Eighth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

"Ning, malalate na tayo!"

 

Inip akong nakatayo sa gilid ni ningning at nakacross arms habang busy pa rin siya maglagay ng kolorete sa mukha niya.

 

Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila at kanina ko pa siya hinihintay na matapos pero anong oras na, hindi pa rin siya tapos.

 

"Malapit na 'to" sabi niya pero naparolyo lang ako ng mata.

 

Ilang beses niya na 'yon sinabi kanina pa pero hanggang ngayon hindi pa rin matapos-tapos yung 'malapit na' niya. Feeling ko nga matagal pa bago siya matapos sa ginagawa niya.

 

Inip akong tumingin sa orasan habang yung paa ko paulit-ulit na tinatap yung sahig.

 

Sinabihan ko na siya kagabi na agahan niyang kumilos dahil alam ko namang napakabagal niya pero nung pagdating ko rito sa bahay nila naliligo pa lang siya.

 

Para ngang nung tinext ko siya na papunta na ako sa bahay nila, doon pa lang siya kumilos. Kainis lang. Kahit kailan talaga 'tong si Ning, napakabagal.

 

Atsaka sa pagkakaalala ko, siya pa 'tong sobrang excited nung nalaman namin yung section namin-- specialized section.

 

Tapos sinabihan akong maaga raw dapat kami pumasok sa first day dahil para magkaroon pa raw siya ng time makipagdaldalan sa mga bagong kaklase namin dahil panigurado may mga bagong mukha kaming makikita dahil iba-iba kami ng strand sa iisang section.

 

 

"Oh my god!!!" bigla akong napatingin sa direksyon ni Ningning nang marinig ko yung pagsigaw niya sa matinis na tono, "Bes, specialized section tayong dalawa!"

 

May patalon-talon pa siya bago siya lumapit sa akin at pinanggigilan yung braso ko, syempre napadaing naman ako sa sakit at lumayo sa kanya dahil sa sakit ng panggigigil nito sa akin.

 

Magkasama kasi kami ngayon sa kwarto ko dahil gusto ni Ning na magkasama kami malaman yung section namin na pinost online doon sa website ng school namin.

 

Tahimik lang naman akong naghihintay, si Ning lang yung hindi mapakali at kanina pa ako kinukulit, ba't ba raw ang tagal i-post. Eh anong malay ko doon? pareho lang din naman kaming naghihintay.

 

Nagdadasal pa nga siya kanina na sana raw magkasection kami tapos kung ano-ano pang sinasabi niya na hindi ko na masyadong maalala kasi napakarami niyang sinabi para maalala ko.

 

"Ba't ba tuwang tuwa ka? akala mo naman hindi mo ako lagi nakikita," sabi ko sa kanya na malaki pa rin yung ngiti niya sa labi, akala mo nanalo ng lotto or what.

 

Ewan ko ba rito sa babaitang 'to, ang babaw ng kaligayahan.

 

"Syempre! Kaklase kita means may makokopyahan ako!" proud pa nitong sagot habang malawak yung ngiti, pagtapos ay bigla niyang pinulupot yung braso niya sa braso ko "Alam mo na ha, seatmate tayo!"

 

Ano pa nga bang magagawa ko.

 

Wala naman akong problema na kay Ningning, matalino rin naman 'to hindi lang halata.

 

Dati nga nung magkaklase pa kami nung grade 10, kapag komokopya yan sa akin, pinupuna niya pa kapag may mali akong sagot na nilalagay.

 

Yung maingay niya lang talagang bunganga tuwing yung bukod tanging problema ko.

 

Makapagdala nga ng duct tape sa pasukan.

 

 

First day of classes namin ngayon at hindi ako yung tipo na nalalate, palagi akong maaga. 

 

Atsaka nakakahiya kayang malate lalo na't unang araw pa ngayon ng klase, ayokong magkaroon ng grand entrance no!

 

Pero 'tong babaitang 'to yung nagpapabagal sa akin. 

 

Hindi ko rin naman magawang iwan kasi alam kong magtatampo pa 'to sa akin tapos ang result, susuyuin ko pa.

 

Eh hindi ko naman siya jowa!

 

Naalala ko tuloy yung last na ginawa ko 'yun, halos ilang weeks niya akong hindi pinansin kaya kinailangan ko siyang suyuin kasi wala talaga siyang balak pansinin ako kung hindi ko susuyuin.

 

At syempre, ito namang si Ningning pinahirapan pa ako ng malala.

 

Aba, eh gusto pa ilibre ko siya for 1 week para bati na kami. 

 

Wala rin naman akong magawa kundi sundin yung gusto niya kahit na gusto ko na siya sabunutan nung time na 'yon.

 

Feel ko nga nagkaroon ako ng trial kung paano manuyo ng jowa eh.

 

Napaisip pa nga ako noon, kung ganoon lang din ang mangyayari kung magkakajowa ako, baka 'wag nalang pala ako magjowa. Nakakastress.

 

"Teh, ikalma mo may isang oras pa tayo."

 

Inis naman akong naglakad papuntang kama niya at humilata doon, napapagod na 'kong maghintay na nakatayo. Bahala siya jan, kapag ako nakatulog dito siya naman papahirapan ko gumising sa akin.

 

Totoo namang may isang oras pa pero syempre babyahe pa kami papuntang school, mamaya traffic pa edi baka malate pa kami!

 

Natrauma na ako doon, ayoko na malate. 

 

Nung grade 10 kasi ako may isang beses na napagsarahan ako ng gate, kaloka. 5 minutes late pa lang naman ako non, hmp.

 

Pinagjumping jacks pa kami non bago kami papasukin kaya pagdating ko ng room para akong nakipagdigmaan, kainis lang. Pero okay na rin 'yon kesa mapauwi.

 

"Hoy, huwag ka dyan!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin, "Kadiri ka mamaya may germs ka malagyan pa yung kama ko!"

 

Mabilis akong napa-angat ng ulo at offended na tumingin sa kanya, "Ang kapal ng mukha mo, kakaligo ko lang!"

 

Grabe pa nga yung pag-scrub na ginawa ko sa katawan ko nung nasa cr ako tapos sasabihan lang ako ni Ningning na may germs?

 

The audacity!!!

 

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako mahiga sa kama niya.

 

Ang lambot ng kama niya, parang gusto ko nalang tuloy matulog ulit.

 

Nakapikit na ako nang biglang may humila sa braso, napasama pa yung katawan ko sa paghila niya kaya napaupo ako sa kama, "Hoy, tara na!"

 

Bwiset, ang sakit sa braso ng pagkakahila ah parang may galit.

 

Kinuha ko naman kaagad yung bag ko at sinabit 'yon sa balikat ko, humarap muna ako sa salamin para ayusin yung sarili ko.

 

Yung uniform namin ay short sleeve white dress shirt underneath ng kulay gray na vest na mayroong maliit na kulay pink logo ng SMU sa left chest, kulay gray din na knee length pencil skirt then black shoes.

 

Kulay gray at pink yung ID lace namin tapos hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko dahil medyo basa pa 'to.

 

Oh diba, ang ganda ko lang.

 

"Hoy tara na! kahit anong ayos mo jan, ang pangit mo pa rin," sinamaan ko naman ng tingin si Ningning dahilan na ikatawa nito bago ito lumapit sa akin at pinulupot yung braso niya sa braso ko "Joke lang. Ang ganda mo, bes."

 

Hindi ko nalang siya pinansin at tumuloy na kami dahil baka malate na talaga kami at kapag nangyari 'yon, si Ningning sisisihin ko.

 

Napadaan din kami sa store ni Tita Veronica, pasimple ko pang sinilip kung andoon si crush pero mukhang wala siya doon. Alas-otso pa lang naman kasi ng umaga, baka tulog pa o baka naman pasukan na rin nila.

 

Anong grade na kaya ni crush?

 

Parang may nabanggit si tita veronica nung nandoon sila sa bahay pero ewan ko ba, hindi naman ako nakikinig kasi busy ako kiligin.

 

Pero alam ko nasabi niya na halos magka-edad lang naman daw kami kaya panigurado same grade lang kami nun.

 

Saan kaya siya nag-aaral?

 

Face-to-face na rin kaya sila? o online classes pa rin? or baka both?

 

Napansin ko rin na napatingin si Ningning sa tinitignan ko kaya agad akong tumingin ng diretso sa dinadaanan namin.

 

Kitang-kita ko sa peripheral vision ko yung paglingon sa akin ni Ningning pagkatapos niyang sundan yung paningin ko at kahit na hindi ako nakatingin sa kanya alam kong naniningkit yung mata nito na parang may pagdududa na ewan pero wala naman siyang sinasabi.

 

Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad and as usual, si Ningning yung dumadaldal tapos ako naman nakikinig lang tapos nagsasalita rin minsan.

 

Mabilis lang din yung byahe papuntang SMU, buti nga at wala masyadong traffic kaya hindi kami natagalan.

 

Kaasar lang talaga yung isang nakasabay naming lalaki sa loob ng jeep na grabe magpacute sa amin ni Ningning, kala mo naman talaga mukha siyang cute sa pinaggagawa niya.

 

Hindi ko na nga lang pinansin at nagcellphone nalang kasi naaalibadbaran lang ako sa pagpapacute niya.

 

"Good morning, kuya gilbert!" masiglang bati ni Ningning doon sa guard na nagbabantay sa gate ng school na masiglang bumati rin pabalik kay Ningning at inisprayan yung mga kamay namin after namin magscan ng temperature doon sa gilid ng gate.

 

"Oh pers day na pers day ng eskwelahan nakabusangot ka na naman!" sabi sa akin ni manong guard habang nakalahad yung palad ko para i-sprayan niya ng alcohol, napatawa na nalang ako ng kaunti kasi nakaka-goodvibes lang talaga 'tong si kuya dahil palagi siyang nakangiti sa mga estudyante, hindi siya yung tulad nung ibang guard na sobrang sungit

 

"May asungot kasi kuya doon sa jeep!" sagot ko bago kami nagpatuloy na maglakad papasok.

 

Pinulupot ulit sa ni ningning yung braso niya sa braso ko nung naglalakad kami, "Ning, kung makapulupot ka sa braso ko akala mo naman maliligaw ka. Kaya tayo pinagkakamalan na magjowa eh."

 

Alam ko namang mahilig lang talaga si Ningning sa skinships katulad ng ginagawa niya sa akin pero kasi after nung mapagkamalan kaming magjowa, para akong nagkatrauma.

 

Grabe lang.

 

Agad din naman siyang napabitaw nang banggitin ko 'yon sa kanya, tinulak pa nga ako palayo kaya muntikan na ako makabunggo ng nakasalubong naming estudyante.

 

"Bakit kailangan mo pa talagang ipaalala? Napaka ano mo!" kunot-noong reklamo nito sa akin, "Atsaka hindi na ba pwede maglink arms magkaibigan ngayon ha?"

 

Natawa naman ako sa itsura niya kita ko na rin kaagad si Ryujin hindi sa kalayuan na nakaupo doon sa may bench, palinga-linga pa siya na parang may hinihintay. 

 

Oo nga pala, kaklase rin namin 'to si Ryujin. Nakita rin kasi namin yung name niya doon sa listahan.

 

Kinawayan 'to ni Ningning kaya agad niya rin naman kami nakita at agad na lumawak yung ngiti bago kumaway pabalik, "Ano gawa mo dyan teh?" tanong ng kasama ko nung makalapit kami sa kanya.

 

"Ah wala, hinihintay ko lang si Lia." sagot niya na parang nahihiya pa kaya napataas nalang yung kilay naming dalawa ni Ningning sa sagot niya.

 

"Kayo na?" tanong ko.

 

Agad namang namula yung tenga ni gaga, "Hindi ah! Hinihintay ko lang siya... Gusto ko sabay kaming pumasok eh." tapos pabebe pa 'tong tumawa, parang tanga.

 

Hmm, sabi ko na may gusto 'to kay Lia eh. Pulang-pula yung tenga niya kahit tinanong lang naman ni ningning kung sila na ba.

 

"Nililigawan mo?" tanong naman ni ningning pero umiling lang 'to, "Bakit hindi?"

 

Alanganing napakamot lang siya ng ulo sa tanong ni ningning tapos saglit na tumingin sa akin bago bumaling kay ningning, "Eh... may iba ata siyang gusto eh."

 

Pain.

 

Nagkatinginan kami ni ningning tapos mahina ko siyang siniko. Bahala ka jan ning kasalanan mo yan.

 

"Ay ganun? gusto mo ng gayuma? tara samahan ka namin maghanap ni winter," parang tanga talaga. 

 

Pero mukhang effective naman yung pinagsasabi ni ningning kasi natawa si ryujin sa sinabi niya, kinuha niya yung bag niya at tumayo bago kami yayain na pumunta na sa room, "Tara na nga, kung ano-ano na namang sinasabi mo jan."

 

"Akala ko ba hinihintay mo si Lia?"  takang tanong ko nung nagsimula na kaming maglakad pero nagkibit balikat lang 'to bago sumagot,  "Huwag ko na raw siyang hintayin eh."

 

"Napakamasunurin mo naman,"  kumento ni ningning sa kanan ko tapos si Ryujin naman yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 59 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1691 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
529 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na