Chapter 9

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 9] 

JOY

Para kay Joy, nagsisimula pa lang ang araw niya pero ang dami na nangyari. Hindi na natuloy ang pa-vet ni Haetnim dahil ipinasundo na niya ang alaga niya sa isa pa nilang kasambahay at kailangan niya isugod sa hospital ang isang kawawang bunot na nakagat sa pwet. 

 

Kaya narito siya ngayon nagmamaneho ng kaniyang kotse habang pinapahaba ang pasensya dahil walang tigil pa rin sa pag-iyak si Winter.  Sisz, ikaw ba naman makagat, sinong hindi iiyak diba? 

 

Bad Haetnim, wala kang treats muna.

 

Aminado naman na may kasalanan din siya kay Winter dahil naging pabaya siya kay Haetnim pero ‘di pa rin tama sabihan ang pinakamamahal niyang aso na panget. 

 

Dahil hindi na niya nakayanan ang ingay ni Winter, ibinigay niya ang stuffed toy ni Ningning na hugis butiki na naiwan lang din sa kotse para kahit pa paano ay mapakalma ang bata, ngunit mas umiyak pa ito dahil natakot sa itsura

 

Bakit naman kasi ang hilig ng pamangkin niya sa ganitong laruan? Wala bang ka-wholesome sa katawan ng pamangkin niya at ganito ang mga tipo niyang stuffed toy? 

 

“Ano ba gusto mo para tumigil ka sa umiyak? Medyo naririndi na rin talaga ako.” Sabi ni Joy.

 

Kahit na kasama niya si Ningning sa bahay, hindi pa rin ipagkakaila ni Joy na ‘di siya magaling sa paghandle ng bata lalo na hindi naman siya ganoon kaclose sa mga ito. 

 

Bihira niya lang din marinig ang pamangkin niyang umiyak dahil hindi naman siya gaano tumatambay sa bahay nila. Ang mindset niya ay may nag-aalaga naman kay Ningning kaya hindi na kailangan na magbantay siya. 

 

Mga last year lang din naman dumating si Ningning sa bahay nila kaya hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin ‘to. 

 

Dahil sa kasungitan ni Joy, mas lalong naiyak si Winter. Hindi sa sakit ng pagkakagata, kundi sa takot dahil pinagalitan ‘to.  

 

Never siyang tinarayan ng mga kasama niya sa bahay lalo na si Ate Wanniee niya. Si Ate Yeri naman niya, minsan nagiging strikto ‘to pero hindi siya napapagtaasan ng boses.

 

Kung may nagawa man siyang mali, agad naman pinapaalam ng mama at ng mga ate niya. Kaya itong pagtataray sa kanya at sa hindi pa niya gaanong kilala ay bago lang sa kanya.

 

“Mas lalo mo naman nilakasan, ano ba problema mo?” Tanong ni Joy. 

 

“I-ibalik m-mo n-na lang ako kay Kawina.” Sagot ni Winter. 

 

Kahit gusto ni Joy na ibalik tong si Winter para sila na lang ang mag-asikaso, pero no choice pa rin siya dahil nalaman niya pinasuyo lang ang bata kina Karina.

 

Kwento nga ni Karina sa kanya ay halos parang sa kanila na daw ata ‘to tumira dahil sa sobrang busy ng mga kasama niya sa bahay. 

 

“Nasaan ba mama mo?” Tanong ni Joy. 

 

Tumigil naman si Winter sa pag-iyak at pinunasan ang tumulong sipon nito gamit ang kanyang kamay. Kitang-kita niya kung paano nagstretch ang sipon ng bata sa kamay nito. 

 

'Parang ayoko muna ng mozzarella ahh' 

 

Hindi maiwasan ni Joy na mandiri sa nakita niya kaya inabot niya ang tissue na lagi niyang tinatabi sa sasakyan. Buti na lang kundi magkakalat pa tong si Wintot sa sasakyan niya.

 

“S-si mama po busy.” Sagot ni Winter. 

 

‘Ahh, parang katulad sa akin’

 

Hindi maiwasan ni Joy na maawa sa bata dahil alam niya ang pakiramdam na nasa ganyang sitwasyon. 

 

Si Joy yung gusto ng presensya ng pamilya pero hindi niya magawang samahan ang kanyang pamangkin. Okay. 

 

“Wala ka bang ibang kasama sa bahay niyo bukod sa mom mo?” Tanong pa ulit nito. 

 

“Mewon po akong ate.. Si Ate Yewi po pero sabi may aasikasuhin daw po siya.” 

 

‘So tatlo lang sila?’

 

“Ay mewon pa pala si Ate Wani–” Hindi na natuloy ang pagsabi ni Winter nang biglang nagmaniobra na si Joy. 

 

“Mamaya mo na sabihin ‘yan, nandito na tayo sa hospital.”  Mataray pa rin ang tono ni Joy 

 

“O-opo”  Sagot ni Winter na maiyak-iyak pa rin. 

 

“Make sure na alam mo yung personal information mo ha? Like full name, address, and sino guardian mo ha?” Paalala ni Joy. 

 

Hindi niya hinintay sumagot si Winter at bumababa na ito ng sasakyan. Pinagbuksan niya na rin ang bata pero hindi niya ito tinulungan bumaba. 

 

Bawal ‘yan kaibigan. 

 

Nakarating na rin siya sa ER at syempre, inasikaso na rin agad si Winter nang makita mugto ang dalawang mata nito. Binigay na rin ni Joy ang mga detalye na kailangan ng mga nurse para sa vaccination na rin ni Winter. 

 

Laking ginhawa na rin ni Joy dahil may laging dalang ID tong si Winter in case of emergency. Hindi siya nahirapan magfill ng form at tawagan ang pamilya nito. 

 

Napagalaman niya na anak siya ng professor sa uniersity nila at buti na lang talaga ay hindi niya ito prof kundi baka makakuha siya ng mababang grade. 

 

Magiging delikado pa future niya dahil kay Haetnim. 

 

Pagkatapos niyang isulat ang detalye, tumayo siya sa may tabi ni Winter para pagmasdan ang paglinis ng sugat nito. 

 

Hindi naman gaano kalalim ang kagat pero nag-iwan ito ng daplis at gasgas sa balat ni Winter dahil sa biglang pag-upo sa mabatong semento. 

 

After linisan ay kinuha agad ng nurse ang injection para sa bakuna ni Winter. 

 

“Baby, relax lang parang kagat lang ‘to ng langgam.” Sabi ng nurse 

 

Mas lalong natakot si Winter sa sinabi ng nurse. Sino ba naman ‘di matatakot diba? Nagkaroon na nga ng trauma yung bata sa kagat tapos babanggitin pa yung kagat.

 

“Ayoko na makagat ulit!” Sigaw ni Winter. 

 

Iniisip ni Joy kung saan pinaglihi tong bunot na ‘to at kung makasigaw ay sobrang tinis. Gusto na lang niya matapos 'to agad para makapagpahinga na siya.

 

Hindi napigilan ni Joy ulit magtaray para naman matapos na tong vaccination at makauwi na. 

 

“Kapag ‘di ka na-injectionan bata, magiging aso ka.” Sagot ni Joy. 

 

Napatigil naman sa pagtantrums si Winter nang marinig niyang magiging aso siya. Parang ‘di naman niya ginusto mga nangyari sa kanya.

 

Sa pagkaalala niya, naghagis lang naman siya ng bola at ‘di sinasadya na matamaan yung aso tapos magiging aso na siya? 

 

“T-totoo p-po ba ‘yon?” Tanong niya sa nurse. 

 

Wala naman maagawa ang nurse kundi sumakay na lang para matapos na. Malalaman din naman ni Winter ang totoo kapag malaki na siya. 

 

“Yes baby, kaya para ‘di ka maging dog, i-injection na kita.” 

 

Huminga nang malalim si Winter at tumango na lang ito. 

 

'Hatdog'

 

“Ayoko po maging panget na aso katulad nung kay Ate.” 

 

‘Sinusubukan ba ng batang ‘to pasensya ko?!’

 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

Natapos na linisan at napabakunahan na rin si Winter. Hinihintay na lang nila na dumating ang Ate Yeri niya dahil ito ang unang nakasagot ng tawag ng hospital. Narinig ni Joy kung paano nagpanic ang ate kaya sa una ay hindi sila nagkaintindihan. 

 

Tinext na lang niya ang location ng hospital sa dalaga para hindi na ito paulit-ulit na tumawag. 

 

“Sana all may ganyang kapatid.” Napabulong si Joy. 


 

Nakaupo siya ngayon sa may maliit na bangko. Kung tutuusin ay pwede na niyang i-uwi si Winter dahil nabayaran naman na niya ang bills, pero mukhang ayaw pa umuwi ni Winter habang wala pa ang ate niya. 

 

Pumayag naman ang nurse na magstay muna sila sa ER para nga sa guardian ni Winter at mukhang inaantok din ang bata dahil sa kaiiyak. 

 

“Gutom ka na ate?” Tanong ni Winter. 

 

Napatingin naman si Joy sa bagong gising na Winter. Mukhang naalimpungatan pa dahil halatang antok na antok ito. 

 

“Hindi naman.” Sagot ni Joy. 

 

“Ahh, ako kasi ate gutom na ihh.” 

 

Ngumiti ng bahagya si Winter at may kasamang paghimas ng tyan na akala mo may alaga sa loob na kailangan pakainin.  Kahit na medyo nahihiya siya, ang turo sa kanya ng mga ate niya ay wag magpalipas ng gutom. 

 

Kung gutom ka, kumain ka.

 

Sabagay, ilang oras na rin naman sila dito nakatambay kaya kahit siya medyo nagcrave din bigla sa pagkain. 

 

Konti lang nakain niyang breakfast at hindi na rin siya nakapag lunch dahil nga sa mga nagnyari.

 

“Ano gusto mo?” Tanong ni Joy 

 

“Kahit ano po ate basta ‘wag gulay” 

 

Hindi na sumagot si Joy at tinitigan muna si Winter kung may papahabol pa siyang pagkain. Aba, mahirap naman mag-isip ng pagkain na kahit ano. 

 

Umalis si Joy sa ER at ipinagpaalam muna ang bata sa mga nurse. Hindi naman ganoon kalayuan ang mga bilihan ng pagkain dito sa hospital. 

 

Kabisado na niya ata tong hospital dahil dito rin naman siya dinala ni Wendy noon sumakit ang tyan niya. 

 

Speaking of… 

 

Napatingin siya sa phone niya kung may balita ba ang dalaga. Wala naman siyang pake sa mga update ng dalaga pero pwedeng simpleng paramdam lang like pang-aasar? 

 

Sunday naman ngayon at pahinga day, pero bakit walang paramdam? 

 

“May work ata.” 

 

Ibinalik niya ang phone niya sa bulsa at nag-order nga ng pagkain. 

 

Kiddie meal na ang inorder niya para naman makabawi man lang siya sa bata. Alam niya medyo masungit siya pero kasalanan pa rin ni Winter ‘yon dahil sinabihan niya si Haetnim ng panget.

 

Mukhang mahihirapan mag-move on si Joy doon ahh. 

 

Pero hayaan na, ang tingin ni Joy ay kapag natapos na niya ang bakuna ng bata, hindi na niya ito makikita kaya hindi niya na gaano inisip ang pagtataray niya.

 

Pagka-order niya ay dumiretso na siya sa ER para naman ihatid ang pagkain ng bata. Palapit na sana siya sa kurtina nang marinig niya may ibang boses na galing sa kama ni Winter. 

 

Hindi niya ito gaano tanaw dahil sa mga kurtina, pero alam niyang ate na ni Winter ang nandoon. 

 

Naririnig niya ang malakas na pag-iyak ng bata at ang pagpapakalma ng ate niya sa kanya.

 

Medyo kinakabahan siya dahil alam niyang magagalit ang ate nito kapag nakita siya. Pero ano magagawa niya? Kailangan niya pa rin ito harapin. 

 

Binuksan niya ang kurtina at hindi naiwasang magulat si Winter at ang kasama nito. 

 

“Ay, hello po.” Bati ni Joy. 

 

Bumati pa rin siya ng may galang kahit halata naman na mas matanda siya sa ate nito. 

 

“A-ahh! Si Ate Yewi nga pala, yung sinasabi ko kanina Ate Jwoy.”  Sabi ni Winter habang sumisinghot ito.

 

“Wintot, YeRRRRi” Sabi ng ate nito na may pagdiin ng letter R. 

 

Napangiti naman si Joy sa kanyang nasaksihan. Ganyan sana kami ng ate ko kaso masyadong busy at hindi naman kami close. 

 

Napatingin naman si Yeri sa kanya at tinitigan ang dala ni Joy. 

 

Napansin naman ni Joy ang pagkaseryoso bigla ni Yeri kaya ini-abot niya agad ang dalang pagkain kay Winter. 

 

Natuwa naman si Winter sa pasalubong ni Joy sa kanya dahil hindi naman niya sinasabi kung ano gusto niya pero nakabili si Joy ng favorite niya. Dahil doon, napaurong ang luha niya bigla.

 

Plus points ka ngayon.

 

Pinagmasdan lang ng dalawa kumain si Winter na walang kamalay-malay sa tensyon.

 

Walang nag-iimikan sa dalawa at halata naman na ni Joy na hinihintay lang siya ng ate ni Winter na magsalita. 

 

Hindi magaling sa confrontation si Joy kaya hindi niya alam kung paano io-open up ito kay Yeri. 

 

Pero kailangan naman niya itong kausapin dahil alam niya pagkakamali at kasalanan niya sa bata. Alam niya rin kung paano tinatago ni Yeri ang inis dahil kanina pa niya napapansin ang pagngitngit nito. 

 

“Umm… Yeri right?” Panimula ni Joy. 

 

Tumingin si Yeri na akala mo na ready na sumugod gamit ang dahas. 

 

Hindi niya pwedeng palagpasin tong nangyari sa kapatid niya lalo na sinisisi niya rin sarili niya. Kung hindi niya iniwan si Winter kina Karina, nabantayan niya sana ang kanyang kapatid. 

 

Kaya lang naman niya pinasuyo ang kapatid niya dahil may sideline siya sa pagtu-tutor. Ginagawa niya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha