Sixteenth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Scam.

 

Isang malaking scam.

 

Ang sabi ni ningning sa akin magrereview daw kami pero bakit parang hindi naman ganun ang nangyayari?

 

Kakatapos lang kasi ng una naming exam at mayroon kaming 1 hour na lunch break pero since kumain na naman kami kanina bago mag-exam,  napagdesisyunan namin na ilalaan nalang namin yung oras para mag-review sa susunod na exam.

 

Ang balak ko talaga hindi na aalis ng room para doon nalang kami magreview pero itong si ningning, kanina pa ako kinukulit na lumabas ng classroom para raw pumunta sa library para doon daw kami magreview.

 

Binigyan niya pa ako ng mga reasons kung bakit mas better daw mag-aral sa library kaysa sa loob ng room.

 

Na kesyo mas tahimik daw doon, mas malamig kasi may aircon, na marami raw doong libro na pwede namin mahiram, etc,.

 

So syempre ako naman, medyo skeptical pa sa intention niya pero pumayag pa rin dahil parang kaunti nalang iiyak na siya, kawawa naman.

 

Charot lang. 

 

Pero kasi ningning being ningning, hindi talaga 'yon titigil sa pangungulit hangga't hindi niya makuha yung gusto niya.

 

So may choice pa ba ako?

 

Wala!

 

Kaya wala na akong nagawa kundi pumayag at magpahila sa kanya palabas ng classroom.

 

Ayoko na rin naman kasi makipagtalo pa sa kanya kasi sayang lang sa oras kaya hinayaan ko nalang siyang hilain ako palabas.

 

Nung una, medyo convinced na ako na totoong sa library nga kami pupunta kasi tama naman yung daan na tinatahak namin.

 

Ang hindi ko lang ine-expect ay yung bigla siyang nag-detour nung matanaw niya si karina pati yung ibang friends nito sa may pavillion.

 

"Huy, akala ko ba sa library tayo??" tarantang tanong ko nang biglang lumiko si ningning papunta sa direksyon kung saan nakapwesto sila karina.

 

"Change of plan!" sagot nito at humagikgik habang hawak-hawak pa rin yung wrist ko. 

 

Siya yung nauuna at nasa likod niya ako kasi nga siya yung humahatak sa akin at nagdedecide kung saan kami pupunta.

 

Tinry kong pigilan yung hatak niya sa akin dahilan na mapatigil kami saglit, "wait lang! bakit tayo pupunta roon? baliw ka na ba? nakakahiya!"

 

"Ang arte mo, makikisama tayo sa kanila magreview para hindi boring!" sagot nito bago ako hilain ulit.

 

Wow.

 

So parang ini-imply niya ba na boring ako kasama??

 

Sakit mo na!

 

"So sinasabi mong boring akong kasama?" offended na tanong ko sa kanya dahilan na mapatigil kami pero yung hawak niya sa wrist ko mahigpit pa rin.

 

Feel ko mamumula yung wrist ko after nito. 

 

"Napaka ano mo, sinabi ko bang ikaw ha?" 

 

Sabi ko nga hindi ako.

 

Nang matanaw ko na papalapit na kami, tinry ko ulit na pigilan si ningning kasi nahihiya talaga ako.

 

Kita ko na rin si karina aka the love of my life na tutok na tutok sa pagbabasa sa binabasa niya.

 

Pinasadahan ko rin ng tingin yung mga kasama niya. Si bff giselle, si yeji, si somi na ngayon ko lang ulit nakita after nung last encounter namin sa library tapos may dalawa pa silang kasamang lalaki sa pwesto nila.

 

Nakatayo sa gilid si somi na naka-akbay sa isa sa kasama nilang lalaki na nakatayo rin.

 

"Ayoko d'yan, ning! Nakakahiya!" sabi ko ulit pero mas mahina na yung boses ko ngayon compared kanina kasi baka marinig nila ako at mapunta pa sa amin yung atensyon nila.

 

"Ang arte mo! makiki-join lang naman tayo, huwag ka nang umangal d'yan."

 

So again, wala na naman akong nagawa.

 

Napakadesisyon talaga nitong babaitang 'to.

 

"Hi friendships!" masiglang bati ni ningning nang makalapit na kami sa kanila.

 

Lahat sila, kasama yung ibang estudyante sa malapit napatingin kay ningning dahil sa lakas ng boses nito.

 

Agaw-eksena lang.

 

Nag-hi silang lahat pabalik tapos ako naman tahimik na nakatayo lang sa gilid ni ningning at awkward lang silang nginitian nung tumingin sila sa amin.

 

Nagtama rin saglit yung mata namin ni karina pero syempre ako yung agad na umiwas ng tingin. Heh, hiya ako ih.

 

"Nagrereview ba kayo? Sali naman kami!" sabi ni ning tapos hindi na nga niya hinintay pa yung sagot nila at umupo na siya kaagad sa bakanteng pwesto sa tabi ni sassy bff.

 

At ako naman naiwang nakatayo kasi hindi ko alam kung saan ako uupo.

 

Sa pwesto kasi nila ningning, tatlo na sila doon ni sassy bff at yeji.

 

Sa kabilang side naman si crush pati yung isa pang lalaking kasama nila na hindi ko alam yung pangalan, basta familiar lang.

 

Kaklase ko ata nung junior high, hindi ko sure. Basta familiar.

 

Anyway, pang-animan naman yung table kaya pwede pa ako umupo sa tabi ni karina pero nahihiya ako!

 

Pilitin niyo muna ako..

 

Chos!

 

"Omg!" napunta naman yung atensyon namin kay somi na nakatayo sa kabilang side ng table nung bigla siyang magreact ng ganoon, "Are you that cute girl that I met sa library?"

 

Luh siya, huwag mo naman ipagsigawang cute ako baka dumugin ako n'yan. Chos.

 

Nahihiya at awkward na nginitian ko siya kasi katulad ni ningning, agaw eksena rin siya mag-exclaim ng 'omg' tapos napunta rin sa akin yung atensyon kasi ako yung kinakausap. "Hi, somi. And uh.. I'm not sure kung ako ba yung tinutukoy mo pero I guess ako nga 'yon?"

 

I mean, alam ko namang ako yung tinutukoy niyang cute, uulitin ko, CUTE na na-meet niya sa library nung nakaraan pero syempre papa-humble muna ako no. Mamaya assumera lang pala ako tapos may iba pa pala siyang tinutukoy, edi napahiya ako?

 

"You're the cute one I'm talking about! you're so cute talaga, it's making me wanna squeeze your cheeks!" tuwang sabi nito sa akin tapos nilahad niya pa nga yung dalawang kamay niya paharap sa direksyon ko at nag-gesture sa kamay na parang gusto niya kong pisilin.

 

Hindi naman halatang pinanggigigilan niya ako no?

 

Buti nalang at malayo siya sa akin, kung hindi baka lamog na yung pisngi ko kasi feel ko pipisilin niya talaga yung pisngi ko kung abot niya ako eh.

 

"Hoy tama ka na, baka mausog." natatawang saway nung lalaking katabi niya na nakatayo rin.

 

"Aw is our chanchan jealous?" baling ni somi sa katabi niya sabay pisil sa pisngi nito na parang bang gigil na gigil dito kaya medyo napangiwi nalang ako habang pinapanood kong lamutakin ni somi yung pisngi ng kawawa niyang kaibigan.

 

Bigla tuloy akong kinabahan para sa sarili ko. Ayoko na muna lumapit sa kanya.

 

"Aray! ano bang ginawa ng pisngi ko sayo?" Daing ni chanchan? iyon yung tawag sa kanya pero mukhang hindi naman 'yon yung tunay niyang pangalan. "And stop calling me chanchan, nakakawala ng angas uy!"

 

"I'll call you whatever I want and you can't do anything about it," sabi nito sabay baling sa isa pang lalaking kaibigan nila na nakaupo sa tabi ni karina na tahimik lang na pinapanood sila, mukhang sanay na sa antics ng mga kaibigan niya. "Right, jaejae?"

 

"Nananahimik ako rito?" sabi ni jaejae? cute ng mga nicknames ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 61 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1693 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
532 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na