Chapter 4

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 4]

JOY

“Joy, pasuyo naman itong mga papers na ipapasa kay Ms. Yuri. Pasabi na rin na need ng approval niya agad para makapag-proceed na tayo sa next event.” Utos ni Irene.

 

Tumango si Joy at kinuha ang mga papel. 

 

“Kami na lang kaya Irene.” 

 

Tumayo si Jennie at aakmang kukunin na ang mga papel ngunit nilayo ‘to ni Joy sa kanya. Mas gusto ni Joy na siya ang magbigay ng mga papel para kahit pa paano makapaglakad-lakad siya. 

 

Teh, ikaw ba naman kumain ng maraming pagkain sa isang upuan lang. 

 

“Ako na dito Jen, kailangan ko rin kasi magpababa ng kinain kasi feeling ko punong puno na tyan ko.” 

 

Hindi kasi maintindihan ni Joy kung bakit niya inuna kinain yung binigay ni Wendy sa kanya kung pwede naman ibigay na lang ito sa pinsan niyang si Ningning. 

 

Well, namiss rin naman niya yung burger sa malapit lalo na kapag kasama si Wendy– sila Wendy and friends. Kapag hindi niya kasabay sila Irene dahil sa magkakaiba ang schedule, tanging nakakasabay niya sila Wendy. 

 

“Sure ka? Baka kasi marami ka pang inaasikaso.” Tanong ni Jennie. 

 

“Yup, tsaka pagdating sa approval, kami dapat maglalakad hindi kung sinu-sino lang. Kami rin mapapahamak.”  Sagot ni Joy. 

 

Wala rin naman masasabi si Jennie dahil may point si Joy. Kahit na gusto niyang pagpahingahin ang kaibigan, wala naman siyang magawa. 

 

Lumabas si Joy para ihatid na ang mga papel ngunit napatigil siya nang mapansin niya may isang studyante na tumatawag sa kanya. 

 

“Ate Joy! Wait lang sabay na ako sa’yo” Sigaw ng isang babae. 

 

Actually, hindi naman niya gaano kilala yung babae pero ang alam niya isa rin siya tumatakbo as secretary. 

 

Hindi sanay si Joy sa presensya ng ibang tao pero marunong naman siyang makisama. 


“Pupunta ka rin ba ng faculty Ate Joy?” Tanong ng babae. 

 

“Yup.” Tipid na sagot ni Joy. 

 

Hangga’t maari ayaw ni Joy ma associate sarili niya sa mga candidates dahil iniisip niya baka magkaroon pa ng issue. 

 

Marami kasing kumakalat lagi na kaya lang nagkakaroon ng pwesto ang ibang studyante sa StuCo dahil may kapit. Strict din ang unniversity nila about dun dahil gusto rin ng administrators maging fair sa lahat ng studyante. 

 

Kaya kapag nadawit pangalan niya sa simpleng issue, matatanggal siya sa pwesto. Hindi niya kayang i-risk ‘to dahil maraming benefits din na nakukuha niya as a student leader. 

 

Kaya ilang araw niya rin hindi kinausap o kinulit si Wendy dahil mahirap na baka madawit siya at ang karibal niya.

 

“I see, kumusta naman kayo sa StuCo? Sana talaga manalo ako.” Sabi ni ate mo girl. 

 

‘Hala, hindi siya nakiramdam na ayoko nga makipag-usap.’

 

“Hehe good luck.”

 

Mukhang napansin naman ni ate mo girl na ayaw makipag-usap sa kanya ni Joy. Medyo nagtatampo siya dahil kapag nakikita niya sila ni Wendy, mukhang masaya naman si Joy kasama. 

 

Itutuloy pa sana ni ate girl makipag-usap nang makasalubong nila ang ibang kaibigan nito. 

 

Binilisan ni Joy sa paglalakad para makaiwas sa mga kaibigan nito. Wala siyang energy para makipaghalubilo sa ibang tao. 

 

“Beh, alam mo ba nakita namin si Wendy kanina.” 

 

“Diba kalaban mo yun? Nakita namin nag-abot ng pagkain sa office ng StuCo.” 

 

“Manunuhol na nga lang, ang cheap pa binigay.” 

 

Napahinto si Joy nang marinig niya na-drag ang pangalan ni Wendy. 

 

‘This .’


Hindi na nagugustuhan ni Joy ang tabas ng dila ng babae na ‘to. 

 

“Hindi nila deserve ang ganoong pagkain–”

 

Hindi na natuloy ng babae ang sinasabi niya nang biglang sumingit si Joy. 

 

“Can y’all just stop saying nonsense already?”  

Hindi niya nagustuhan na marinig ang pangalan ni Wendy sa ibang tao. Lalo na na i-involve siya sa chismis. 

 

Ang salitang ‘Cheap’ at ‘Wendy’ hindi dapat pinagtatabi para kay Joy. 

 

‘Bakit ganito pakiramdam ko? Gusto ko magwala bigla.’

 

Natakot naman ang magbabarkada na nagsasalita ng masasamang words kay bebe Wendy. 

 

First time lang nila makita na ganito si Joy. Kilala rin naman si Joy as mataray na VP dahil sa may intimidating na aurahan pero hindi siya yung tipong susungitan ka na lang bigla. 

 

Pero iba ngayon… 

 

“S-sorry po.” 

 

Magsasalita na sana siya nang naisip niya na ‘di worth it kung papatulan niya ang mga magkakaibigan. 

 

“Handa ako palagpasin kung ano man sinabi niyo kay Wendy.” 

 

‘Hindi ko talaga kayang palagpasin. Kung pwede lang talaga manakit at hindi ako vp, sinungalngal ko na kayo.’ 

 

“Matatanda na kayo, alam niyo naman na siguro yung tama at mali. Mali na may chismisan na nagaganap lalo na napapahamak ang ibang tao sa inyo.” 

 

Tumalikod si Joy sa magtropa at maglalakad na sana siya kaso may pahabol pang speech si ate mo Joy. 

 

Nanggigil na nga talaga siya. 

 

“As a vice president, warning lang muna ngayon. Pero kapag narinig ko ulit ang pangalan ni Wendy sa mga bibig niyo, as her friend, it’s a threat.” Madiin na pagkasabi ni Joy. 


 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

WENDY

“Nakauwi na ako.” 

 

Sigaw ni Wendy habang tinatanggal ang suot niyang sapatos sa may pintuan nila. Medyo ginabi na rin siya ng uwi dahil ngayon ang first day niya as a part-timer. Habang kinakaya niya pa ang mga ganap niya sa buhay, napag-isipan niya muna mag part-time para na rin tulungan niya ang tyahin niya sa gastusin. 

 

“Kumain ka na ba? Kung hindi pa, kumain ka na at makipaglaro ka na kay Winter.” Sabi ni Yeri 

 

Nakatira si Wendy sa simpleng bahay lang kasama ang kanyang tyahin na si Taeyeon at ang mga anak nito na sina Yeri at Winter.

 

Oo, yung librarian na nakasaksi sa landian nila ni Joy sa library, tyahin ni Wendy. Hindi naman talaga librarian si Taeyeon. Kinuha niya lang ang trabaho na ‘to pandagdag na rin sa mga gastusin nila sa bahay.

 

“Ate Wannie?” 

 

Sulyap ni Winter sa may sala para tignan kung tama ba si Wendy ang kausap ni Yeri. Kahit busy siya manood ng Kim Possible, mas pipiliin niya makipaglaro kay Ate Wannie niya. Mas favorite pa ata ni Winter si Wendy kesa sa mismong ate niya na si Yeri. 

 

Lumapit si Wendy kay Winter at sabay binuhat ang bata. 

 

“Bakit gising pa an Baby Wintot na ‘yan?” Tanong ni Wendy. 

 

Nagpout lang si Winter at isinuksok ang kaniyang mukha sa leeg ni Wendy. 

 

“Hintay ko po yung pwomise mong ice cweam.” Bulong ni Winter. 

 

‘Oo nga pala, sinabi ko sa kanya na ililibre ko siya ng ice cream at ipapasyal ko sa park malapit dito.’ 

 

“Pwede tomorrow na lang? Pagod kasi si Ate Wannie.” Nagpacute si Wendy at umaasa na tumalab kay Winter. 

 

Matampuhin pa naman ang bata kapag hindi nasunod ang gusto. 

 

Mukhang hindi nagustuhan ni Winter ang sagot niya dahil bigla kumunot ang noo ng bata. 


“Nakailang tomorwow ka na ate.” 

 

Ay pakshet. Sa sobrang busy niya sa acads at ibang bagay, nalilimutan niya na mga promises niya kay Winter. 

 

“Ate, binlhan mo na lang si Winter ng ice cream para matigil na ‘yan. Kanina pa ‘yan.” Sigaw ni Yeri habang nililigpit ang mga laruan.

 

Wala naman magawa si Wendy dahil sobrang rupok niya dito sa pinsan niya.

 

 Kay Winter lang talaga rurupok si Wendy.

 

Pero pwede rin naman kay Joy. Emz

 

“Wait mo ‘ko ha? Habang ‘di pa nakakabihis si Ate Wannie, bibili muna siya ng ice cream para kay Wintot.”  Sabi ni Wendy. 

 

Ibinaba ni Wendy si Winter at hinanap ang kanyang wallet sa bag. Sinuot niya na rin ang kanyang tsinelas at lumabas na ito ng pintuan.

 

“Ate! Libre mo rin ako ha!” Pahabol ni Yeri. 

 

“Wala akong pera!” Sigaw ni Wendy 

 

Sinarado niya ang pinto at sumulyap ‘to sa katabing bahay. 

 

‘Wala naman masama kung sisilip lang konti.’

 

Pagkalingon nito ay nakita niya agad si Irene sa bintana. Mukhang seryoso si Irene sa pagtu-tutor sa kapatid niya na si Karina. 

 

Kilala niya si Karina dahil bukambibig ni Winter ang pangalan na ‘yon. Naku-kwento lang ni Winter si Karina sa kanya at hindi pa niya talaga ito lubos na kilala. Ang alam niya lang ay mas matanda si Karina kay Winter ng isang taon. 

 

Lumakad na si Wendy palabas n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha