Seventh Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakauwi ng bahay at kung anong oras ako nakatulog pero nagising nalang ako na may nararamdamang mamasa-masa na dumadapo sa mukha ko.

 

Inis akong napa-ungot at bahagyang dumilat para tignan kung ano 'yon, bumungad sa akin yung mabalahibong mukha ni Choo choo boo boo.

 

Alam ko namang dati ko pa iniisip kung anong feeling ng mabigyan ng morning kisses,

 

Pero hindi naman galing sa aso yung gusto ko!

 

"Anuba choo choo dun ka nga!" sabi ko at nagtalukbong ng kumot para hindi niya madilaan yung mukha ko.

 

Pero pilit pa rin ako nitong ginugulo kaya napaupo ako mula sa pagkakahiga at masamang tinignan si choo choo boo boo.

 

Parang gusto ko ng kaldereta ngayong araw.

 

Nakatingin lang 'to sa akin habang nakanganga at nakalabas yung dila. 

 

"Bakit ka ba andito ha? Sino nagpapasok sayo rito?" kunot-noo kong tanong kahit na alam kong hindi niya naman ako naiintindihan.

 

Lagi ko namang sinasara yung pinto ko kaya malamang may nagpapasok kay choo choo rito sa kwarto ko.

 

Tinahulan pa ako nito pero hindi naman ako aso para maintindihan yung sinasabi niya.

 

Pero agad namang nanlaki yung mata ko nang maalala ko na may online class pa pala ako.

 

Kaya agad agad kong kinuha yung phone ko para tignan yung oras.

 

4:18pm

 

Kahit na ayaw ko pa bumangon, napabangon ako sa kama para buksan yung laptop ko.

 

Bwiset, 4:30 matatapos 'tong subject na 'to pero ngayon pa lang ako papasok.

 

Naglelecture lang naman sila pagpasok ko sa link, hindi rin naman ako napansin nung instructor namin.

 

Medyo masakit pa nga yung ulo ko pero keri naman.

 

Nag-offcam nalang ako dahil mukha pa rin akong sabog.

 

Hindi na rin ako nag-ayos pa ng buhok at nagtry na magmukhang presentable dahil naka-offcam naman ako.

 

Halos kakajoin ko lang nang biglang i-announce na tapos na yung klase tapos screenshot na for attendance.

 

Oh diba, may attendance pa rin ako.

 

Buti naka-abot.

 

After non, napasandal nalang ako sa upuan ko habang nakatingala, biglang bumabalik sa isip ko sa nangyari kanina sa convenience store.

 

Pilit kong iniisip yung sinabi nung sassy bff ni crush kanina kasi sigurado akong nabanggit niya yung pangalan ni crush.

 

Hindi ko lang mataandaan kasi hindi ko naman sila iniintindi noon.

 

Ano nga ulit yung sabi niya?

 

Dina?

 

Athena?

 

Sabrina?

 

Hindi ko maalala.

 

Parang tunog sabrina na hindi eh.

 

Hindi ko alam!

 

Bakit ba kasi lagi ko nalang nakakalimutan tanungin yung pangalan niya?

 

Ilang months na 'kong para-paraan na sumusulyap sa kanya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba pangalan niya.

 

Tapos siya alam niya pangalan ko pero hindi ko alam sa kanya, ang daya!

 

Crush, baka naman. 

 

Baka naman gusto mong sabihin sa akin pangalan mo...

 

Ikaw naman magfirst move oh.

 

Chos.

 

Gusto ko nang magdabog.

 

Iniisip ko tuloy kailangan ko pa bang mag-isip ng para-paraan kong way para lang malaman ko pangalan niya?

 

Katulad nung kung paano ko ipinaalam sa kanya yung pangalan ko?

 

Pero paano?

 

Parang ang hirap naman nun.

 

Nauubusan na ako ng idea!

 

Drain na drain na yung utak ko sa acads, feel ko wala na akong mapipiga pa sa utak ko para mag-isip pa about doon.

 

Pwede ko naman siyang tanungin pero nakakahiya kasi!

 

Wala akong lakas na loob tanungin siya.

 

Naistorbo ako sa pamomroblema kung paano ko malalaman pangalan ni crush nang may maamoy akong mabantot.

 

Sumingot-singot pa ako para malaman ko kung saan nanggagaling yung amoy.

 

Ang bantot.

 

Bakit ganun yung amoy?

 

Amoy ano, amoy tae?

 

Si choo choo boo boo!

 

Halos manlaki yung mata ko nang maalala ko na andito pala si Choo choo boo boo sa loob ng kwarto ko.

 

Mabilis akong napalingon sa kama ko kung saan ko siya iniwan kanina.

 

Kabang-kaba pa ako dahil baka sa kama ko siya tumae pero wala naman siya doon.

 

Kaya agad kong nilibot ang paningin ko at nakita ko siyang naka-upo doon malapit sa pinto.

 

Syempre, lumapit muna ako sa kama ko at chineck kung doon ba siya nagkalat.

 

Pero buti nalang talaga at hindi naman doon sa kama ko.

 

Kasi gagawin ko talaga siyang kaldereta kung oo.

 

Chos.

 

Nakita ko yung dumi niya doon sa may carpet.

 

Bwiset, talagang sa carpet pa tumae!

 

Kakalaba ko lang nun eh.

 

"Choo choo naman eh, ba't ka rito tumae?" pagrereklamo ko sa kanya habang tinitignan yung art na ginawa niya sa carpet ko.

 

Kainis talaga.

 

At talagang kalat-kalat pa yung dumi niya.

 

Meron dito, meron doon. 

 

Grr.

 

Lumapit ako sa kanya at binuhat siya, pero syempre sinigurado ko muna na malinis yung pwet niya bago ko buhatin.

 

Pinunasan ko muna ng wet wipes kasi ayoko namang malagyan yung damit ko ng mabantot niyang tae no.

 

"Ate! Yung anak mo tumae sa kwarto ko!!" sigaw ko pagkalabas ko ng kwarto habang karga ko si choo choo boo boo sa isang braso ko.

 

Sinilip ko si ate sa kwarto pero wala siya roon kaya padabog akong bumaba sa hagdanan.

 

"Ate!!!" sigaw ko ulit, "Si choo choo tumae sa kwarto ko!! Ang bantot..."

 

Biglang humina yung boses ko doon sa last two words na sinabi ko nung makababa ako sa hagdanan namin nang marealize ko na may bisita pala sa sala namin.

 

Oh my god.

 

Agad akong tumakbo pataas para bumalik sa kwarto ko at mabilis na sinarado yung pinto.

 

Sumandal pa ako sa pinto after kong masara at malock yung pinto.

 

Oh my god. Oh my god. Oh my god!!!!

 

Totoo ba yung nakita ko?

 

Namamalikmata lang ba ako?

 

Ilusyon lang ba 'yon?

 

Baka sabog pa rin ako.

 

Baka kulang lang talaga ako sa tulog.

 

Bakit naman kasi diba mapupunta yung crush ko sa loob ng bahay namin???

 

Wala akong maisip na dahilan kung bakit kaya bakit bigla siyang andito??

 

Nababaliw na ata ako.

 

Hallucination ko lang ba 'yon?

 

Pero nakita ko siya eh!

 

Napatingin siya sa akin!

 

Nagtama yung mga mata namin!

 

Nababaliw na ata ako.

 

Ito ata yung epekto ng walang tulog.

 

Hinampas ko ng mahina yung ulo ko gamit yung palad ko at pagkatapos kinausap ko yung sarili ko, "Kung ano-ano nang nakikita mo, Winter. Kulang ka lang sa tulog."

 

Bigla naman akong nakarinig ng katok sa pinto mula sa labas ng kwarto ko, "Anak, bakit bigla ka nalang tumakbo pataas? Ni hindi mo manlang binati yung bisita natin!"

 

Oh my god.

 

So totoo nga?!

 

Oh my god, nasa bahay namin si crush!!!

 

"Bumaba ka riyan at batiin sila, ninang mo pa naman 'yon,"

 

Ano???

 

Ninang ko si crush??

 

Paano?

 

Ilang taon na ba siya?

 

Paano ko siya naging ninang?

 

Wait, may iba ba siyang kasama?

 

Hindi ako alam.

 

Siya lang yung nakita ko kanina kasi tumakbo na ako kaagad pataas.

 

"Opo. Maliligo lang po muna ako!" sagot ko kay mama kasi alam kong hindi niya ako titigilan hangga't walang naririnig na sagot sa akin.

 

Nakakahiya.

 

Bumaba ako ng bahay na walang ayos-ayos sa sarili, wala manlang suklay-suklay or what.

 

Tapos kung anong suot ko nung nakita niya ako sa convenience store kaninang umaga, ganun pa rin yung suot ko.

 

Nakakahiya sobra, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

 

Baka isipin niya hindi ako naliligo!

 

Well, totoo naman na wala pa akong ligo pero may balak akong maligo no!

 

Wala lang akong time gawin kasi tulog ako...

 

Alangan naman maligo ako habang tulog diba?

 

Nakalimutan kong bitbit-bitbit ko pa rin pala si choo choo boo boo kaya binaba ko muna siya.

 

Baka naalog ko siya ng sobra dahil sa pagtakbo na ginawa ko kanina pataas.

 

Nilinis ko na rin muna yung dumi ni choo choo bago ako naligo.

 

Mabuti nalang talaga at mayroon kaming cr dito sa second floor kaya hindi ko na kailangang bumaba para maligo.

 

Talagang tinagalan ko sa loob ng banyo at sinigurado ko na malinis na malinis ako.

 

Todo scrub pa nga ako sa katawan ko para matanggal lahat ng libag.

 

Kulang nalang pati balat ko matanggal.

 

Ginamit ko rin yung body wash ni ate kasi sobrang bango talaga non.

 

Pagtapos, dumiretso n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 59 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1692 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
529 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na