Twelfth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Naiinip na ako.

 

Kanina pa ako nandito sa convenience store na katapat lang mismo ng school namin, dito yung napag-usapan namin ni ningning na dito na lang ako maghihintay sa kanya.

 

May kinakausap pa kasi siya, ayoko naman magmukhang guard sa tabi niya na parang hinihintay siyang matapos mangampanya kaya sinabi ko na dito ko nalang siya hintayin.

 

Ewan ko ba, ang dami kasing friendship ni Ningning.

 

Halos lahat ata ng tao sa school kaibigan niya kaya ang daming kumakausap sa kanya.

 

Kaya heto ako ngayon, hinihintay siya sa labas ng convenience store.

 

Hindi nga ako nagmukhang guard sa tabi niya, para naman akong nagmukhang guard dito sa labas. Kainis.

 

Kanina ko pa hinihintay umalis yung magjowa na nakaupo roon sa bench sa labas lang mismo ng convenience store pero mukhang wala silang balak umalis. Talagang ginawa pang landian spot 'tong labas ng store.

 

Ang haharot.

 

Yung lalaki may pahalik-halik pa sa pisnge ni ate girl habang naka-akbay sa kanya tapos itong si ate girl naman gustong-gusto kung makahagikgik.

 

Anubayan.

 

Kung makapagharutan 'tong dalawang 'to kala mo wala nang bukas. Parang nandidilim tuloy yung paningin ko.

 

Chos.

 

Edi sila na. Nakakaasiwa silang tignan, yung tipong mapaparolyo nalang ako ng mata kaya tinuon ko nalang yung atensyon ko sa ibang bagay.

 

Naisipan kong pumasok sa loob pero huwag nalang kasi wala naman akong bibilhin.

 

Nakakahiya kung tatambay lang ako sa loob kaya dito nalang ako sa labas.

 

Atsaka napakasungit nung tao don sa may cashier, laging nanlilisik yung mga mata.

 

Hindi rin naman ganun kainit, makulimlim tapos mahangin pa kaya dito nalang ako pumwesto.

 

Presko pa.

 

Kaso nakakangalay nga lang kasi ayaw pa talaga umalis nung magjowa doon sa upuan!

 

Pinili ko nalang na gamitin muna yung phone ko habang hinihintay si Ningning para naman hindi lang ako nakatunganga rito.

 

Naisipan kong buksan yung instagram ko since sobrang tagal na simula nung huli ko 'yong buksan.

 

Hindi naman kasi ako mahilig mag-post ng pictures, napilit lang talaga ako ni ningning na gumawa ng account kaya heto, natengga lang.

 

Naka-private nga rin yung account ko tapos yung mga pinapapasok ko lang sa account ko yung mga kakilala ko.

 

Ayoko kasing may hindi ako kakilala na nagfofollow sa akin kahit na wala naman silang makikita sa account ko kasi wala naman akong pinopost na pictures.

 

Literal na zero talaga.

 

Ano ba naman kasi ipopost ko?

 

Hindi naman ako mahilig magpicture.

 

Tinignan ko yung notification ko, puro mga tagged post ni ningning at ryujin lang tapos yung people you may know chuchu.

 

Mayroon ding mga nagfo-follow request, hindi ko maintindihan kung bakit kasi wala naman silang makikita sa account ko??

 

Hindi ko nalang pinansin 'yon at nagscroll na lang. As usual, puro mga post ni ningning yung tumambad sa akin.

 

Siya lang naman at si Ryujin yung fina-follow ko. Yung account pa nga ata dati ni Ryujin yung fina-follow ko eh.

 

Pero napatigil ako sa pag-iiscroll nang may makita akong isang pinost niya na kasama niya si Karina pati si sassy bff at si yeji sa loob ng classroom.

 

2 weeks ago.

 

Based sa picture na 'to siguro ito yung time ng specialized subject nila. 

 

Ang bilis lang din lumipas ng araw, dalawang linggo na agad ang nakalipas simula nung unang day ng pasukan.

 

So far, okay naman kahit sobrang dami agad na binabang gawain sa unang week.

 

Nakakapanibago lang kasi nasanay na ako na online yung setup namin kaya medyo nangapa pa ako nung una.

 

Para ngang hindi ko na alam kung paano ang face to face classes dahil nasanay na ako sa online class.

 

Bumaba yung mata ko doon sa caption.

 

Tabi mga slapsoils, andito na ang magaganda. #NewBffs #BestFriendsForever #PrettyBffs #Bffs4Evah #PrettyMe #PrettyNingning

 

Hindi ko maiwasan na mapatawa ng mahina nung mabasa ko yung caption pati na rin yung mga hashtags na nilagay niya.

 

Necessary ba talaga yung ganoong hashtags?

 

Napailing nalang ako habang tinitignan yung picture nila.

 

Kahit na apat sila doon sa picture, kay Karina pa rin talaga napako yung paningin ko.

 

Ang ganda niya talaga.

 

Hays.

 

Habang tinitignan ko yung picture nila, na-realize ko na naka-tag pala yung account nila sassy bff pati ni crush.

 

Syempre, auto-click agad sa account ni crush.

 

Medyo matagal magload dahil mahina yung signal sa pwesto ko kaya habang naghihintay, hinihiling ko na sana hindi naka-private.

 

Wala naman kasi akong balak i-follow siya.

 

Nakakahiya kaya...

 

Baka isipin niya hinanap ko lahat na ng social media account niya.

 

Pero buti nalang talaga at hindi nakaprivate yung account niya. 

 

Agad na tumambad sa akin yung mga picture niya.

 

Puro mukha niya lang yung nakapost doon. Selfies, candid, stolen, mirror shots, etc,.

 

Napapangiti ako sa kilig habang isa-isa kong tinitignan yung mga pictures niya.

 

May isang picture pa nga siya na sobrang na-cutetan ako kaya ini-screenshot ko para mayroon din akong kopya.

 

Medyo na-guilty pa nga ako eh kasi parang illegal yung ginawa ko.

 

Pero isa lang naman eh...

 

Hindi naman niya malalaman...

 

Nang maka-abot ako sa dulong post niya, binack ko na doon sa pinaka-top para tignan naman yung story highlights niya.

 

Dalawa lang 'yon. Yung una, iba't ibang pagkain yung mga nandoon.

 

Medyo kumalam nga yung sikmura ko habang tinitignan ko yung mga pagkain na nasa highlights niya.

 

Anubayan.. Parang nagccrave tuloy ako sa tonkatsu.

 

Saan kaya mayroon?

 

Try ko nga magsearch mamaya pag-uwi ko tapos alukin ko si mama baka gusto niya rin para siya na rin magbayad hehe.

 

Next kong tinignan yung isa pang story highlights niya.

 

Puro mga pusa naman this time.

 

Cat lover. Hm...

 

Mga pusa niya kaya 'to?

 

Pero bakit parang ang dami naman? Parang iba-ibang pusa kasi yung nandito.

 

Siguro mga nakita niya lang 'to online.

 

Ang cu-cute!

 

Pero dogs pa rin talaga gusto ko.

 

Hindi ako into cats dahil mas prefer ko ang mga aso kasi mas malambing sila tapos natuturuan pa ng tricks kahit nakakastress malala kapag tinuturuan.

 

Yung mga pusa kasi ang susungit! Yung feeling na kapag tinitignan nila ako para na nilang hinuhusgahan buong pagkatao ko, ganon.

 

Ang hilig pa mangalmot.

 

Naalala ko noon, may kinupkop akong pusa. Inalagaan at pinakain ko pero kalmot lang yung isusukli sa akin?

 

The audacity!!

 

Nagkaroon tuloy ng mahabang kalmot yung flawless kong balat, kainis.

 

Akala ko nga mamamatay na ako noon, akala ko kasi natural na may rabies sila. Bobo lang.

 

After siguro ng mga limang pictures ng mga pusa, biglang napakunot yung noo ko sa nakita ko.

 

Huh..

 

Crocodiles?

 

Binack ko pa ulit tapos pinindot ko ulit yung story highlight niya pero ganun pa rin.

 

Tinry kong i-next, pero mga crocodiles pa rin.

 

Tapos mayroon ding sharks.

 

Okay..?

 

Favorite niya ba yung mga 'yon?

 

Weird pero okay.

 

Hindi naman siya weird in a bad way ha, na-caught off guard lang ako kasi hindi ko in-expect na ganun.

 

Siguro built differently lang talaga si crush.

 

Nang tapos ko na tignan yung buong account niya, bigla akong napaisip.

 

Makikita kaya niya yung nag-view sa story highlights niya?

 

Hala...

 

Baka isipin niya stalker ako!

 

Sana naman hindi niya pwede makita...

 

Hindi naman ako naka-follow sa kanya eh tapos naka-private rin naman ako kaya sana hindi niya makita. Anubayan, hindi ko kasi alam kung paano mag-work 'tong instagram. 

 

Napa-angat yung ulo ko nang maramdaman ko na humangin, napatingin pa ako sa mga puno at pinanood 'to na sumayaw dahil sa hangin.

 

Napapikit pa ako habang dinadama yung hangin na dumampi sa balat ko.

 

Ang presko sa pakiramdam.

 

Isa sa ikinaganda rin nung SMU, napapaligiran 'to ng mga puno.

 

Kaya hindi rin ganun kainit dito sa lugar na 'to kasi ina-absorb ng mga puno yung init na galing sa araw tapos ang hangin-hangin pa.

 

Sobrang ganda lang talaga ng atmosphere rito, nakaka-relax. Kaya minsan gustong-gusto ko yung nakatambay lang ako sa labas tuwing nag-aantay sa next class namin.

 

Natigil naman ako sa pagsesenti ko nang bigla kong maramdaman na magvibrate yung phone ko sa bulsa ko.

 

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): bes!

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): andyan ka pa?

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): gusto mo sumama sa amin? niyaya kasi nila ako kumain sa labas, hindi ako makatanggi!

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): catch up daw kami

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): kaloka, ni hindi ko naman matandaan kung ano names nila.

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): pero libre daw nila foods hehe

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): ano? sama ka ba?? 

 

Taglamig Kim: Gaga ka

 

Taglamig Kim: Ba't ka sasama hindi mo naman pala kilala?

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): Libre daw eh hahahaha

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): Eme lang, kilala ko sila hindi ko lang matandaan names

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): Pero kapag di ako nakabalik after 2 hours ireport mo na akong missing ha

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): pipicturan ko mga peslak nila isa-isa tas isend ko sayo

 

Taglamig Kim: Okay

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): wow hindi mo manlang ako pipigilan????

 

Taglamig Kim: Sabi mo libre

 

Taglamig Kim: Sayang naman

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): HAHAHSHHAHAHAHAH true

 

Taglamig Kim: Ingat

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): hoy di ka sasama?

 

Taglimig Kim: sino magrereport sayo na missing kung sasama ako?

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): HAHAHAHAHAHAHHA bwiset ka talaga!

 

 

 

Napapangiti at napapailing nalang ako habang binabasa yung chats namin ni ningning.

 

Magtitipa pa sana ako ng irereply kay ningning nang biglang nabaling yung paningin ko sa harap dahil sa pamilyar na pigurang nakita ko na nakatayo sa labas lang mismo ng school namin.

 

Si Karina.

 

Kahit na natatakpa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 58 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1690 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
528 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na