Fourth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Ang sakit ng pwet ko.

 

Hindi na naman siya ganun kasakit nung pag-uwi ko pero ramdam ko pa rin yung sakit kapag uupo ako, feeling ko may pasa na talaga yung pwet ko eh.

 

Kaya nung pagkauwi na pagkauwi ko dumiretso agad akong cr para icheck yung nalamog kong pwet, halos manlaki yung mata ko nang may makita akong nagkukulay violet sa kanan na part.

 

May pasa nga!

 

Hindi naman siya ganun kalaki pero may pasa pa rin! 

 

Tuwing uupo tuloy ako, sa kaliwang part ko lang nilalagay yung bigat ko kaya medyo nakatagilid ako.

 

At dahil ang daming napapansin ni ate, syempre napansin niya yung ganung upo ko tapos inasar ako kung may pigsa ba raw ako sa pwet?? 

 

Pasa! Hindi pigsa!

 

Hindi ko nalang siya sinagot at sinimangutan nalang, alam ko magtatanong lang 'yun kapag sinabi kong pasa kaya hindi ko nalang siya pinansin.

 

Hindi ko in-expect na magkakapasa ako dahil sa nangyari, ganun ba talaga kalakas yung pagkabagsak ko o baka mabilis lang ako magkapasa?

 

Crush naman kasi eh, lagi naman kitang nasa isip ko bakit kailangan mo pa talaga mag-iwan ng remembrance?

 

Kawawa naman yung pwet ko huhu.

 

Flawless pwet no more.

 

Grabe ka na talaga, crush.

 

Hindi pa nga tayo binibigyan mo na agad ako ng mark.

 

Chos!

 

Tuwing sumasakit tuloy yung pasa ko sa pwet, parang pinapaalala niya lang sa akin yung encounter ko with crush kahapon.

 

Kinikilig na naman tuloy ako.

 

Enebe!

 

Pero at the same time, hindi ko maiwasan na mainis sa sarili ko kasi paniguradong para akong tangang nauutal at hindi mapakali sa harap niya.

 

Nakakahiya!

 

Parang sa tuwing magkikita kami, parang lagi kong pinapahiya yung sarili ko.

 

Hindi naman ako ganito.

 

Kahit nga sa mga recitation hindi naman ako nauutal ng ganoon, kakabahan oo pero hindi yung to the point na magpapanic ako kasi confident naman ako na nag-aral ako.

 

Kaya siguro ganun nalang din yung kaba ko, hindi ako prepared!

 

Tapos ang ganda-ganda niya pa kaya lalo akong nagpapanic.

 

Ano nga ulit yung term? Gay panic? Basta 'yon. 

 

Naistorbo ako sa pagda-daydream ko nang tumunog yung alarm ko sa phone.

 

9:00am

 

Time na para umalis. 

 

Kanina pa ako nakabihis at ready na umalis para pumunta sa school, nahiga lang ako ulit nung makita ko na maaga pa naman.

 

Nakakatamad umalis. Kung pwede lang talaga na huwag pumunta, hindi na ako pupunta kaso ako nga pala yung leader.

 

Bigla ko tuloy naalala, ano na naman kayang file name yung nilagay ng mga mokong sa chapter 3 namin?

 

After kasi ng final edit, sinesend ko sa groupchat namin yung file tapos si Lucas or Ryujin yung magpiprint since sila yung may printer sa bahay nila.

 

Sana naman maayos na this time yung pangalan ng file name.

 

Pero mukhang imposible.

 

Kagabi kasi pagkatapos ko isend yung file around 10pm, mukhang nagbrainstorm pa sila kung anong magandang file name.

 

Mga loko-loko talaga.

 

Hinayaan ko nalang sila kasi may kailangan pa pala akong tapusin na sagutan sa statistic and probability.

 

Mas inuna ko pa kasing kiligin kahapon nung pag-uwi ko sa bahay kaya nawala sa isip ko gawin yung dapat kong gawin.

 

Priorities.

 

Kilig muna bago gawa. 

 

Chos!

 

Tinignan ko muna ang sarili sa salamin at nagpabango bago ako umalis ng bahay.

 

Sana naman andoon na sila at hindi na maubos yung time namin sa paghihintay.

 

 

 

 

"Lasang isda yung garlic parmesan nila."

 

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa sidewalk pagkatapos naming kumain sa bagong bukas na unliwings chuchu.

 

Nakalimutan ko na yung name, basta unliwings siya.

 

Nagkayayaan kasi na kumain after namin ipacheck yung chapter 3 namin at magpapirma ng approval sheet para sa gagawin naming pagconduct ng survey.

 

Tapos si Ryujin nakaisip na itry daw namin yung bagong bukas na kainan.

 

Okay lang naman..

 

Nothing special sa lasa. 

 

Bukod sa garlic parmesan. Totoong lasang isda kasi siya, hindi ko ma-explain kung bakit basta lasang isda siya. 

 

No hate. Honest feedback lang.

 

"I told you na sa iba nalang tayo kumain, but you're so mapilit!" pagrereklamo ni Lia at inirapan pa si Ryujin pero minock lang siya ni Ryujin at ginaya pa yung tono niya kaya mas lalong nainis si Lia.

 

Silang dalawa kasi yung nagtatalo kanina kung saan kami kakain pero sa huli nasunod yung gusto ni Ryujin.

 

Kaya nung natry na namin at hindi naman pala ganun kasarap doon, nagsimula na naman silang magtalo.

 

Wala naman akong interes makinig sa pagtatalo nila kaya nauna nalang ako maglakad sa kanilang dalawa at hinayaan silang dalawa.

 

Lagi namang nagtatalo yung dalawang 'yon. Ano pa bang bago?

 

Tuwing nagkakasama kami, hindi mawawala yung bangayan nilang dalawa. 

 

Lakas din kasing mang-asar ni Ryujin eh, feel ko nga nagpapapansin lang 'yon kay Lia kaya ganun.

 

Feel ko lang naman since hindi ko pa naman siya nakakausap about doon.

 

Matanong nga next time.

 

Lumingon ako sa kanila habang naglalakad at narealize ko na medyo malayo na pala ako sa kanila kaya huminto muna ako sa paglakad para hintayin sila.

 

Mabilis ba ako maglakad o mabagal lang talaga sila?

 

Si Ryujin at Lia patuloy pa rin sa pagtatalo tapos sa likod nila sila Yujin at Lucas na tagasulsol sa away nila, mukhang nag-eenjoy pa nga sila sa away nung dalawa.

 

Tapos si Chaewon at Chaeryeong naman yung nasa unahan nila na tahimik na nag-uusap, walang pake at mukhang sanay na sa ingay nung apat sa likod nila.

 

Tapos ako naman, solo flight.

 

Eh ano naman?

 

Hindi naman required na by pair yung paglalakad sa sidewalk no.

 

Nagpatuloy na uli ako sa paglalakad nung medyo malapit na sila sa akin.

 

Kanina pa akong uwing uwi.

 

Alas dose na kaya tirik na tirik yung araw, mga wala pa kaming dalang payong kaya bilad na bilad kami.

 

Iniisip ko nga kung dadaan ba ako sa main road para masulyapan ko rin si crush pag-uwi pero huwag nalang pala muna, sobrang init lang talaga.

 

Mamayang hapon nalang siguro.

 

Sa ngayon mag-iisip muna ako ng mabibili doon para may reason ako na makita siya.

 

Hmm, ano kayang pwedeng mabili?

 

 

 

 

Pagkauwi ko ng bahay, isang maliit na asong kulay gray ang sumalubong sa akin.

 

Halos sumubsob pa ako sa sahig nung iwasan ko siyang matapakan dahil hindi ko siya napansin nung una.

 

"Oh my god, sorry!" sabi ko pa, buti nalang hindi ko siya nasaktan pero halatang natakot siya sa akin kaya tumakbo ito palayo sa akin at sumiksik doon sa may gilid.

 

Bakit ba kasi biglang nagka-aso sa bahay? 

 

Wala naman kaming aso ah!

 

"Oh, nakauwi ka na pala." Napa-angat yung tingin ko kay ate na kakababa lang galing sa second floor. 

 

Napansin niya siguro yung tingin ko doon sa aso kaya agad niya iyong nilapitan at binuhat bago siya naupo sa sofa. "Ang cute niya no?" 

 

Sinundan ko lang siya ng tingin na may kaunting kunot sa noo. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

 

Iniisip ko kasi kung lalapitan ko ba yung si ate pati yung tutang hawak niya o hindi.

 

"Sayo 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa hawak niyang tuta.

 

"Oo. After ilang years, may doggy na ulit tayo sa bahay!" masiglang sabi ni ate pero agad din namang nawala yung ngiti niya sa labi nang mapansin niya yung expression ko.

 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi.

 

Hindi naman sa ayaw ko nang aso. Gusto ko, actually. 

 

Pero hindi ko kasi alam kung ready na ulit ako mag-alaga ng aso. 

 

Mukhang napansin naman ni ate yung reluctant ko kaya biglang lumambot yung tingin niya sa akin, "Winter, may trabaho na ako."

 

Usually, pambabara ang sinasagot ko kay ate kapag may sinasabi siyang ganyan pero alam ko kung anong ibig niyang sabihin doon kaya napaiwas ako ng tingin. 

 

Dati kasi mayroon kaming aso sa bahay.

 

Half breed siya. Aspin tapos beagle.

 

Feel ko nga scam yung sinabing half breed siya kasi mukha lang siyang aspin.

 

Nung binigay siya sa amin, sobrang payat niya tapos takot na takot.

 

Ako lagi yung umaasikaso doon, ako yung nagliligpit ng tae at ihi niya hanggang sa matuto siyang tumae sa labas ng bahay.

 

Tinuruan ko pa nga 'yon ng mga tricks katulad ng sit, high five, lay down. Medyo nakakaubos lang ng pasensya kasi napakatamad niyang kumilos pero keri naman.

 

"Milo, sit sabi eh!" inis na sabi ko "Gusto mo bang kalderetahin kita ha? Sit!"

 

Kanina ko pa kasi siya tinuturuan na umupo pero nanatili lang siyang nakatayo habang nakatingin sa hawak kong pagkain.

 

"Hoy sit sabi ko hindi higa!" sabi ko nang biglang humiga sa lapag yung aso namin, mukhang wala na siyang interes sa hawak kong pagkain.

 

"Winter, pakain mo na lang. Pinapahirapan mo pa yung aso eh." Saway sa akin ni mama nung nakita niyang hindi ko binibigay yung treats sa aso namin hangga't hindi niya ako sinusunod.

 

Agad naman kumunot yung noo ko, "Ma, tinuturuan ko nga po ng tricks eh!"

 

Palibhasa kasi spoiled na spoiled ni mama 'tong aso.

 

Kapag nga nauwi si mama galing sa trabaho niya yung aso lang namin lagi ang may pasalubong.

 

Unfair.

 

Parang yung aso na nga yung anak ni mama, hindi na kami.

 

"Ibigay mo na sa kanya 'yan, Minjeong. Pinapahirapan mo pa, ayaw mo nalang ibigay."

 

Tumingin ako sa aso namin na tahimik na nag-aabang sa akin na ibigay sa kanya yung treats.

 

Napabuntong hininga nalang ako bago ko iabot sa kanya yung hawak kon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 55 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1685 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
523 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na