Fifth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

After nung last encounter ko with crush, hindi na muna ako nakabalik doon.

 

Kailangan ko kasing magfocus sa pagrereview para sa exam namin lalo na't mine-maintain ko yung grade ko.

 

Alam kong puro kalandian o pagpapapansin kay crush yung pinaggagawa ko these past few weeks pero focus pa rin naman ako sa pag-aaral ko no.

 

Hindi ko pwedeng hayaan na bumaba yung grades ko dahil mayroon akong scholarship.

 

Kaya sa loob ng halos isang linggo na nakalipas simula nung last encounter ko with crush, nagfocus lang muna ako sa pagrereview.

 

Kailangan ko mag-aral ng maigi para sa future namin ni crush.

 

Chos!

 

Usually sa gabi ako nagrereview kasi mayroon pa kaming online classes sa umaga tapos may araw na inaabot kami ng hapon.

 

Ang daya nga eh, dapat review na lang kami ngayong week pero may ibang subjects kasi na hinahabol yung last lesson na hindi pa natuturo.

 

Kaya nasa kwarto lang din ako palagi, lumalabas lang kapag maliligo o kakain. 

 

Ganun naman talaga ako dati pa, sa kwarto lang palagi.

 

Nabago lang nung nagsimula ako lumabas labas ng bahay para sulyapan si crush.

 

Hindi ko alam kung normal pa ba 'to pero may times lang talaga na habang nagrereview ako bigla nalang akong mapapangiti na parang tanga kapag naaalala ko yung last encounter ko with crush.

 

Ito ba yung epekto ng 1 week na hindi ko siya nasusulyapan?

 

Lagi ko pa rin naiisip yung nangyari at hindi ko maiwasan na hindi kiligin.

 

Sino ba naman kasi hindi kikiligin?

 

Kinausap niya ako!

 

Grabe lang, feeling ko ang ganda-ganda ko kasi siya pa talaga palagi yung nag-iistart ng conversation naming dalawa.

 

Konti nalang talaga iisipin ko na crush niya rin ako.

 

Chos!

 

Tapos sinabihan niya rin ako na I have a nice name raw!

 

Kinikilig pa rin ako! 

 

Pero napaisip ako, ano kayang pangalan niya?

 

Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong idea kung anong pangalan niya.

 

Ang daya lang, alam niya na pangalan ko pero hindi ko alam yung sa kanya.

 

Pati nga ibang personal information ko malamang alam niya na pero ako wala manlang akong alam sa kanya. 

 

Siguro maganda rin yung pangalan niya hihi.

 

Pero syempre kailangan may sumira ng moment ko nang may naramdaman akong bumato ng unan sa akin.

 

"Para kang tangang pangiti-ngiti dyan, baliw ka na ba?"

 

Napaka-epal talaga.

 

Hindi pa nga ko tapos kiligin eh!

 

Inis kong tinignan si Ningning "Ano ba 'yon?"

 

Andito kasi ulit siya sa bahay. Syempre, walang sabi-sabi ulit siyang pumunta rito.

 

Pero ngayon na nga lang din ata siya nakapunta ulit dito, naging busy din kasi sila sa research at ibang pinapagawa sa mga subjects nila.

 

Siguro kung nag-STEM din 'tong si Ningning, kagrupo ko rin 'to sa research kasi panigurado sa akin 'to sasama. 

 

Nabanggit niya rin kasi dati na ang daya raw kasi magkasama kami ni Ryujin sa research. 

 

Okay na rin siguro na nag-ABM siya at hindi nag-STEM kasi kay Ryujin pa nga lang ubos na pasensya ko, paano pa kaya kung kasama rin namin si Ningning.

 

At ngayon naman since hindi na ganoon kabusy at pagrereview nalang talaga ang aatupagin, nagkaroon na ulit si Ningning ng chance na pumunta rito sa bahay.

 

Sabi niya kanina sabay daw kaming magreview eh hindi naman siya nagrereview!

 

Nakahiga lang siya sa kama ko at nagse-cellphone lang habang daldal ng daldal.

 

Samantalang ako rito ang sakit na ng likod ko kasi kanina pa ako nakaupo at nagrereview dito sa may study table ko.

 

Feel ko andito lang talaga siya para manggulo eh.

 

"Tapatin mo nga ako," sabi niya at bumangon sa pagkakahiga para maupo, niningkit pa yung mata niya na tinignan ako "May bago ka nang crush no?"

 

Agad namang pumasok sa isipan ko yung magandang mukha ni crush kaya hindi ko napigilang ngumiti.

 

Ewan ko ba, ang ganda niya lang kasi talaga!

 

Agad ko rin namang iniwas yung tingin ko at kunwaring bumalik sa pagrereview.

 

"Bakla ka!" Malakas na sabi ni Ningning nang makita niya yung reaksyon ko at binato pa ulit ako ng unan. "Ang landi mo tinatanong ko lang kung may bago kang crush pero kung kiligin ka jan kala mo kayo na!"

 

Wow, bawal na ba kiligin sa crush ngayon.

 

Napaka-ano talaga nitong bruhang 'to.

 

Magiging kami rin soon!

 

Chos.

 

'Di mo sure.

 

Inirapan ko lang siya, "Wala akong bagong crush!"

 

"Kaya pala nasabi ni mamita na labas ka ng labas ng bahay niyo lately, humaharot ka na pala!" sabi pa nito sa akin.

 

Mamita yung tawag niya kay mama. Mommy + tita.

 

Para sosyal daw, parang ewan lang.

 

And wow, hindi ko alam chinichismis pala ako ni mama dito sa bruhang 'to!

 

"So sino 'tong new crush mo?" excited na tanong niya sa akin, yakap-yakap niya pa yung unan ko.

 

"Wala nga," sabi ko nalang kasi ayoko pa talaga sabihin kahit kanino kasi hindi ko pa nga alam name ng crush ko eh!

 

Ayoko rin sabihin sa kanya kasi baka mamaya malaman ko nalang alam na ng crush ko na crush ko siya.

 

Napakadaldal kaya nito ni Ningning.

 

Knowing na halos lahat na ata ng tao rito sa lugar namin nakakausap niya, hindi na malayong baka makausap niya si crush at masabi sa kanya ni Ningning na crush ko siya kaya huwag nalang.

 

Atsaka nag-eenjoy pa ako sa pagpapapansin ko kay crush.

 

Iba kasi yung kilig kapag effective yung mga para-paraan kong galawan.

 

Kaya rin siguro ganto yung effect niya sa akin kasi siya yung naging crush ko after ng matagal kong hindi nagkacrush.

 

Atsaka sa tingin ko naman happy crush lang naman 'to eh. Diba?

 

Happy crush lang.

 

"Anong wala nga? Kilig na kilig ka nga jan, hindi pwedeng wala!" 

 

"Wala nga!" pag-iinsist ko, "May bago lang kasi akong pinapanood na kdrama, kinikilig ako sa bida."

 

Naniningkit yung mata ni Ningning na tinignan ako, nakipagsukatan na rin ako ng tingin at hindi nagpatalo.

 

Para na kaming nag staring contest dahil sa tagal naming nagtitigan.

 

Pero siya rin naman ang unang sumuko.

 

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero feel ko duda pa rin 'to sa akin eh.

 

Alam na alam ko ang kiliti ni Ningning kaya sinimulan ko nalang na chikahin siya about sa kdrama at yung kinababaliwan niyang k-actor lately.

 

Si Hwang In Youp.

 

Totoong effective nga dahil pagkabanggit ko palang ng pangalan niya, agad na nag-iba ang expression ng mukha ni Ningning.

 

Mukhang magiging mahaba-habang usapan 'to. 

 

 

 

 

Hindi na ako nakapag-review.

 

Simula nang makipagdaldalan ako kay Ningning pagkatapos naming kumain ng tanghalian, natigil na rin yung pagrereview ko.

 

Pero okay na rin, at least nakapagpahinga yung utak ko kasi ilang araw na rin akong nagrereview!

 

Kung saan-saan na rin napunta yung topic naming dalawa, hindi ko na nga namalayan na alas-kwatro na pala ng hapon.

 

Sa pagkakatanda ko, alas diez pa lang ng umaga andito na si Ningning.

 

Kung hindi pa kami tinawag ni mama para kumain ng meryenda, hindi ko pa mamamalayan yung oras.

 

Napakadaldal lang kasi talaga ni Ningning, halos siya nga lang yung nagkukwento at parang hindi siya nauubusan ng ikukwento niya sa akin.

 

Kahit nga nung nakain kami tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkukwento niya.

 

Tapos ako naman, todo saway sa kanya kapag tumatalsik yung pagkain sa bibig niya dahil sa kadaldalan niya.

 

Mukhang marami pa siyang dalang kwento.

 

Grabe lang, naipon ba lahat ng ikukwento niya nung mga panahong hindi siya nakakapunta rito?

 

"Bes, alam mo ba!" simula niya na may kasama pang pagpalo sa braso ko pagkaupo niya sa kama.

 

Nasa kama na rin ako nakaupo ngayon habang nakasandal sa head rest ng kama tapos siya naman nag-indian sit sa tabi ko, nakaharap yung katawan niya sa akin.

 

"Naalala mo yung sinasabi ko sayong magandang pamangkin nung may-ari ng tindahan?" 

 

Syempre oo!

 

Isa lang naman yung nabanggit niyang ganun sa akin, si crush.

 

Pagkabanggit niya palang non ay parang mas naging interesado na ako sa ikukwento niya pero syempre hindi ko pinahalata no kaya kunwari wala akong masyadong interes sa sasabihin niya. 

 

"Oh ano meron? Diba sabi mo close mo 'yon?"

 

Bigla kong naalala, nasabi pala sa akin ni Ningning dati na naging kaibigan niya na raw si crush.

 

Malamang alam ni Ning yung pangalan niya, tanungin ko kaya?

 

Chos. Huwag nalang pala, baka makahalata siya.

 

Hahayaan ko na lang na hindi ko muna alam yung name ni crush para may thrill.

 

Hah! Malalaman ko rin pangalan mo crush na hindi ko kailangang magtanong sa iba!

 

Hindi ko alam kung paano ko gagawin pero I accept the challenge!

 

"Slight. Pero mas close kami ng tita niya eh." sabi nito sa akin. "Si tita Veronica kasi yung lagi kong naabutan doon kaya ayun, mas close ako sa kanya."

 

Wow, tita Veronica. 

 

Pangalan pa lang, tunog expensive na. 

 

Naisip ko tuloy si crush, siguro maganda at tunog expensive rin pangalan niya.

 

Pero kahit siguro common lang yung name niya or kahit mabantot pangalan niya, magugustuhan ko pa rin.

 

"Ang bait nga ni tita Veronica eh, nakwento niya sa akin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 59 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1691 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
529 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na