Chapter 8

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Gusto ko lang mag apologize if medyo sablay ang update kasi nadelete ni aff yung proofread kong chapter kaya medyo raw or maraming sabog dito sa update. Bawi na lang ako sa susunod na chapter.

[CMCKR 8]

JOY

 

“Joy? Should we order ba ng chicken para i-celebrate naman natin yung pagkapanalo ng new set of officers since tayong dalawa lang natira sa Stuco, maybe we can treat them?”  Tanong ni Irene. 

 

Ilang araw nakalipas ang botohan at bilangan, nakalipat na ang mga bagong officers sa department nila. Sa sobrang busy ng department nila, nakalimutan na nila i-celebrate ang pagkapanalo ng mga students dahil laging natatambakan ng gawain.

 

“Pwede naman para ayun na lang din ang meriyenda natin.” Sagot ni Joy. 

 

Ngumiti naman si Irene at sabay tumayo sa kanyang upuan. Nakuha naman niya ang mga attention ng mga studyante dahil napatingin sila sabay-sabay sa dalaga. 

 

Kahit anong kilos talaga na gawin ni Irene, mapapatingin ka talaga. Iba rin charisma ni madam kaya hulog na hulog yung dalawa natin bida.

 

“Ehem! Gutom at pagod na ba ang mga bagong officers namin?” Pabirong tanong ni Irene

 

“Opo!” Sagot naman ng mga officers. 

 

“Pwede na po akong ihain sa mga buntis Ate Irene sa sobrang sabaw ko na po dito sa ginagawa natin.” Sabi ng bago nilang secretary. 

 

Ay

 

AAAAYYY

 

Sinong matapang ang nagjoke na sobrang corny kay Irene?

 

Hindi naman gaano nakakatawa yung joke para kay Irene pero tumawa na lang ito para hindi awkward. 

 

Ayaw niya rin naman kasi mapahiya ang bata. 

 

‘Mama mo sabaw’ 

 

“Hahaha talaga ba?” Sagot ni Joy. 

 

Hindi naman siguro halata na ‘di siya natuwa sa joke nung isa dahil bukod sa corny, hindi niya maiwasan mainis dahil bakit natuwa si Irene sa ganun? 

 

‘Kaya ko higitan ‘yan joke na ‘yan, gusto mo pasiyahin pa kita araw-araw.’ 

 

“Heheh opo.” Sagot ni new secretary na may halong nerbyos sa kanyang tono. 

 

Pagkatapos tumawa ay ibinaon niya ang kanyang mukha sa lamesa sa sobrang hiya at takot na nararamdaman niya. Ikaw ba naman titigan ni Joy nang ganun teh hindi ka ba mahihiya at matatakot? 

 

Medyo nakakakilig dahil tinitigan siya ni Joy pero nakaktakot parang kasi may gagawin siyang masama sayo at the same time.

 

 

Agad naman napansin ni Irene ang pagkawala sa mood ni Joy. 

 

Actually, after ng bilangan ng boto napansin na niya na parang laging iritable si Joy sa mga bagay. Konting mali lang, ay hindi na ito maiwasan ma-frustrate. 

 

Kahit anong tago ni Joy ng inis, napapansin ito ni Irene sa mga maliliit na bagay tulad ng paghinga nang malalim, pagkagat nito sa kaniyang thumb, at paglalaro ng kaniyang ballpen. 

 

Kabisado ni Irene ang lahat ng tungkol kay Joy dahil na rin matagal na rin sila magkaibigan. Lahat ng aaw o gusto nito, alam na alam ni Irene 'yan. Daig pa nanay ni Joy kung tatanungin mo.

 

Feelingss lang naman ni Joy sa kanya ang hindi niya alam. Susmaryosep. 

 

Lumapit si Irene at kinuha ang extang upuan para lumipat sa tabi ni Joy.

 

Nagulat naman si Joy at napahinto ito sa kanyang ginagawa. 

 

“Madam!” Tawag ni Joy. 

 

Ngumiti si Irene at ipinatong ang ulo sa may lamesa ni Joy. Isa sa mga pet peeve niya ang pagdistrupt sa mga ginagawa niya lalo kapag biglaan. Pero dahil si Irene ‘yan, siya na lang magiging pet. Aheh.

 

“I know you’re not comfortable pa with them, pero can you at least try to be nice? Lalo na doon sa new secretary natin…parang ang laki ng galit mo, may nangyari ba?” Malumanay na tanong ni Irene. 

 

Marami nangyari kung tutuusin. Ilang araw pa lang ay puro palpak nga ang naipapasang gawa ng bagong secretary sa kanya kahit nakailang ulit na ‘to sa pagpapaalala. 

 

Laging magkakaibang font ang mga ginagamit kung nakatemplate naman na ito kapag nagbibigay siya ng gawain. 

 

Hindi lang ‘yon, isa sa ayaw ni Joy ang palaging late dumadating lalo na kung duty nila ngayon. Lagi na lang siya naghihintay kapag may meeting ang nangyayari naghihintay pa sila. 

 

Imbis na natatapos sila agad ng gawain. Napapa-facepalm na lang talaga si Joy.

 

Dumating rin kasi sa point na gumawa siya ng instruction na step-by-step para naman masundan talaga, pero ano nakuha? Same result parang hindi pa pinansin ang effort niya.

 

“Rene, ‘di ko alam kung paano siya naging qualified sa pwesto niya kasi naman yung quality ng gawa niya, wala pa matinong gawa kaya hindi ko maiwasan mainis.” 

 

‘Mas okay pa ata si Wendy ang nanalo.’

 

Hindi naman sa pagiging biased tong si Joy, nakita niya rin kasi kung paano committed si Wendy sa academics, paano pa kaya kapag sa relasyon na– sa paghandle ng trabaho.

 

“Mas maganda kung maging strict ako diba? Hindi sila matuto kapag pinakita ko soft side ko, Irene.” Dagag ni Joy.

 

“Gets ko naman gusto mo gawin…ang gusto ko lang naman sabihin bago pa lang naman sila, no need na maging suplada ka lalo na first week pa lang nila dito, mas okay na ipafeel mo muna na welcome sila.”  Depensa ni Irene.

 

Well, may point naman si Irene, hindi na siya magiging suplada pero sa ibang officers lang at syempre hindi kasama ang bagong secretary doon.

 

Ano siya lang mag-a-adjust? 

 

“Ano pa ba magagawa ko? Edi yes po.” Pabirong sagot ni Joy. 

 

Ngumiti siya at sabay kinurot ang isang pisngi ni Irene. Hindi ganoon kalakas pero namula naman ito agad na parang kakulay ng potchi. 

 

‘Cute ng crush ko jusko’ 

 

Hinay lang sa kilig bading, baka mahalata ka.

 

Tumayo naman si Irene at ibinalik ang kurot ni Joy sa kanya pero this time mas malakas na. 

 

“Aray! Madammm!” 


"Kunwari ka pa dyan, alam ko naman hindi mo rin ako susundin hmpf"

 

“Hindi mo ko madadaan sa paganyan-ganyan mo Park Sooyoung!” Dagdag ni Irene

 

Napatigil naman si Joy dahil narinig niya ang buong pangalan niya. Hindi dahil sa natatakot o dahil kay Irene, naalala niya kasi ito ang laging sinisigaw ni Wendy kapag nag-aasaran sila. 

 

Agad naman napansin ni Irene ang pagkatulala ni Joy kaya na-alarma siya kung napalakas ba sobra ang kurot niya. 

 

Napabitaw siya at sabay hinimas ang pisngi ni Joy. 

 

“Joy? Okay ka lang ba? Napalakas ba?” 

 

“Huh? Hindi! Okay lang ako madam.” Sagot nito.

 

Nagtataka naman si Joy bakit bigla na lang niya naalala si Wendy out of nowhere at ang masama pa ay naalala niya ang bebi hamster kay Irene. 

 

“Sure?” 

 

“Yup!” 

 

‘Weird, full namelang naman yung tinawag…pero bakit ikaw naalala ko?’

 

Napabuntong hininga si Irene. Aminin man niya,  pagkalabas ni Joy sa hospital ay parang nagbabago ito. 

 

Napapadalas ang pagkatulala nito na parang ang lalim ng iniisip. Iniisip niya na lang na mataas ang dosage ng  gamot kaya medyo natutulala ang dalaga.

 

Napapansin niya rin na madalas niyang nahuhuli si Joy na parang may kausap ito sa kanyang cellphone. Naririnig niya minsan kung ano mga tina-type ni Joy dahil binibigkas din naman ‘to ng dalaga na akala mo kasama talaga niya ang kausap niya. 

 

Lagi niyang naririnig ang salitang ‘bansot’ at sabay tatawa nang malakas. 

 

Bihira din siya magbukas ng ibang social media dahil sabi niya ay maikli lang ang attention span niya kaya kapag nasa school, tungkol sa acads lang ang gagawin niya. 

 

Tinanong niya rin ang isa pa nilang kaibigan na si Jennie kung napapadalas ba pag-uusap nila ni Joy dahil ang alam niya isa sa samahan ng hindi pinagpalasa height si Jennie pagdating sa kanilang pagkakaibigan.

 

Kaya laking pagtataka ni Irene kung ano ba talaga ginagawa ni Joy sa phone niya? Naisip niya na rin kung nakipagbalikan ba si Joy sa kaniyang ex na si Sana. 

 

Pero knowing Joy, hindi siya basta-basta nakikipagbalikan sa isang tao lalo na pinagtapat ni Joy na hindi niya kaya pumasok sa isang relasyon kung iba naman ang gusto ng puso niya. 

 

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung siino ba nagugustuhan ni Joy. Bukod sa kanilang magkakaibigan, ay wala na siyang maisip kung sino ang love interest ni Joy. 

 

Kahit sa mga naging classmate nila sa block section ay wala siyang pinapansin kahit sino doon. 

 

 

What if isa sa mga taong dumalaw sa kanya sa hospital noon?


What if si...

 

“Joy?” Tawag ni Irene. 

 

“Yes po?” Sagot naman ni Joy. 

 

Ngumiti ng pilit si Irene na parang bang alam niya na ang dahilan kung bakit biglang nagbago si Joy. 

 

Hindi sigurado si Irene pero sa mga kinikilos ni Joy, nagkakaroon na siya ng hint kung sino ang nagugustuhan ng dalaga. 

 

Hinihiling niya na sana mali lahat ng mga inaakala niya ngayon. 

 

“Order ka na ng food para makarating na dito nang maaga.” Utos niya. 

 

Tumango lang si Joy at hindi na niya hinintay ito magsalita. 

 

Bumalik siya sa lamesa niya at hinagilap ang isang papel na dahilan ng lahat. 

 

“Ito rin dahilan kung bakit ka galit sa bagong secretary natin.” 

 

Inibinuklat ni Irene ang isang folder na naglalaman ng curriculum vitae ni Wendy. 

 

Mananalo na sana kaso natalo dahil nalamangan ito ng isang boto lang. Kahit siya rin mismo ay nanghihinayang dahil mas pabor din siya kay Wendy. 

 

Alam niya na may laban si Wendy kung nakaboto si Joy nung mismong araw na ‘yon. At alam niya rin na kapag binoto niya si Wendy, mananalo ang dalaga. 

 

Pero mas pinili niya ang bagong secretary. Alam niyang para kay Wendy talaga yung position na 'to pero piniglan niya dahil alam niya ngang nagpa-part time si Wendy. 

 

Hindi niya kakayanin pagsabayin ang pag-aaral, pagtra-trabaho, at syempre itong student council.

 

“Hindi ko alam kung tama ba ‘tong ginagawa ko, Joy.”  Bulong nito. 

 

Hindi niya alam kung tama bang pangunahan si Wendy sa desisyon na 'to. 

 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

“Ano pong ibig sabihin na walang delivery kayo ngayon?” Pataray na sagot ni Joy. 

 

Buti na lang sa hallway siya nakikipagbardagulan sa phone kundi mas matatakot ang mga bagong officers nila dahil sa sobrang taray ng tono ni Joy ngayon. 

 

“Sorry po, ma’am, kulang po kasi kami sa manpower ngayon at yung delivery guy po kasi namin, naghalf day lang po siya kaya pick-up lang po available ngayon.” Sagot naman ng isang staff sa kabilang linya. 

 

Napabuntong hininga si Joy. Wala naman siyang magagawa, hindi naman pwedeng magalit sa staff dahil rinig niya rin na pagod na rin ‘to. 

 

Considerate naman siyang tao hindi siya katulad ng iba na simpleng issue ay pinapalaki pa.

 

Mahirap na rin naman na i-cancel lalo na nagawa na yung pagkain. Sayang naman effort ng mga empleyado na nagprepare ng order niya.

 

“Okay, pick-up ko na lang, next time sana bago kayo tumanggap ng orders, check niyo muna kung available yung delivery niyo.” 

 

“Opo, sorry po ulit.” 

 

Agad na binaba ni Joy ang tawag at sabay tinignan kung may bagong message ba mula sa isang tao. Hindi na bibigyan ng pangalan basta galing ‘to sa chinita na 5’0 flat na laging naka blue na hoodie. 

 

“Aba, wala? 4:00pm na diba wala na klase ‘yon?” Pagtataka ni Joy. 

 

Lalo yatang lumalala ang mood ni Joy sa hindi pagtext ni Wendy. After kasi layasan ni Wendy si Joy nung isang araw ng walang paalam, parang wala na sa mood si ate mo girl. 

 

Kung ginanon man siya, sana naman may dahilan diba? Tsaka ayun ata yung huling pag-uusap nila dahil naging busy na rin sila sa mga ganap sa buhay nila. 

 

Sa texts na lang sila madalas nag-uusap o nag-aasaran. Medyo may halong lungkot dahil after ng pag-uusap nila, kailangan niya muna dumistansya kay Wendy dahil wala na diba? 

 

Sinabi niya naman na ico-consider niya yung idea na hindi na maggatekeep kay Irene. Pero bakit parang may issue pa rin? Feeling niya may kulang sa mga plano niya sa bawat araw na lumipas. 

 

Parang nag-iba bigla routine niya at naiinis isya doon. 

 

So, kasama na si Wendy talaga sa routine niya araw-araw? Yieet

 

“Tangina ni Wendy jusko nababaliw din ako minsan sa mga nararamdaman ko.” Bulong ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha