Chapter 12

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 12] 

 

JOY 

 

Ilang oras pa lang nakakalipas pero parang ilang pagsubok na sa buhay ang dumaan sa kanya. Kung hindi lang talaga basang basa siya ng pawis kanina, ‘di niya susuotin ang tshirt na binigay sa kanya ni Wendy. 

 

Wala naman kaso sa kanya kung masikip o maliit ‘to, sa katunayan nga ay sakto lang ang damit sa katawan niya. 

 

Ang problema lang talaga ni Joy ay hindi siya sanay sa damit na may malaking design na cartoon. Cute naman yung hamster na nakaprint, si Hamtaro lang naman ‘to. 

 

Panigurado si Winter ang pumpili ng damit ni Wendy. 

 

Nung una ay ayaw niyang isuot dahil nahihiya siya sa ganitong damit. Alam niyo na mga damitan kasi ni Joy mga pang elegante. Yung tipong makakasalubong mo sa hallway alam mo na agad na main character siya sa isang storya.

 

Ngayon, feeling niya nawalan siya ng angas dahil kay Hamtaro. 

 

Kahit na nahihiya siya sa suot niya, walang nakapigil sa kanya na makipagkapwa tao at gawin ang duties niya as VP.

 

Pagpasok ni Joy ng seminar room ay kitang-kita agad na abala ang lahat sa pag-aasikaso ng mga gagamitin para sa event bukas. 

 

As usual, kahit na sabihin mo maraming tao sa sa isang silid, ang mga mata niya ay magpopokus lang sa isang babae. 

 

Sino pa ba? Edi si Irene.

 

Kahit sa malayo ay kitang-kita ang pagiging leader ni Irene dahil hands-on lagi sa mga tasks na ibigay sa kanya at naga-guide naman nang maayos ang mga tao. 

 

Basang-basa na ito ng pawis at ramdam mo na naghahabol kaunti ng hininga pero tuloy pa rin sa pag-aasikaso. 

 

Isa na naman pong Ligaya ang ang manghang-mangha kay Irene. 

 

Sa ganda ba naman na taglay ni Irene, sinong 'di mamangha diba? 

 

Kapag tinitigan niya si Irene, parang daig niya nasa anime na kumikinang ang paligid na may kasamang pink na background. 

 

Parehas sila ng description ni Wendy sa tuwing makikita si Irene pero siguro ganoon naman talaga kapag inlove.

 

Kapag sa mga Kdrama naman, parang nagblu-blur ang paligid at may pa slowmo effect. 

 

Kahit na pagod na pagod ang itsura ni Irene, hindi pa rin nagpapatalo ang mukha niya, tanginang mukha ‘yan, napakaganda.

 

Naputol naman ang thoughts niya nang makita na biglang naglakad si Irene papuntang platform o maliit na stage. 

 

Nakita niya kasi iika-ika ito maglakad at mukhang masakit ang paa nito. 

 

Lumapit naman siya agad para alalayan si Irene. 

 

Nagulat naman si Irene nang biglang may humablot ng braso niya. Si Joy lang naman ‘yan madam kaya chill ka lang. 

 

Inilagay ni Joy ang braso ni Irene sa kanyang balikat at ang isang kamay niya naman ay inilagay sa bewang ng dalaga para suportahan maglakad papunta sa may bakanteng upuan. 

 

Pagkaupo ni Irene ay sabay naman itong ngumiti kay Joy at nagpasalamat. 

 

Hindi gusto ni Joy ang nangyayari ngayon dahil kanina lang ay nakita niya na okay si Irene tapos ngayon hindi na kayang maglakad. 

 

“Anong nangyari sa mga paa mo, Irene?” Tanong ni Joy 

 

May halong pag-aalala sa tono ni Joy at hindi naman manhdi masyado si Irene para hindi mapansin ‘yon. 

 

Kinuha ni Irene ang isang kamay ni Joy para pakalmahin ang dalaga at i-assure na okay lang siya. 

 

“Wala lang naman ‘to” 

 

“Anong wala? Hindi ka na nga makapaglakad.” 

 

“Mali lang ata ako ng sapatos na naisuot kanina kaya nagkaroon ng paltos paa ko pero okay naman ako, Joy.” 

 

Umiling si Joy at lumuhod ito para tignan ang mga paa ni Irene. Nakita niya na medyo okay pa naman ang kanang paa nito pero ang kaliwa ay puro paltos na nga. 

 

Nakita niya rin na medyo nanginginig ito ng konti ibig sabihin nito ay nangangalay na. 

 

Hinawakan ni Joy nang dahan-dahan ang paa ni Irene para hilutin ito pero nagulat ito nang biglang napaurong si Irene sa sakit. 

 

Kung pwede lang pagsabihan itong mga paa ni Irene ng "Please, 'wag ang prinsesa ko, kahit si Wendy na lang"

 

Pero ayaw naman niyang isumpa din si Wendy kasi bad daw 'yon. 

 

“See? Sobrang sakit na ata kaya need na kitang dalhin sa clinic.” 

 

“Ahh, ‘wag na Joy, okay na ako na nakaupo dito…ako kasi in-charge dito–”

 

“Kaya ka nga may vice president ka para kahit pa paano may pumalit sa’yo kung may mangyari diba? Tsaka dapat tinawag mo ko agad kapag may nararamdaman ka na.” 

 

“May ginagawa ka rin naman kasi Joy, ikaw nag-aasikaso ng paperworks natin–” 

 

“Okay lang naman ‘yon, patapos na rin ako sa mga papers natin kaya wala sa akin kung ako naman kumilos dito sa room” Putol ulit ni Joy. 

 

Ito ang ayaw ni Joy, kapag may gagawin siya ay nakafocus lang siya sa isang bagay. Alam niyang magaling siya sa paperworks pero gusto niya rin naman kumilos nang nag-o-oganize ng mismong event place mismo. 

 

Puro paperworks na lang binibigay sa kanya samantala naman si Irene ay all around talaga. 

 

“Irene, kailangan na talaga kitang dalhin sa clinic para gamutin yang paa mo.” 

 

Aalma na sana si Irene nang biglang tumalikod si Joy at pumwesto na parang inaaya niya si Irene na i-piggyback ito. 

 

“Kapag talaga di ka sumampa sa likod ko, magtatampo ako.” Sabi ni Joy.

 

Ano pa ba magagawa ni Irene? Edi sumampa siya sa likod ni Joy at yumakap nang mahigpit para hindi siya mahulog. 

 

Ayaw mafall kay anteh Joy :( 

 

Sinigurado ni Joy na maayos ang pagkakasampa ni Irene sa likod niya at tumayo na ito. 

 

Pinagtitinginan na sila ng mga ibang officers pero ano bang pake ni Joy? Sa ngayon, gigil siya lalo na wala man lang nag-asikaso kay Irene lalo na sila ang mga kasama nito. 

 

“Officers, continue niyo lang ginagawa niya at babalik kami dito, ipapagamot ko lang si Irene kasi masama ang pakiramdam.” Sigaw ni Joy. 

 

Lumapit naman ang isang officer sa kanya, sa pagkakatanda niya, ito yung secretary nila.

 

“Okay lang po ba si Ate Irene?” Tanong nito. 

 

“Aba ewan ko, ano ba sabi ko kanina? Diba masama pakiramdam? Kayo kasama ni Irene kanina pa tapos ‘di niyo man lang napansin.” 

 

Simula sa umpisa, nag-iinit na talaga dugo niya sa officers, lalo na dyan sa secretary nila. Hindi naman sa bitter pa rin siya na hindi si Wendy ang panalo, naiinis siya kasi ilang buwan na nakalipas ay wala pa nagagawang tama tong tao. 

 

“Kagagaling ko lang sa mga bawat offices para ilakad lahat ng requirements at paperworks, halos ako na sumalo ng ibang tasks mo para matulungan niyo si Irene tapos ‘di ka aware sa nangyayari sa paligid mo– “

 

Napatigil naman si Joy nang biglang niyakap pa siya ni Irene nang mas mahigpit. 

 

“Joy, tama na ‘yan.” 

 

Bigla naman naging aware si Joy nang makita ang takot na takot na mukha ng secretary nila. Anger issues niya na naman lumalabas. 

 

“Sorry.” Bulong ni Joy. 

 

Tumingin si Irene sa secretary at nag-signal na lang na umalis na ‘to.

 

Tumango na lang ang bata at kumaripas ng takbo. 

 

“Tara na, dalhin mo na ako sa clinic.”  Mahinahong sabi ni Irene 

 

Hindi na pumalag si Joy, alam niya kasi sesermonan na naman siya ni Irene lalo sa ginawa niya. Alam na alam niya kung paano maging isang leader si Irene. Kung gaano ka strict si Joy, ganoon naman ka soft si Irene. 

 

Naniniwala kasi si Irene kapag mabait ka sa mga naha-handle mo, maganda magiging output ng isang team.

 

Kaya lahat ng tao paborito si Irene dahil sa pagiging gentle nito.  

 

Shuta, ngayon kasi sinasamantala na pagiging mabait ni Irene.

 

“Joy, pinagsabihan na kita before diba?” 

 

“Sorry, hindi na kasi ako makatiis lalo na ilang beses na pumapalpak ibang officers natin kahit ilang months na natin sila tinuturuan… hindi lang naman ito yung isang beses na nag-organize tayo ng event pero bakit kailangan salong-salo pa rin natin yung naka-assign sa kanila?” 

 

Napatikom si Irene at halata naman na sang-ayon siya sa sinabi ni Joy. Hindi naman ganoon kabulag si Irene para hindi mapansin ang mga kakulangan at kahinaan ng mga tao niya. 

 

Ilang projects na rin ang nagdaan pero feeling niya bawat bigay sa kanila ng gawain ay umuulit siya sa simula pagdating sa page-explain. 

 

Para kay Irene, okay lang naman sa kanya magturo kasi sa paniniwala niya ay kasama na rin ‘yon bilang isang leader. 

 

“Madam?” Tawag ni Joy. 

 

“Huh?” 

 

“Natulala ka.” 

 

"Iniisip ko yung sinabi mo" 

 

Humigpit naman ang yakap ni Irene at sabay ibinaon ang mukha sa balikat ni Joy. 

 

"Hala, sorry!"

 

Ramdam ni Joy ang paghinga nang malalim ni Irene. Feeling niya tuloy may nasabi siyang masama. 

 

“It’s okay, may point ka naman.” Bulong ni Irene

 

“H-huh? B-baka napipilitan ka lang ahh!” 

 

“Napapansin ko naman na hindi sila masyado kumikilos…hindi ko lang masita kasi iniisip ko rin magiging epekto sa kanila.” Sagot ni Irene. 

 

Ayun ang laging pinapaalala sa kanya, hindi lang naman si Irene pati na rin naman ang ibang kaibigan nila na magpakumbaba at makiramdam. 

 

Pero kung nakakabwisit na yung pakiramdam dahil sobrang pabigat na sa isang grupo, hindi pa ba siya kikilos? Beh, sana hindi na lang siya tumakbo kung pati rin dito individual. Kahit na pansariling interest lang talaga ang pagsali sa DSC, dapat may sense of responsibility mga tumakbong officers.

 

“Hindi na lang ako mag-talk” Sabi ni Joy. 

 

Ngumiti si Irene at kinurot ulit ang tagiliran ni Joy pero hindi naman ganoon kalakas. 

 

“Ayan ka na naman sa pagkurot mo madam ha” 

 

“Ikaw kasiii alam ko na yang mga salitaan mo.” 

 

“Paano ba?” 

 

“Ganyan na ganyan kasi sinasabi mo kapag ayaw mo na ituloy yung convo.” 

 

“Pero hindi kailangan mangurot! Ayaw mo nga kinukurot ka tapos ganyan ka hmpf” Sabay pout ni Joy. 

 

Ay ajujuju ito talaga bibeng ‘to  

 

“Cutie” Bulong ni Irene. 

 

Sabay amoy ng damit ni Joy. 

 

“Bango bango naman ni Joy ngayoonn.”

 

Kanina pa kasi niya naamoy yung damit ni Joy. Familiar kasi yung fabcon na ginamit dito at alam niyang hindi ito ang amoy ni Joy. 

 

Naamoy niya itong fabcon sa tuwing naglalaba kapitbahay niya.

 

Bilang mahilig sa mga mababangong bagay, alam na alam ni Irene kung anong brand ang ginamit at sino ang gumagamit nito. 

 

Pero ang pinagkaiba ay may halo na itong parang baby powder na naamoy niya kay Winter kapag binubuhat niya ang bata. 

 

“Winter.” 

 

Napahinto naman si Joy sa sinabi ni Irene. Tama ba narinig niya? Binanggit ni Irene si Winter?? 

 

Alam naman ni Joy na kilala ni Irene si Winter dahil magkapitbahay sila. 

 

“Ano madam?” Tanong ni Joy

 

“Kaamoy mo yung kapitbahay na kinukwento ko sa’yo.” 

 

“Sino doon? Si Wendy ba tinutukoy mo?” 

 

Napalunok naman si Joy dahil sa kabang pakiramdam dahil baka hindi niya alam may interaction na pala yung dalawa. Mabuti na nakakasigurado.

 

“Si Winter, yung pinsan ni Wendy, kapag kasi umuuwi ako sa bahay, minsan nandoon si Winter pansamantala na binabantayan ni mama habang wala kapatid niya or si Ms. Kim.” Paliwanag ni Irene.

 

“Ahh, hahaha” May halong kaba ang tawa ni Joy. 

 

Kinakabahan din siya na malaman ni Irene na suot niya ang damit ni Wendy. Hindi niya alam bakit kailangan itago pero may part sa kanya na ayaw niya ipaalam kay Irene na malalim na pagkakaibigan nila. 

 

Huh? 

 

Totoo bang inaamin ni Joy na lumalalim na pagkakaibigan nila? Bakt naman lalalim kung puno ng pait yung nararamdaman ni Joy para kay Wendy dahil sa mga nangyayari ngayon. 

 

Ayaw na ayaw niya na natitiklop siya pero itong si Wendy kotang-kota na sa pang-aasar sa kanya na hindi man lang siya nakakabawi. 

 

Sa hindi alam ni Joy, yung taong iniisip niya ngayon ay nasa malapit lang. 

 

Sa totoo lang ay nakatitig si Wendy sa dalawang tao malapit sa may pintuan ng clinic. No need na alamin kung sila dahil kabisado na niya katawan ni Joy. 

 

Hindi maganda pakinggan pero ganun i-describe ni Wendy ang thoughts niya.

 

Alam din niya si Irene ang buhat nito sa likod kaya hindi maiwasan ni Wendy na bumagsak ang mood nito. 

 

Maling-mali talaga na bakit dito pa sa kabilang side ng garden sila tumambay para magreview imbis na sa library.

 

Nakakadistract ang mga bagay-bagay hays.

 

Kung titignan si Wendy ay akala mo natutulala dahil iniisip ang mga formula na gagamitin nila sa quiz nila mamaya pero iba ata ang dahilan. 

 

Hindi rin nakaligtas si Wendy sa mga kaibigan nito na daig pa CCTV kung makafocus sa mga nangyari sa kanya. 

 

Sinundan nila ng tingin ang mga mata ni Wendy. 

 

“Kaya pala titig na titig ka doon sa malayo teh” Sabi ni Jisoo. 

 

“Mukhang tumatapang na si Joy…gumawa ng move kay Irene ahh.” Dagdag ni Seulgi 

 

“Jusko, sa tagal ba naman na gusto ni Ate Joy si Ate Irene, hindi pa ba siya gagawa ng paraan para naman umamin? Nagsimula yung sem na nalaman natin na gusto niya kaibigan niya… ngayong finals na, malamang 75% na progress niyan.” Singit naman ni Lisa. 

 

Mukhang walang naririnig si Wendy at enjoy na enjoy ang pagtitig sa dalawang dalaga. 

 

“Grabe, ang bilis gumalaw ni Ate Joy ‘no? Paano kaya yung isa?”  Tanong ni Jisoo 

 

Wala pa rin imik. 

 

Hindi na napigilan ni Lisa at tumayo na ito sa pagkakaupo. Walang pagpag na naganap sa damit at hinayaan niya nalang ang mga damo kumapit sa damit basta malapitan ang kaibigan na kanina pa nila pinaparinggan. 

 

Hinablot ni Lisa ang kwelyo ni Wendy at sumigaw. 

 

“KELAAAN KA PA BA GAGALAAAW!” 

 

Imbis na pigilan ng dalawa si Lisa ay tumawa lang sila nang malakas at nakuha na naman nila ang atensyon nilang lahat. Syempre, nakuha din nila ang atensyon ng JoyRene.

 

“Lisa! Umayos ka nga!

 

Hinawi ni Wendy ang mga kamay ni Lisa at inayos ang damit nito. 

 

“Pinagtitinginan tayo oh!”

 

“Wala akong pake! Umamin ka na kasi sa crush mo… halatang-halata ka na kinakain ka ng selos dyan” 

 

"Mama mo, selos." 

 

"Wag mo idadamay nanay ko dito sa ka-torpehan mo ha!"

 

"Anong torpe? Hindi ako torpe 'no!" Bawi ni Wendy

 

"Kung hindi ka trope, ano ka? Selosa?" Tanong ni Lisa

 

“Gusto mo ba yung ikaw nagbubuhat o yung binubuhat?” Gatong ni Jisoo 

 

Napangisi naman ang dalawa at nagkatinginan. Well, hindi sila ganoon kamanhid para hindi mapansin ‘yon. 

 

Naguguluhan lang naman sila kung si Irene pa ba ang gusto ni Wendy o si Joy na ba. Halata naman na nag-iiba na kinikilos ni Wendy nung nakaraan kapag involve si Joy. 

 

Bading.

 

Hindi na nila kinukulit si Wendy kung sino ba gusto niya basta nakaabang na lang sila kung sino ba talaga gusto i-pursue ng kaibigan nila.

 

“Umayos nga kayo! Anong selos? Hindi ko alam sinasabi niyo!” 

 

“Ganyan nanay ko kapag tinatanggi niya nagseselos siya” 

 

“Walang damayan ng mga nanay pero binaggit yung nanay...tigilan niyo nga ako."

 

Sigaw ni Wendy at patuloy pa rin inaayos ang kwelyo ng damit niya. Gagi naman kasi napalakas ata yung paghablot ni Lisa sa damit niya. 

 

“Yung damit ko huhuhuhuh bagong bigay lang ‘to sa akin ni tyang tapos sisirain mo lang.” 

 

Napatigil naman si Seulgi sa pagtawa at lumapit kay Wendy at tinulungan ito mag-ayos. 

 

Hindi naman nakatakas sa mga mata ni Joy ang kinilos ni Seulgi. Sobrang lapit nila sa isa’t-isa para lang ayusin yung kwelyo diba? 

 

Walang makakatakas dito mga baccla.

 

Hindi napansin ni Joy na napahigpit ito sa pagkakahawak kay Irene. 

 

“May problema ba Joy?” 

 

“Wala naman madam… ano tara na ba sa clinic.” 

 

'Kahit kailan talaga ang gulo niyo'

 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

Nagamot na rin ang mga paa ni Irene kaya lang sinabihan ito ng school nurse nila na kailangan magpahinga ni Irene kaya hindi niya ito pinayagan bumalik sa pag-o-organize. 

 

Nangangamba si Irene baka hindi maging maayos ang kinalabasan kung hahayaan niya ang mga officers ang gumawa. 

 

“Kahit saglit lang na tumu–” 

 

“Let me handle na, Irene.” 

 

Kinuha ni Joy ang bakanteng upuan at tinabihan si Irene. 

 

Pinagmasdan niya ang naka bendang paa ni Irene at mahahalata mo talaga na hindi kayang makauwi ni Irene na mag-isa. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha