Second Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ako makatulog.

 

Alas tres na pero gising na gising pa rin ako.

 

Kanina pa ako rito papalit-palit ng pwesto sa kama, hinahanap yung tamang pwesto para makatulog. 

 

Pero hindi talaga ako inaantok.

 

Tatlong araw na nung makita ko yung magandang babae doon sa bagong tindahan na katabi ng sari-sari store ni aling beth at simula nun hindi na siya nawala sa isip ko.

 

 Grabe naman kasing mukha 'yon.

 

 Napakaganda!

 

 As in sobrang ganda niya.

 

Siya na nga ata yung pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko, walang halong exaggeration.

 

Sorry ma, pangalawa ka na muna ngayon.

 

Maganda ka pa rin naman ma.

 

Sayo kaya ako nagmana ng kagandahan. 

 

Kaya nga ang ganda-ganda ko eh!

 

Pero sadyang mas maganda lang talaga yung bago kong crush.

 

Lamang siya ng 1 percent, ganorn.

 

Never kang magiging panget ma kasi kung panget ka panget din ako.

 

Walang panget sa pamilyang 'to!

 

Hindi ko lang sure sa ate ko.

 

Sino ba 'yon.

 

Chos!

 

Sinubukan ko muling pumikit at nag-iba ng pwesto, nagbabakasali na tamaan na ako ng antok. 

 

Sinubukan ko rin na huwag na mag-isip ng kung ano-ano para mabilis akong makatulog.

 

Pero ayaw talaga.

 

Tuwing pipikit ako, mukha niya lang talaga nakikita ko.

 

Bakit ba kasi ang ganda niya?

 

Kakaiba lang talaga yung ganda nung bago kong crush. 

 

Yung ganda niya, ibang level.

 

Halatang hindi mapapasa'kin.

 

 Ouch.

 

 Pain.

 

Pighati.

 

Grabe lang, ang lakas ng effect niya sa akin. 

 

Ganto ba epekto ng matagal nang walang crush? 

 

Dati kasi halos every week mayroon akong bagong crush. 

 

Okay, ang oa ng every week. Siguro every month lang. 

 

New month. New crush. Pak ganern. 

 

 Natigil lang siya nung naging online class yung setup.

 

 Paano ba naman kasi makakahanap ng bagong crush sa ganung setup kung buong school year nakatutok lang ako sa screen tapos yung mga kaklase ko lang din naman last year yung mga kaklase ko ngayon.

 

 Wala akong chance makakita ng bagong mukha.

 

 Yung iba naka-off cam pa palagi.

 

Nung face to face pa kasi dati, marami akong choices kasi nakikita at nakakasalamuha ako ng iba't ibang mukha sa school.

 

Kaya ayun, ang tagal kong walang crush.

 

Nakakapanghina.

 

Dati pa nga ako inaasar nila Ningning eh, certified crush deprived daw ako!

 

Bwiset talaga 'yon. 

 

Pero true...

 

Pero hindi na ngayon! 

 

Hah! May bago na ulit akong crush.

 

 Ang ganda-ganda pa!

 

 Kaya siguro ang tagal-tagal kong hindi nagkacrush kasi may hinahanda pala sa akin na pang malakasan.

 

 Diba, ang ganda ko lang.

 

Maganda siya tapos maganda rin naman ako. Pareho kaming maganda. 

 

Totoo nga ata na ang magaganda ay para sa magaganda lang. 

 

Baka meant to be talaga kami. 

 

 Kinikilig ako!

 

 Ang ganda ganda niya talaga.

 

Hindi ako maka-move on!

 

Lagi ko nang naiisip yung mukha niya kahit sandali ko lang naman siya nakita.

 

Kanina nga habang kumakain kami ng hapunan, para lang akong baliw na napapangiti bigla kapag pumapasok sa isip ko yung imahe ni ateng maganda.

 

Nahuli pa nga ako ni ate Taeyeon na nakangiting ngumunguya kanina kaya ayun, todo tanong sa akin.

 

 Para lang siyang imbestigador kung makatanong sa akin kanina.

 

At talagang tinanong niya pa talaga ako sa harap ni mama habang nakain kami na bakit daw ako biglang ngumingiti, kung may jowa na raw ba ako.

 

Parang tanga lang!

 

Pwede niya naman ako tanungin mamaya kapag wala na si mama pero pinili niya talagang itanong 'yon habang andoon si mama kaya napatingin din sa akin si mama na parang nag-aabang ng sagot ko.

 

 Syempre, sabi ko wala.

 

 Kasi wala naman talaga!

 

 Maybe soon.

 

 Chos!

 

Pero ayun, hindi siya naniwala nung sinabi kong wala. 

 

Nagtanong pa siya kung hindi rin naman siya maniniwala, parang tanga lang.

 

Pero grabe yung kaba ko nun kasi andoon din si mama pero buti nalang wala namang sinabi si mama at tahimik lang na nakinig sa pagtatanong sa akin ni Ate.

 

Tapos tinukso-tukso niya pa ako na nagdadalaga na raw ako, kailan ko ba raw dadalhin sa bahay yung jowa ko eh wala pa naman ako non!

 

 Kaasar talaga.

 

Atsaka ayoko munang ikwento sa kanya yung about sa bago kong crush.

 

Baka ma-jinx!

 

Atsaka hindi pa naman ako sure.

 

Kung maka-ano kasi si ate kala mo jojowain ko na agad.

 

Ni hindi ko pa nga nakakausap eh.

 

Pati nga pangalan hindi ko pa alam.

 

Masyadong atat lang kasi 'tong si ate, gusto ipakilala agad eh wala pa nga! Hmp!

 

Kung hindi pa siya sinaway ni mama, hindi pa siya titigil kakakulit sa akin.

 

Paano ba naman kasi, napaka-ingay sa harap ng hapagkainan. Halos tumalsik na yung nginunguya niyang pagkain kasi nagsasalita ba naman na puno yung bibig kaya ayun, napagalitan ni mama. 

 

 Dasurv!!

 

Parang mas excited pa nga siya sa akin na magkajowa ako. 

 

Share ko lang ha, pero no jowa since birth kasi ako. 

 

Hindi ko naman kinakahiya 'yon. Proud pa nga ako eh.

 

Kahit na marami akong nagiging crush, mapili naman ako pagdating sa mga ganyan no.

 

Hindi ako napatol sa kung kani-kanino lang, gusto ko sure na ako kung papasok ako sa isang relasyon.

 

Hindi ako into short-term relationships, gusto ko yung pang-matagalan.

 

Hindi rin naman ako nagmamadali. Parang mas nagmamadali pa mga yung ate ko kesa sa akin eh.

 

Pero ayun, pagkatapos namin kumain ay hindi pa rin ako tinantanan ni ate.

 

Kahit nga nung naghuhugas ako, kinukulit niya pa rin ako na sabihin ko raw sa kanya kung sino.

 

 Ang kulit! Sabing wala nga.

 

 Isa pa 'yon si ate, pareho sila ni Ningning.

 

 Pareho silang nakakaasar.

 

Hindi natatahimik yung mundo ko kapag andyan silang dalawa

 

Silang dalawa palagi yung magkasundo lalo na kapag inaasar ako. 

 

Pikon din kasi ako.

 

Sino ba kasing hindi mapipikon kung ikaw lagi nakikita nung dalawa.

 

 Kainis lang.

 

 

 

 

 

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pero nagising ako sa alarm ko kaninang umaga na masakit ang ulo.

 

Sa tingin ko mga alas kuwatro na ako nakatulog kagabi tapos magigising ako ng alas siete.

 

Kailangan ko pa kasing gumising ng maaga kasi may online class pa ako ng alas otso ng umaga.

 

Tapos mayroon pang pa-quiz si sir batumbakal kaya hindi ako pwedeng hindi umattend, kaloka parang kakapa-quiz niya lang last week tapos quiz na naman eh hindi naman nagtuturo 'yon.

 

Para ngang may pa-quiz 'yon weekly eh.

 

Kung wala lang talagang quiz hindi ako babangon.

 

Aabsent na lang ako!

 

 Chos!

 

Kahit mukhang tatamad-tamad ako, lagi kaya akong umaattend sa mga klase ko.

 

Perfect attendance 'to no!

 

Kahit masama yung loob ko, pinilit ko pa ring bumangon at umattend sa klase.

 

Pero ayun, wala namang interesting na nangyari sa umaga ko. Nakinig lang ako sa boring na discussion tapos nag-quiz.

 

Pagtapos din ng klase namin ngayong araw, kailangan ko rin pumunta ng school para i-present yung chapter 2 namin sa research. Dapat nga last week pa kami nakapag-present eh, hindi lang talaga namin mahagilap si sir. 

 

Hindi kasi nagre-reply kapag nagcchat kami!

 

Kinailangan ko pa talaga pumunta sa school nung isang araw para makapagpa-schedule kami ng presentation namin.

 

Eleven pa lang naman kaya kumain muna ako ng tanghalian, nagpaalam na rin ako kay mama habang kumakain kami na pupunta akong school para sa research namin.

 

Pumayag naman si mama, alam niya naman kasi na tamad na tamad akong umalis ng bahay at wala na akong ibang pupuntahan kundi sa school lang kaya nga hindi ako nahihirapan na magpaalam kay mama na aalis ako kapag pumayag ako sa yaya ng mga kaibigan ko lumabas.

 

Minsan nga kino-kontsaba ko pa si mama na sabihin na hindi niya ako pinayagan kapag tinatamad akong lumabas hehe.

 

 

RESEARCH - TEAM WINTEURRR UWU

 

Ryujin Dakilang Pabigat : Goiz, inaral niyo part niyo?
 

Lia sungit mo: Of course???
 

Lia sungit mo: Don't tell me hindi mo pa inaaral part mo??
 

Yujin Dakilang Pabigat 2: HAHAHHAA goodluck nalang
 

Chaewon small battery ball: May 3 hours pa naman bago mag alas dos, kaya mo yan😇
 

Ryujin Dakilang Pabigat: Hoy inaral ko kaya!!
 

Ryujin Dakilang Pabigat: Nagtatanong lang eh😔💔👊


Chaeryeong the tagaluto ng pancit canton: kunwari ka pa rj, hindi mo naman talaga naaral.
 

Lucas paprint: guys code red code red!!!!
 

Lia sungit mo: What happened?
 

Lucas paprint: Naubusan ng ink yung printer namin...
 

Ryujin Dakilang Pabigat: Edi bili ka nalang mamaya ng bagong ink
 

Lucas paprint: ehhh
 

Lucas paprint: ngayon ko palang sana ipi-print yung chapter 2 natin😅
 

Lucas paprint: hehehehe
 

Lia sungit mo: so hindi mo napiprint???


Lucas paprint: oo hehe
 

Ryujin Dakilang Pabigat: @WinteurrrOurSavior
 

Yujin Dakilang Pabig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 59 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1691 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
529 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na