Chapter 6

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 6] 

SEULGI

Medyo expected na rin naman ni Seulgi na magkakatagpo sila ni Irene. Natural lang naman ‘yon lalo na matalik na magkaibigan sina Joy at Irene kaya hindi malabo na narito si Irene sa hospital. 

 

Wala naman siyang problema kay Irene dahil hindi naman sila gaano kalapit sa isa’t isa. Nagkakilala lang sila dahil parehas lang sila ng organization noong high school pa lang. 

 

“So, why you’re here nga pala?” Tanong ni Irene. 

 

Inaabot ni Irene ang extrang tubig na binili niya kay Seulgi. Tatanggihan sana ito ni Seulgi ngunit sino ba siya para tanggihan ‘yon kung sobrang kailangan niya? 

 

“Alam ko naman na aware ka na medyo close namin si Joy.” Simpleng sagot para sa simpleng tanong. 

 

Binuksan niya ang tubig at ininom ito na akala mo hindi pinainom ng ilang araw dahil sa sobrang uhaw. 

 

“Naging magclose ba kayo ni Joy dahil kay Wendy?” Tanong ulit ni Irene. 

 

Napahinto naman si Seulgi sa pag-inom at tumingin kay Irene. Hindi niya kasi alam kung sasagutin niya ito dahil parang ang weird naman kung hindi pa alam ni Irene about kina Joy at Wendy. 

 

Wala naman special sa dalawa bukod sa pinag-aagawan lang siya. 

 

“Oo, pero hindi ko naman masabi na ganun kaclose? I mean, mas malapit sina Joy at Wendy.” Sagot nito. 

 

Napatahimik lang si Irene. 

 

Hindi naman ito nakaligtas kay Seulgi at napataas ito ng kilay. 

 

‘Hindi ba nakwe-kwento ni Joy sa kanya? Diba magkaibigan sila?’

 

Huminga nang malalim si Seulgi para mabawasan ang tension na nararamdaman niya mula kay Irene. 

 

“Tara na, magtataka mga kaibigan ko kung bakit ang tagal ko.”

 

Kinuha niya muli ang mga gamit niya na nakalagay sa sahig at sabay tingin kay Irene kung ito nakatulala pa.

 

Ngunit laking gulat niya dahil sobrang lapit nito sa kanya. Napaatras siya nang titigan pa siya lalo ni Irene.

 

“May idea ka ba kung paano sila nagkakilala?” Mukhang hindi titigil si Irene sa katatanong. 

 

Para kay Seulgi, wala siyang karapatan na sagutin ‘yan lalo na wala siyang permiso mula kay Joy. Hindi niya maari na pangunahan ang mga kaibigan niya. 

 

Hindi naman niya pwedeng sabihin may plano yung dalawa umamin sa kanya lalo na hindi naging maayos sa encounter sa isa’t isa. 

 

“Wala, ang alam ko lang pinakilala ni Wendy sa amin si Joy.” 

 

Ganoon lang.

 

Hindi na kailangan palawakin or ipaliwanag pa kay Irene dahil sa uultin, hindi sila close.

 

“Ayan ang last na sagot ko sa’yo, kung may itatanong ka pa, hindi ko na ‘to sasagutin.” Madiin na sagot ni Seulgi. 

 

“Are you still mad at me?” Makulit ata si madam kahit kasasabi lang ni Seulgi, nagtanong pa rin ‘to. 

 

“Sinabi ko na hindi ko sasagutin ang mga tanong mo, kaya ‘wag ka na magsyang ng oras.” 

 

Hindi alam ni Seulgi kung bakit kailangan i-bring up ang issue na ‘yan na hindi naman related kina Wendy at Joy. 

 

Hindi kailangan hukayin dahil para kay Seulgi, matagal na ‘tong tapos. 

 

“Ang masasabi ko lang, ‘wag kang maghabol kung hindi mo kayang panindigan.” 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

JOY

 

Kung kanina medyo nalulungkot siya dahil umalis ang mga kaibigan niya para kumuha ng makakain, napalitan naman ito ng saya nang biglang dumating sina Jisoo at Lisa. 

 

Pagkapasok na pagkapasok ng dalawa ay lumuhod sila para lang humingi ng tawad dahil sila ang salarin kung bakit siya sinaktan ng tyan. Nalaman niya na para kay Irene talaga yung nakain niya at an kinain ni Irene na siomai ay para sa kanya. 

 

Ipinangako ni Joy na kapag nakalabas na siya ng hospital, yari talaga si Wendy sa kanya

 

Pero`bakit sina Jisoo at Lisa lang nandito? 

 

Wala si Wendy. 

 

Okay lang naman, bakit kailangan nandito si Wendy? Jusko, buong gabi niyang kasama si Wendy kaya malamang nauumay din yun sa kanya, 

 

So anong karapatan ni Wendy para maumay sa kanya? At bakit ‘di siya sumama para samahan sina Jisoo at Lisa? Wala naman siyang reklamo sa ‘di pagsama ni Wendy, curious lang naman siya. 



 

“Lisa, ano pinagkaparehas ni Boss Joy sa dala natin mansanas?” Tanong ni Jisoo. 

 

“May bulate? Kasi diba sumakit tyan ni Joy dahil– ” Inosenteng sagot ni Lisa.

 

Bago pa ma-itama ni Jisoo si Lisa ay naunahan na nito ni Joy. Ibinato niya ang unan sa mukha ni Lisa at sapul na sapul naman sa dalaga. 

 

Hindi naman masakit dahil unan lang naman ang binato pero sobrang laas tipong napa-upo si Lisa sa couch.

 

“Alam niyo, may pinagmanahan kayong dalawa.” 

 

Napahimas si Lisa sa kanyang pisnig dahil sa solid na pagbato ni Joy. Kahit na unan ito, feeling niya isang bato yung hinagis sa kanya. 

 

‘Nagmana kayo kay Wendy.’

 

“Hindi ka mabiro Ate Joy…pinapagaan lang naman ‘yang pakiramdam mo dahil mukha kang problemado.” 

 

“Sa dinami-dami ng pang-aasar niyo, about talaga sa tyan ko?” Mataray na sagot ni Joy. 

 

“Sorry na Ate Joy, miss ka lang kasi namin. Matagal ka rin hindi nangulit kay Wendy.” Sinadya talaga ni Jisoo diinan ang pagkasabi niya ng pangalan ni Wendy. 

 

“Oh bakit may diin sa pangalan ni Wendy?” Tanong ni Joy

 

Tumaas bigla ang kanyang kilay. Mukhang hihirit pa kasi sina Lisa ng pang-asar, pero hindi na natuloy. 

 

Natakot ang dalawa dahil nag-iba ang aura ni Joy

 

“Wala lang Ate Joy, clout chasing lang.” Sabi ni Lisa. 

 

Inilapag nila ang mga biniling pagkain at gamit na para kay Joy at tsaka nagkaroon ng kamustahan.

 

“Nasaan nga pala yung kaibigan niyo?” Tanong ni Joy.

 

Natataka kasi siya kung bakit itong dalawa lang ang dumalaw eh halos sa araw-araw na binigay ng tadhana, hindi napapaghiwalay ang apat. 

 

Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay ngumiti. 

 

“Ay! Hindi raw siya makakapunta dahil may inaasikaso siya.” Sagot ni Lisa.

“Miss mo ‘no?” Gatong ni Jisoo. 

 

Halata naman na nang-aasar ang dalawa pero hindi napigilan ni Joy na mamula. 

 

Mamula sa inis dahil naging routine na ata ng dalawa ang pag-asar sa kanya. Ang masaklap pa doon sa karribal niya.

 

“Ano ba trip niyo at bakit niyo ko inaasar kay Wendy.” 

 

“Ay! Ate Joy, hindi namin tinutukoy si Wendy…feelingera ka?” Sagot ni Jisoo. 

 

“Si Wendy kasi wala dito.” 

 

Wala talaga sa bokabularyo ni Joy ang salitangg ‘pagsuko’ kaya kahit anong argument pa ‘yan, ilalaban niya. 

 

Kahit sa magulang mo pa, ilalaban ka niyan 

 

“Si Seulgi rin naman wala dito, ‘di ba pwedeng si Seulgi yung tinutukoy namin?” Hirit ni Lisa.

 

“Ano balak niyo ba ako asarin sa bawat miyembro ng grupo niyo?” 

 

“Oo, maro-rotate yung ship namin based sa mood namin, malay mo ma ship na kita kay Jisoo–” 

 

Wala na maandang nasabi si Lisa pagdating kay Joy lalo na pangalawang beses na siyan binato ng unan ni Joy. 

 

“May sasabihin ka pa ba? Marami pa akong unan na handang ibato sa’yo Lisa.” 

 

Dapat nakakaramdam siya ng inis ngayon ngunit sa kaloob-looban niya ay natutuwa siya dahil nakita niya ulit ang dalawang kumag na ‘to. 

 

Hindi pa naman sila masyadong close dahil saglit pa lang niya nakakasama ang mga kaibigan ni Wendy pero  kahit pa paano ay nagagawa nilang kausapin siya na parang normal lang. 

 

Nasanay kasi siya na lahat ng tao na mag-approach sa kanya ay natatakot o nahihiya. 

 

Sa sobrang lalim ng inisip niya hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto.

 

“Ano ‘tong naririnig ko na ihandang ibato? Ang gulo niyo dito sa hospital ha, kapag kayo pinalayas dito.” 

 

Familiar yung boses at syempre kilala niya na ‘yon kung kanino.

 

Galing lang naman ‘yon sa babaeng chinita na 5’0 flat ang height na mahilig magsuot na oversized blue hoodie na amoy baby vanilla.

Babaeng chinita na malambot ang cheeks kung titignan at handang magpuyat masigurado lang na okay ka. 

 

“Anong ginaawa mo dito?” may halong pagtataray sa boses ni Joy pero mas lamang pa rin ang tuwa nang makita si Wendy. 

 

“Para dalawin ka? Please, ‘wag muna tayong magsagutan.” Matamlay na pagkasabi ni Wendy.

 

Pinagmasdan lang ni Joy kung paano ihagis ni Wendy ang katawan niya sa dalawang kaibigan. 

 

Bakit ganoon? May part sa kanya na gusto niyang tanungin ang dalaga kung okay lang ba ‘to.
 

Mukhang hapong-hapo ang baby hamster buong araw. 

 

Napansin niya na may dalang maliit na supot na hawak si Wendy at isang papel. 

 

“Wendy, ano ‘yang hawak mo?” Sinubukan niya na maging normal ang tono niya gaya nga ng request ni Wendy. 

 

Ayaw niya rin ma misinterpret ni Wendy ang gusto niyang sabihin. 

 

Bakit naman kasi naging routine niya pagtataray kay Wendy, ayan hirap tuloy siya mag-adjust.

 

Nanlaki naman ang mga mata ni Wendy at agad naman ito napatayo. 

 

Naalala ni Wendy na may bagong nireseta kay Joy na gamot at pinapabili ‘to agad bago ito lumabas bukas. 

 

Lumapit si Wendy kay Joy at hinila ang upuan para makaupo siya sa tabi ni Joy. 

 

Walan alinlangan din napalapit si Joy kay Wendy para makinig.

 

Sa totoo lang, ipinaliwanag na ng doctor ni Joy ang mga kailangan niyang inumin na gamot at may kopya na siya ng reseta. 

 

Balak naman niya na pagkalabas niya dito ay bibilhin niya ma kailanan na gamot.

 

Ewan ba niya bakit kailangan niya pa mainig dito kay Wendy. 

 

“Bumili na ako ng gamot para may nakahanda na iinumin mo once na nakalabas ka na rito.” 

 

Hindi na ata napapansin ni Wendy na sobrang lapit nila sa isa’t isa dahil sa pagod. 

 

"Huwag mo rin daw kalimutan uminom ng maraming tubig lalo na sabi ng doctor ‘di ka raw umiinom” 

 

Tunog galit na nanay ang tono ni Wendy pero para kay Joy, natutuwa siya dahil may nalaman na naman siya about kay Wendy. 

 

Yung sermon nagiging music in her ears ika nga.

 

Hindi niya ata napapansin nakangiti na siya habang nakikinig kay Wendy. 

 

Nagkatinginan naman ang dalawa na sina Jisoo at Lisa. 

 

Napag-iwanan na ata sila dahil parang may ibang mundo angg dalawa nilang kaibigan kaya nagpasya silang umalis para bigyan ng time ang dalawa. Hahanapin na rin ata nila si Seulgi lalo na naalala nila madaling maligaw ang kanilang bebi bear. 

 

Sasama sana si Wendy sa kanila pero parang sinasabi ng kanyang legs ay ‘wag na muna. Ikaw ba naman lakarin  mo mula sa workplace mo hanggang sa hospital. 

 

“Bumalik kayo agad ha! Baka maabutan tayo ng ibang friends ni Joy dito.” 

 

“Sus! Iyon lang naman? Mahiyain ka talaga”

 

Hindi na nakabawi si Wendy nang biglagng sinara ni Jisoo ang pinto. 

 

Tahimik. 

 

Dead air. 

 

Awkward. 

 

Ngayon na lang sila nagkaroon ng ganitong katahimikan, usually kasi hindi tumitigil ang mga bibig nila mang-asar at sagutan.

 

Pinagdadasal na lang ni Joy na sana dumating na sila Jennie para naman hindi lang silang dalawa ang nasa loob ng kwarto. 

 

“Kumusta?” Basag ni Wendy ng katahimikan. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha