Ninth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Wala namang espesyal na nangyari sa first day of classes namin, typical na introduce yourself lang tapos binigay lang sa amin yung schedule namin.

 

Ang hindi ko lang in-expect na mangyari sa araw na 'to ay ang mapa-amin ako kay Ningning nang wala sa oras tungkol sa pagkaka-crush ko kay Jimin.

 

Bunga na rin siguro ng ka-shungahan ko.

 

Eh kasi naman, simula nung malaman ko na magkaklase pala si ningning at si crush last year kating-kati ako na tanungin siya about doon, na kesyo bakit hindi niya nabanggit sa akin and such.

 

At dahil sa kakatanong ko sa kanya parang gumawa na rin ako ng dahilan para pagdudahan ako ni Ningning.

 

 

"Eh ano naman kung hindi ko nabanggit sayo? Usually wala ka namang interes sa mga bagay na hindi mo concern ah," sabi nito sa akin kaya napatikom ako ng bibig. 

 

Pansin ko na rin sa mukha niya yung pagdududa lalo na nung biglang naningkit yung mata niya habang nakatingin sa akin, "Alam mo dati pa kita napapansin eh, baka may gusto kang i-share sa akin, Winter?"

 

Tapos ngumiti siya after, pero yung ngiting 'yon hindi siya yung normal na ngiti. Para siyang ano, may pagbabanta na ewan.

 

Mukhang mapapa-amin ako ng wala sa oras ah.

 

Napaiwas ako ng tingin, "Eh kasi naman.."

 

Tumingin ako ulit sa kanya pero nakataas lang yung kilay nito sa akin kaya napakamot ako ng ulo ko.

 

Wow, sana pala hindi ko na siya kinulit sa kakatanong. 

 

Wala na tuloy akong choice kundi umamin. 

 

"Crush ko si Jimin..." nahihiyang sabi ko, syempre hininaan ko lang yung boses ko kasi baka may makarinig. 

 

"Jimin?" ulit niya, parang nagloading pa yung utak niya bago niya na-realize, "Si Karina?"

 

Agad ko naman siyang hinampas, "Ang ingay mo!" singhal ko rito, medyo malakas kasi yung pagkakasabi niya kaya napatingin pa ako sa paligid para i-check kung may nakarinig pero mukhang wala naman.

 

Oo nga pala, Karina pala yung tawag ng karamihan kay crush dito sa school kaya siguro nagloading pa siya nung sinabi kong Jimin.

 

Nung nag-sink in na sa kanya, dramatic siyang napasinghap habang nakatakip pa yung isang kamay niya sa bibig niya. 

 

"Sabi ko na nga ba!" nagulat naman ako nung bigla niya nalang akong hampasin, "Ang harot mo, nagsikreto ka pa talaga!"

 

At dahil sa lakas ng boses niya, nakuha niya na yung atensyon ng iba naming kaklase kaya nahihiya akong nagsorry sa kanila bago ko binaling ulit yung atensyon ko kay Ningning na mukhang walang pake kahit na makaagaw siya ng atensyon.

 

"Teh, mag-explain ka! sabihin mo sa akin lahat." demand nito sa akin habang naka-cross arms

 

"Oo na, hinaan mo nga yung boses mo nakakahiya ka!" pagalit na sabi ko rito "Mamaya ko sasabihin sayo pag-uwi, 'wag dito."

 

"Kainis ka, parang wala ka pang balak sabihin sa akin kung hindi pa kita na-corner ngayon ah" sabi pa nito sa akin kaya napa-"hehe" nalang ako kaya sinamaan ako nito ng tingin tapos nakatanggap na naman ako ng hampas sa kanya.

 

 

Kaya nung nagdismissal na, agad niya akong inaya na umuwi para makwento ko sa kanya lahat. 

 

Tapos sabi niya magpapaalam agad siya sa mama niya na mag sleepover daw siya sa bahay namin ngayong araw.

 

So ayun, wala akong choice kundi ikwento lahat sa kanya. Pinagbantaan pa nga niya ako na kapag hindi ko raw sasabihin sa kanya, f.o na raw kami tapos ipagkakalat niya raw na crush ko si Jimin! kainis lang.

 

Alam ko namang hindi niya magagawang makipag f.o sa akin pero alam ko rin na kayang-kaya niyang ipagsabi sa ibang tao yung about sa pagkakacrush ko kay Jimin.

 

Sabi niya pa nga sa akin, napapansin niya na raw dati pa yung mga kinikilos ko.

 

Ang suspicious ko raw kasi nung time na lagi akong lumalabas ng bahay, eh alam niya na hindi naman ako pala-labas kaya naisipan niya raw one day na sundan ako.

 

Nakita niya akong namumula after kong bumili roon sa store nila crush at sa tingin ko iyon yung time na pina-xerox ko yung psa ko kasi sabi niya para raw akong tangang namumulang nagpipigil ng ngiti tapos may hawak din daw akong papel noon.

 

Kainis, hindi ako aware na nakabantay pala siya sa akin nung araw na 'yon.

 

"So anong balak mo?" tanong niya habang nakadapa siya sa kama ko, nakataas pa yung dalawa niyang paa sa ere.

 

Tinotoo niya talaga yung pagsleep over dito sa bahay, nagbihis lang siya sandali sa bahay nila tapos dumiretso na siya rito pagtapos. Nagdala pa nga siya ng pantulog niya pati yung uniform niya para bukas dinala niya na rin, dito na raw siya makikiligo at mag-aayos.

 

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko sa study table ko at napaisip sa tanong niya.

 

Ano nga bang balak ko?

 

"Wala." sagot ko at nagkibit balikat, tinuon ko nalang uli yung atensyon ko sa pag-aayos ng gamit ko. "Happy crush lang naman."

 

Pinagtatanggal ko na rin yung mga lumang post-it notes na nakadikit doon sa cork board ko.

 

Narinig ko yung pagkaluskos sa kama, "Anong happy crush ka jan? Base sa mga narinig kong kwento mo ang hirap paniwalaan na happy crush lang 'yon."

 

Lumingon ulit ako sa kanya at nakita kong naka-indian sit na siya sa ibabaw ng kama ko habang nakahalukipkip. Nakakunot din yung noo niya.

 

"Oo kaya, na-excite lang siguro ako masyado kasi matagal na 'kong walang crush kaya ganon." pag-eexplain ko pa.

 

Nakwento ko rin kasi sa kanya kung paano ako magreact kapag andyan si crush, tinawanan niya pa nga ako kasi hindi niya raw ma-imagine na nagiging ganun ako sa harap ni Jimin.

 

Parang nagsisisi tuloy ako na sinama ko pa yung part na 'yon sa kwento ko.

 

Atsaka na-excite lang naman siguro ako dahil ngayon na lang ako ulit nagka-crush kaya ganun.

 

Diba?

 

"Sinasabi mo ba 'yan sa akin or kino-convince mo yung sarili mo?" taas kilay niyang tanong sa akin.

 

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Napa-awang pa yung bibig ko at itatry ko pa sana mag-explain kaso hindi ko nalang din tinuloy at sinarado ko nalang yung bibig ko.

 

Napansin niya siguro yung reaksyon ko kaya nakita kong medyo nag-soften yung expression niya, "Alam mo, bes. Wala namang masama kung aaminin mong more than crush mo si Karina, ang dami-dami ngang nagkakagusto doon eh! hindi ka na bago para sa kanya."

 

"Fine. Pero hindi ako magmamake move sa kanya." sabi ko at humalukipkip sa kinauupuan ko. 

 

"Bakit naman hindi?"

 

"Baliw ka ba? Diba sabi mo may boyfriend na 'yon?" sabi ko sa kanya at ngumuso pagkatapos na parang bata, "Sabi mo pa nga nakita mo silang mag-kiss eh,"

 

Napatigil naman siya at tinitigan akong ilang segundo bago 'to tumawa, "Joke lang 'yon, bes!"

 

Ha?

 

Joke lang?

 

So wala siyang boyfriend?

 

Kinuha ko naman yung ballpen sa lamesa ko at binato 'yon sa kanya pero agad din naman siyang nakaiwas, "Bwiset ka, sabi ko na fake news ka eh!"

 

"I mean, yung nagkiss sila. Keme ko lang 'yon, wala akong nakita." natatawa nitong sabi, "Ikaw kasi eh! tinatry kitang paaminin nung araw na 'yon pero ayaw mo pa rin sabihin sa akin, napakaarte mo."

 

Sinimangutan ko siya. Kainis, buti nalang hindi ako gaano naniwala. Half-half lang.

 

"Keme rin ba yung on and off relationship niya na sinabi mo?" tanong ko.

 

Unti-unti na 'ko nagkakaroon ng pag-asa pero syempre kailangan niyang sirain yung pag-asa na yun sa pagsagot ng "Hindi."

 

So may boyfriend nga.

 

"Pero!" malakas at madiin nitong sabi, "Pero ang pagkakaalam ko, single siya as of now."

 

Parang ganun din, single siya sa ngayon tapos baka sa next next day sila na ulit nung boyfriend niya. Edi wow.

 

Na-curious tuloy ako bakit sila on and off.

 

"So kung ako sayo, winter kunin mo na 'tong chance." sabi pa ni Ningning, "Hindi kita pinalaking mahina, lumaban ka!"

 

"Ewan ko sayo,"

 

"Pero kailangan nating ayusin kung paano ka umakto sa harap niya, nakakahiya ka." sabi naman niya at umalis mula sa kama ko para kunin yung laptop na nakapatong sa table ko tapos hinila niya rin ako papuntang kama.

 

Tapos ako naman, nagpahila lang sa kanya at hinayaan siya sa balak niyang gawin.

 

"Anong gagawin mo?" kunot-noo kong tanong sa kanya nung maka-upo na ako sa kama.

 

Dumapa siya sa kama ko tapos binuksan yung laptop, "Basta, dumapa ka nalang din dito sa tabi ko. Napakadami mong tanong." irita nitong sabi kaya sinunod ko nalang siya at ginaya yung pwesto niya.

 

Bale pareho na kaming nakadapa ngayon tapos nasa harap namin yung laptop. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya pero halos manlaki yung mata ko nang mabasa ko yung sinearch niya.

 

'How to calm down around crush?'

 

"Hoy ano ba 'yan, bakit ka nagsesearch ng ganyan? para tanga naman 'to," sabi ko sa kanya pero sinamaan lang ako ng tingin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what.

 

"Pwede ba, Winter. Manahimik ka nalang dyan, para sayo rin 'to." bakas pa rin sa boses niya  yung pagka-irita sa akin dahil napakadami kong sinasabi.

 

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan nalang siya kahit na labag sa loob ko.

 

Grabe lang, hindi ko alam na aabot ako sa point na hihingi ako ng tulong sa google.

 

Pero okay na rin siguro 'to para naman hindi ako magmukhang tanga palagi sa harap niya.

 

Ewan ko ba, laging tanggal angas ko pagdating sa kanya.

 

Buong time nga na nasa loob kami ng room kanina, palagi lang akong napapatingin sa direksyon niya at pinapanood siya sa mga ginagawa niya.

 

Tapos kapag nakikita ko siyang ngumingiti o nakikipagtawanan sa katabi niya, napapangiti rin ako kahit hindi naman ako kasama sa usapan nila.

 

Pero todo iwas naman ako ng tingin kapag mapapalingon siya sa akin tapos magkukunwari pa ako na may ginagawa, parang tanga lang.

 

Tapos todo iwas din ako na lumapit sa kanya kasi nga hindi ko pa rin alam kung paano ako aakto kapag andyan siya.

 

Feel ko nga naweweirduhan na nga siya sa akin eh huhu minus points na naman siguro ako sa kanya.

 

Kaya ito ako ngayon, tinanggap nalang yung fate ko at hinayaan si Ningning na magsearch sa google para sa akin.

 

Siya na siguro yung pinakasupportive bff sa buong mundo.

 

Talagang naisipan niya pang magsearch ng ganito para sa akin.

 

Nakakahiya pero sige, go lang.

 

"Ito, may nakita ako!" excited na sabi ni Ningning kaya napatingin ako sa nakita niya.

 

 'How to Act Normal Around Your Crush'. 

 

Napasubsob ako ng mukha sa unan ko, gagawin ba talaga namin 'to?

 

"Teh umayos ka, para sayo rin 'to" rinig kong sabi ni Ningning sa tabi ko at pina-angat pa yung ulo ko mula sa pagkakasubsob para makita at mabasa ko yung nasa screen.

 

May 13 steps na binigay.

 

Napakamot ako sa sentido ko gamit ang hintuturo ko. Ang dami naman.

 

Hinayaan ko lang si Ningning na basahin para sa akin yung nakasulat doon kahit nababasa ko naman. 

 

1. It will be awkward but deal with it.

 

"It will be awkward but deal with it," rinig kong basa ni Ningning doon sa nakalagay sa first step.

 

Hmm, totoo naman. Sobrang awkward naman talaga kapag kasama ko siya pero not in the bad way naman, talagang hindi lang talaga ako mapakali tapos palaging may uneasy feeling kapag andyan siya.

 

Nakasulat din doon na'you should work accepting and navigating the feeling of awkwardness' pero paano? tuwing malapit siya parang gusto ko nalang maglaho dahil sa sobrang awkwardness at kaba na nararamdaman ko.

 

"Alam mo bes kaya nagiging awkward ka kasi siguro nag-iisip ka ng kung ano-ano diyan sa utak mo. Alisin mo muna yung mga what ifs mo dyan tapos makipag-usap ka sa kanya like kung paano ka makipag-usap sa ibang tao," sabi niya sa akin na parang nababasa niya yung tanong sa utak ko.  

 

"The thing is, hindi naman ako masyadong nakikipag-usap sa ibang tao." frustrated na sabi ko kasi totoo naman, hindi naman ako normally na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 54 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1684 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
522 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na