First Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Kasalukuyan kong hinihintay yung sukli ko dahil inutusan ako ni mama bumili ng gardenia, gusto niya raw kasi gumawa ng sandwich. Syempre, kahit tamad na tamad akong lumabas ng bahay sinunod ko pa rin kasi makikikain din ako. 

 

Pero wala rin naman akong choice kahit hindi ako makikain.

 

Ilang minuto na ko naghihintay dito pero wala pa rin yung nagpapalit nung pera, wala raw kasi silang panukli sa isang libo. May bumili raw kasi kanina na isang libo rin yung pera kaya naubusan sila ng panukli kaya inutusan ni ateng tindera yung anak niya na magpapalit.

 

Labag din sa loob nung anak niya na sinunod yung nanay niya, naglalaro kasi ng ml.

 

Rank pa.

 

Iyak.

 

Pasensya na, napag-utusan lang din ako.

 

Nakatayo lang ako rito habang naghihintay at pinagmasdan ko nalang muna yung paligid. 

 

Dito sa parte na 'to nagsama-sama yung mga iba't ibang store, pati yung mga nagbebenta ng gulay at ulam-- mapaluto man o hilaw ay nandito rin. 

 

Tapos naglalabasan din tuwing hapon yung mga nagbebenta ng street foods katulad ng fishball, kwek kwek, calamares at iba pang pagkain na pangmeryenda. 

 

Para na nga 'tong mini-palengke sa loob ng barangay namin, hindi naman siya ganun kagulo at katao pero tuwing hapon maraming tao ang nandito dahil nga halos andito na lahat ng nagbebenta at mga ganoong oras din naglalabasan ang mga tao rin para mamili ng kailangan nila.

 

Nakakainis lang minsan yung mga bata na naglalaro sa daan tuwing hapon, harang sa daan kapag may dadaang sasakyan o kaya naman minsan masasanggi ka dahil sa kaharutan nila tapos sila pa galit.

 

Wow.

 

Ba't parang kasalanan ko?

 

Pero teka lang, nasaan na ba yung sukli ko?

 

Magpapapalit lang naman pero bakit ang tagal? 

 

Inip na inip akong lumingon-lingon sa paligid para hanapin kung saan bang lumapalop napunta yung anak niya nang magawi yung tingin ko doon sa apartment sa harap mismo ng pinagbilhan ko ng gardenia.

 

Sa baba nun ay for commercial rent tapos yung sa taas na yung mga pinapaupahan na apartment rooms, isa sa mga umupa sa commercial space sa baba ng apartment na 'yon si aling beth-- yung masungit na may ari nung sari-sari store.

 

Hindi ko alam pero parang lagi siyang red days sa sobrang sungit niya, lagi ko ngang binabati 'yon kapag napapadaan ako sa tindahan niya pero lagi akong sinusungitan.

 

Hindi ata effective yung charms ko sa kaniya, palibhasa tanders na. Chos!

 

Pasensya na pero inis pa rin talaga ako kay aling beth. 

 

Kasi naman, pinagbintangan ba naman ako dati na kumukupit daw ako ng paninda niya.

 

Na-offend ako kasi ang ganda ganda ko naman para maging magnanakaw??

 

Napagalitan din ako ng nanay ko nun, palibhasa magkumare sila kaya sa kanya naniwala si mama.

 

Ma, anak mo 'ko, ma!

 

Ang sakit mo na, ma. Mukha ba akong magnanakaw? 

 

Napahiya rin ako non kasi ang lakas ng boses ni aling beth, parang nabroadcast niya na ata sa buong barangay na kumupit daw ako eh hindi naman talaga!

 

Kaya siguro ang sama-sama ng loob ko tuwing nakikita ko siya, lagi kong naaalala ko yung pambibintang niya sa akin.

 

Kaya simula nun, hindi na 'ko bumili sa tindahan niya. heh!

 

Ang kunat din kasi ng mga tsitserya na binebenta niya. 

 

Parang napaglumaan na ewan. 

 

Napansin ko rin yung katabi nung sari-sari store ni aling beth na for commercial rent din, may umupa na pala doon?

 

Dati kasi bakante lang 'yon. 

 

Sayang lang, akala ko magkakaroon ng paninagong kakompitensya si aling beth sa sari-sari store niya.

 

Balak ko sana na doon ako palagi bibili kung sakali.

 

Tapos yayayain ko rin sila ningning na doon bumili ng marami palagi para maasar si aling beth pero hindi pala. School supplies pala yung binibenta doon sa bagong bukas.

 

Pero okay na rin, pabor pa nga sa akin. 

 

Buti nga may nakaisip na magbenta ng school supplies dito sa barangay namin, wala na kasing nagtitinda ng ganoon simula nang magsara yung dating nagbebenta ng school supplies dito sa amin.

 

Siguro nalugi, simula kasi ng magkapandemya kaunti na lang talaga ang bumibili doon kasi online classes na naman lahat ng estudyante.

 

Almost lahat din kasi ng school works or requirements through internet na rin namin pinapasa

 

 Kaya kawawa yung ibang estudyante na hindi maalam pagdating sa teknolohiya pati na rin yung iba na walang sapat na resources at kakayahan makipag-sabayan sa bagong sistema ng edukasyon na mayroon tayo ngayon.

 

Nakakalungkot lang isipin.

 

Napaka-unfair talaga ng buhay.

 

Buti na nga lang, unti-unti na bumabalik sa dati. 

 

 Though, hindi ko masasabi na magiging katulad ng dati kasi andyan pa rin yung virus at kailangan pa rin mag-ingat ng mga tao.

 

Pero parang hindi na nga natatakot yung tao sa covid eh, yung iba nga hindi na nagsusuot ng face mask kapag nalabas.

 

Anong covid covid? Matatag kami! 

 

 Chos!

 

 Syempre takot pa rin ako magkaroon ng covid, no.

 

 Nagsusuot pa rin ako ng face mask kahit saan ako magpunta tapos lagi rin akong may baong alcohol.

 

 Ayokong mamatay dahil sa covid.

 

Mahirap na. Baka mabawasan lang magaganda sa earth kapag nawala ako. 

 

 Hays. Hirap maging maganda.

 

 Pero anyway, at least kahit papaano ay unti-unti nang bumabalik sa dati yung iba.

 

 Katulad nalang nitong bentahan ng school supplies.

 

 Balita ko nga, magkakaroon na rin ng limited face to face classes next school year eh.

 

 Maigi na rin kasi ang hirap talaga ng online class na setup.

 

Nabalik lang ako sa realidad nang may kumalabit sa akin, ready na akong magsabi na wala akong barya kasi akala ko may batang nanghihingi na naman sa akin ng barya pero parang ako pa nga binibigyan ng pera kasi nakalahad sa akin yung kamay niya na may hawak na pera.

 

Iyon na pala yung sukli ko.

 

"Oh!" pagalit na sabi ng bata sa akin nung inabot yung pera, halatang may galit pa sa akin.

 

Talo na ata siya sa laro niya.

 

Buti nga.

 

Kahit gusto kong sungitan din pabalik yung bata, tahimik ko nalang 'tong tinanggap at nagpasalamat. Nginitian ko pa nga pero agad naman tumalikod at umalis kaya sa tingin ko hindi niya rin nakita yung pag ngiti ko.

 

Hah! Kawawa naman siya, hindi niya nakita yung maganda kong ngiti.

 

Mga bata talaga ngayon, hays.

 

Sarap ibalibag.

 

Hindi talaga ako pwede mag-alaga ng bata, baka paiyakin ko lang ng paiyakin.

 

Napailing nalang ako, tumingin ako muli doon sa bagong bukas na bentahan ng school supplies bago naglakad pauwi.

 

May suki na agad sila kasi paniguradong bibili ako doon palagi ng kailangan ko.

 

Kahit naman kasi online class kami, gumagamit pa rin ako ng papel at ballpen para magnotes kapag nagkaklase kami.

 

Sa ganoong paraan kasi mas madali kong natututunan o naaalala yung mga inaaral o nirereview ko.

 

Dalawang taon kaya ako nagtyaga noon na maglakad ng malayo para lang makabili ng school supplies o kaya naman kapag may ipapaprint o ipapaxerox ako.

 

Paano ba naman kasi, pagtapos magsara nung nagbebenta ng school supplies malapit sa amin wala nang ibang nagtangka na magbukas uli ng ganoon.

 

Kaya laking pasasalamat ko na rin nung makita ko na may nagbukas ng panibagong bentahan ng school supplies, kung sino man ang nakaisip nun hulog siya ng langit!

 

Sana huwag muna siyang kunin ni Lord hehe.

 

Mas pinadali niya buhay ko, hindi ko na kailangan magpagod na maglakad ng malayo para lang bumili ng kailangan ko.

 

Ilang kembot nalang mula sa bahay, makakabili na agad ako. Yes!

 

Malaki tuloy ang ngiti ko habang naglalakad pabalik ng bahay, pati nga yung nakakasalubong kong kumare ni mama ay binabati ko kahit hindi ko naman gawain 'yon.

 

Most of the time kasi kunwari hindi ko sila kilala.

 

Pero hindi ngayon! Good mood ako kaya kilala ko sila tapos next time hindi na ulit hehe.

 

"Bes!"

 

Napatigil ako sa pagbukas ng gate namin nang marinig ko yung matinis na boses na tumawag ng pangalan ko, hindi ko na naman kailangan lingunin kasi kilala ko na agad kung sino 'yon.

 

Walang iba kundi si Ningning.

 

Siya yung una kong naging kaibigan simula nung pagtungtong ko sa Junior High School. Actually, nung una ayoko talaga sa kaniya, napaka-ingay niya kasi.

 

Gusto ko lang naman ng tahimik na jhs life, wala rin naman akong pake kahit wala akong maging kaibigan sa unang araw ng pasukan, hindi naman ako mamamatay kapag ganoon.

 

Pabor pa nga sa akin 'yun eh, at least wala akong ibang iintindihin kundi sarili ko lang.

 

Pero syempre dumating siya at niyanig yung tahimik kong mundo.

 

Naalala ko pa noon, lagi niya akong kinukulit at tinatanong. Kahit yung mga bagay na hindi naman mahalaga at walang kwenta ay tinatanong niya pa rin sa akin.

 

"Pwede ba ganitong picture?" inosenteng tanong niya sa akin at inabot yung hawak niyang picture sa akin.

 

Pinadala kasi kami ng homeroom adviser namin ng 2x2 picture, hindi ko alam kung para saan kasi napakadaldal kasi nitong katabi ko at hindi ko na narinig yung sinabi nung teacher namin.

 

Napapaisip nga ako kung hindi ba siya natutuyuan ng laway kasi parang hindi siya nauubusan ng sasabihin, lagi nalang siyang may hanash sa lahat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 52 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1683 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
520 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na