Sixth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

RESEARCH - TEAM WINTEURRR UWU

 

WinteurrrOurSavior: @everyone any updates?

 

Lucas paprint: walang reply ssob 

 

Chaewon small battery ball: Hindi ba pwedeng kahit huwag na natin ipagpaalam kay maam? Diba mayroon na naman tayong approval sheet about jan?

 

Yujin Dakilang Pabigat 2: Siya lang talaga nagpapatagal sa atin, imbis na nasend na natin yung gform link sa respondents natin eh boset

 

Chaeryeong the taga luto ng pancit canton: sineen ni maam yung chat ko pero di nagreply???

 

WinteurrrOurSavior: @Chaewon No, hindi pwede. Natanong ko na si sir about jan, kailangan pa rin daw permission ng adviser

 

Ryujin Dakilang Pabigat: 🙄🙄🙄  

 

WinteurrrOurSavior: alam niyo ba kung sino yung president ng ABM11-A? Try kong kausapin, baka sa kanya magreply si maam.

 

Lia ang sungit mo: No need, winter. I already talked to Karina, she said she'll relay the message bukas kay ma'am.

 

Lucas paprint: bakit bukas pa?

 

Lia ang sungit mo: she said maam mondragon is usually already resting at this hour 🤷

​​​

Ryujin Dakilang Pabigat: wow ha patulog tulog nalang siya jan samantalang tayo stress na sa kanya:')

 

Yujin Dakilang Pabigat 2: close kayo ni karina?? 🤩 sanaol

 

Lia ang sungit mo: not really, but we greet each other and talk whenever we see each other around sa school.

 

WinteurrrOurSavior: who's Karina?

 

Ryujin Dakilang Pabigat: luh? di mo kilala? 

 

WinteurrrOurSavior: tatanungin ko ba kung kilala ko?

 

Chaewon small battery ball: gurl 💀 talk of the town kaya siya simula nung start ng classes.

 

Ryujin Dakilang Pabigat: 4th qua na tayo, malapit na magtapos sy pero wala ka manlang kaide-ideya HAKSHSKAHHAHA

 

Lia ang sungit mo: Lol, I'm not surprised, Winter is too busy on her own world to care 😂

 

Chaeryeong the taga luto ng pancit canton: hala close kami non konti ang bait non sobraaa!

 

Ryujin Dakilang Pabigat: maganda na mabait pa ugh 😩

 

Yujin Dakilang Pabigat 2: Luh ryujin bading HAHAHAHHAHA

 

Ryujin Dakilang Pabigat: hoy nagandahan lang!! loyal kaya ako sa crush ko kaso ang sungit sakin 💔💔💔

 

Chaeryeong the taga luto ng pancit canton: hMmm parang kilala ko yan HAHHAHAHAHA

 

Chaewon small battery ball: i think nakita at nakausap ko na si karina dati and I agree, sobrang ganda at bait niya.

 

Yujin Dakilang Pabigat 2: wow sana ol. ako nalang ata di nakakakita sa kanya huhu dati ko pa siya gustong makita kasi nacucurious ako HAHAHHAA

 

Lucas paprint: @Winter ikaw ssob? baka nakita mo na rin siya sa personal? 

 

WinteurrrOurSavior: No. Ni hindi ko nga alam kung sino yon.

 

Yujin Dakilang Pabigat 2: crush ng bayan yon HAHAHHAAH

 

Lia ang sungit mo: and oh, Karina also told me if hindi raw magreply agad si maam siya nalang daw magpapaalam sa personal since nasa school naman siya tom.

 

Ryujin Dakilang Pabigat: Oh diba, hulog ng langit talaga 😩

 

WinteurrrOurSavior: @Lia really? pakisabi sa kanya thank you ha?

 

WinteurrrOurSavior: And also, thank you din pala lia hehe

 

Lia ang sungit mo: sure, and you're welcome 😊❤️

 

Yujin Dakilang Pabigat 2: @Ryujin HAHAHAHHAHAAH

 

Chaeryeong the taga luto ng pancit canton: gg bawi nalang next life HSHKDHDJSHA

 

Ryujin Dakilang Pabigat: pakyu manahimik kayo jan

 

Ryujin Dakilang Pabigat: btw, @Winter pakisabi kay ningning ang panget niya wala siyang kwenta, siya una kong chinat since taga ABM11-A siya pero sabi niya bahala raw ako amp

 

WinteurrrOurSavior: Sa lahat kasi ng ichchat mo bakit si ningning pa. Pero sure, iforward ko yan kay ningning.

 

WinteurrrOurSavior: Nagreply agad, gusto mo send ko rito?

 

Ryujin Dakilang Pabigat: tingenn

 

You forwarded a message: pakyu ryujin mas panget ka kaya nga di ka kinacrush back ni lia eh

 

Ryujin Dakilang Pabigat: HOYY?!$#@!&%?#!? DELETE!!!!

 

 

 

 

 

Natatawa kong in-exit mula sa messenger app yung phone ko.

 

Agad ko rin namang in-unsent yung finorward ko, hindi ko lang sure kung nabasa ba ni Lia or hindi.

 

Pero feel ko hindi naman kasi si Ryujin pa lang yung nakaseen tapos dinelete ko na agad yung message ko.

 

Umilaw pa yung phone ko dahil sa mga sunod-sunod na notifications galing sa gc namin sa research pati na rin sa chats sa akin ni Ryujin.

 

Sinusubukan pa nga akong tawagan pero syempre, hindi ko sasagutin hehe.

 

Kaya niya na 'yon, malaki na siya.

 

Iniisip ko ngayon kung paano ko mapapasalamatan yung president ng ABM11-A.

 

Grabe lang, ang bait niya.

 

Talagang siya pa nag-offer na siya nalang kakausap sa personal kay ma'am manlangit knowing na mala-dragon 'yon.

 

Tamang-tama lang yung apelyido niya sa kanya.

 

Kahit wala ka pang sinasabi ang sama na agad ng tingin sayo.

 

Kaya kung ako 'yon hindi ako magpepresinta na gawin 'yon like no way, 'wag na lang.

 

Kung magkakaroon ako ng chance na mameet siya sa school or kapag nagkataon andoon kami pareho sa school, I'll say thank you to her personally.

 

Pinag-iisipan ko pa kung ililibre ko siya as a thank you pero hindi ko pa alam kasi kuripot ako eh.

 

Baka thank you nalang.

 

Okay na naman siguro 'yon.

 

Mabait naman siya. 

 

Chos.

 

Pero kung sino ka man, Karina Yu ng ABM11-A, hulog ka ng langit sana huwag ka muna kunin ni Lord!

 

Napapaisip din tuloy ako kung anong special sa kanya, kung anong itsura niya and such.

 

kung maka ano kasi sila sa gc parang sobrang ganda niya eh.

 

Nacurious tuloy ako.

 

Nameet ko na kaya siya ng personal sa school?

 

Siguro hindi pa.

 

Kasi kung oo, bakit hindi ko siya napansin kung ganoon na siya kaganda based sa reaksyon ng mga kagrupo ko?

 

It's either hindi ko pa siya namemeet or nameet ko na siya pero hindi ko siya napansin dahil baka overrated lang talaga siya at hindi naman ganun kaganda para makuha niya atensyon ko.

 

Simula ng mameet ko si crush parang tumaas yung level ng definition ko ng kagandahan kaya siguro hindi na ako ganun nagagandahan sa iba kasi para sa akin siya pinakamaganda.

 

Kinikilig na naman ako, parang tanga lang.

 

Pero walang halong biro, siya na ata talaga yung pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

 

Siya rin yung pinakamaganda kong naging crush.

 

Hindi ko nga alam kung magkakaroon pa ako ng ganung kagandang crush bukod sa kanya.

 

Nakakalungkot lang kasi may boyfriend na pala siya. 

 

Well, dapat expected na 'yon lalo na kung ganyan kaganda yung mukha diba. 

 

Panigurado maraming nagkakagusto at naghahabol sa kanya at isa na ako doon.

 

Kung sino man yung boyfriend niya, favorite siguro siya ni Lord.

 

Sabi ko pa naman sa sarili ko iu-uncrush ko na siya kasi may boyfriend na siya pero Lord bakit ba kasi ang ganda-ganda niya?

 

Dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita.

 

Pilit ko rin sinasabi sa sarili ko na okay lang, para masanay ako na hindi ko na siya sinusulyapan.

 

Pero hindi ko pala kaya.

 

Para akong nanghihina. 

 

Kakatapos lang din kasi ng exam namin last week tapos ngayon research naman yung inaasikaso namin tapos mayroon pa kaming ibang kailangang gawin at ipasa sa mga subjects namin.

 

Tapos sa susunod na araw, once na matapos kami sa paggagather ng data sisimulan na namin agad yung chapter 4.

 

Panigurado mapupuyat kami doon.

 

At paniguradong mas lalo lang makakain lahat ng oras ko at mawawalan na ako ng time para kay crush.

 

Sabi ko na eh, sagabal talaga 'tong pag-aaral sa pagpapapansin ko kay crush.

 

Parang gusto ko nalang tumigil sa pag-aaral tapos magfull time ako na maulol kay crush. 

 

Chos!

 

 

 

 

 

 

"Hala hoy bakit 99.98 yung nalabas sa total dito?" biglang tanong ni Ryujin kaya napa-angat yung tingin ko sa kanya mula sa screen ng laptop ko, pati na rin yung iba napatingin sa kanya.

 

Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon ni Lucas, napagdesisyunan namin na mag-overnight sa bahay nila para gawin yung chapter 4 namin.

 

After kasi namin magconduct ng survey, pinagplanuhan na namin agad na gawin yung chapter 4.

 

Mga excited din kasi sila mag-overnight, parang mga bata lang.

 

Kila Lucas kami nag-overnight, siya nagpresinta na doon na lang since mag-isa lang naman siya sa condo niya. 

 

Infairnes, medyo malawak yung condo niya kahit siya lang mag-isa nakatira doon tapos maaliwalas din yung itsura. 

 

"Baka may mali kang nalagay," sagot ni Chaewon na nagsosolve din sa papel.

 

Silang dalawa yung nagsosolve sa chapter 4 namin, si Lucas, Yujin at Chaeryeong sa tables and graphs, si Lia sa interpretation tapos ako sa analysis.

 

Hinayaan ko sila mamili ng gusto nilang gawing part sa chapter 4, ayoko naman kasi na ilagay sila sa part na mahihirapan sila kaya hinayaan ko nalang sila na magdecide kung anong gusto nilang gawin.

 

Napakaano kasi ni Ryujin, nung una kasi dinelegate ko yung mga tasks na gagawin nila tapos nagreklamo 'tong si gaga, sabi niya mas prefer niya raw magsolve kesa sa interpretation.

 

Kaya ayun, hinayaan ko na sila. 

 

Malaki na sila, kaya na nila sarili nila.

 

And syempre walang may gustong kumuha ng analysis kaya sa akin 'yon napunta.

 

"Kanina ko pa siya inuulit na isolve pero ganun talaga yung nalabas," napakamot si Ryujin sa ulo niya habang kunot-noong nakatingin sa sinolve niya, halatang naaasar na rin sa kanina niya pa sinosolve. 

 

"Itry mo ulit,"

 

Inis namang napatingin si Ryujin kay Lucas, "Ang kulit mo, kanina ko pa nga sino-solve diba pero ganun pa rin kahit itry mo pa."

 

Nagsimula na silang magtalo tapos ako naman, syempre hinayaan ko lang sila.

 

Bahala sila jan, busy ako manood ng netflix.

 

Hehe.

 

Wala pa naman kasi akong gagawin! 

 

Hinihintay ko pa kasi sila matapos bago ko magawa yung analysis.

 

Pati rin si Lia, wala ring ginagawa since siya yung nakatoka sa interpretation.

 

Pero hoy, syempre tumutulo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1700 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
538 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na