Chapter 1

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR  1]

“Alam mo mukha talaga tayong mga tanga dito” sabi ni Seulgi sa kanyang kaibigan. Hiyang-hiya siyang nagtatago sa maliit na halaman na naka-display sa hallway ng mga sophomores. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, kailangan masama sa routine niya ang pagsulyap sa crush ni Wendy.

Hindi naman siya bayad dito? 

Kaya ang tanging hiling niya ay lumabas na si Irene sa room nila at nang masulyapan na ni Wendy ang crushie niya, then charaan! Buo na ang araw ni bakla.

“Ikaw kaya yung parang tanga diyan. Bakit ka ba nagtatago?” tanong ni Wendy. 

“Nahihiya kasi ako. Sis, first year tayo tapos nandito tayo sa floor ng mga sophomores.”  sambit ni Seulgi at sabay hatak kay Wendy papuntang hagdanan.

 Nagpupumilit pumiglas si Wendy kaso hindi talaga maitatanggi na mas malakas si Seulgi kesa sa kanya. Suki ba naman ng mga sports si baby bear kaya batak na batak. Walang titibag dahil kay Wendy lang baragadag. 

“Seul, pagbigyan mo na ako” malambing na pakiusap ni Wendy sa kaibigan. Ayan na nga ba sinasabi ni Seulgi. Alam na alam ni Wendy kung ano ang mga kahinaan niya, at isa na dun ay  ang magpa-cute si bakla.

Pero hindi papatalo ang kaibigan natin na oso, kaya tinitigan niya ito nang masama. 

‘Wag kang magiging marupok’ 

“Bigyan mo ko ng magandang rason kung bakit dapat kitang pagbigyan.” utos ni Seulgi kay Wendy habang nakatitig pa rin ito nang masama. 

Huminga nang malalim si Wendy at kinuha ang bag na nakasabit sa likod niya. Binuksan niya ang bag, at dahan-dahang inilabas ang isang maliit na papel. Hindi mawari ni Seulgi kung ano ang papel na ‘yon, pero nakita niya na namumula at nahihiya ang kaibigan. 

‘Putang ina? Ayan ba yung pinaghirapan namin?’ 


Hindi napigilan magmura ng kaluluwa ni Seulgi kahit sinabi na sa kanya ni Mama bear na bawal magmura, ayan napamura siya nang napakalutong. Napagtanto ni Seulgi na ang hawak na papel ni Wendy ay ang mahiwagang love letter na ilang buwan na sa bag ng kaibigan niya.

“Ibibigay mo na?!” masayang tanong ni Seulgi sa kaibigan.

“Tama yung sinabi ni Lisa. Walang mangyayari kung nasa loob lang ng bag ko ‘tong letter ko para kay Irene.” 

‘Putang ina! Sa wakas!’ 

Kung marinig man ni Mama bear ang pagmumura ni Seulgi, malamang malilintikan na talaga ang kaibigan nating oso.

“So, paano mo ibibigay?” medyo excited na si Seulgi para sa future ni Wendy. Siguradong-sigurado na siya na magkakaroon na ng lovelife ang kaibigan niya. ‘Wag lang sana tangkain na i-reject ni Irene ang kanyang kaibigan. Si Wendy? Tatanggihan? Ayusin dapat ni Irene ang mga desisyon niya sa buhay. 
 

Nawala ang ngiti ni Seulgi nang biglang inabot ni Wendy ang letter sa kanya. 

“Please, pakibigay kay Irene yung letter ko” sabi ni Wendy. 

“Gago. Ayos ka pa ba?” 

Tuluyan ng napamura nang malakas si Seulgi dahil sa kaibigan. Hindi pa nagsisimula ang araw niya pero ramdam niya na parang ang dami ng nangyari.  

Magsasalita pa sana siya kaso napatikom na lang siya nang biglang hinawakan ni Wendy ang kanyang kaliwang braso. 

Shet

Ayoko talaga kapag nilalambing mo ‘ko nang ganito

“Seulgi, alam mo naman na hindi ako yung tipo ng tao na sobrang tapang o may lakas ng loob para gawin yung mga bagay na ganito kaya pagbigyan mo na ako.” 

Edi ‘wag mo ibigay? Chariz!

“Ako ba ang may gusto kay Irene?” tanong ni Seulgi.

“Nahihiya kasi ako, Seul” mahinang sabi ni Wendy sabay hinawakan niya ang damit ni Seulgi. Alam na alam ni Wendy kung paano lalambot ang kaibigan niyang si Seulgi. Pa-cute lang sapat na.

May magagawa pa ba ako?

Hinawakan ni Seulgi sa magkabilang balikat ni Wendy na parang bata. Alam niyang kahit anong pilit niya sa kaibigan niya ay walang mangyayari dahil napaka torpe nito. 

Mas uunahin ko pa lovelife mo kesa sa akin.


"Tara na."

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

"Ganito, kapag tumayo si Irene at yung mga matataray niyang tropa, ipapatong ko yung love letter sa libro niya tapos--” Hindi na natapos ang sinasabi ni Seulgi nang sumigaw si Wendy.

“Wag!” natataranta na si Wendy dahil may posibilidad na mabasa ng ibang kaibigan ni Irene yung letter na ginawa niya. 

“Punyeta ka Seulgi iipit mo sa libro!” 

“Ikaw na nga nagpapasuyo sa akin tapos mumurahin mo pa ako?” Aalis na sana si Seulgi ng makita niyang malapit nang umiyak si Wendy. 

Ay baby ‘yan? Takte! Alam na alam talaga ni Wendy kahinaan ko


“Oo na, iiipit ko sa libro niya” sabay hablot ng love letter. Mukhang swerte sila ngayon dahil biglang tumayo ang grupo nila Irene at lumabas sa kabilang pintuan. 

‘Salamat Jihoz’ bulong ng dalawa

Agad namang pumasok si Seulgi sa loob ng classroom nila Irene. Wala naman nakapansin sa kanya dahil lahat ay busy sa mga phones at yung iba naman ay nag-aaral. Hindi rin naman siya mapapansin kung sakali dahil mukhang natural lang kasi ang kilos ni Seulgi.

Pagdating niya sa pwesto ay napansin niyang ang daming mga libro na nakapatong sa upuan ng magkakaibigan. 

Saan nga ulit ang upuan ni Irene?

Tutal si Irene naman isa sa bida dito, baka dito sa may malapit sa bintana? 


Dahan-dahang inipit ni Seulgi ang letter sa libro. Medyo may alinlangan si Seulgi dahil may nakita siyang nakasulat na “J” sa isang pahina ng libro.

‘Dito  ba talaga nakaupo si Irene? Tama naman diba? Kanina dito siya nakaupo ang alam ko’

Sumilip si Seulgi sa labas at sumenyas kay Wendy kung tamang upuan ba ang pinuntahan niya. Huminga nang malalim si Seulgi nang makitang nag thumbs up si Wendy. 

Taray, likezoned ako mga ssob.

Mahal ko pa buhay ko pero mukhang gusto na akong ipakuha ni Wendy 

“Baka may kapatid lang si Irene na J ang initial” bulong ni Seulgi.  

Kapag mali kutob ko, ikaw na bahala sa akin Jihoz.

Matagumpay naman niyang naiipit ang letter sa libro. Nagmadali agad si Seulgi na lumabas ng classroom upang walang makahuli sa kanya. Paglabas niya ay sinalubong siya ni Wendy ng may mahigpit na yakap. Walang pake si ate mo Wendy kahit medyo basang-basa ng pawis si Seulgi dahil sa kaba. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nabigay na niya yung letter kay Irene.

Luh kilig naman ako sa’yo Wendy 

“Kinabahan talaga ako sa’yo, Seul” 

“Kinabahan din ako para sa sarili ko, Wendy” sabay yakap pabalik sa kanyang kaibigan. 

“Gaga!”

Masyadong abala ang dalawa sa pag cecelebrate ng matagumpay nilang ‘mission’, hindi nila alam na nakatitig na pala sa kanila si Irene. Kilala naman ni Irene si Wendy. Sa totoo lang magkapitbahay pa nga ang dalawa. Hindi nga lang mawari ni Irene kung bakit sa tuwing lalapit siya kay Wendy, ay todo iwas ang dalaga sa kanya. Gusto ni Irene na ayain ang dalaga na sumabay na lang sa pagpasok dahil madalas naman silang nagkakasabay sa jeep. Ngunit wala talaga dahil iwas na iwas sa kanya si Wendy.

“Kilala mo sila madam?” tanong ni Joy kay Irene. 

“Ah..Yung isa lang kilala ko.” tipid na sagot ni Irene. 

Hindi na nagtanong si Joy muli dahil ramdam niyang biglang nawalan ng gana si Irene. Weird. Hindi na niya sana papansinin ang dalawang nagyayakapan ngunit napansin niya ang mga pins sa ID laces nito. Bawat year level sa campus nila ay may iba’t ibang kulay ng pins nanaka-assign sa ID laces para malaman kung freshman, sophomore, junior, or senior. Pabida bida pero ayun nga, wala namang significance sa campus nila yun pero pagbigyan para sa content.
 
Napansin ni Joy na may suot sila na blue pins sa ID laces. Ibig sabihin lang nito ay freshmen sila. 

‘Anong ginagawa ng mga freshmen dito sa floor ng sophomores At sa tapat pa talaga ng room namin?’

‘Baka bago lang sila dito? Pero ilang buwan na ang nakalipas nang mag-umpisa ang sem.’

“Bakit ko ba pinag-o-overthink ang sarili ko? Hindi ko naman sila kilala” bulong ni Joy at pumasok na ulit sila sa loob ng silid. 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

JOY

Natapos na ang unang klase nila pero hindi pa rin mawala sa isip ni Joy ang dalawang freshmen na nakatambay sa labas ng room nila. Iniisip niya na baka isa na naman sa mga nagkakagusto kay Irene. Wala naman sana siyang problema dahil sanay naman na siya na maraming nagkakagusto kay Irene. Pero yung kilala ni Irene yung isa sa kanila? Bigla siyang kinabahan. Na-activate ata ang bakodera niyang side.

Matagal na niyang kaibigan si Irene. Halos lahat ng nakapaligid kay Irene ay kilala niya. Pero sino yung first year na yun?

“May hindi ka ba pinapakilala sa amin?” bulong ni Joy.

“Sino kausap mo beh?” tanong ni Rosé

“AY KABAYO!” 

“Wtf? Sa ganda kong ‘to napagkamalan pa akong kabayo?” kung hindi lang hawak ni Rosé mga pagkain niya nahampas na niya siguro ang kaibigan niya. 

“Huwag ka kasi manggulat” napahawak si Joy sa kanyang dibdib. 

“Beh, ‘wag ka rin parang ano dyan. Sino ba kasi kausap mo dyan sa pader ha? May nakikita ka ba na hindi namin nakikita? Kung kaya mo magpatawid ng kaluluwa, ‘wag naman yung kasama kami ha at dito pa talaga sa campus natin” biro ni Rosé

“Baka kailangan talaga magpatawid ni Joy ng kaluluwa kasi diba naging sementeryo daw 'to dati, tapos naging hospital, at ngayon naging university na natin. Charan!” dagdag ni Jennie. 

“Ah talaga ba RubyJane? Grade 3 ‘yan?” banat ni Joy habang inaayos ang mga gamit sa loob ng bag. 

Umiling lang si Jennie at bumalik ito sa kanyang upuan. Napansin naman ni Irene na nagliligpit na si Joy ng mga gamit niya kaya napagpasyahan niya na ibigay na agad ang libro na hiniram bago pa niya ito makaligtaan. 

“Joy, yung libro nga pala na hiniram ko sa’yo.” 

Iniabot ni Irene ang hiniram niyang calculus book kay Joy. Napansin ni madam na may nakaipit na puti sa isang pahina nito. Ngunit kinuha agad ito ni Joy at inilagay sa bag. Kukunin sana ulit ni Irene ang libro para icheck kung may naiwan ba siya sa libro ni Joy. Ngunit tumayo si Joy at sinuot ang kanyang bag.

“Irene, mauna na kayo sa pwesto natin ha? May dadaanan pa kasi ako” paalam ni Joy sa mga kaibigan at agad kumaripas ng takbo. 

Pumunta siya sa garden ng kanilang campus upang magpakalma.  Ito na naman siya. Hindi mapigilan lagi ang tibok ng puso niya kay Irene.

“Ang ganda ni Irene jusko. Mapapadasal ka nga talaga araw-araw at nakakasama mo siya.” 

"Grabe hindi ko akalain na bagay sa kanya magpabangs. Shuta mas lalo akong nafall" dagdag nito.

Tulad ni Wendy, matagal nang gusto ni Joy si Irene. Simula bata sila, gustong-gusto niya palagi kasama ang kaibigan. Ilang taon na rin niya nakakasama si Irene pero hindi pa rin sumasagi sa isip niya na magtake ng risk at umamin sa dalaga. 

Takot. 

Aminin na natin na takot lagi ang dahilan kung bakit hindi natin kaya i-risk ang pagconfess sa isang tao. Ang hirap isugal kung anong meron kayo ngayon. Tanggap naman na niya kung anong meron sila ni Irene ngayon. Tanggap niya na hanggang magkaibigan na lang sila. Mesheket 

Sanay na ako mabigo, ano pa kaya ang bago?

Bigo na agad? Hindi mo pa nga sinusubukang umamin.  

Napabuntong hininga si Joy. Kahit anong gawin niyang pagtanggap, kung palalim na nang palalim ang nararamdaman niya sa dalaga, mas lalo siyang naguguluhan. Sinubukan niya na umiwas dati kay Irene. Pero anong nangyari? Naging marupok si bakla at binalikan naman agad si Irene. 

Hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi unahin si Irene. Para sa kanya si Irene lang ang nakakaintindi at nakakaunawa sa kanya. Kapag kasama niya si Irene, sobrang kumportablena siya. 

Sinubukan niya na ring i-distract ang sarili niya. Sinagot niya ang manliligaw niya na si Sana. Kaso hindi rin sila nagtagal dahil ramdam ni Joy na ang unfair naman kung nasa isang relasyon ka pero ibang tao talaga ang nilalaman ng puso mo.

Napasandal si Joy sa malapit na poste at pumikit. Nilalanghap niya ang preskong hangin sa garden para kumalma. Isa sa mga paborito niyang lugar sa campus nila ay ang garden. Walang masyadong tao dito kaya tahimik at payapa. Ito rin ang tambayan nila ni Irene nung mga first year pa lang sila. Pero dahil sa desisyon ni Irene na sumali sa organizations, naging busy na ito at nawalan na ng time para magpunta sa garden para tumambay.

"Parang ayoko na muna umalis dito" bulong niya.

"Kaso baka hinahanap na ako nila Jen."

Binuksan niya ulit ang bag niya para kunin ang kanyang cellphone nang mapansin niya na may nakaipit sa libro niya. Kinuha niya ang libro at binuksan ito sa pahina kung saan nakaipit ang puting papel. 

Hindi na kailangan magtaka kung ano ang papel na yun. Ngumiti siya dahil alam niya na isa itong love letter. Paano ba naman? Punong-puno ng drawing na hearts at may mga tig-sampung piso na stickers na puso at cartoon characters na mabibili sa tindahan. Pero walang say si ate mo Joy dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. 

‘Owsiii’ 

Love letter… 

Galing kay Irene?


Hindi na kailangan magtanong kung kanino ito galing. Halatang kay Irene galing ang letter na ‘to. Sino pa ba? Si Irene lang naman ang humiram ng libro niya. Biglang nabuhayan ng dugo si Joy dahil feeling niya parang nagkaroon na ng sign na umamin siya kay Irene. 

‘Magririsk na ba ako?’

 Nagdadalawang isip pa rin siya na baka prank lang ito nila Jennie. Pero paano? Nakita niya yung libro niya kanina na gamit pa ni Irene bago sila mag-CR kanina. Kasama naman niya si Jennie. 

“AH! Nababaliw ka na talaga self!” 

Huminga siya nang malalim at binuksan ang letter. Laking gulat niya nang makita niya ang laman ng letter. 

“Ngl, Istg, kumain ka na ba? Tbh, lol.’ “

“Hanger ka ba ni mama? Cuz u hit different ror”

“No need for pick up lines cuz all i need is u to pick me.”

“Charot lang puu. Meet mo nalang ako mamayang alas tres sa may garden bebi. Dun tayo malapit sa chapel para sweet hihihi”

Hindi alam ni Joy kung mas naguguluhan ba siya sa sitwasyon niya or sa letter na binigay sa kanya ni Irene. Ayaw niya na sana itong patulan kasi malinaw naman na prank lang ito. Pero di sa pinag o-overthink ni Joy ang sarili niya, paano kung ganun lang talaga ka wasak humor ni madam? Paano kung nahihiya talaga si Irene kung paano mag confess? At ayun na nga, namula na si Joy at di na napigilang ngumiti at tumili. 

Parang bata si Joy na pinapadyak ang mga paa sa kilig. Paano ba naman kasi nagdedaydream na si gaga tipong kasama niya na si Irene na may kasamang shining shimmering na background at mababangong bulaklak katulad sa mga anime. 

Walang kamalay-malay si Joy na hindi lang siya ang nag-iisa sa garden. Pinagtitinginan na siya pero wala siyang pake kasi masaya siya. Paki niya ba? Bawal ba kiligin?

“Tol, mukhang swerte nung magandang babae dun sa bench oh! May hawak na papel baka love letter?” tanong ni Lisa kay Jisoo. 

“Tumigil ka nga Lisa. Napakachismosa mo talaga kahit kelan” sermon ni Jisoo. Hindi rin napigilan ni Jisoo na tumingin sa direksyon ni Joy. “Pero feeling ko tama ka. Grabe yung kilig nung second year na yun.” 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha