Fifteenth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

"Huy, galit ka ba?"

 

Napabuntong hininga na lang ako nang hindi pa rin tumigil sa kakatanong sa akin si ningning.

 

Kanina niya pa kasi ako tinatanong kung galit ba raw ako kesyo hindi raw ako namamansin at hindi umiimik buong weekend.

 

Nagkulong din kasi ako sa kwarto kaya kahit nung pinuntahan niya ako sa bahay at sinubukang guluhin nung weekend ay hindi niya nagawa.

 

Kaya heto siya ngayon, pagkapasok na pagkapasok ko palang, ako agad unang nilapitan para kulitin ako sa kakatanong niya kung galit ba raw ako.

 

Talagang umupo pa siya sa katabi kong upuan-- which is upuan ni crush pero wala pa kasi siya kaya umupo 'tong babaitang 'to sa hindi niya naman upuan.

 

Well, upuan niya naman talaga 'yon dati pero hindi na ngayon!

 

Upuan na 'yon ni karina kaya bakit siya umupo doon? pumayag ba ako??

 

"Hoy, ano nga? galit ka ba? ba't hindi ka namamansin?"

 

Galit agad? Hindi ba pwedeng busy lang ako mag-review?

 

Tahimik akong nag-aaral dito tapos itong babaitang 'to hindi matahimik at kanina pa ako ginugulo!

 

Ngayon kasi dapat exam namin pero na-move sa wednesday. Huwag niyo 'ko tanungin kung bakit, hindi ko rin alam.

 

Which is okay lang naman para may time pa ako ngayon at bukas para magreview.

 

Pero paano ako makakapagreview kung may gumugulo sa akin??

 

"Hindi," sagot ko sa tanong niya habang patuloy sa pagbabasa ng reviewer ko.

 

Kanina ko pa paulit-ulit na binabasa 'tong reviewer ko pero hanggang ngayon hindi ako makaalis sa certain part na inaaral ko kasi parang wala talagang pumapasok sa utak ko.

 

Naiinis na ako kasi hindi ko maintindihan tapos itong kasama ko napakaingay kaya mas lalo ko pang hindi naiintindihan.

 

"Hindi, galit ka talaga eh." pagpupumilit niya. Wow? desisyon?

 

Tumigil ako sa ginagawa ko at kunot-noong hinarap siya, "Ang kulit mo, hindi nga sabi!"

 

Ang aga-aga pero sinusubukan na agad ni ningning yung pasensya ko.

 

Lord kunin mo na siya, please.

 

Emz.

 

"Oh, tamo!" Sabi niya tapos tinuro niya pa yung mukha ko, kulang nalang masundot niya yung mukha ko. "Galit ka nga eh!"

 

"Kanina hindi, pero ngayon oo!" singhal ko, "Kanina ka pa paulit-ulit sa tanong mo, sinong hindi maiinis?"

 

Hindi ko rin alam kung nang-iinis ba talaga siya or what.

 

Atsaka bakit ba siya tanong ng tanong kung galit ako? Parang baliw lang.

 

"Eh kasi naman, hindi ka namamansin buong weekend tapos ngayon hindi ka rin namamansin!" sabi nito, "akala ko kasi nagalit ka sa amin nung inasar ka namin."

 

Huh.

 

Medyo napakunot pa yung noo ko sa sinabi niya pero agad din naman nagsink in sa akin yung tinutukoy niya.

 

Iyon yung pinagtulungan nila akong asarin nung time nung pe namin.

 

Actually, hindi naman ako galit. Alam ko naman na they don't mean it. Ang asaran ay asaran lang.

 

Ganun talaga kami magbiruan, may mas malala pa nga doon kaya mas lalo akong napakunot ng noo sa kanya kasi parang baguhan lang siya sa ganung asaran namin, anong ganap yan parang others lang?

 

"Speaking of! Akala mo ba nalilimutan ko pa 'yon, ha?" pero since binanggit niya ulit 'yon at pinagpipilitan niyang galit ako, sige, kunwari galit ako. 

 

Hah! naalala ko na naman tuloy kung paano nila ako pinagtulungan that time.

 

1 vs 7? Unfair.

 

Ganun talaga siguro kapag maganda, pagtutulungan ka ng lahat. Haizt.

 

"Hoy, hindi ako kasali roon ah!" malakas na sabi ni ningning, napakaingay talaga nitong babaitang 'to. "Wala nga akong sinabi na kahit ano eh,"

 

Napataas naman ako ng kilay sa kanya bago siya sumbatan, "Kung makatawa ka nga wagas!" 

 

Kala niya ba nakakalimutan ko kung paano siya tumawa ng pagkalakas-lakas? yung nakakairitang matinis na tawa niya pa nga nangingibabaw eh.

 

Kahit hindi siya nakisali sa pang-aapi sa akin, nakitawa pa rin siya!

 

Grabe, akala ko pa naman bffs kami.

 

Ni hindi manlang ako pinagtanggol.

 

Sakit mo na, ning! katulad ka rin pala nila.

 

Hintayin lang talaga nila, matitikman nila ang ganti ng isang api! 

 

Emz.

 

"Eh nakakatawa naman kasi," sagot niya tapos tumawa.

 

Oh diba, fake friend.

 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Oh, tignan mo! f.o na talaga tayo, maghahanap na ako ng bagong bff!"

 

Nag-"hmp" ako pagkatapos na parang bata at nakahalukipkip habang nakatingin sa ibang direksyon dahilan na ikatawa niya ulit kasabay nang paghampas niya sa braso ko. "Ang panget mo magdrama, bes! 'Di bagay!"

 

Aba!

 

Hindi ba dapat sinusuyo kapag nagtatampo? pero itong si ningning imbis na suyuin lalaitin ka pa eh, kainis lang.

 

"Wala kang pake! simula ngayon, wala na akong bff! friendship over na talaga tayo, kala mo!" pananakot ko sa kanya tapos dinuro ko pa siya.

 

Alam naman namin na joke lang 'yon, gusto ko lang magtampo-tampuhan kasi gusto ko suyuin niya ako.

 

Nasa mood kasi ako magpabebe ngayon, bakit ba?

 

Napa-aray naman ako nang bigla akong hampasin ni ningning sa balikat, "Napaka-ano mo! sayo kaya ako pumusta!"

 

Agad na napatingin ako sa kanya na kunot ang noo nung marinig ko yung sinabi niya tapos napatakip din siya ng bibig niya nang marealize niya yung sinabi niya.

 

Pinaningkitan ko siya ng mata, "Ano na naman bang kalokohan niyo, ning?"

 

Awkward siyang tumawa, "Wala bes, galingan mo nalang humarot, okay? Itayo mo ang bandera ng kabaklaan!"

 

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. 

 

Alam ko na 'to eh, alam kong may kalokohan na naman silang ginawa eh.

 

Atsaka ano raw?

 

Pustahan?

 

Napapitlag si ningning at tumili nung biglang kurutin ko siya sa tagiliran, "Ano 'yon?"

 

Imbis na sagutin niya yung tanong ko, hinampas niya lang ako ulit tapos dinuro pa, "Bwiset ka, kapag ako nagkapasa sinasabi ko sayo isusumpa talaga kita!"

 

Inalis ko yung daliri niyang nakaturo sa akin, "Ano nga kasi 'yon?? Anong pustahan? Bakit hindi ako kasali?"

 

Malakas na napatawa si ningning sa tanong ko tapos hampas na naman sa akin, bwiset parang ako pa yung magkakapasa sa aming dalawa eh!

 

"Aray! Nakakailan ka na ah!" pagalit kong reklamo sa kanya.

 

"Para ka kasing tanga! Anong bakit hindi ka kasali eh ikaw nga yung pinagpupustahan! Ang bobo mo talaga bes sarap mong tirisin, kanino ka ba nagmana ha?"

 

In-ignore ko yung sinabi niya at tinanong ulit kung ano yung sinasabi niyang pustahan, kung papatulan ko pa kasi yung hirit niya malamang mapupunta lang kung saan-saan yung pagtatalo namin.

 

"Secret!"

 

"Ano nga??"

 

"Wala nga!!!"

 

"Sasabihin mo o ipagkakalat ko lahat ng baho mo?!"

 

Rumolyo yung mga mata niya bago sumagot, "Ang unfair mo!!! Oo na, wait lang!"

 

Umayos siya ng upo, "ganito kasi 'yan, nung sabado kasi nung gabi naging topic ka namin."

 

Ano raw? Topic nila? Bina-backstab ba nila ako??

 

Magrereact na sana ako nang bigla niya akong unahan, "Sa gc! Sa gc kami nag-uusap non, okay? Oh diba, hindi mo alam. Hindi ka kasi nagsi-seen!"

 

Ah okay.

 

Sorry naman.

 

"Tapos naisipan namin na pagpustahan na ano..." sabi niya tapos parang sinadya pa talaga na itigil yung sasabihin niya para mabitin ako, kainis talaga.

 

"Na ano??" impatient ko na tanong. Parang sinasadya talaga na putulin yung sasabihin niya para mabitin ako.

 

"Kung ika-crushback ka ba ni mareng kars bago matapos yung taon," sagot niya tapos nag-"hehe" pa talaga sa huli at ngumiti ng alanganin.

 

Napatitig ako sa kanya habang pina-process yung sinabi niya.

 

Unconsciously din akong napabilang sa isip ko kung ilang months nalang ba bago matapos yung taon.

 

Mahigit tatlong buwan...

 

Hindi pa ako masyadong nakakarecover nang magsalita ulit siya, "Kaya dapat galingan mong humarot! Naku, sinasabi ko sa'yo kukurutin talaga kita sa singit kapag natalo ako, 500 din 'yon!"

 

Pustahan?

 

500?

 

Kung ika-crushback ako ni crush?

 

Sa loob ng mahigit tatlong buwan?

 

Hindi ko alam pero parang kusa na gumalaw yung katawan ko at hinablot yung dulo ng buhok ni ningning, medyo napalakas pa nga ata kasi pati yung ulo niya napasama sa paghila. "Beuha ka! Pinagkakitaa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 35 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1664 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
501 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na