. Napangiti naman ang bata dahil ang sweet sweet ng pinsan ng kaibigan niya. 

 

“Good morning, okay na ba pakiramdam mo?” Tanong ni Wendy. 

 

Hinawi ni Wendy ang ibang buhok na nakaharang sa mukha ni Karina at pinakiramdaman ang noo nito kung mainit pa ba. 

 

“Opo” Sagot ni Karina na may kasamang pagtango. 

 

“Karina, wait lang yung baon mo–Oh! Hi Wendy” Bati ni Irene. 

 

Hindi inaasahan ni Irene ang presensya ni Wendy. Kung alam niya lang sana maaga siyang nag-ayos dahil kitang-kita naman na sabog ang itsura niya. Nasa nature na ni Irene ang maging presentable sa harap ng ibang tao kaya gulat na gulat ito na makita siya ni Wendy na ganito ang itsura niya.

 

Nakabihis na si Irene ngunit hindi pa ‘to nakapag suklay ng buhok pero okay lang naman maganda naman si madam. 

 

“Hello, Irene...si Karina nga pala tinatawag na ni Winter baka malate.” 

 

“Oh! Sorry kung nalate si Karina, nalate kasi ako ng gising kaya hindi agad na prepare baon niya.” Paliwanag ni Irene. 

 

Oh, iba talaga kapag panganay. 

 

“Okay lang, kaya pa naman maghintay ng mga pinsan ko.” 

 

Tumango si Irene at inayos ng konti ang buhok ni Karina bago pa ‘to umalis. Inilagay na rin ni Wendy ang bag ni Karina sa loob ng tricycle para hindi na maabala ang ate niya. 

 

Buti naman at mabilis kumilos si Irene dahil nakasakay naman agad si Karina at may isang Winter na masaya dahil kasama na niya ang kaibigan niya. 

 

Pagkaalis ng tricycle ay babalik na sana si Wendy sa loob ng bahay nila para i-check kung natanggal ba nila ang mga nakasaksak na gamit kaso bigla siyang kinalabit ni Irene. 

 

“Ay jusko! Bakit naman lahat ng tao nanggugulat!” 

 

Napangiti si Irene sa mga actions ni Wendy. Hindi naman niya kasi sinasadya na gulatin ang dalaga. 

 

“Sorry, gusto ko lang kasi ayain ka na sabay tayo pumasok? Mukhang paalis ka na rin kasi.” 

 

May part kay Irene na sana pumayag na si Wendy sa request niya na jusko hindi niya na alam kung ilang beses na ‘tong pag-alok. 

 

Pero mukhang hindi ata papayag si Wendy ngayon lalo na inaalala niya na may lakad sila ni Joy at kailangan na niyang magmadali at baka ang maging umagahan niya ang sermon nito.

 

“Ahh, gusto ko sana kaso may dadaanan pa ako kaya sorry.” 

 

Agad naman nawala ang ngiti ni Irene nang tinaggihan siya ni Wendy. Kailan ba kasi magkakaroon ng chance para maging magkaibigan ulit sila?

 

Gusto niya lang maagkaroon sila ng oras na magasama at makapag-usap tungkol sa nangyari dati. 

 

Hiliig ni Ate mo Irene maghukay ahh.. 
 

Sa dinami-dami ng pwedeng ungkatin, yung past pa talaga nila. Pero ano ba kasing nangyari dati? 

 

“Sige, una na ako ha? May kasama kasi ako.” 

 

Hindi na hinintay ni Wendy ang reply ni Irene at tuluyan na ito umalis. Para kay Wendy, hindi pa siya handa makipag-usap kay Irene. 

 

Alam niya na agad na kapag nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasama silang dalawa, ibri-bring up ni Irene yung issue dati. Ang issue na binaon na niya dati pa.

 

‘Ang duwag ko na naman.’ 

 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

Dumating si baby hamster natin na hingal na hingal na akala mo sumali sa karerahan. Laking takot niya lang talaga na magalit si Joy dahil bagot na bagot ito kakahintay sa kaniya. 

 

“Bilis ng tibok ng puso ko.” Bulong ni Wendy. 

 

Nakahawak it sa may gate ng school nila na tila bang hinang-hina at patuloy sa paghahabol sa kaniyang hininga.

 

Sa sobrang busy sa kaniyang sarili ay hindi niya napansin na may palapit na pala sa kanya. 

 

“Mas mabilis ang tibok ng puso ko.” Bulong ni Joy sa tenga ni Wendy.

 

Ay bakit naman mabilis din ang tibok ng puso.

 

“Ay lechugas! Sino ‘yon?!” Sigaw ni Wendy at napatingin agad ito sa kanyang likod. 

 

Syempre sino pa ba? Ang babaeng nag-utos– ay nag-aya sa kanya. 

 

“Shon, alam kong fresh ako pero sana wag mo kong ikumpara sa gulay.” Sabay ngisi ni Joy. 

 

Well, hindi naman maitatanggi na fresh talaga si Joy. 

 

Alam niyo yung bagong bungang bulaklak sa umaga na kapag nakita mo, parang ang sarap titigan buong araw. 

 

Yung pakiramdam na sobrang gaan na tipong gusto mo na makasama habang buhay hays. 

 

“Huwag mo simulan araw ko Joy.” Pabirong bati ni Wendy. 

 

“Tanga, ako na nga tong sumalubong sa’yo sa gate at tumawag kanina bago ka umalis ng bahay niyo,  ‘di pa ba ako yung nagsimula sa araw mo?”

 

May point naman si Joy pero sa pagkakaalala niya ang unang nagmessage sa kanya ay ang bestfriend niya.

 

“Kaya ka lang naman nagparamdam kasi nagpapasama ka sa school ni Winter.” 

 

“Aba, dapat lang naman dahil pinasuyo niyo si Winter sa akin.”

 

“Excuse me? Ikaw nagpresenta na magsundo kay Winter ‘no!” 

 

Ganito ang bati talaga nilang dalawa sa isa’t isa, ang magbangayan sa gate ng university nila na kahit si manong guard ay sanay na sanay sa sagutan nilang dalawa. 

 

Hinahayaan niya na lang ito at least daw kasi nakatabi sila at hindi paharang-harang sa dinadaanan ng tao. 

 

Iniisip na rin nila na balang araw magkakatuluyan din tong aso't pusa kung mag-away.

 

“Fine, ikaw na panalo sa sagutan na ‘to” Suko na si Joy. 

 

Lagi na lang siya natatalo sa sagutan nilang dalawa at mukhang natatanggap na niya pakonti-konti na marupok siya kay Wendy. 

 

Syempre, ‘di niya mahahalata pa ‘yon dahil sabi ng isip niya kay Irene lang ito rurupok. 

 

“So, tara na ba?” Tanong ni Wendy 

 

“Ahh, about diyan… baka ‘di na tayo tumuloy.” Ngiti ni Joy. 

 

Kitang kita naman ang pagkunot ng noo ni Wendy na halata mo na anytime maba-badtrip na.

 

Beh, sinong ‘di maba-badtrip diba? Ang aga kang pinapasok tapos wala na pala? Edi sana yung oras na nasa school siya ay itinulog na lang niya. 

 

“Bwisit.” Maikling s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha