2015

Touch My Heart

Nagbabatuhan ng papel ang section nila Winter. Last year na ng high school, classmate at seatmate niya ang kanyang crush na si Karina.

"Guys, stop na! Baka dumating na yung teacher!" Sabi ng Class President nila. Tuloy pa rin naman sa pagbabatuhan ang mga kaklase nila, lalo na ang mga lalaki. 

"Makinig nga kayo! Ang tatanda niyo na, mga isip bata pa rin kayo!" The Class VP said and cross her arms. Katabi siya ng Class President nila na maluha-luha na. Siya na naman kasi ang malilintikan sa subject teacher nila kapag hindi pa rin sila maayos bago siya dumating. 

Winter sighed at the commotion.

"Ang gulo nila, ano?" Napatingin naman si Winter kay Karina. She nodded her head shyly. 

"Oo nga e. Parang mga nakawala sa kulungan," sabi ni Winter at ngumiti. Karina chuckled. 

"Hoy tama na kasi! Naiiyak na si Pres oh!" Sigaw naman ng Class Secretary. Napatingin tuloy sakanila sila Winter at Karina. 

"They're such a bunch of kids, gosh." Bulong ni Karina at humagikhik pa sa tabi ni Winter.The latter shook her head. Because Karina is acting like a child too. A cute cute child. 

"Get back to your seats!" Sigaw ng teacher nila. Napaayos nang upo ang lahat. Winter scoffed. Gusto pa sana niyang makausap ang crush niya. Ang epal talaga ng teachers nila. 

"I am so done with all of you! To teach you responsibility, I am going to change your final Performance Task for this Semester." All of them groaned. Pero kasalanan naman nila kaya ganito. 

"I have talked to an orphanage. Pupunta tayo roon after I gave you all the details. And this would be your last period for today. The kids in the orphanage would choose their "parents", now, group yourselves into two," parehas na tumingin si Karina at Winter kay Ningning. Mamaya na nila ididigest ang information na mag-aalaga sila ng totoong bata. Bawal bang itlog na lang o manika? Tsaka matagal na bang plano ito ng teacher nila? Parang sobrang planado na kasi e. 

"Sorry mga bakla, nauna si Giselle. Kayo na lang magpartner," nakangising sabi ni Ningning. Napatingin si Winter kay Karina at lumunok. Her and Karina? Papasabunutan niya talaga sa mga bata  mamaya itong si Ningning. Sinadya niya talagang makipartner sa crush niya para maging partners si Winter at Karina. 

"I don't see why not. Okay lang ba sayo, Win?" Karina asked and looked at the shorter girl. Syempre, okay na okay sakanya. Bakit naman hindi? Aarte pa ba siya? Hello, Karina na yan oh!

"O-of course." Sabi ni Winter at ngumiti. Karina heaved a sigh.

"Buti naman! Kayo pa lang friends ko e." Sabi niya. 

"This would take up 60% of your grade. You'll live with them for a week. And please take good care of the kids," sabi ng teacher nila. 

After a while, they're ordered to fall in line. 

"Sa school bus niyo na pag-usapan ang magiging strategy ninyo. And I would like to emphasize that this is to teach you responsibility so don't even think of getting a nanny," the rich kids groaned. 

"You can sit by the window," sabi ni Karina at humakbang para makapasok si Winter. 

"Sigurado ka?" The shorter girl asked. Karina smiled and nodded her head. Sino ba namang hindi magkakagusto sakanya kung pati ang window seat ay ibibigay niya kay Winter?

"Salamat, Karina." Pilit itinago ni Winter ang pagkakilig niya, sana naman hindi nahalata ni Karina.

"Ano ka ba? Parang asawa na rin kita ng isang linggo. Syempre, malakas ka sakin," the taller girl joked. Sobrang dense ba ni Karina o hindi lang talaga halata na may crush sakanya si Winter? Ang lakas ng loob magbiro ng ganoon. Tapos kapag nafall si Winter, hindi niya sasaluhin. 

"Palabiro mo talaga, Karina." Sabi na lamang ni Winter at bahagyang umiling. Sa labas lang siya nakatingin. 

She can feel the hotness of her cheeks. Kaunting-kaunti na lang talaga at lalandiin na niya si Karina.

"Ano pala balak natin, honeybunch?" Napatalon sa gulat si Winter. 

"Ga-ga-gago! Anong honeybunch?" She asked. Napatawa si Karina nang nakita siya.

"Hindi ba sabi ko naman sayo, asawa kita for a week. Or gusto mong divorced parents tayo?" Winter cursed inside her head. She called out every god and Saints she could remember. Please be good to her poor heart, Karina. 

"We can stay at my house. I live alone lang naman," sabi ni Winter. She's shifting the subject, and sana kumagat si Karina.

"Delightful! I can cook for our family." Lord naman! Bakit ganito si Karina? Jusko, fourth year high school pa lang sila. Winter is barely 16! 

"Go-good," she muttered. Excited naman na naglista si Karina ng mga bibilhin nila mamaya sa grocery. Family-oriented yan? 

"Do you need anything? Ililista ko na rin para hindi makalimutan." Kapag ba sinabi ni Winter na kailangan niya ng snacks, matuturn-off kaya si Karina? 

Winter shook her head. 

"No, nothing." She said and smiled fakely. 

"But you like snacks, sweetie." Kung sino mang malanding espiritu ang sumanib kay Karina, nakikiusap ang kaluluwa at buong pagkatao ni Winter na layuan na niya ang nananahimik na buhay ni Karina. Please lang. 

"Paano m-mo na-nalaman?" Winter closed her eyes. Kanina pa siya nauutal habang kausap si Karina. Hindi na siya natutuwa.

"It's because I pay attention to you, wifey." 


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
194 streak #1
Chapter 23: Aaaaaaaaaaaack!!!!
Jaeeeeee_
194 streak #2
Chapter 1: Ang funny pa rin netong first chap hahaha panic malala 🤣
Jaeeeeee_
194 streak #3
Re-read 🥰
seiikihavre
#4
Chapter 2: HAHAHAHAHAHHAHAHA
mjeonggs #5
ccmulan k n sha
yujisaurus
#6
Chapter 23: *smashes keyboard*
yujisaurus
#7
Chapter 22: DARCY HSHAHHAHAHAHAHAHAH 😭
yujisaurus
#8
Chapter 21: oh, winter :(((( i hope you’ll heal :((((
yujisaurus
#9
Chapter 10: nawawarshock ako sa linyahan ni karina w8 lang naman
yujisaurus
#10
Chapter 6: wJATJFKDJSSHSHS