Chapter 5

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

CMCKR 5

WENDY


Mukhang sobrang pagod talaga si Wendy kagabi dahil hindi ito nagising nang maaga para sa kanyang 7am class. Buti na lang minor subject lang ‘yon at hindi masyadong terror ang kanyang prof kaya mas pinili niya na lang umabsent.

 

Nakatulala lang siya sa kisame at iniisip ang mga pangyayari kagabi. 

 

Akala niya siguro after ng work niya ay makakapagpahinga siya nang maayos dahil naplano naman niya kung paano pagsabayin ang pag-aaral at pagtra-trabaho. 

 

Grabe, ganito pala ang feeling kapag sunod-sunod ang mga gawain. Parang binigyan lang siya ng sampung minuto para magpahinga.

 

Kahit na nakatulog siya, nararamdaman niya pa rin yung pagod niya.  Kung pwede lang talaga magkaroon ng walong oras  na tulog sa loob ng tatlong oras, why not diba? 

 

“Babawi na lang ako ng tulog once na gumaling si Joy.” Bulong niya. 

 

Aaminin niya na hindi siya nakatulog nang maayos dahil nag-aalala ito sa dalaga. Kailangan niya kasi mamili ng mga gamot at pagkain na sinabi ng doctor sa kanya.

 

 Napabuntong hininga siya at sabay tumayo.

 

Napansin niya na may kumot na nakabalot sa kanya. Nagtaka naman siya dahil hindi niya maalala na may bitbit o may hiningi siya sa nurse na kumot bago siya natulog.

 

Naalala lang niya kung paano niya sinalampak ang kanyang katawan sa couch at huling usapan nila ni Joy.

 

''Magandang.. ano nga ulit yung maganda?'' Tanong niya sa kaniyang sarili.

 

Napakamot ulo siya nang hindi niya talaga matandaan kung ano sinabi niya kay Joy. Nagkibit balikat na lang 'to at nagsimula mag-unat.

 

"Kaya mo 'to, Wendy" Bati niya sa kaniyang sarili.

 

Tiniklop niya na rin ang kumot at ipinatong ito sa lamesa. 

 

Binuksan niya ang kaniyang cellphone para mapaman kung may message ba siya galing sa tyahin niya. Baka kasi hinahanap na siya diba? O di kaya may tawag siya mula kay Winter sure naman siya miss na miss na siya nun. 

 

Pero wala.

 

Walang notification, call, o kaya text mula sa pamilya niya.

 

"Bakit ko pa tinignan? Knowing si tyang, kapag alam niya kung nasaan ako, hindi naman ako ite-text nun."

 

Ibinalik niya mula ang cellphone sa bulsa at nagsimula na itong magligpit.

 

Nakita niya ang ice cream na binili niya para sa mga pinsan ay nasa basurahan na. No choice, nalusaw na rin kasi at hindi na masarap kapag nalusaw na ito.

 

'Babawi na lang ako siguro next time'

 

Pagkatapos niyang magligpit, tumingin siya sa direksyon ni Joy para tignan kung gising na ito.

 

'Aasikasuhin ko pa pala yung mga ibang gamit niya'

 

Mahimbing na natutulog ang dalaga at halatang-halata sa kaniyang mukha na pagod din ito.

 

May naririnig siyang mahinang hilik mula kay Joy. Hindi gaanong kalakasan, pero sakto lang. Ang expensive ng hilik ahh.

 

‘Cute ng hilik aba! Kapag ako ‘yan baka nasipa na ako ni Yeri’

 

'Teka, sinabi ko bang cute? Kadiri'

 

Iniayos ni Wendy ang unan na nakapaligid kay Joy para naman magkaroon pa ‘to ng space sa kama. Paano ba naman kasi mas maayos pa ang pagkahilata ng unan kesa kay Joy.

 

'Sino ba talaga pasyente dito? Yung unan o si Joy?'

 

Isa sa nirequest ni Joy ang pagdagdag ng unan dahil aminado naman siya hindi niya kaya matulog kung walang nakapalibot na unan sa tabi niya. Hindi niya mawari kung bakit kailangan lahat ng sulok ng kama may unan.

 

 Pagka-ayos niya ng mga gamit ni Joy, tinignan niya ang oras para malaman kung kailangan na ba uminom ni Joy ng gamot.

 

Wow, hindi niya tinignan talaga kung pwede pa siyang humabol sa klase. 

 

Basta si Joy lang iniisip niya.

 

'Malapit na pala yung oras niya uminom. Gisingin ko na lang siya after ko maghilamos.'

 

Papasok na sana siya ng CR para maghilamos at tsaka mag-toothbrush na rin nang bigla tumunog ang cellphone ni Joy. 

 

Hindi naman sa pagiging marites, sinilip ni Wendy kung sino tumatawag kay Joy. Curious lang talaga siya kung hinahanap ba talaga siya ng pamilya niya o mga kaibigan niya.

 

“Irene Bae.” Basa ni Wendy.

Bumilis naman tibok ng puso niya nang mabasa niya ang pangalan ni Irene. 

 

Well, expected naman niya tatawag si Irene kasi syempre kaibigan niya rin si Joy. 

 

Nagadalawang isip siya kung sasagutin niya ito. Alam niyang nag-aalala rin sila dahil kagabi pa hindi hinawakan ni Joy ang phone at syempre given na rin na wala siya sa klase ngayon.

 

Kukunin niya na sana ang phone ngunit piniggilan niya rin agad ang sarili niya. Sinabihan na siya ni Joy na huwag ipapaalam kahit kanino ang nangyari sa kanya. Ayaw lang niya na may nag-aalala sa kanya.

 

“Hindi ako pwedeng mangialam, ayoko magalit si Joy kapag nalaman na pinangunahan ko siya.” 

 

Makalipas lang ang ilang segundo, tumigil rin ang pag-ring ng cellphone. Nakita niya na tadtad ito ng missed calls galing sa mga kaibigan ni J

 

‘Wala man lang ako nakitang missed call galing sa parents niya’

 

Disappointed. Hindi man lang kayang mag-aalala ng parents niya kung nasaan ang anak nila. Hindi pa nagsisimula ang araw niya pero parang punong-puno na siya sa mga nangyayari.

 

“Pambihira.” Bulong nito.

 

“Sinasabi mo dyan?” Sabi ni Joy. 

 

Dahan-dahan na humarap si Joy kay Wendy. Medyo  masakit pa rin ang tyan niya kaya hirap siyang tumagilid. Medyo humihilab pero hindi na katulad kagabi.

 

Agad naman inalalayan ni Wendy si Joy. Hinawakan niya ang magkabilang braso at dahan-dahan niya rin pinaupo ang dalaga.

 

Dahil sa ginawa ni Wendy, nagkalapit na naman ang kanilang mga mukha. Hilig talaga nitong dalawa na ilapit ang mukha nila sa isa’t isa. Naging habit na talaga nila.

 

Diba dapat masanay si Joy? Sa ginawa ni Wendy, hindi niya mawari bakit namumula siya at ang bilis ng tibok ng puso niya. Daig niya pa ang siopao na pinainit dahil bigla bigla na lang nakaramdam siya ng init sa mga pisngi niya.

 

Wala naman kamuang-muang si Wendy na nakatitig na si Joy sa kanya. 

 

“B-Bitawan mo ‘ko.” Bulong ni Joy. 

 

Nagtaka naman si Wendy dahil umagang-umaga ang sungit agad ni Joy kung tinutulungan lang naman niya ito bumangon? Tsaka, bakit nauutal ka anteh? 

 

Inialis ni Wendy ang mga kamay niya at nilayuan niya ng konti si Joy. Napagtanto niya na hindi maganda ang gising ng dalaga kaya masungit. 

 

“Ang ganda ng araw ngayon pero yung mood mo parang pinagbagsakan ng langit at lupa.” Pang-aasar ni Wendy. 

 

Medyo proud si Wendy sa pang-aasar niya. Inaasahan pa niya na lalaban si Joy pabalik dahil alam niyang hindi ito magpapatalo. 

 

Pero wala siyang narinig. 

 

Sumulyap siya kay Joy at tignan kung bakit walang imik ang dalaga. 

 

Nakita niyang namumula ang mga pisngi ni Joy at nakahawak ito sa kanyang dibdib. Sa sobrang pula ng mga pisngi niya, pwede na ‘to ihalintulad sa kamatis na pwede na pitasin o di kaya pwede na gawing tomate paste. 

 

'Hinog'

 

‘Mukhang masama nga pakiramdam niya at namumula siya. May lagnat kaya ‘to?’

 

Lumapit muli si Wendy at idinampi ang kanyang kamay kay Joy. 

 

‘Hindi naman mainit, bakit kaya namumula ‘to?’

 

Bago pa siya makapagsalita ay nakatanggap siya ng isang malakas na sampal mula kay Joy. 

 

Boogsh.

 

Mahihiya na siguro ang chicharon bulaklak sa lutong ng pagkasampal ni Joy kay Wendy. 

 

“Hibang k-ka ba?! S-sinabi k-ko naman sa’yo ‘wag mo kong h-hawakan d-diba?” Sabi ni Joy. 

 

‘Gago, anlala naman ng gising nito nanakit na’

 

 

“Masama ba i-check kung okay ka lang? Namumula ka kasi kaya pinakiramdaman ko lang kung mainit ka.”  Depensa ni Wendy. 

 

“Una, alam kong hot ako. Pangalawa, okay naman pakiramam ko. Panghuli, kung may lagnat man ako, may thermometer naman dyan para i-check yung temperature ko.” 

“Naninigurado lang naman ako kung okay ka.” 

 

“Mas accurate yung thermometer kesa sa kamay mo” 

 

“Sa tingin mo ba may thermometer dito? Kailangan ko pa mag request sa nurse para dun.” 

 

“Oh bakit hindi mo kinausap yung nurse sa labas? Bakit kailangan mong gamitin yung kamay mo para tignan kung okay ako? May panukat ba ‘yan?” 

 

“Wala–” 

 

“Wala naman pala, akala ko naman may panukat ‘yang kamay mo at ginawa mo kong bigas.” 

 

Umagang-umaga nag-aasaran na naman ang dalawa. Kahit saang lugat at oras, hindi dapat nawawala ang away nila. 

 

Dapat mainis si Wendy sa nangyayari ngayon sa kanya. Ikaw ba naman na kulang sa tulog, pagod, gutom, at isama mo na ang pangbwi-bwisit ni Joy sa kanya. 

 

Hindi niya maiwasan na ngumiti dahil ilang araw niya rin hindi nakausap ang dalaga. Natutuwa rin dahil nakapagbawi ng pahinga at hindi na gaano masama pakiramam ni Joy. 

 

Naputol naman ang iniisip ni Wendy nang biglang pumasok ang doctor ni Joy. 

 

“Good morning, doc.” Bati ni Wendy. 

 

Ngumiti ang doctor at binati niya pabalik si Wendy. Kaya lang naman siya napapasok ito sa kwarto dahil naririnig niya ang bangayan ng dalawa.

 

“Check ko lang kung ano pa nararamdaman mo Ms. Park.” Sabi ng doctor. 

 

"Okay na siguro siya doc nanampal na nga." Sagot ni Wendy

 

"Gusto mo pantayin ko sampal ko? Halika, yung isa mong pisngi naman." 

 

"Oh diba doc!" 

 

Natawa namang ang doctor at nilapitan si Joy. Kapag hindi niya pa ito ginawa, mukhang tuloy pa rin ang asaran ng dalawa.

 

Ilang minuto lang chineck ng doctor ang kalagayan ni Joy. Mukhang isa pang araw ang kailangan hintayin para gumaling na talaga ang dalaga. 

 

“By 7:30am need mo na inumin ang gamot mo ha?” Paalala ng doctor. 

 

“Noted po.” Sagot ni Wendy 

 

Nagulat naman ang doctor nang sumagot sa kanya si Wendy. Napansin niya na seryosong nagno-notes ito sa cellphone. 

 

“Luh, ikaw ba ang pasyente?” Tanong ni Joy. 

 

“Hindi, masama ba sumagot?” Sagot ni Wendy. 

 

 Wala sigurong oras na hindi magbabangayan ang dalawang ‘to. 

 

“Doc, palabasin niyo na nga ‘tong kumag na ‘to nanggugulo lang naman ito. Hindi ko kilala ‘yan.” 


“Kaya pala kagabi mo pa binabanggit pangalan ko ha.” 

 

“Sinasabi mo dyan? Wala akong maalala.” 

 

“Masakit lang tyan mo nawalan ka na ng alaala? Bakit nasaan ba utak mo? Nasa tyan mo?” 

 

Magsasalita na sana si Joy nang pinigilan sila ng doctor. 

 

“Tama na ‘yan umagang-umaga naglalambingan na kayo agad.” 

 

‘Luh’ 

 

''Puyat ka rin ba doc?' 

 

 

‘Parang ewan naman si doc’

 

“Kung si Wendy ang kalambingan ko sa umaga, gisingin niyo nalang ako malamang tulog pa ako nyan.” 

 

Hindi pwede pumayag si Wendy na maapi. Ang turo sa kanya ni Mama Shon at ang tyahin niya na ‘wag magpapatalo kahit saan. 

 

“As if naman papayag ako na ikaw ang lambingin ko sa umaga! Gigising na lang ako ng tanghali.”

 

Hindi na napigilan ng doctor ang sagutan ng dalawa kaya hinayaan niya na lang ito at umalis sa loob ng kwarto. 

 

“Mga bata nga naman talaga.”

 

Aminin niya na masaya siya dahil kahit pa paano napawi ang pagod niya makita ang dalawang babae.  

 

"Nakangiti na naman ako sa relasyon ng iba"."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha